Until He Was Gone – Kabanata 23

Kabanata 23

Break The Rules

Hindi ko alam kung bakit umiyak ako buong gabi. Pagod na pagod na ako at gusto kog magpahinga ngunit hindi ko alam kung bakit dilat parin ako at umiiyak sa kama ko.

Sinubukan kong bumisita sa Facebook, baka sakaling antukin ako pag nalilibang ang mga mata. Iiwasan ko sana ang mga post na tungkol sa trip kaya lang iyon ang naging laman ng Newsfeed. Puro mga bahong upload ng pictures doon. Meron pang naka tag sakin at mga nila-like ng mga pinsan ko.

Napansin ko ang pag like ni Claudette sa medyo marami-raming pictures at sa bawat view ko ng picture na nilalike niya ay madalas nandyan si Elijah at ako. May isang picture na nakatingin si Elijah sa akin habang kumakain ako.

Kumalma ako sa pag iyak ko dahil sa pagkakalibang sa mga pictures pero hindi ko maiwasang ma weirduhan kay Claudette. Lalo na nang kinover photo ni Chanel iyong picture sa White Island kung saan naka pulupot ang braso nI Elijah sa akin. Nag scroll down agad ako sa mga comments.

“You only plan trips when I’m not around, why?” Ang unang comment ay galing kay Knoxx.

“I love you, Knoxx. Uwi ka na dito.” Iyon ang sagot ni Chanel.

“Sweet.” Iyon lang ang comment ni Claudette.

“Alin?” Sagot ni Chanel.

Hindi ko kayang basahin lahat ng comments dahil kinakabahan ako ng husto. I’m sure hindi nila nilalagyan ng malisya iyong mga ngiti namin ni Elijah doon. Bago ako nag log out ay nakita ko naman ang bagong status update ni Elijah sa newsfeed ko.

Elijah Montefalco: We can fool the world, but we can’t fool ourselves.

Kung saan may makahulugang comment si Claudette doon. Sa dami ng nag comment na walang alam at nagpapa as if na may alam, siya lang talaga iyong nakita kong may laman.

Clau Montefalco: Sad truth. It’s wrong but I’m with you both.

Halos itapon ko ang cellphone ko sa malayo at hinagkan ko na lang ang unan ko. Dammit! May alam kaya si Claudette? O masyado ba kaming halata ni Elijah? We really need to stop this. We should seriously stop this. Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa sarili ko at bakit hindi ko magawa?

Kinatok ako ni mommy kinaumagahan. Inaantok pa ako dahil sa pagod ngunit desidido siyang magising ako.

“Klare!?”

“Opo!” Sabi ko habang humihikab pa.

Binuksan ko ang pintuan. Bumungad agad sa akin ang nag aalala niyang mga mata. Akala ko ay may sasabihin lang siya pero nagulat ako nang pumasok siya sa kwarto ko. Hindi niya naman ito ginagawa ng madalas.

“Bakit po?” Tanong ko habang niligpit niya ang nakahilera kong gamit sa may tukador.

Medyo magulo ang mga iyon dahil hindi ko naayos sa pag ligpit kagabi sa sobrang pagod. Pumunta ako sa kama ko at sinubukang iligpit na rin iyon. Nakita kong alas nuwebe na pala ng umaga. Gutom na ako at kailangan ko pang pumunta sa school. Tinulungan na rin ako ni mommy sa kumot ko.

Nakatingin lang siya sa kumot ko habang tinatanong ako ng “Klare, nitong mga nakaraang araw, may napapansin ka bang weird sa school niyo?”

Bumaling ako kay Mommy. Napatingin rin ang medyo chinita niyang mga mata sa akin. “Wala po. Like what?”

“Like… some guys trying to get to know you?” Tumaas ang kilay ni mommy at ngayon natigil na siya sa pagliligpit ng kumot ko.

Kumunot ang noo ko at napangisi, “Wala po akong boyfriend… Uhm, o manliligaw.” Sabi ko habang iniisip si Eion.

“No, No, I’m not talking about manliligaw, Klare. Iyong parang kinikilala ka lang?”

“W-Wala po. Bakit po?”

Humugot siya ng malalim na hininga at nag iwas ng tingin sa akin.

“May mga… kilala ka bang may chinese blood sa school niyo? Lims, Chiongs, Cos, etcetera?”

“My, fil-chinese po sina Liza. Lim ‘yong apelyido niya. Bakit?” Nag taas ako ng kilay.

“Bukod sa kanya? Any guy?”

Napaisip ako sa tanong ni mommy. Marami akong kilalang Filipino-chinese pero dahil biglaan ang tanong niya ay parang hindi ko siya agad masagot.

“Ay, nevermind, forget it.” Aniya at bigla siyang umalis.

Phillip Yap, Hendrix Ty at marami pang iba. Bakit kaya iyon natanong ni mommy?

“By the way, nag away na naman ba kayo ni Elijah?” Tanong ni mommy nang paalis na siya sa kwarto.

“Ha?D-Di po!” I lied.

Ni hindi ko alam kung matatawag ko ba iyong ‘away’.

“Really? Sabi niya kasi sakin ayaw mo rawng sumama sa kanya para kunin ‘yong grades niyo?”

Nanlaki ang mga mata ko. “PO? Kelan niya po sinabi? Hindi naman kami nag away.”

God! Ano ba naman itong ginagawa ni Elijah!

“Ngayon. He’s with Charles sa sala. Waiting for you. Akala ko mula nag college ay magkasundo na kayo finally after almost eighteen years of deadmahan, Klare. Try to get along with him.” At umalis agad si mommy.

Malalim ang paghinga ko pag alis niya. Muntikan na ‘yon ah? At isa pa!? What now? Elijah is here at paano ako makakatakas sa palad niya ngayong nandito siya sa amin. God, I hate that we are related. Palaging may excuse kung bakit nandito siya o bakit kami magkasama.

Nakakunot na ang noo ko papalabas ng kwarto. Naabutan ko agad silang dalawa ni Charles na nanonood ng isang palabas sa Cartoon Network. Nakatoon ang mga mata ng kapatid ko sa TV habang mula nung lumabas ako ay naagaw ko agad ang atensyon ni Elijah.

He’s at it again. ‘Yong mga titig niyang tumatagos sa akin. ‘Yong mga hindi ko kayang tingnan pabalik.

“So you are going with me?” Tanong niya habang pinapanood akong kumukuha ng cereals at nilalagay sa ‘yon sa bowl.

Naligo na ako bago ako lumabas. At ngayon ay nakapagbihis na. Iyon siguro ang naging basehan niya sa pagsama ko sa kanya.

“May magagawa pa ba ako?” Tanong ko habang nilalagyan ng gatas ang cereals.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtayo niya sa sofa namin at pag lapit sa dining table namin. Napaupo ako dahil namamanhid na naman ang binti ko. Bakit ganito?

“Don’t come near me, please.” I hissed.

Ayaw ko talaga. Ayaw ko muna. Alam kong hindi maiiwasan na magkita kami o magkalapit. Kaya lang pakiramdam ko tuwing mangyayari iyon ay mawawala ako sa mga rason ko. Kailangan kong paulit ulit na paalalahanan ang sarili ko na hindi kami pwedeng dalawa.

Natigil siya sa paglalakad. Nakatayo lang ang naka itim na t-shirt na may abstract na disenyo, naka kulay asul na jeans, at naka sneakers na si Elijah sa malayong gilid ko.

“I don’t care about the rules, Klare.” Aniya at nagpatuloy sa paglapit sa akin.

Suminghap ako at nagpatuloy sa pagkain. Umupo siya sa katabing upuan ko at pumangalumbaba habang pinapanood akong kumakain at di man lang siya nililingon.

“God! Elijah!” Sabi ko nang kinakabahan na sa paninitig niya. “Will you stop that!?”

Tumaas lang ang kilay niya at nagpatuloy sa paninitig. Hindi na ako nagsalita. Binilisan ko na lang ang pagkain para makaalis na kami sa bahay at makapunta na ng school. Pagkatapos ay sasama ako sa friends ko para mawala na si Elijah sa araw ko.

“Charles, alis lang kami. Alam na ni mommy.” Sabi ko agad habang nilalagay ang bag ko sa balikat pagkatapos mag toothbrush.

“Okay.” Ni hindi ako nilingon ni Charles.

Nakasunod lang si Elijah sa likod ko habang nagpapaalam kay Charles. Naiimagine ko na ang awkward silence na babalot sa amin sa elevator kaya nagpasya akong sa hagdanan kami dadaan.

“You trying to stay away from awkward moments?” Bulong niya sa likod ko.

Dammit, Elijah. Will you stop being so…

“Umalis na lang tayo, pwede ba.” Sabi ko habang pababa sa second floor.

“Umaalis naman talaga tayo.” Humalakhak siya.

Oh. I did not push his asshole button. Tumahimik na lang ako nang nakababa na kami at naaninag ko na ang sasakyan niya. Pumunta agad ako sa may front seat at hinintay na patunugin niya ang alarm.

Tiningnan ko siya ng matalim nang nakalapit na siya sa akin ngunit di parin bukas ang mga lock ng sasakyan. Hinawakan niya muna ang pintuan ng sasakyan bago niya iyon pinatunog at binuksan para sa akin.

“You don’t have to do this.” Sabi ko agad habang matalim siyang tinitigan.

“I want to do this.”

Tinikom ko na lang ang bibig ko bago ko siya masigawan ulit ng tungkol sa pagiging magpinsan namin. Goodness gracious. This is driving me insane!

“If I want to be sweet, it’s none of your business.” Aniya nang nasa front seat na siya at inaatras na ang sasakyan para makaalis na kami sa Montefalco Building kung saan naroon ang bahay namin.

“You don’t have to be sweet. I’m just your cousin.” Sabi ko nang mas marahan kahit gusto ko na siyang sigawan.

“You are Klare. And I want to be sweet to you because-“

“Stop it, Elijah…” Banta ko.

Nilingon niya ako nang nakakunot ang noo. He sighed heavily. I want to sigh, too. Kaya lang ayaw kong maramdaman niyang pareho kaming dalawa. We need to stop. I’m trying my best. He should, too.

“If I’m in love with you, it’s none of your business.” Bulong niya habang tamad na nag didrive sa green light.

Pinanood ko na lang ang mga sasakyan sa labas para maitago ko ang mga paru-paro sa tiyan kong mapangahas na nabubuhay para sa mga salitang binibitiwan niya. This is forbidden. He’s forbidden.

Nagulat ako nang may biglang malaks na bumusina nang pinaharurot niya ang sasakyan sa pulang ilaw ng traffic light. Bumilis ang pintig ng puso ko at halos mapamura ako sa ginawa niya.

“What the?” Sigaw ko at tiningnan ang seryoso at nakabusangot niyang mukha.

He’s driving with just one hand. I want to punch him! Kung gusto niyang magpakamatay, wag niya akong idamay!

“Red light, Elijah, are you blind?” Singhal ko.

“No, Klare, I’m not blind. Kitang kita ko ang red light. But I want you to know that I’m serious. I can die breaking the rules.”

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi na ako makapagsalita. Kahit noong pinapasok niya na sa school grounds ang sasakyan niya ay wala na akong nagawa kundi tumahimik. Hindi ko na mapigilan ang damdamin ko pero alam ko sa sarili kong dapat. Alam ko kung ano ang tama at iyon ang panangga ko. Iyon lang.

Mabilis akong umalis sa sasakyan niya pagkapark niya. Halos patakbo akong umalis doon at pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa mukha dahil sa lamig nito. Dire-diretso ako sa registrar ng school namin kung saan namimigay ng grades.

Maraming tao. Nakipag kawayan pa ako sa mga kilala ko ngunit hindi ko maalis sa mukha ko ang pirmanenteng pagkawindang.

“Huy!” Agad akong kinalabit ng nilagpasan kong mga kaibigan.

Sa sobrang pagiging preoccupied ko ay hindi ko sila nakita. Sumingit ako sa linya nila. Mas mabuti nga ito. Nandito sina Hannah, Liza, Julia, at Claudette.

Hindi ako makatingin sa titig na titig na si Claudette sa akin kahit na alam kong kakausapin niya ako.

“Kinuha na ni Kuya Azi ang kanyang grades kasama si Josiah kanina, Klare. Ang sabi niya di raw sasama si Elijah sa kanya kasi kayo daw magkasama.” Ani Clau.

Oh God. Her she goes.

“Ah, oo, hinatid-“

“Ah! There he is!” Kumaway si Claudette sa taong nasa likod ko.

Bumungisngis agad ang mga kaibigan ko. Of course he’ll be here. He will find me. He can always find me.

“Pwede kang sumingit dito, Elijah.” Tumawa si Liza. “Dito sa tabi ni Hannah.”

“Thanks.” Narinig ko ang ngisi sa tono ng boses ni Elijah.

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Eion ang nag text. Binasa ko iyon at nabigo sa text niya.

Eion:

Good morning, Klare. Just woke up. Nasa school ka? Ngayon ka ba kukuha ng grades at mag eenrol?

Err. Parang mas gusto kong sumama kay Eion kesa kay Elijah. At least Eion’s safer. Kaya lang, aasa siya pag sa kanya ako sasama. Paano ba ‘yan, e, punung puno na ako ng Elijah sa katawan ko? I don’t even know kung may chance ba ang kahit sinong lalaki pag manligaw sila sa akin. Gusto kong maging kaibigan si Eion pero paano ko siya kakaibiganin kung masasaktan ko siya?

Ako:

Yup. Ngayon siguro.

Agad siyang nag reply.

Eion:

Sasabay sana ako. Tinanghali ako ng gising. See you around. Pupunta siguro ako mamayang hapon.

“Naku! Saan kayo mag lu-lunch, Klare? Pwede pasabay?” Tanong naman ni Julia habang tinitingnan ang nahihiyang si Hannah.

“Oh. Klare and I have some other plans.” Napatingin ako sa sumagot na si Elijah. “May gagawin kaming dalawa pagkatapos dito.”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Napatingin agad ako kay Claudette na may makahulugang pag angat ng labi.

“And what are your plans, Elijah?” Tanong niya.

“Naku! Sayang naman. Di ba kami pwedeng sumingit man lang sa plans ninyong iyan?” Tumawa si Liza na binawi naman agad sa kahihiyan kay Elijah.

“May lakad lang kami, Clau.” Sagot ni Elijah.

Dahan-dahang tumango si Claudette. “Mga lakad na hindi pwedeng sabihin. Okay.” Aniya at binaling ang tingin sa linya.

Matalim kong tinitigan si Elijah. I can’t believe him. Kung mabubuking kaming dalawa, I swear it’s all his godamned fault!


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: