Until He Was Gone – Kabanata 21

Kabanata 21

 

 

Kinaumagahan ay nagmadali kami dahil pupunta raw kami sa hot spring. Dapat ay sa susunod na araw pa kami uuwi kaya lang ay nalaman namin na magre-release na raw ng grades bukas at puwede na raw mag-enroll. Ayaw nilang maiwan sa kani-kanilang mga block kaya ‘yon at nagdesisyon na umuwi na lang. Hindi bale, na-enjoy naman namin ang trip dahil sa beaches.

Alas sais ng umaga, humihikab ako habang umuupo sa gazebo ng resort. Nasa dagat na sina Elijah at Azi na parehong nakasakay ng jet ski kasama si Brian.

“Kain ka, Klare,” sabi ni Erin at tinawag iyong waiter.

Binigyan din naman ako ng breakfast menu. Nilapag ang mga pagkain sa loob lang ng ilang minuto. Maganda sa resort na ito. Siyempre, ito rin naman ang pinakasikat na resort sa buong Camiguin.

“Wohooo!” Sigaw nang sigaw ang mga kaibigan namin habang nagtatawanan sina Azi at Elijah sa paghahabulan gamit ang jet ski.

Tutok na tutok naman ako sa kanila ngayon dahil may kaunting pangamba ako. Baka kasi kung mapano na naman sila.

Nakatulog ako kagabi at hindi ko alam kung natulog na rin ba si Elijah. Ang alam ko ay huling tingin ko sa kanya ay nakatitig pa rin siya sa akin. Hindi na ako nagsalita. Pakiramdam ko masisira ko lang kung magsasalita pa ako. Hindi rin siya nagsalita.

“Mauuna ba sa Katibawasan Falls bago Ardent, Ate Chanel?” tanong ni Erin sa pinsan kong nakikipagbulungan sa boyfriend niyang nasa gilid.

“Uh-huh. Uuwi na tayo. Say, by 2pm. May tickets na tayo. Pagkaabot ng mga one, pack-up na agad.”

Tumatawa ang mga pinsan ko. Ang gulo nila nang bumalik sa gazebo. Umiling na lang ako at nakita kong humikab si Elijah at kinusot niya ang kanyang mata. Natulog kaya ito? Nang tumama ang tingin niya sa akin ay iginala ko agad ang mata ko sa dagat.

Hindi pa masyadong mataas ang araw. Siyempre, alas sais pa lang naman. Kaya lang ay sa pagmamadali namin, kailangan na naming pumunta ng Katibawasan Falls. Hindi na kami pumunta sa ibang spots ng Camiguin dahil napuntahan na rin naman namin ang mga iyon noon.

“Klare, tubig,” sabay bigay sa akin ng isang bote ng mineral water ni Eion.

“Thanks.” Tinanggap ko iyon at nilagay sa gilid ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami gaanong nag-uusap. Kahit nasa sasakyan kami ngayon ay wala kaming imikan. Hindi naman rin namin kailangan pang magsalita dahil ang dami-dami namang topic na naiisip si Josiah at Azi sa harap.

Mukhang hindi naman ipinagkalat ni Elijah ang tungkol kay Damon kagabi. Kasi kung ipinagkalat niya iyon, malamang ay laman na siya ng usap-usapan ngayon. Nilingon ko si Damon na ngayon ay mahimbing ang tulog sa kanyang kinauupuan. Puyat siya kagabi. Marahil ay mas matagal pa itong nakatulog sa amin ni Elijah.

“Klare, pakibigay ‘to kay Eion.” Sabay abot ni Liza sa akin ng chichirya.

Kahit na puwede namang siya na lang ang mag-abot nito kay Eion ay idinaan niya pa sa akin. Ngumisi siya, si Julia, si Erin, at si Hannah na katabi ni Elijah.

Alam ko ang mga binabalak nila. Gusto nilang magkaayos kami. Oo, maayos naman kami. Hindi naman ako galit sa kanya pero maiintindihan ko kung magalit man siya sa akin. Gusto kong mag-sorry sa kanya ngunit alam kong ‘di mapapawi ng sorry ko ang ginawa ko. Papahupain ko na lang muna ito bago ako hihingi ng tawad.

“Eion, o,” sabay bigay ko sa kanya ng junk food.

“Thanks,” aniya at kumuha rin.

Kinuha niya iyon sa akin at ipinasa naman kay Azi sa harapan.

“God, make-up already,” dinig kong sinabi ni Erin sa likod.

Bumungisngis sina Julia at Hannah sa likod. Tumingin na lang ako sa labas kasi nakita kong nilagay ni Eion ang kanyang earphones sa tainga.

“So, kumusta na kayong dalawa?” Tumawa si Liza nang inusisa ang kung sino man sa likod.

“Hmm. Ano ba kayo, nakakahiya,” ani Hannah.

Tingin ko ay inuusisa na naman nila sina Elijah at Hannah.

“May ibang gusto si Elijah,” sabi ni Hannah para matigil sila sa kanilang tawanan at tilian.

“Totoo ba ‘yon?” tanong ni Erin.

Tumawa si Elijah. “Tumigil nga kayo,” aniya.

Umirap ako sa kawalan at pinagpatuloy ang pakikinig. As if I have a choice. Kung sana ay puwedeng i-off ang tainga at mag-concentrate na lang sa masukal na kagubatan na dinadaanan ng sasakyan ay ginawa ko na.

“Sino naman? Si Cherry?” tanong ni Julia.

“Oo, si Cherry. ‘Di ba, Klare?” Tumawa si Liza at naghintay ng kumpirmasyon sa akin.

“Dunno, maybe.” Iyon ang tanging nasabi ko.

“Huh? Bakit ko siya magugustuhan—” ani Elijah na pinutol naman ni Liza.

“Nakita namin kayong nag-uusap kagabi sa seashore.”

Doon pa lang sa sinabi ni Liza ay nagkabuhol-buhol na ang sikmura ko. Na-imagine ko agad si Elijah na nakapamulsa at si Cherry na nakangiti habang naglalakad sa buhangin.

“Naglakad-lakad akong mag-isa, nagkita kami. Nothing special,” paliwanag ni Elijah.

Err. Kahit na, hindi iyon naging sapat para matigil ang paghuhuramentadong nararamdaman ko. Nagpatuloy sila sa kanilang pang-i-interview sa dalawa hanggang sa nakarating kami ng Katibawasan Falls.

Maganda roon. Maganda ang falls. Marami kaming kinuhang pictures. Naligo sa malamig na tubig sina Azi, Rafael, at iba pang kaibigan ni Chanel.

“Hindi ka maliligo?” tanong ni Eion sa akin.

Umiling ako habang tinitingnan ang mga naliligong nanginginig sa lamig.

“Hindi rin ako maliligo, kung ganoon,” aniya.

Nilingon ko siya at nakitang umalis sa gilid ko. Naglakad siyang mag-isa sa gilid ng lagoon. Kinagat ko ang labi ko at hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Tumunganga lang ako habang nakikita siyang kinakausap ang isang kaibigan ni Chanel na lalaki at naliligo sa lagoon. Ginulo niya ang kanyang buhok at nagpatuloy siya sa paglalakad.

I’m sorry, Eion.

“Makatitig ka, akala mo mawawala siya, ah?” Humalakhak si Elijah sa gilid ko.

Siya naman ang binalingan ko ngayon. ‘Di tulad kay Eion na naka-T-shirt, nakaputing sleeveless shirt si Elijah. Iyong tipong sinusoot niya tuwing magji-gym. Kita ang kaunting detalye ng tattoo sa kanyang dibdib. Humilig siya sa batong katabi ko at tiningnan akong mabuti.

“So, nagka-insomnia ka kagabi?” tanong niya sa akin nang nakangisi at nakataas ang kilay.

Bakit kaya ito ang napili niyang maging topic? Hindi ko alam. Hindi ko gusto ito. Nag-iwas ako ng tingin.

“Nakatulog kasi ako sa biyahe patungong port kaya siguro ‘di ako masyadong puyat.”

Nakita kong tumango siya sa gilid ng aking mga mata.

“So it’s not because of me.” Naging malamig ang boses niya kaya agad ko siyang binalingan.

Why are you doing this to me, Elijah? Do I need to slap it to you? Na hindi puwede kung ano man itong pinaparamdam mo sa akin?

“Let’s go! Come on, guys! Ardent na tayo!” sigaw ni Chanel sa likod namin.

Nilingon ni Elijah si Chanel. Ni hindi niya ako tiningnan nang sinabi niyang…

“Alis na tayo, Klare.” At biglang umalis sa tabi ko.

Nangatog ang binti ko sa kinatatayuan ko. Bakit? Bakit ganito? Ako iyong hindi dapat interesado sa kung ano mang nararamdaman niya dahil alam ko ang tama pero bakit ako ang lubos na nanghihinayang sa pag-alis niya? I want him to stay beside me. It’s sick. It’s a mess.

Tumitingala ako habang naglalakad pabalik sa sasakyan. Hindi na ako naghanap ng makakasama pabalik doon dahil natatakot akong makita nilang medyo naiiyak ako.

Kinalma ko ang sarili ko bago ko pinasok ang sasakyan. Nakita ko ang nakahalukipkip at nakakunot noong si Elijah sa likod ng upuan ko. Pinagmasdan niya akong mabuti habang pumasok ako at umupo. Sumunod naman sina Eion at ang iba pa naming kaibigan.

I still really can’t believe that I’m in this situation. Tumigil pa si Claudette nang tiningnan kung sino na ang nasa loob ng van. Nasa labas siya at nakatingin siya sa akin. Naka-fishtail braid ang kanyang buhok at lumalabas ang maliit niyang dimple sa pisngi habang ngumunguso siya.

“Pasok na, Dette,” sabi ni Azi na kakapasok lang din sa front seat.

“Kung medyo magkagalit pa kayo ni Eion, Klare, puwede namang palit muna sila ni Elijah.” Ngumisi siya at agad pumasok.

Nagulat ako sa sinabi niya. Halos maestatwa ako sa kinauupuan ko.

“Anong sabi ni Clau?” tanong ni Azi sa akin.

Ipinagkibit-balikat ko iyon. Hell, I won’t repeat what she just said. Isa pa, hindi naman iyon pinansin ng lahat. Walang pumansin doon dahil perpekto naman ang inuupuan naming dalawa ni Elijah. Him beside Hannah and me beside Eion. Sino ang hibang na guguluhin pa iyon?

Nang dumating na kami sa Ardent Hot Spring ay naengganyo na akong maligo. Hindi kasi kaya ng katawan ko ang malamig, manginginig lang ako at hindi mag-e-enjoy, itong mainit na spring lang ang gusto ko.

Nag-unahan pa ang mga kaibigan nina Chanel sa hot spring. Sumama sina Rafael at Josiah sa kanila. Si Damon naman ay nakahilig sa upuan at tulog. Puyat na puyat.

“Ano ba itong si Damon? Kada lingon ko sa kanya ay tulog!” sabi ni Azi at nilapitan ang pinsang mahimbing ang tulog.

Bumungisngis si Julia. “He looks so angelic ‘pag natutulog. Pero paggising parang lider ng gang! But still, so cool and guwapo.” Kinilig pa siya habang sinasabi iyon.

Umiling na lang ako at pinagmasdan ang hot spring na kaunti pa lang ang naliligo. Dalawang grupo lang ‘ata ang narito. Maaga pa kasi. Alas otso pa lang ng umaga.

“Hala! Sina Cherry?” sabay turo ni Hannah sa kanyang karibal.

Tama siya. Nakita ko agad ang nakakulay brown na two-piece at may maiksing buhok na babae. Nakilala ko agad siya dahil sa kanyang buhok. May isang kaibigan siyang itinuro ang cottage namin. Lumingon siya at nagulat. Kumaway siya bago lumusong sa tubig.

“Tara na!” Tumawa si Azi at kinaladkad si Elijah patungo sa kinaroroonan nina Cherry.

Umismid naman si Hannah dahil sa inasal ni Elijah. Siyempre, nagpatianod ang mokong sa malanding si Azi. ‘Yon at nakita ko pang naghubad ng sleeveless shirt at ipinakita ang kanyang katawan. I feel you, Hannah.

“Ba’t mo kasi tinuro?” tumatawang sambit ni Julia.

“E, makikita niya rin naman,” paliwanag naman ni Hannah.

“Lika na! Maligo na tayo! Tingnan natin! Ha!” wika ni Liza.

Magkakapit-kamay silang pumunta roon pagkatapos hinubad ang mga suot na T-shirt. Naka-two-piece  na silang lahat. Narinig ko pang sumipol sa malayo si Azi dahil sa pagpapakita nila ng balat. The jerk is at it.

“Di ka ba maliligo, Klare?” tanong naman ni Eion sa akin.

“Maliligo. Mauna ka na. Magbibihis pa ako,” sabi ko.

Tumango si Eion at umalis din.

Of course, he’ll go to Cherry. Pero siyempre, hindi ko siya papangunahan doon. Pinagmasdan kong mabuti ang bawat lagoon. Ang alam ko ay habang palayo ka nang palayo ay mas umiinit ang tubig. Iba-iba kasi ang init ng tubig sa bawat lagoon dito. Nasa gitna at pinakamalaking lagoon sina Elijah kasama sina Cherry. Ang mga kaibigan naman ni Chanel ay nasa baba at abala sa pictorials.

Nagulat ako nang nakitang kumaway si Cherry kay Eion ngunit hindi iyon pinansin ni Eion. Napawi ang ngiti ni Cherry sa malayo. Hindi rin lumapit si Eion sa lagoon nina Cherry. Imbes na maligo ay pinagmasdan ko silang lahat nang mabuti. Hanggang sa napunta na lang si Eion doon kina Josiah sa baba.

“Maligo ka na, Klare. Dito lang ako,” ani Claudette na siyang naiwan kasama ko at ni Damon sa cottage.

“Oo.” Tango ko.

Ang totoo, nandito na naman ako sa parte kung saan nahihiya akong maghubad ng suot para lang mag-two-piece. Wala talaga akong confidence na ipakita ang katawan ko dahil wala naman akong maipagmamalaki.

“Hubarin mo na. I like your body. Nakakainggit kasi hindi ka nakakaakit tingnan sa two-piece.”

Bumaling ako kay Claudette. Hindi ko alam kung maganda ba iyong sinabi niya o nakakainsulto.

Tumawa siya. “Don’t get me wrong, that’s a compliment. “Pag kasi naka-two-piece ako nakaka-conscious ang puwet ko, e. Mas gusto ko ‘yong nipis ang katawan para hindi masyadong mapansin ang kahit anong parte.”

“Thanks, Clau. Though, I’m still not sure if that’s really a compliment.”

Tumawa siya. “It is.”

Ganunpaman ay mas tumaas ang self-esteem ko sa sinabi niya. Hinubad ko ang suot kong shorts at loose T-shirt.

“Galit ba si Eion sa akin?” Nagulat ako sa basang babae na nagtatanong sa likod ko.

Naaninag ko si Cherry na nakakunot ang noo.

“Iniiwasan niya ako, e. Galit siya,” sabi ni Cherry.

Umiling ako. “Hindi ko alam. I-I mean, hindi. Subukan mong kausapin.”

Nilingon namin ang grupo nina Josiah na ngayon ay umaakyat sa lagoon kung nasaan sina Elijah. Ngayon nasa iisang lagoon na silang lahat. Naroon na rin si Eion.

“Kanina niya pa ako ‘di pinapansin. Ano kayang problema nito?” tanong ni Cherry sa kanyang sarili.

Hindi na siya nagpaalam. Agad niya nang pinuntahan ang lagoon para lumapit kay Eion.

“Klare, baka maunahan ka,” sabi ni Claudette sa akin.

Hindi ako nagsalita. Dumiretso lang din ako sa lagoon habang maingat na naglalakad nang nakapaa. Hindi ko na tiningnan kung pinapanood ba ako nino habang naglalakad patungo roon suot ang kulay itim kong two-piece. Saka lang ako naggala ng paningin nang nasa lagoon na ako.

Naabutan kong tumatawa si Cherry at hinihila ang braso ng umiiling at mukhang bad trip na si Eion.

Lumangoy ako patungo sa gitna. Iginala ko ulit ang tingin ko patungo sa mga kaibigan kong nakikipag-usap kay Azi at Elijah. Nakita kong tumatawa si Elijah habang nakikipag-usap kay Hannah. Surely, she’s happy that Cherry is pursuing Eion.

“Klare, iniiwasan ni Eion si Cherry pero grabe ang landi rin ng babaeng iyan at hinihila pa si Eion,” ani Erin na biglang sumulpot sa likod ko.

“Hayaan mo na. Okay lang naman,” sabi ko.

Kumunot ang noo niya sa akin. “Huwag ka ngang bitter. Sige na! Lapitan mo! Own him,” sabay tingin naming dalawa kay Eion na ngayon ay nakikipag-usap at nakikipag-ngitian na kay Cherry.

Umiling si Eion kay Cherry at bigla niyang tinalikuran ito. Nagulat ako roon.

Tumawa pa si Erin. “See? He’s really serious about you.” Nakita naming ngumuso at nabigo si Cherry bago siya bumalik sa kinaroroonan ni Elijah.

Bumaling ako kay Elijah na ngayon ay nakikipagbasaan na kay Hannah. What a sight! Hindi lang iyon, patungo pa si Cherry! I would most probably witness a cat fight between his two admirers.

“Giniginaw ako,” sabi ko sa mainit at halos nakakapasong tubig para lang makaahon.

Mabilis akong umahon at nagpasyang umalis sa lagoon na iyon. Kung dapat ay mapag-isa ako para lang hindi na ako makareklamo sa mga bagay na nakikita ko ay gagawin ko. Kahit na mukhang nakakatakot at may buwaya sa kabilang lagoon ay roon ako tatambay.

Lumangoy ako sa kabila at mas mainit na lagoon at umupo na lang sa may bato. Ako lang mag-isa rito. Halos dinig ko na ang mga ibon sa mga punong nakapalibot sa buong spring. Naririnig ko rin ang agos ng tubig at tawanan sa kabila. I would rather be here alone.

God, this trip is a disaster. Kinukurot ang puso ko habang iniisip kung ano ang mga nangyari. Pumikit ako at nag-concentrate sa paghinga ng pirmi hanggang sa may narinig akong bumagsak sa tubig.

Dumilat ako para tingnan ngunit wala akong nakita kundi tubig na gumagalaw patungo sa kinauupuan kong bato. I was about to scream when he showed up in front of me. Bumilis agad ang pintig ng puso ko. Dammit! Why? How will I end this?

Nag-iwas ako ng tingin sa Elijah’ng nasa harap ko. Umupo siya sa harap ko para maging lebel ang paningin naming dalawa. Hindi ko pa rin siya kayang tingnan. Humalukipkip na lang ako at tiningnan ang lagoon.

“Ba’t ka mag-isa?” tanong niya habang hinahanap ang paningin ko.

“Ikaw, ba’t ka nandito?” pabalik kong tanong.

“Kasi nawala ka roon,” tumatawa niyang sinabi.

Dammit! ‘Wag kang tatawa-tawa ngayong pangit ang pakiramdam ko sa’yo. Hindi ko pa rin siya matingnan kahit na hinuhuli niya na ang tingin ko.

“Hey,” aniya at hinahanap ang mata ko.

Panay ang lipat ko sa pagtitingin sa mga gilid. Nang ‘di na siya makatiis ay hinawakan niya na ang baba ko at nilingon iyon sa mukha niya. Nagtama ang paningin namin. Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.

“Hey, you jealous?” natatawa niyang sinabi.

Mas kumunot pa ang noo ko.

“Selos ka ba kay Eion at Cherry?”

Agad akong umiling at nag-iwas ng tingin sa kanya. Hinawakan niya ulit ang baba ko at hinuli ulit ang mga mata ko.

“Then, you’re jealous of me and Hannah?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at nag-iwas na lang ng tingin.

“You are jealous of me and Hannah,” aniya na parang natatawa.

Hindi ko magawang umiling. Hindi ko rin magawang umo-o. Actually, nagseselos ako sa kanilang dalawa. Kay Cherry at Hannah na parehong interesado sa kay Elijah.

“Oh fuck. You are jealous of me and Hannah!” Mas natatawa niyang sinabi at hinawakan ulit ang baba ko.

Hinawi ko agad ang kamay niya. Ayaw kong magkatinginan kami at baka makumpirma niya lang sa mga mata ko.

“Klare, nagseselos ka!” ulit niya na parang tuwang-tuwa.

Shit!

I can’t even deny it! I can’t even walk away. This is killing me.

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.