Until He Was Gone – Kabanata 20

Kabanata 20

Sleep Talking

Nanginginig ang binti ko kahit na nakaupo lang ako. Para akong lumulutang sa hangin. Ni hindi ko nilingon na umalis si Elijah. Hinayaan ko lang siya na lumayo sa akin. That’s it. You need to go. Dahil kung hindi ka aalis ay baka…

Kahit aling anggulo ko tingnan, mali ito. Mali itong nararamdaman niya para sa akin. Mali itong lahat. We are cousins. Blood related. Kahit na sabihin kong hindi naman talaga kami close ni Elijah noong bata pa kami hanggang high school ay hindi ko maipagkakaila na mali parin talaga ito. Nakilala ko siya bilang pinsan. This is so wrong. Bakit at paano ko ito naramdaman ay hindi ko alam.

Hinihingal at nanginginig na bumalik si Azi at Josiah sa kinauupuan ko. Tumatawa sila habang tumutulo iyong tubig dagat sa kani kanilang mga buhok.

“Damn, see her rack, Azi?” Sabi nI Josiah habang tinititigan ang isang kutis porselanang babae na namumula dahil sa init ng araw sa kabilang banda ng isla.

“Asan si Elijah, Klare?” Tanong ni Azi habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok.

“Dunno.” Simple kong sagot.

“What?” Natigil siya at tinitigan niya akong mabuti. “Away na naman ba kayo?”

“Hindi, Azi.” Sabi ko nang medyo naiinis.

I want to be alone, too. Kaya lang, saan ako pupunta? Kung aalis ako ay baka makasalubong ko lang si Elijah. I would rather be alone with these two.

“Did you push the asshole button again at nag walk out na naman siya dahil sayo?” Sabi ni Azi ng natatawa.

Alam kong nagbibiro siya pero ngayon ay parang na offend ako. Kasi iyon ang totoo. Nag walk out nga siya dahil sa akin. Inirapan ko siya at pinigilan ko na lang ang sarili kong magsalita.

Hindi ko na namalayan ang oras. Tumunganga lang ako roon sa gulong na duyan dahil gusto ko munang mapag isa. Nang nagpasya na silang umalis dahil lumulubog na ang araw, doon lang ako nakihalubilo sa lahat.

“Oh, Klare, hindi ka ata sumunod?” Nagtaas ng kilay si Erin sa akin.

Umiling ako, “Too tired.”

Nahagip ko ang mga mala pusang mata ni Claudette na agad niyang tinanggal sa akin. Nagligpit siya ng gamit sa gilid ko. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya sa gilid ng aking mga mata.

“Where’s Elijah?” Bulong niya habang nagliligpit nang di tumitingin sakin.

“Dunno.”

“Oh, there he is.” Bigla niyang sinabi nang nag angat siya ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko at nagtama agad ang paningin namin ni Elijah. Nakapamaywang siya habang kausap si Josiah at Azi na parehong tumatawa. Kunot ang kanyang noo nang tiningnan ako. Dug-dug. Ayan na naman ang hataw ng puso ko. Bumaling agad ako sa bag kong pinulot ko na at nilagay sa balikat. We need to go. I want to go home and just end this. I can’t stand seeing him this much in a day.

Siniko agad ako ni Hannah habang naglalakad kami pabalik sa bangka.

“Narinig ko nagseselos ka daw kay Cherry kaya medyo magkagalit kayo ni Eion ngayon?” Tanong niya.

Umiling ako. “Uh, hindi naman.”

“Asus! Itong si Klare. Kunwari ka pa.” Ani Julia.

So that’s how they see it. Ilang beses ko mang ideny, iyon ang nagiging konklusyon nila. Bakit? Anong sasabihin kong rason kung bakit medyo off ako? Na magkagalit kami ni Elijah? Na may nalaman ako tungkol sa kanya? Na gusto niya ako? At ako rin ganun sa kanya?

Hindi ko alam kung ilang oras kong inisip ang tungkol sa amin. Maging sa pagbalik namin sa Resort ay iyon ang naging laman ng utak ko. Halos hindi ko na ma enjoy itong trip namin dahil sa pag iisip tungkol doon.

Dahil sa pagiging malamig namin ni Eion sa isa’t-isa, mas lalo tuloy nila kaming tinutukso.

“Ipag tabi ang dalawa. Uyy, bati na ‘yan.” Sabay tawanan nila.

Dammit! I want to be alone so much. Hindi na ako makangiti sa panunukso nila. Sinusubukan ko naman pero ang nagiging resulta ay ang ngiti kong awkward.

“Wag nang magselos, Klare.” Sabi ni Hannah.

Matalim ko siyang tiningnan. Kaya lang ay mukhang hindi niya napansin ang talim ng tingin ko dahil kinindatan niya pa ako. Para bang kailangan ko pang magpasalamat sa kanya kasi tinutukso na naman nila kami.

“Mag selos kanino?” Sawsaw ni Azi.

Nginuya ko na lang ang pagkain ko. Matagal akong makaubos ng pagkain. Silang lahat, nag iinuman na. Ako na lang ang may pinggan parin hanggang ngayon.

“Duh!” Umirap si Chanel sa walang ka muwang muwang na si Azi.

Ngumisi si Azi sa akin at tiningnan niya si Eion na nasa tabi ko lang. Nagpabalik balik ang kanyang titig sa aming dalawa habang sumisimsim ng beer.

“Kay Eion?” Tumawa si Azi.

“Tumigil ka, dude.” Medyo seryosong sinabi ni Eion.

Oh God! Am I going to be the topic for tonight? Ayaw ko. Gusto ko lang talagang mapag isa. Nag angat ako ng tingin kay Azi para sana tapunan siya ng matalim na titig ngunit naabutan ko ang nakakunot na noo ni Elijah at naka pabalikbalik ng pag igting ng kanyang bagang habang nakatingin sa amin at nilalaro ang isang bote ng San Mig Light.

“Oh! Akala ko sila ni Elijah ‘yong World War!” Tumawa si Azi. “‘Kala ko away sila. Si Eion at Klare pala? Finally, someone else is annoyed with Klare other than her frequent enemy.” Binalingan ni Azi ang may masamang titig na si Elijah sa kanya.

Great! Just great! Mabuti na lang at humupa rin ang usap usapang tungkol doon. Napunta kami sa mga rides ng resort na ito at sa mga taong nandito.

“Dito ba tumuloy sina Cherry?” Sabik na tanong ni Azi kay Chanel.

“Oo. Ba’t di mo alam? Hindi mo pala kasama si Elijah kanina nung nakausap niya si Cherry?”

“Shhh!” Angal agad ni Elijah.

Titig na titig ako sa isang baso ng tubig habang nakikinig sa usapan nila kanina.

“Fuck, dude, di mo sinabi!” Medyo naiiritang sinabi ni Azi.

“Is it even important?” Malamig namang utas ni Elijah.

“It is! Gusto mo ata siyang ma solo kaya ayaw mong sinasabi sa akin.”

“What?” Halata ko ang pagkakairita ni Elijah sa sinabi ni Azi.

“Oy, oy, Elijah. Ang dami na, ah? Nandito pa kaya si pretty Hannah.” Sabi naman ni Erin.

Nakita kong pumula ang pisngi ni Hannah sa sinabi ng pinsan ko. So effing great, right! Di talaga siya kinakapos ng babae. I hope they’ll just leave Elijah’s love affair topics. Hindi ko gusto ang mga iyon. At ayaw kong makialam.

Nagpasya ang lahat na pumunta na sa kani kanilang nirentahang dorm type rooms. Iyon ang gusto nila dahil mas masaya daw pag marami ang nasa rooms. I couldn’t agree more. Sino ba naman ang may gustong sa suites kami? At ilan sa kada room? Dalawa lang? Who would be my partner, then. I guess I’m pretty sure it will be him, or Eion. Mas mabuti ng marami kami.

Tig sasampu sa maluwang na dorm type rooms. May limang double deck na mga kama at isang bathroom kada isa. Narito na ang mga gamit namin kanina pa lang. Ang mga kaibigan ni Chanel at Brian ay nagpasyang magpahinga na. Iisang room lang daw kami nina Julia, Liza, Hannah, Elijah, Damon, Azi, Josiah, Claudette, at Erin. Si Brian at Chanel ay sa kabilang room kasama si Rafael na dinig ko’y may pinopormahan daw sa isa sa mga kaibigan ni Chanel.

Nauna akong pumasok kaya naabutan ko si Damon na kumakanta at tumalon nang narinig na bumukas ang pinto.

“Jezus! You should knock!” Umirap siya sa akin.

Nakangisi na ako dahil narinig kong basag ang boses niyang kumakanta ng I Won’t Give Up. Halos matawa na ako sa galit niyang ekspresyon at biglang paglambing ng boses niya nang bumaling sa kanyang cellphone at humiga ulit sa pinaka gilid na bed.

“Sorry, Dame.” Natawa ako.

Hindi niya na ako pinansin. Kung sino man iyong nagpabaliw sa pinsan kong ito ng ganito, ang masasabi ko lang ay hahalikan ko na ang sahig para sa kanya.

“Oh my God! Kuya Josiah is really hitting on that chick! At pinalabas niya pa na hindi siya marunong humalik! Matitiis ko pa si Azi, e, kasi kita mong bolero iyon. Pero si Josiah, damn, nakakasuka!” Ani Erin nang pumasok sa kwarto.

“Erin, I think you forgot your manners. Naiwan mo ‘yong ‘Kuya’ sa labas.” Sabi ni Claudette na tumatawa pa.

Umakyat ako sa taas ng kama ni Damon. Nakita ko ang pagsunod ng mga mata ni Claudette sa akin.

“Sa baba ako ng katabing bed ni Damon.” Sabi ni Claudette at pumwesto na siya roon.

Mabuti na lang at kanina ay naligo na ako para matanggal ang lagkit na nararamdaman ko kasi nag unahan na sila sa banyo ngayon.

“Sino ang sa taas?” Tanong ni Claudette.

“Alam ko na! Hindi ba si Klare sa dulo? Si Elijah ang sunod, tapos si Hannah para mas lalo silang magkadevelopan!”

Kinuha ko na lang ang kumot at tinabunan ko ang sarili ko nito. Matutulog na nga lang ako. Kung ano man ang plano nila ay hindi na ako makikisali.

“Ano ba yan, Klare! Eion refused to be here with us kasi galit ka raw sa kanya. Ano ba kasing nangyari? Dumating lang si Cherry kanina parang nagka silent war na kayo. Hindi ka naman nag shi-share.” Reklamo ni Erin.

“Di naman. Pagod lang ako sa byahe. Matutulog na ako.”

“Asus! Showbiz ito!”

Patuloy silang nag ingay. Gusto kong matulog ngunit hindi ko magawa. Dumating sina Elijah at mas lalong umingay. Hindi ko parin makalimutan na nag usap sila ni Cherry kanina.

What is this? Am I jealous? Great! Just really great! Pinikit kong mabuti ang mga mata ko.

“Elijah, dyan ka tabi ni Klare.” Ani Erin na humihikab na.

Hindi umimik si Elijah. Narinig kong may pumasok sa banyo. Nasa mga kama na kami at naririnig ko ang bungisngisan nina Julia, Liza, at Hannah. Nakapikit na ako pero di parin ako inaantok.

Hanggang sa unti unti nang nawala ang bungisngisan nila. Narinig ko na na may humihilik sa baba. It’s either Azi or Josiah, I don’t know. Or probably Erin. Narinig kong tumigil ang shower sa banyo.

Dammit! Kinabahan agad ako. Why? Hindi ko alam! Hindi ko alam kasi ang alam ko aakyat lang si Elijah sa kabilang kama na katabi ko. Pwede naman akong magkunwaring tulog! Ang totoo ay magkukunwari naman talaga akong tulog pero baki ako kinakabahan ng ganito! Pakiramdam ko sa gitna ng katahimikan ay maririnig ni Elijah ang puso kong kumakalabog.

I’m scared.

Bakit ko ito nararamdaman? I’m scared of what I’m feeling. Really scared.

Narinig ko ang malalim niyang buntong hininga. Naamoy ko rin ang halimuyak ng shower gel niyang mas mabango pa nong sa akin. So manly that I think it’s a sin. Dammit! Bakit iyon ang naiisip ko. This is really, really wrong. I need to get my shit together.

Narinig kong umakyat na siya at umupo sa kama. Hindi ako gumalaw. Ni hindi ako huminga. I can’t… I can’t do this. Mamamatay na yata ako pag ganito palagi.

Narinig ko ang paghiga niya sa unan at ang kanyang pirmeng paghinga. Unti unti akong huminga dahil talagang malalagutan ako kung ipagpapatuloy ko ang pagpipigil.

“Hello, yes, they’re asleep.” Dinig kong mahina ang boses ni Damon sa baba.

Dumilat ako sa gulat. Buong akala ko ay tulog na siya pero mukhang may kausap siya ngayon sa cellphone.

He chuckled, “You’re keeping me awake.”

Hindi ko na naipikit ang mga mata ko sa pakikinig sa kanya. Humalakhak ulit siya. Napapaos ang kanyang boses dahil na rin siguro sa pagod ngunit ramdam ko na nag sisikap parin siyang kausapin kung sino man ang nasa kabilang linya.

“Even if I annoy you, hindi parin kita titigilan.” Aniya ng mas mahina.

Azrael should be asleep. Kasi kung gising iyon, baka mabaon ‘to sa kantyaw si Damon.

“Hmm… I told you, I like you.” Malambing na sinabi ni Damon.

Biglang uminit sa loob ng kumot ko. Parang nasu-suffocate ako kaya lumipat ako at hinarap si Elijah. Hindi ko naman siya makita kasi madilim at may kumot pang nakapulupot sa akin.

“I-I don’t like committments.” Nanginig ang boses ni Damon.

What? If you like someone, dapat kaya mong mag commit. Wait. He said he likes her. Not love. He’s just flirting, then.

“I’m sorry.” Buntong hininga niya.

Gusto ko siyang sigawan. Anong pinagpuputok ng butchi mo pag nag aaway kayo ng babaeng iyan o namimiss mo siya kung ganyan ka naman makitungo sa kanya. Girls deserve better. Hindi iyong ginagawa kang option. Namulat ang mga lalaki sa pagkahumaling sa mga laro, namulat ang mga babae sa pagkahumaling sa mga fairytales. Kaya ngayong malalaki na kami, mahilig ang mga lalaki sa laro at mahilig ang mga babae sa fairytales. Ngayon, kung magmahal kaming mga babae, kaya naming maglaro para sa mga lalaki. Kaya sana, kung magmamahal ang mga lalaki, kaya nilang gawing fairytale ang buhay natin. DAMMIT! Okay, I don’t know how I came up with that. Internal turmoils.

“When I look into your eyes

It’s like watching the night sky.” Narinig ko ang malamig at magandang boses ni Damon.

Hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa kalaliman ng gabi o dahil nasa enclosed space kami pero nakakamangha ang boses niya! Mas lalong humina iyong boses niya. Kailangan kong marinig! Kailangan!

Unti unti kong binaba ang kumot para mas lalong marinig ag boses ni Damon.

“Well, I won’t give up on us

Even if the skies get rough”

Habang kinakanta niya gamit ang nakakapanindig balahibong boses niyang iyon ay tumama agad ang mga mata ko sa mga mata ni Elijah na nakatingin din sa akin. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Nakalimutan ko na na kumakanta si Damon at iyon ang dahilan kung bakit tinanggal ko ang kumot. Ang tangi ko lang nakita ay ang kanyang mapupungay at nanghihinayang na mga mata.

“‘Cause even the stars they burn

Some even fall to the earth”

Bahagya siyang umiling sa akin at kinagat ang kanyang labi bago pasuwit niyang sinabi sa akin ito, “I can’t sleep.”

Me too. Shit.

Tumunganga lang ako sa kanya nang nakalaglag ang panga. This is so wrong but I can’t… help it.

“Can’t, too.” Pabulong at basag kong sinabi.

“I hope it’s because of me.” Sinabi niya naman ito nang di pabulong kaya natigil si Damon sa pagkanta sa baba.

Pumukit ako. Ngumisi si Elijah. Damn the asshole!

“Elijah!? G-Gising ka?” Ani Damon sa baba.

“No, dude, I’m sleep talking.” Humalakhak siya.

ASSHOLE MUCH! Ngumisi siya sa akin at hindi ko napigilang mapangisi na rin. Nagmura na lang si Damon sa baba.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: