Until He Was Gone – Kabanata 22

Kabanata 22

Maling Mali

Napatalon ako nang nakitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko kasama si Azi at lumipat sa lagoon kung saan kami ni Elijah. Walang imik akong tumayo kaya napatayo din siya at napatingin sa likod ko.

“O, nandito pala kayong dalawa.” Tumatawang sambit ni Azi.

Mabilis akong lumangoy palayo kay Elijah. Sinalubong ko ang mga kaibigan kong nagtatawanan at pinilit kong ngumiti para makisabay sa kanila. Nakatingin na si Hannah kay Elijah na ngayon ay nakatayo parin doon nang nakangisi. And he can’t take his eyes off me. Nag iwas na lang ako ng tingin.

“Elijah? Baliw na ‘to?” Tumatawang sambit ni Azi.

Hindi ko parin siya nilingon. Nakapirmi ang titig ko kay Julia. Aalis na talaga ako dito. Magbibihis na lang ako at maghahanda sa pag alis namin mamaya.

Hindi talaga maganda itong nararamdaman ko. At hindi rin maganda ang inaasal at nararamdaman ni Elijah para sa akin.

“Bihis lang ako.” Sabi ko agad sa kanila at nilakad ang patungo sa dulo ng lagoon.

“Huh? Tapos ka nang maligo, Klare? Ligo pa tayo!” Anyaya ni Julia sa akin.

Ayaw ko na sana ngunit pinilit nila ako pabalik. Hinila nila ako doon at pinigilan. Minsan talaga kailangan mo na lang silang pagbigyan para wala ng maraming tanong. Nagulat din ako nang biglang nagtungo doon ang mga nasa kabilang lagoon. Nakita ko si Eion na nakasabay si Josiah at si Cherry na nakasimangot na bumubuntot sa mga kaibigan niya.

“Alis na lang tayo, Klare. Doon na lang tayo sa cottage.” Sabi ni Elijah sa likod ko.

Halos mag ugat ang mga paa ko sa ilalim ng lagoon. Paano siya biglang napunta sa likod ko. Lumayo agad ako at hinarap siya.

“Changed my mind. Ligo muna ako.” Sabi ko at lumangoy palayo.

Dammit! Alright!? I have to admit. May nararamdaman talaga ako sa kanya at alam kong hindi iyon tama. Dapat ay alam niya ring hindi tama iyong nararamdaman niya. Sana ay lumayo na lang siya sa akin at hayaan na lang ang lahat ng ito. Bakit siya nag lalaro sa apoy? This is awkward and disturbing. Hindi dapat kasi magkadugo kaming dalawa.

“Tumatakbo ka naman ngayon pagkatapos mo akong baliwin kanina?”

Nagtindigan lahat ng balahibo ko nang narinig ko siya sa likod ko. Pagkatapos kong lumangoy ng medyo malayo-layo ay andyan parin siya sa likod.

“Elijah!” Dinig kong sigaw ni Josiah. “Lika dito!” Tumatawang sinabi ng pinsan ko.

Tumingin ako sa likod ni Elijah para tingnan na kinakausap ni Josiah si Cherry habang ang mga kaibigan ko naman ay nag iirapan dahil sa kung ano man ang nalaman nilang marahil ay patungkol din kay Cherry.

“They are calling you-“

“I want to know.” Malamig niyang sinabi.

Kinagat ko ang labi ko. Dammit! Napaatras ako kahit alam kong bato na naman ang hihiligan ko pag nagkataon. Wala akong kawala sa paghakbang niya palapit sa akin.

“Hey, Elijah Riley Montefalco! Will you stop being so… possessive over Klare! May naghihintay sa kanya dito!” Sigaw naman ni Erin sa malayo.

“Elijah.” Para akong nabalik sa aking sarili. “Come on. Stop this.”

“Do you really wanna stop? I don’t wanna stop.” Aniya.

Nag angat ako ng tingin at kitang kita ko na naman ang malungkot niyang mga mata na titig na titig sa akin. I can’t be attracted or worst, in love, with my cousin. This isn’t possible. This is just disgusting. Pero bakit nakakaya kong sikmurain ito? Bakit nakakaligtaan ko?

I am probably just infatuated. This is just a phase. Ganon rin para kay Elijah. He is just infatuated. Maybe he’s just in love with the thought of something forbidden. Dahil para sa kanya, lahat ay pwedeng pwede. Dahil namulat siya na easy ang halos lahat ng babae, walang challenge, kaya ngayon, sa akin siya dahil mas bawal at may challenge.

“Y-Yes, I wanna stop.”

Stop this feelings. Stop everything. Whatever it is.

Kumunot ang kanyang noo at mas lalo pang lumapit sa akin. Hindi ko na siya kayang tingnan. Ang mga titig niyang parehong nakakasilaw at nakakapaso na para sa akin ay hindi ko na kayang harapin.

Dinig ko ang tawanan nilang lahat. We actually look like love birds here pero dahil magpinsan kami ay hindi nila nilalagyan ng malisya. This is just…

“What are you going to do if I don’t stop, Klare?”

Pumikit na ako dahil nilalapit niya ang kanyang mukha sa akin. He’s really freaking hitting on me.

“I will stop y-you, Elijah-“

“What’s with the stuttering words? What’s with the trembling lips? And why are you shaking so badly?” Bulong niyang halos hindi ko na marinig.

Tinulak ko na agad siya dahil nararamdaman ko na ang katawan niya sa akin. God! Will you just stop it! This isn’t right!

Matalim ko siyang tinitigan. Malungkot niya naman akong tiningnan habang umaatras palayo sa akin. Tama siya, nanginginig nga ako ngayon. Hindi dahil nilalamig ako kundi dahil sa mga naiisip kong gulo.

“Goodness! Linga kayong dalawa dito!”

Hinayaan ko siyang tumayo roon at lumangoy na agad ako patungo sa mga kaibigan ko. Narinig ko agad ang mga masasamang salita nina Liza tungkol kay Cherry.

“Dinadaan niya kay Josiah, e. Alam niyang malapit siya kaya ginagamit niya para mapalapit kay Elijah.” Umirap si Liza.

Nilingon ko agad si Cherry na ngayon ay dinadaluhan na ni Elijah dahil sa tawag ni Josiah. Nakita kong sumulyap si Elijah sa akin nang nakakunot parin ang kanyang noo. He isn’t pleased with whatever. Sa kung ano bang sinasabi ni Cherry o dahil doon sa usapan namin kanina.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang may sinabi kay Josiah at umiling ito. Umalis siya kahit na tinatawag parin siya ni Josiah.

“Dammit, Elijah! Where did you hide your freaking balls? Sa CDO? Inabandona mo na kasi di mo kinailangan?” Tumatawang sinigawan ni Azi si Elijah habang lumalapit sa amin at nagmumura.

Umalis lang si Elijah nang hindi lumilingon. Nakita kong babalik na ata siya sa cottage.

“Anyare, Azi?” Tanong ko sa kanya habang pinipigilan sa paglangoy pa.

“Kay Elijah?” Kumunot ang noo niya sa akin. “Ewan ko sayo, Klare. Kayo ang huling nag usap diba?”

Kinabahan ako sa kainosentehan ng tono niya. Ngumisi siya at kinagat ang kanyang labi habang tinitingnan ang may bandang cottage namin.

“Ang gago nun. Nirereto na nga ni Josiah kay Cherry. Sayang talaga! Kung ako sana ‘yong gusto nung babae, naku…” Tumawa siya.

“Bakit? Anong sabi niya?” Tanong ko.

“Ayaw niya raw, e. Ayaw niya lang.” At umalis na si Azi nang may naispatan na namang maganda.

Tumili sina Julia, Liza, at Hannah sa narinig sa pinsan ko. Hindi ko alam pero gusto ko ring tumili at mabaliw at the same time.

“See? Pumayag siya nung date ninyong dalawa, Hannah. Pero kay Cherry, hindi. Hindi niya type ‘yon. Baka ikaw ang type niya…”

Inenjoy ko na lang ang pag s-swimming. Inisip kong hindi na babalik si Elijah at naging tama ako sa hula ko. Hindi nga siya bumalik.

Hanngang sa bumalik na kaming lahat. Alas onse na rin at kailangan na naming kumain, magbihis, at maghanda sa pagbalik sa syudad. Naabutan ko si Elijah na nakikipag inuman na sa gising na gising na si Damon. Busangot na naman ang mukha ni Elijah nang nagkatinginan kaming dalawa.

“Ang K-KJ niyo!” Reklamo ni Azi sa dalawang nag iinuman doon.

Nagkakasundo pa kami ng sarili ko, pero lately, parang hindi na. Lalo na pag nanginginig ang binti ko tuwing tinititigan niya ako. Ang tagal kong mahanap ang tuwalya ko para sana makapunta na sa banyo at makapag bihis.

Hinagis ng bigla ni Elijah sa akin ang tuwalya ko. Nagkatinginan na naman kaming dalawa. Ngayon ay mukha parin siya galit at malungkot habang poker face naman ang ipinapakita ko sa kanya.

Panay ang iwas ko kay Elijah nang pauwi na kami. Panay naman ang tingin niya sa akin gamit ang malungkot na mga mata. Hindi ko na siya tinitingnan kahit na may nag uudyok sa akin. I just need to stay away from him. Mawawala din itong nararamdaman ko. I’m pretty sure of that.

Mabilis ang naging byahe pauwi. Kasi naman pagod kaming lahat. Hindi na gaanong maingay dahil kung hindi tulog ay tulala naman ang lahat. Nakatulog nga si Eion, ngunit ako, tulala lang.

Habang nagbabyahe na kami papuntang Cagayan de Oro ay humihilik na si Rafael sa gilid. Nahuhulog na rin ang ulo ni Eion sa akin. Noong una ay kinakabahan pa ako. Pero kalaunan ay wala akong nagawa. Sumandal siya sa balikat ko nang hindi niya namamalayan.

Nakatulog rin ako nang nakahilig sa salamin. Nagising na lang ako nang nasa syudad na kami. Medyo dumidilim na at naaninag ko na ang mga ilaw ng mga street na pamilyar sa atin.

“Sa divisoria na lang idadrop ‘yung iba?” Ani Chanel.

Sumang ayon naman ang lahat. Nilingon ko ang nakatingin na si Eion sa akin. Medyo magulo ang kanyang buhok at mukhang kakagising niya lang rin.

“Sorry, humilig pala ako sayo.” Aniya.

“It’s okay. Humilig din ako sayo nung papunta pa tayong Camiguin.” Sagot ko.

Biglang tumigil ang sasakyan. Nakita kong lumabas si Rafael at sinalubong siya ng body guard ng kanyang daddy.

“Tara na, Dame!” Aniya sa kanyang kapatid na tamad na umaalis sa sasakyan.

“Dito lang rin kami, Klare!” Anang mga kaibigan ko.

“H-Ha? O sige.” Sabi ko sabay kaway sa kanila.

Nakita kong medyo ayaw pang umalis ni Hannah sa kinauupuan niya.

“Bye, Hannah, Julia, Liza!” Bago sinarado ni Elijah ang pintuan.

“Sinong papahatid?” Tanong ni Azi na ngayon ay siyang nag dadrive ng van habang tulog si Josiah sa front seat.

“Kina Klare lang ako. Iniwan ko ang sasakyan ko sa parking lot nila.” Ani Elijah sa likod ko na agad umupo sa tabi ko.

Oh, dammit! Tumingin na lang ako sa labas. Mabuti na lang at nasa malapit lang ang bahay namin. Hindi rin magtatagal at aalis na rin ako at uuwi na si Elijah sa kanila. We need space. A lot of it.

“Sinong kukuha ng grades bukas sa school?” Tanong ni Erin sa likod. “Ikaw Klare?”

“Siguro.” Utas ko habang nag iisip.

“Ako, baka sa susunod na araw pa. Ikaw Clau?” Tanong niya naman kay Claudette.

“Siguro rin.”

“Sabay tayong kumuha ng grades bukas, Klare. I’ll fetch you early.” Ani Elijah.

Natahimik silang lahat. Hindi ko alam kung bakit pero tahimik kaya kinabahan ako. Mabuti na lang at binasag ni Azi ang katahimikan.

“Kung sana ay pumayag kang makipag date kay Cherry, edi sana kayo ‘yong kukuha ng grades pagkatapos ay mag di-date. Tss.” Medyo matabang niyang sinabi.

“Azi, will you stop bringing that topic back? Kung gusto mo ay kayo na lang.”

“Oh! I thought ngayong nasa CDO na tayo, makukuha mo na ulit ‘yong balls mong nawala. Wala parin? Must’ve left it somewhere far, huh?” Tumawa si Azi.

“Shut up.” Humalakhak si Elijah.

Tinigil ni Azi ang sasakyan sa tapat ng bahay namin at nakita ko agad ang Chevy ni Elijah sa lot namin. Dammit. Bababa rin talaga siya.

“Bye!” Tumawa si Elijah at naunang bumaba sakin.

Napalunok ako at pinasadahan ng tingin ang mga pinsan kong nakapikit except sa malapusang mata ni Claudette.

“Bye, Klare.” Ngumisi siya sakin.

“Bye.” Sabi ko at lumabas na.

Pagkalabas ko ay agad pinaandar ni Azi ang sasakyan na para bang nagmamadali.

“That asshole…” Ani Elijah nang napansin ang biglang pagkaripas ng sasakyan.

“Pahinga na ako.” Sabi ko nang di ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya.

“Hey, wait…”

Hindi ko siya nilingon. Dumiretso ako sa nakabukas na elevator. Mabilis ko itong sinarado at nanlaki ang mga mata ko habang nakikita si Elijah na muntik nang maabutan ang pagsarado nito.

“Dammit!” Sigaw niya sa labas nang tuluyan itong sumara.

Kumalabog ang puso ko at hinintay na mag third floor. I’m sure he’s running like an idiot right now. Nang tumunog ang elevator bilang hudyat ng paglabas ko.

Naririnig ko na ang footsteps niya sa hagdanan. Sabi na, e! Siguro dalawang baitan kada hakbang ang ginawa niya! Mabilis din akong umakyat sa hagdanan at kahit na ramdam ko nang aabutan niya ako ay umakyat parin ako sa hagdanan. Kumalabog ang hagdanan nang inakyat niya ito at hinila ang braso ko.

We’ve got CCTV here. Hindi naman si mommy o daddy ang nag chi-check ng mga iyon at hindi naman siguro magkakaroon ng problema, diba?

“Why won’t you talk to me! Dammit! You are making me so damn frustrated!”

Napapikit ako sa biglaan niyang pagbu-burst out. Huminga ako ng malalim at hininaan ang boses ko. Just a whisper. Enough for him to hear what’s really going on my head.

“Elijah, we are cousins. Kung ano man iyong nararamdaman mo sa akin, wag mo nang pagtuonan ng pansin ang mga iyon. Kasi kung hindi mo nakikita, hindi na ito tama-“

“You really think you’re the only one going through that, Klare?” Mariin at pabulong niya ring sinabi sa akin. “I’m so damned too. I can’t be in love with you.”

Pinikit ko ng mabuti ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mga salita niya.

“But what am I going to do now? Now that I am?” Aniya gamit ang boses na bigung bigo.

“Elijah, mali talaga ito. Maling mali.” Umiling ako.

“I know, baby…” Mas lumambing ang boses niya.

Nag angat ako ng tingin sa mga mata niyang halos gumiba sa bawat pader na sinubukan kong itayo. This is just so wrong. So damn wrong.

“Hindi lang ikaw ang nag isip ng ganyan. Kinalaban ko na rin ang sarili ko. And I told you, I got defeated. I will not run from it. I will not run from you. I can’t.” Aniya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d