Until He Was Gone – Kabanata 19

Kabanata 19

 

 

“A-Ano, Klare?” Nanliit ang mga mata ni Eion sa akin.

Nag-iwas ako ng tingin. Umihip ulit ang malakas na hangin. Suminghap siya at mukhang nagsisikap na pakalmahin ang sarili.

“I can’t be your girl, Eion,” sabi ko.

“W-What? Bakit?” Hinilamos niya ang kanyang palad at ginulo ang buhok. “You told me you like me and can’t you see that I like you too? Bakit?”

Hindi ako umimik. I can hear the frustration in his voice. Sana puwede kong sabihin na hindi ko siya sasagutin dahil galit ako, dahil nagseselos ako, o dahil kailangan ko pa ng time. Pero hindi, e. May kung ano sa sistema ko na tinatanggihan ang bawat rason. Ayaw ko siyang paasahin. Alam kong pinaasa ko siya pero ayaw ko nang dagdagan ang damage na nangyari.

Pumikit ako. What if this is just a phase? What if this is just a random feeling? What ifs… I know better. Hindi ako papasok sa isang relasyon para lang kalimutan ang kung anong nararamdaman. I know this is wrong, but I won’t cover it with another wrong.

“Eion, I-I don’t like you enough.”

Alam kong wala akong karapatan para banggitin ang mga salitang iyon. I lead him on. Lahat ng tao, maging siya, ang alam ay crush na crush ko siya. Iyon ang totoo. But lately, I’ve been feeling something strange. It didn’t change my feelings for Eion. Ganoon pa rin naman. I still like him. But not enough– not enough to ignore something.

Dinig na dinig ko ang maya’t mayang pagbubuga niya ng malalim na hininga dahil sa frustration na dinadama.

“Really, Klare? Really?” aniya.

Tinatawag na kami ng mga pinsan ko. Hindi ako gumalaw kahit na alam kong kung hindi kami babalik doon ay pupuntahan nila kami rito.

“What do you want me to do? Then, I’ll court you, Klare! Kung hindi pa courtship ang tawag sa pagdi-date natin.” I can almost hear the bitterness in his words.

Umiling ako.

“I can’t believe you.” Hindi na hinintay ni Eion na magsalita ako.

Okay lang, dahil sa totoo lang, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko. Hinayaan ko siyang umalis. Huminga ako nang malalim at sumunod sa kanya pabalik sa gazebo. Hindi siya nagpahalata na may nangyaring ganoon sa usapan namin pero tahimik naman siya.

“Tayo na!” Nakangisi si Erin sa pag-aakalang may pinag-usapan kaming importante ni Eion.

Nagpatianod lang ako sa mga kasama ko. Hindi na dumikit si Eion sa akin. Kahit na nasa iisang bangka lang kami patungong Mantigue Island ay wala kaming imikan. At sa tuwing naglalakad naman kami sa isla, kasama ko sina Julia at Liza, samantalang siya ay kasama naman nina Josiah.

Naglahad siya ng kamay habang tinatahak namin ang kahabaan ng gubat sa Mantigue Island bago namin marating iyong resort. Nag-angat ako ng tingin kay Eion at nakita kong mariin ang pagkakatikom ng bibig niya. Tinanggap ko ang kamay niya. Pagkatapos ay balik ulit kami sa dati nang walang imikan.

“Uy.” Siniko ako ni Julia. “Ang sweet n’yo na ni Eion!”

Bumungisngis sila.

Ayaw kong sabihin na may nangyaring ganoon sa amin kanina. Ililihim ko na lang ito. Hindi naman kasi magandang ipagkalat na nabasted ko si Eion. And I admire Eion for still being nice to me after what I did.

“Tapos si Hannah rin o, mukhang magkaka-love life” Sabay turo nila sa nauunang sina Hannah at Elijah.

Magkasama lang silang naglalakad at nag-uusap. Nag-igting ang bagang ko. I don’t like it. But I have no right. At wala rin ako sa lugar kung saan puwede akong magkaroon ng right. He is my cousin and this is all so disgusting. I looked away. Now I feel so bad.

Nang nakarating kami sa resort ay umupo na lang ako sa isang duyan na gawa sa gulong. Excited ang lahat na maghubad sa kani-kanilang T-shirt para makapag-bikini. Hindi ko naman hinubad iyong akin. I want to stay here and just watch over our bags.

“Erin, kayo na muna sa beach. Dito lang muna ako,” sabi ko.

Nilingon ako ni Elijah. Kahit na saglit ko lang siya tiningnan ay alam ko agad na nakatoon ang buong atensiyon niya sa akin ngayon.

“Ang KJ-KJ mo!” Umismid si Erin sa akin.

Ang iba ay nagpi-picture na sa puting buhangin ng Mantigue Island. Mahangin kaya enjoy na enjoy sila sa pagpi-picture na hinihipan ang buhok ng hangin. Maingay na ang mga lalaki at panay na ang talunan sa buhangin. Malakas din ang alon ng tubig kaya mas lalong nakakaengganyong maligo.

“Erin, walang magbabantay ng bags, pero ‘di bale, susunod din ako. Gusto ko lang magpahinga.”

Nanliit ang mga mata niya.

“I think I’ll stay, too,” sabi ni Elijah at lumapit sa akin.

“Ang K-KJ ninyo!” reklamo ni Erin.

Tumawa si Elijah. “Susunod na lang kami ni Klare. Gusto ko lang din magpahinga.”

Nilingon niya ako. Hindi ko siya kayang tingnan. Nilagay ko na lang ang kamay ko sa lap ko at tiningnan ang mga daliri kong naka-square-cut.

“What about Hannah?” pabulong na tanong ni Erin kay Elijah.

Kinagat ko ang labi ko. Oo nga. He should stay with Hannah. Mahihirapan lang ako kung nandito siya.

“She can take care of herself,” paliwanag ni Elijah.

Umirap si Erin at bumulung-bulong palayo. “Bahala na nga kayo. Ang KJ n’yo. Mamaya after 15 minutes, sunod kayo ah?” aniya nang nakitang umalis na iyong iba dahil excited na sa dagat.

Why the hell is Elijah here? He should stay with Hannah! Iyon ang plano ‘di ba?

Nakatingin siya sa akin habang nakayuko lang ako. Ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko at pakiramdam ko ay lumulutang ako ngayon habang tinitingnan niya ako.

“Jealous?” Iyon ang unang sinabi niya sa akin nang nagkasarinlan kami.

Nagpantay ang paningin namin. “Of  whom?”

Tinikom ko agad ang bibig ko. Bakit ko iyon itatanong? Of course it should be because of Eion and Cherry!

Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

“Cherry, siyempre,” aniya.

“Oh. Uhm.” What will I answer? Hindi?

“Alam kong nagseselos ka kay Cherry at Eion.” Pumungay ang mga mata niya. “You think she’s special to him. I know Eion’s an ass.”

Yes, you are an ass. Pero hindi ko iyon sasabihin sa’yo, Elijah. I will end this spark between us before it can raise hell.

Humilig siya sa upuan niyang may mga katabing bag. Bahagya ko namang idinuyan ang gulong na sinasakyan ko. Binalot kami ng katahimikan at unti-unti akong may naramdaman sa tiyan ko. I don’t need another awkward moment.

“Pumunta ka na roon sa kanila. I’m okay here, Elijah. Naghihintay si Hannah sa’yo.” I can’t hide the bitterness.

“Bakit parati mo akong nirereto  kay Hannah?” He tilted his head.

“Kasi she likes you. You should date, Elijah. Ano, hindi ka pa ba nakaka-move-on kay Gwen?” patawa kong sinabi.

Mas lalo lang kumunot ang kanyang noo. Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako.

Ngumuso ako at tiningnan ang mga pinsan at mga kaibigan kong enjoy na enjoy doon sa beach. Naririnig ko iyong mga mura ni Azi rito dahil sa kung anong naapakan sa buhangin. Ngumisi ako.

“Hindi ko alam kung nakita mo ‘yong mga panahon na ang dami kong na-date na babae o ano,” seryosong sinabi ni Elijah sa akin.

Nilingon ko siya. Seryoso siya. Mas lalong nadepina ng kanyang pilik mata ang kanyang pagiging seryoso sa pinag-uusapan namin.

“I mean, date, really date, Elijah. Hindi iyong ganoon. Seriously date. Exclusively d—”

“I’m done with that, Klare,” mariin niyang sinabi. “And this will sound stupid but it’s all useless kasi alam ko kung sino ang gusto ko.”

Natahimik ako. Hindi ko siya tatanungin kung sino. Kung sasagutin niya ako ng ibang pangalan ay guguho ako, at kung sasagutin niya naman ay pangalan ko ay mas lalo lang akong guguho.

“You enjoyed Hannah, kanina. I don’t think you don’t like her, Elijah.”

Umigting ang panga niya. Tumitig na naman siya at hindi siya nagsalita.

“Sweet kayo kanina. And you look so good together.”

“Gusto mo iyon, ‘di ba? ‘Yong mapalapit ako sa kanya?” wika niya.

Pumikit ako at tumango.

“Bakit?” Humilig siya palapit sa akin.

Dumilat ako at tumama agad ang titig ko sa mga mata niyang bigo at nagdadalawang-isip. Hindi ako kumibo. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I want to lie so bad. I want to lie to his face. I don’t like the truth.

“I-I don’t know how you do it, Klare. I don’t know.” Umiling siya sa akin. “Iyong ipamigay ako sa iba. Kasi, ako, sa’yo? Hindi, e. Hindi ko kaya. I’m not going to give you up to that asshole no matter what.”

“Eion is not an asshole!” sabi ko.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko habang sinasabi niya ang lahat ng ito sa akin. Nangatog na ang buong sistema ko. I don’t like this conversation. Sa kahit anong anggulo ayaw ko nito dahil alam ko kung saan ito patungo.

“Why would you say that, Elijah? Kilala mo ba siya? Nagkamali lang siya isang gabi—”

“I don’t need to figure him out, Klare! Sinasaktan ka niya at tama na iyon para tawagin ko siyang gago!” Tumaas ang boses ni Elijah.

Alam ko. Ganito siya magalit. Ganitong-ganito. At hindi ko alam kung bakit humahataw ang puso ko sa mga sinasabi niya. Tinakpan ko ang bibig ko. Barado na ang lalamunan ko at hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas para magsalita.

“People you love will hurt you, Elijah!” sabi ko.

Kinagat niya ang labi niya sa frustration. “Alam ko. Kasi sinasaktan mo ako ngayon. But I’m not going to call you an ass, Klare. I am so damn…” Pinilig niya ang ulo niya at pinikit ang mga mata.

Shit! This is not happening! Gusto kong malaman pero ayaw kong marinig! Posible ba iyon? Hindi ko alam!

“Come on, Elijah. Pumunta ka na kay Hannah!” sabi ko ulit.

I need him to go. Now. Ayaw ko ng ganito. Kung hindi siya aalis ay ako ang aalis dito.

“Why would you fucking give me to Hannah!?”

“Kasi iyon naman talaga dapat! Bakit ka narito? Bakit mo ako kasama? When you should be with someone like her! You should date her! That’s what you should do!”

“I DATED SO MANY DAMN FUCKING GIRLS TO FORGET YOU, KLARE!” sigaw niya.

Napapikit ako. It’s like I’ve been slapped hard by the truth. He really is… crazy with…

“At saan ako dinala ng sarili ko? Sa’yo. Pa rin. Fuck.” aniya. “I’m sorry for the curses, baby.” Huminahon siya sa huling sinabi at tumayo.

Hindi na ako humihinga. Tumunganga na lang ako sa buhangin at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

“I need air,” aniya at naglakad palayo.

Fuck, too. This is a mess. Yes, it is. Cause I really think we feel the same. Oh my God!

 

Advertisements

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.