Until He Was Gone – Kabanata 3

Kabanata 3

I’ll go. Goodnight.

Bumalik ako agad sa table namin at tahimik na umupo. Nagtatawanan na sina Claudette at Chanel kasama ang ibang mga kaibigan namin.

“What happened in there?” Tanong ni Erin sabay nguso sa nakatayong mga pinsan namin.

Tumulong na si Damon at Rafael sa pagpapakalma kay Elijah. Umiling ako at uminom na lang ng isang shot ng vodka sa harap niya. Ayoko munang pag usapan ang sinabi ni Eion. That was a big blow for me at nakakairita, nakakahiya.

Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Tumingala ako at nakita kong si Silver iyon. Nakita ko ang simpatya sa mukha niya.

“Hey, Klare, I’m sorry for Eion.” Aniya.

Tumango ako at ngumisi. “Okay lang yun. Alam ko namang medyo suplado talaga siya, e.”

Nilingon namin si Eion na ngayon ay banayad namang nakikipag usap sa ibang kilala namin. Kumalma na rin ang pinsan ko. Lumayo nga lang sila ng table. Ang tanging pinsan ko na nasa table ni Eion ay si Knoxx at Justin.

“Okay lang talaga, Kuya.” Sabi ko kay Silver.

Sa pag lalim ng gabi ay lumalalim din ang usapan sa table namin. Mas lumalakas din ang tawanan ng iba. Nakikisali na rin ako sa pang iintriga nila kay Chanel tungkol sa dinidate daw nitong basketball player. Sumasawsaw din si Erin dahil sa crush niyang basketball player din.

“Hey, Erin, may girlfriend ba si Josiah ngayon?”

Umismid si Erin at tinuro ako. “Wag niyo akong tanungin, iyang babaeng yan ang tanungin niyo dahil madalas yung mga pinsan namin sa bahay nila!”

Kaya ayun at naubos ang dalawang oras ko sa kakasagot ng mga katanungan nila tungkol sa mga pinsan ko.

“May girlfriend ba si Josiah?” Lagi naman.

“Sino iyong babaeng kasama lagi ni Damon?” Aba ewan ko.

“Bakit mailap si Azi at si Elijah?” Aba ewan ko rin.

“Hindi ka ba naiintimidate sa kagwapuhan ng mga pinsan mo?”

“Ba’t ako maiintimidate?” Napangiwi ako sa tanong nila.

Humagikhik sila. Blurry na ang paningin ko pero kitang kita ko parin ang medyo pariwara na nilang mga galaw. Siguro ay natatamaan na ang mga ito?

“Kung ako?” Nasisinok na sinabi ng isang kaibigan namin. “Kung ako? Hindi ko alam kung alin ang mas gugustuhin ko. Maging pinsan sila para lagi ko silang kasama o maging kaibigan na lang para may chance na magkatuluyan!”

Nagtawanan sila. Umiling na lang ako at bumaling ang titig sa mga tao sa paligid. Hindi ko maiwasang di tumingin sa table nina Eion na ngayon ay punong puno ng tawanan at hiyawan.

Namalagi ang titig ko roon nang nakita ang ngisi ni Eion. Hindi siya madalas ngumisi kaya nagulat ako ngayong ngiting ngiti na siya. Ginugulo sila ng ibang babae habang umaakbay siya ng konti sa babaeng katabi niya.

Kahit na naghiyawan na ang mga pinsan ko dahil may sumayaw na sa harap. Actually, nagsayawan na sila sa harap dahil siguro sa kalasingan ay hindi parin natinag ang titig ko sa table nina Eion.

“Victoria.” Bulong ng nakapikit nang mata ni Erin.

“Huh?”

“Victoria ang pangalan ng babaeng inaakbayan ni Eion.” Dagdag niya at amoy na amoy ko ang rhum at vodka’ng pinaghalo sa bibig niya. “Wohoooo!” Sumigaw siya at sumayaw patungo sa harap.

Napalunok ako habang tinitingnan na kinukuhanan ni Knoxx at ng isa pang babae ng picture si Eion at si Victoria! They were so close! Nagseselos ako! Gusto kong sumugod. Yes, I’ve got guts to do that pero not with Eion. Para kasing hindi ko siya kailanman maabot. Na kahit anong gawin kong pagpaparamdam sa kanya, hindi niya ako mapapansin.

Gusto niya ng maganda, mabait, matalino at talented. Guess, my pretty eyes, straight hair, and fair skin wasn’t good enough. Sure, hindi ako kasing puti ni Claudette, at di naman ako kasing talino ni Erin pero kahit papaano ay hindi naman ako nangugulelat. Damn! He is making me ral insecure.

Napatalon ako nang nakita kong nilingon niya ako at nagkatagpo ang titig namin. Umawang ang kanyang bibig at agad na inalis ang kanyang kamay sa babaeng inaakbayan. May sinabi siya kay Knoxx. Tumango si Knoxx kaya agad tumayo si Eion at dumiretso sa CR. What was that all about?

“Klare!” Sigaw ng magkaakbay ng si Clau at si Erin sa dancefloor! “Come here!” Anila.

Tumawa ako at dumiretso na sa kanila. Nakisayaw na rin ako. I can’t let my night be ruined by him. Bahala na nga siya! Sumayaw ako doon kasama ang iba naming kaibigan. Samantalang ang mga pinsan ko naman, sina Damon at Rafael ay nakatitig na umiiling sa amin. Sina Josiah at Elijah naman ay nakangisi nang pareho habang palipat lipat ng table at pangitingiti sa kung sinu sino.

Sa sobrang pagsasayaw ko na may kasamang pagkahilo, hindi ko na namalayan na napupunta na ako sa mga kaibigan ni Kuya Justin na hindi ko kilala. Sumipol sila nang napunta ako sa kanila. Nakapikit ako pero dumilat ako nang narinig ang mga halakhak ng mga lalaking di pamilyar sa akin.

Pagkadilat ko ay nakita ko na pinaligiran na nga ako ng mga di ko kilala. Nakangisi sila at amoy alak na!

“Erin!” Sigaw ko ngunit nalunod na lang ang boses ko sa ingay ng tunog ng lugar.

Luminga ako at ang tanging nahanap kong kakilala malapit doon ay ang nakahalukipkip na si Eion na diretsong nakatingin sa akin. Umiling siya na para bang disappointed siya sa ginagawa ko.

Tumigil ako sa pagsasayaw at umalis sa mga lalaking nasa paligid ko. Umiling iling si Eion at tuluyan ng umalis sa kinatatayuan niya.

“What is your problem, Eion?” Sigaw ko pagkatapos niyang tapikin ang likod ni Knoxx at Justin.

Nasa labas na siya at sinundan ko siya para lang magtanong nito. Pagkasarado ko ng pinto ay nawala rin ang ingay sa loob.

“I’ve got no problem with you.” Natatawa ngunit naiirita niyang sinabi.

“Anong pinagpuputok ng butchi mo? Akala mo ba hindi ko nakikita ang mga… mga disappointed looks mo sakin?” Bulalas ko nang di ko na mapigilan ang sarili ko.

“Tsss…” Pinatunog niya ang sasakyan niya.

Bago ko pa siya mapigilan sa pagpasok at pag alis ay pinaharurot niya na ito palayo. What the effing? Ano ang problema niya sa akin at bakit ganun siya umasta? Kung sa ibang babae naman ay hindi ah? At hindi sa panlalait pero mas maganda ako sa Victoria’ng iyon pero bakit mas binibigyan niya ito ng pansin at ako naman ay nilalait?

“Klare?” Narinig kong umalingawngaw ang boses ni Damon.

Piniga ang puso ko nang narinig ko iyon. Naiiyak na ako kanina pero nang marinig ko ang pag aalala sa boses niya ay mas lalo lang nagbadya ang luha sa mga mata ko. Hindi ko siya tiningnan.

“May problema ba?”

Tinalikuran ko si Damon.

“Nothing.” Utas ko nang di siya nililingon.

“What’s up, Dam?” Narinig ko si Josiah na tumatawa pa sa likod.

“It’s one in the morning and I think Azi is drunk. Di na iyon makakapagdrive pauwi at walang maghahatid kay Clau. Ihahatid ko na lang siya at si Erin din.”

“Alright. Sabay na kaming uuwi ni Chanel. Tapos si Rafael?” Tanong ni Josiah.

“Siya na bahala sa sarili niya. Si Elijah, Azi, Knoxx, at Justin sa bahay nina Klare matutulog.” Ani Damon.

Nilingon ko sila nang napawi na ang luhang nagbadya kanina. This is a good distraction. “Uuwi na kami.”

Nakita ko ang madilim na ekspresyon ni Damon nang tinitigan niya ako. Para bang may hinahanap siya sa mga mata ko.

“Yes, please. Lasing na sila. I caught Azi dry humping Rafael’s ex, kaya please, Klare?”

“Who would drive if they are drunk!?” Napatanong ako. “Di pa uuwi si Knoxx at Kuya Justin samin kasi may bisita pa. I just need Azi and Elijah!”

“Elijah can drive. Wag si Azi.”

Tumango ako at pumasok sa loob para bitbitin ang dalawa kong pinsan. And yes, I did caught Azi dry humping someone familiar. Hinigit ko ang kanyang tainga palabas doon. Sumunod lang naman si Elijah kahit nasa gitna siya ng pakikipag usap niya sa isang babaeng patay na patay sa kanya.

“We are going home. Sa bahay daw kayo matutulog.” Sabi ko.

Humalakhak si Elijah at di na binigyan ng pagkakataon si Azi na mag drive. Tinulak ko ang halos wala ng malay at nakangising si Azi sa likod ng Trailblazer ni Elijah. Tinulungan ako ni Elijah na ayusin ang kanyang paa. Wala na talagang malay si Azi.

“Klare, pumasok ka na sa front seat.” Utos ni Elijah at may bahid ng tawa sa tono niya dahil panay ang bulong ni Azi sa kanyang sarili.

“I’m gonna fucking kill Knoxx and Rafael.”

Umiling ako at sinunod si Elijah. Naghintay akong pumasok siya sa loob habang sinasarado niya ang pintuan kay Azi sa likod. Tumatawa siya nang papasok na siya sa loob ng sasakyan. Nanliit ang mga mata ko sa mapupungay at medyo inaantok niyang mga mata.

“I honestly don’t trust you right now, Elijah. Please, drive safe-“

Hindi niya na ako pinatapos! Humarurot na ang sasakyan niya, 80 kilometers per hour kahit na nasa kabilang street at dalawang likod lang naman ang building namin! Ni hindi ko pa naisusuot ang seatbelts ko.

Pinuno ko siya ng mura nang ni park niyang mabilis ang kanyang sasakyan sa parking lot ng building namin. Nakita ko pa ang guard na nininerbyos sa ginawa niyang mabilis na pagpapark. Tumatawa lang siya na para bang ang saya ng ginawa niya.

“Damn! I hate you.” Sabi ko at inayos ang sarili.

Lumabas na ako sa sasakyan para pagbuksan si Azi. Napamura din siya. Marami at mabilis na pagmumura at nakita kong nanlaki ang mga mata niya. Tumawa lang si Elijah sa likod ko at hinila niya ako palayo doon.

“Fuck you, man! Just… f you!” Turo niya kay Elijah at agad siyang tumayo at tumakbo sa common CR ng ground floor ng building namin.

“Feed the ducks, Azi!” Sabay tawa ni Elijah.

I knew it! Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan para masuka ng tuluyan si Azi at mabadtrip.

“Ano ka ba!” Inirapan ko ang tumatawa kong pinsan.

I can still sense the alcohol in his system. Hindi maka focus ang mga mata niya habang tinitingnan ako ng may ngiti sa labi.

“Masusuka din naman siya, Klare. Gusto mo ba masuka siya sa guest room niyo o dito na lang sa CR?”

“Whatever!” Umiling ako at naglakad patungo sa umiiling at mukhang natatauhan ng si Azi.

Tumatawa lang si Elijah habang paakyat kami sa building namin. Hay! Boys! Sometimes, I don’t understand! Kahit na pinapaligiran na ako ng mga lalaki dito ay hindi ko parin sila makuha! Lalong lalo na ang Sarmiento’ng iyon. What’s his problem with me?

Ngumuso ako habang pumapasok sa kwarto ko. Nang nakapasok ay doon ko lang napagtanto na sinundan ako ng dalawa.

“Nasa kabila ang guestroom!” Sabay turo ko sa labas.

Nagkamot ng ulo si Azi at kinusot niya ang kanyang mata. “I know. Sumusunod lang naman ako kay Elijah.”

Nilingon ko ang tumihaya nang si Elijah sa kama ko.

“Tara na, Elijah! Sakit na ng ulo ko.”

“Hmmm. Ikaw na lang doon, dito lang ako.” Aniya sabay kuha ng unan ko at yakap nito. “I like it here. It smells so good.” Nakapikit na siya ngayon.

“Ay, ewan ko sayo, bahala ka! Doon na ako sa guest room.” Umiling si Azi at iniwan na kamig dalawa ni Elijah sa kwarto ko.

Umiling na lang ako at umupo sa harap ng tukador ko. Nakikita ko si Elijah sa likod kong nakapikit at niyayakap ang unan ko. It’s awkward for a man with big arms and boyish features to be here with me in this pink room.

“Elijah, doon ka na sa guest room.” Sabi ko.

“Hmmm…” He moaned.

“Elijah!” Pasigaw kong sinabi.

“Doon din matutulog si Knoxx at Justin. We won’t fit, Klare. Dito na lang ako.” Aniya.

Ipinagkibit balikat ko iyon at nagsimulang kumuha ng tissue para kunin ang tira tirang make up na nilagay ni Erin sa akin. Habang tinitngnan ko ang sarili ko ay naiisip ko lahat ng nangyari kanina. Lalo na iyong tungkol kay Eion. Mukha siyang galit lalo na nang nakita niya akong may kasayaw na ibang lalaki. Galit ba siya sa akin? Kasi hindi ako tama para sa kanya? Kasi hindi ako ganun ka ganda, talino, talented tulad ng babaeng gusto niya? Hindi ko maiwasang maging bitter at isipin iyong inaakbayan niyang babae kanina.

Pumayag ba siya dahil gusto niyang maging escort ko sa debut o hindi siya makatanggi dahil Montefalco ako? Pumayag ba siya dahil kaibigan sila ni Knoxx at Kuya Justin? Pumayag lang ba siya dahil halos ipagkanulo kami ng mga taong nakapaligid sa amin? Napipilitan lang ba siya sa akin?

Hindi ko namalayang natigilan na pala ako sa pagpupunas ng pisngi ko. Nilingon ko ang nakalapag kong cellphone at narealize na kailangan ko siyang bigyan ng choice. Niyaya ko siya sa harap ng mga pinsan ko, who would dare reject me in that situation?

Masakit man sa akin pero kailangan ko itong gawin. I needed him to make a choice. Iyong kaming dalawa lang ang nakakaalam. Kung sakaling hindi niya talaga gusto iyon ay makakahanap naman siguro ako ng kapalit. Marami akong lalaking pinsan and they would be more than willing to be my escort.

Ginapangan ako ng kaba nang nitype ko ang mga salita na iyon sa cellphone ko at nisend sa kanya.

Ako:

Eion, about my debut, it’s okay if you don’t want to be my escort. Hindi naman kita pinipilit. Kung hindi mo feel, okay lang naman. And… goodnight!

Nagulat ako nang nakatanggap agad ako ng text galing sa kanya. Nalaglag ang panga ko nang nakita ko iyon.

Eion:

I’m outside your building. Can we talk?

Napatalon ako sa pagkakaupo at mabilis na umalis ng kwarto. Uminom ako ng tubig at nag panic na. Bumalik ulit ako ng kwarto para tingnan ang mukha ko at maglagay ng konting powder doon. Nadatnan ko si Elijah na nakahiga pero dilat ang mga mata. Tinitingnan niya ako sa salamin.

“San ka pupunta?”

“Uh… Uhm… Just outside.” Sabi ko at mabilis ng umalis bago niya pa madagdagan ang mga tanong niya.

Bumaba ako ng building at inayos ang sarili nang natungtong ko ang unang palapag. Eion is outside? Why? Hindi ko alam basta kailangan kong magmadali at puntahan siya.

Nakita ko siyang nakahalukipkip sa labas ng kanyang sasakyan. Madilim ang kanyang mukha at tulala hanggang sa magkatagpo ang titig namin. Hinarap niya ako at naaninag ko ang medyo iritado ngunit kalmado niyang mukha.

“Bakit mo naisip na di ako dadalo?”

Ayan na! Malakas ang pintig ng puso ko habang magkaharap kami. Kahit na seryoso at mabigat ang tono niya ay nasisiyahan parin ako ngayon.

“K-Kasi… diba nga sabi mo ayaw mong-“

“I’m sorry, Klare,” Putol niya sa akin. “but I’m going to be your escort on your birthday.”

“Pero, Eion, baka kasi napipilitan ka lang.”

“I will reject you if I don’t like it, Klare. Pero tinanggap ko, diba? So… that means…” Bumuntong hininga siya at pumikit. “I’ll go. Goodnight.”

That means? That means? Naestatwa na ako sa kinatatayuan ko kaya wala ng lumabas na salita sa bibig ko hanggang sa umalis na siya. That means he like it? Pero kung ganun, bakit ang harsh niya sa akin kanina? Bakit pakiramdam ko mababa ang tingin niya sa akin? Oh, this is so complicated!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: