Kabanata 2
Grateful
Elijah and Azi have almost the same features. Syempre, halos sila naman lahat ganoon ng mga pinsan ko. May pagkakahawig lahat. Kuya Justin, Elijah’s older brother have softer features than him. Mas payat si Justin sa kanya at mas malumanay sa pananamit while Elijah’s kinda rougher. They have a sister named Yasmin na nasa States.
Meanwhile, Azreal or Azi, Claudette, and Knoxx are siblings. Si Claudette iyong animanyak na tinutukoy ng pinsan kong si Erin. Si Azi at Knoxx ay halos magkahawig na rin. Knoxx have this dark smoky eyes whil Azrael looks like an innocent devil.
Si Damon at Rafael naman ay magkapatid rin. Si Damon ang madalas na nakakasundo ni Knoxx sa pag ha-hunting ng babaeng pampalipas oras. Trust me, you don’t wanna get involved with them. Kaya lang, sa ngayon ay hindi na sila gaanong nagkakasama dahil naatasang magmana ng lupain si Knoxx Montefalco doon sa probinsya ng Alegria. Si Rafael naman medyo seryoso at suplado, he’s also tall and have this smug look on his face, always.
Si Josiah, Erin, at Chanel naman ay magkapatid rin. Josiah looks angelic and carefree. Lalo na pag pinapansin mo iyong magulong buhok niya at ang perfect angle ng kanyang panga. Sa kanilang lahat, siya na ata ang pinaka maraming nawasak na puso ng babae and I don’t know how or why! Si Erin naman at si Chanel ay may malaking pagkakaiba. Morena, curvy, at matangkad si Erin habang si Chanel ay petite at maputi.
Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang matanda at istrikto naming professor. Kailangan kong mag aral ng mabuti at wag masyadong isipin ang debut ko kahit papalapit na. I’m too damn excited! Paano ba naman kasi, itong mga kaibigan ko ay panay ang pag uusap tungkol sa mga maari nilang suotin na gown.
“It’s strictly formal, diba? Di pwedeng semi formal?” Tanong ng kaibigan kong si Julia.
Kanina pa niya ginuguhit sa papel ang susuotin niya di umano sa debut ko.
“Saan nga ulit yun, Erin?” Tanong niya naman ngayon sa pinsan ko.
“Hindi ka ba nakabasa ng invitation, Julia? Xavier Estates Clubhouse!”
“Ah! And OMG? Did you really convince Eion, Klare?” Tanong na nagpatalon sa akin.
Halos paligiran na kami ng mga kaklase ko dahil sa pagtatanong nila. Ang nakakahiya pa ay kaklase ko lang si Eion sa subject na ito. Nilingon ko siya at napabuntong hininga ako nang seryoso naman siyang nag ti-take notes sa sinusulat ni Sir.
“Oo.”
Narinig ko ang bahagyang tili nila sa mga kinauupuan nila. Umiling ako at ngumisi. Balita ko kasi sa debut ng isa naming batchmate, gagawin din sanang last dance at escort si Eion pero tumanggi siya. Marami naman talaga kasing nagkakandarapa sa kanya at ang nakakatakot rito ay alam niyang gwapo siya at alam niyang maraming nagkakagusto sa kanya kaya hindi siya manghihinayang kung may tanggihan man siya sa amin.
“Who would dare reject a Montefalco.” Tumawa si Erin sa ibinulong niya sa akin.
Isa ang pamilya namin sa pinakamalaki at pinaka marangyang pamilya dito sa syudad at lalawigan namin. Naging mayor kasi ang great great grandfather namin dito noon at marami siyang naging lupa kahit sa labas ng lalawigan. Well as for Knoxx, Claudette, and Azrael, iyong malaking lupa nila dito sa syudad ay binenta na nila sa isang sikat na real estate company kaya ang natitirang lupa nila dito ay iyong kinatitirikan ng bahay nila. At para sa amin naman ng kapatid kong si Charles, kaunti lang din, may commercial building kami sa center ng syudad, kung saan doon ako umuuwi at may dalawang bahay kami sa ibang subdivision.
“So… Ito rin kasi ang isa sa dahilan bakit napaaga ng uwi si Kuya Just galing ng States. Mag bi-birthday siya ngayon.” Ani Erin habang naglalakad kami palabas ng school.
Tumango ako, “Kaya pala.” Niyakap ko ang braso ko dahil sa lamig.
“Pinadala ko kay mommy yung mga damit ko at iniwan sa building niyo, Klare. Doon na ako magbibihis.” Aniya sabay tingin sa damit niya.
Twenty-three na si Kuya Justin ngayon at balita ko sa isang bar gaganapin ang party niya, imbes sa kanilang bahay. Maraming invited. Maging ang mga kaibigan ko ay invited. Malawak kasi ang circle of friends niya dahil nga photographer siya. Noong hindi pa siya nag S-States, may mga gig siya tulad ng weddings, debuts, at kung anu ano pa. Kilala din siya ng association ng mga models dito kahit na iyong mga ka batch ko lang kaya panigurado marami akong kilala na pupunta doon.
“And guess what?” Malaki ang ngisi niya nang hinarap niya ako.
“What?” Tamad kong tanong.
“Silver Sarmiento will be there. Ibig sabihin, pati ang kapatid niya!” Tumili si Erin.
Pakiramdam ko may gusto din ito kay Eion dahil sa inaasal niya. Kung hindi ko lang alam kung sino ang crush nitong basketball player ay mapagkakamalan ko na siyang nakikihati sakin!
“Si Eion? Ano naman ang gagawin ni Eion dun?” Tanong ko kahit na kumalabog na ang puso ko.
Dumoble ang bilis ng lakad namin patungong building namin. Oo. Nilalakad lang kasi ang building namin patungo o galing school. Kahit ganun, hindi ko maiwasang hindi ma late dahil madalas alas syete na akong gumigising. Kaya kung hindi ako bubulabugin at susunduin ng sinuman sa pinsan ko ay maaring Failed due to Absences na ako sa lahat ng first period subjects ko. Bakit pa kasi may mga 7:30 am classes?
“O, nandyan ka pala?” Umirap si Erin kay Claudette nang nangalabit si Claudette sa kanya.
Palagi siyang nagrereklamo sa ka eng engan daw ni Claudette. May suot kasi itong panda jacket ngayon na may mga tainga sa hood. Ani Erin ay ikinahihiya niya daw si Claudette sa mga taste niya at sa pagiging ‘animanyak’ niya.
Mabilis akong dumiretso sa fourth floor ng building namin. Doon kasi kami nakatira. Sa baba nito ay may mga offices at mga business establishment. Sa kanila kami kumikita aside sa trabaho ni Daddy sa isang government office.
“Mom, punta kayo sa party?” Sabi ko habang kinakain ng paisa isa ang grapes sa sala namin.
“Shhh! Klare!” Sabay turo ni mommy kay Charles na ngayon ay nakikipagdebate sa tutor niya.
Hindi naman mahina ang kapatid ko. Sadyang gala lang ang pag iisip kaya hindi nakakapag focus sa school.
“Hi Tita!” Pagkatapos kong mag kiss ay hinalikan na rin ni Clau at Erin si mommy.
“Kain kayo. May cake diyan sa ref. Tsaka yung donuts.” Aniya sabay dumog nila sa ref namin. Bumaling si mommy sakin. “Oo. Maaga lang kami ng dad mo doon. Uwi din kami. Besides, para naman yung sa friends ni Justin.”
Ngumisi ako at alam agad ni mommy kung anong ipagpapaalam ko! Na pwede ba akong late umuwi? Syempre, pinayagan niya ako dahil pinsan ko naman ang mga kasama ko.
“Elijah, Josiah, or Azrael should take you home.” Aniya.
“Oh, tita! Kung ganito ka lapit bahay namin sa downtown ay malamang di na ako magpapahatid. Prinsesa masyado si Klare!” Ani Erin.
Ngumisi na lang ako at agad ng pumasok sa kwarto ko sa kabilang corridor. Sumunod ang mga pinsan ko. Doon, nagbihis kami at nag make up ayon sa panlasa ni Erin. I have to be real pretty. Hindi naman ako naglalagay ng make up noon pero dahil na rin siguro sa impluwensya ng mga pinsan ko ay napapalagay ako. Hindi naman makapal, tama lang para ma highlight ang features ng mukha ko.
Naka shorts ako at t-shirt kahit ayaw ni Erin. Dress kasi ang pinasuot niya kay Claudette at gusto niyang ganun din ang suotin ko kaso kumportable ako rito. Hindi rin naman ito promal na party kaya okay lang.
Nang dumating kami doon ng mga pinsan ko, okay pa naman. Kainan muna. Dim pa ang lights at alam kong mas didilim ito mamaya pag alis ng mga parents namin.
“Hello Klare!” Bati ng mga nakakakilala sa akin.
Panay ang ikot ko sa mga kaibigan ko para bumati. Umikot rin ako sa table ng mga parents namin para bumati at syempre kay Kuya Justin na ngayon ay nakalahad ang braso para tanggapin ako sa yakap niya.
“Kuya!” Sabi ko. “Happy birthday!”
Niyakap niya ako ng mahigpit. “Klarey! Dalaga ka na!” Tumawa siya.
“Weh! Noon pa ako dalaga!” Tumawa ako at hinarap siya. “Nasa table na yun ang gift ko.” Sabay turo sa isang table na puno ng gifts.
“Wow! Thank you! Hindi ko inakalang makakatanggap ako ng gifts!”
Maikling kainan lang naman ang nangyari dahil hindi alam ng mga magulang namin na hindi dapat sila magtagal doon. Nabubulabog kasi ang usapan namin dahil sa tawanan nila. Kaya hinalikan na ako ni mommy at daddy nang nag alas nuwebe na dahil doon na lang daw mag iinuman sina daddy sa rooftop ng building namin.
Tumango ako at nag paalam habang tinitingnan ang kapatid ko na nag iilusyon na lumilipad iyong transformers na laruan niya.
“Charles, panget!” Inis ko sa kanya.
“What did you just say?” Singhal niya sa akin.
Nalaglag ang panga ko at parang ako pa ang na offend sa tanong niya.
“Oh, you stop it, Klare. Uwi ka ng maaga. Some of your cousins might sleep over. Sabihin ko sa guard na ibakante yung parking lot mamaya. Pero isa lang ang bakante sa guestrooms. Baka kasi doon na matulog ang iba mong tito.”
Tumango ako at kinawayan na sina mommy, daddy, at kapatid kong umaalis. Umalis na lahat ng oldies na invited kaya dumilim na ang paligid at nagsimula ng i-serve ang mga hard liquors. Umiinom naman ako pero hindi sobra sobra kaya imbes na iyon ang atupagin ko tulad ng ginagawa ni Chanel at Erin ay tumayo ako at nagpunta sa ibang table para batiin ang mga naging kaibigan ko na.
“Klare! Sino yan?” Sabay nguso sa isang expat na kaibigan nina Justin at Knoxx.
“Ah! Si David!”
Marami pa silang tinanong sa akin sa ibang guests na naroon hanggang sa napunta ako sa table nina Silver at Eion Sarmiento! Hindi ko naman inakala na table nila iyon dahil madilim at tanging neon lights lang na sumasayaw ang umiilaw.
“UYYYYY!” Gulat ako nang nagtilian agad silang lahat pagkalapit ko.
Uminit ang pisngi ko kaya positibo akong pulang pula ito sa ngayon. Aalis na sana ako nang bigla akong hinila ni Kuya Silver.
“Hey, Klare! Kumusta iyong mga pictures? Maganda ba?”
“Uh, oo, Kuya. Nagustuhan ko.” Sabi ko sabay ngiti.
“Upo ka muna dito sa tabi ko.” Aniya sabay kuha ng upuan at nilagay niya sa pagitan nila ni Eion.
Nakita kong kumunot ang noo ni Eion at bahagyang gumalaw para bigyang daan ang upuang pumagitna sa kanila. Naka all black siya ngayon. Itim na jacket at naroon na naman ang madilim na ekspresyon niya. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kilala ko sa table at nakita kong may nakahalukipkip at naka ismid na babae sa kanila. Para bang ayaw niya sa akin. Ang iba naman ay pinagkakanulo pa ako at tumutulong sa pag tili!
“Uh… Okay.” Umupo ako ng maayos.
Hindi ko man lang kayang maging komportable. Parang lutang ang utak ko ngayong ganito kami ka lapit ni Eion.
“So, I heard kinuha mo raw ang kapatid ko bilang escort?”
Umalingawngaw sa table namin ang tili.
Napatingin ang nasa ibang table. Maging ang mga pinsan ko sa tabi ay napatingin dahil sa tiling nangyayari sa table namin.
“Oo, e…” Kinagat ko ang labi ko at sumulyap kay Eion.
“Kuya,” Nakakunot ang noo niya nang binalingan ang kanyang kuya. “Stop it, it’s embarrassing! Tsss.” Umirap siya.
“Hala, Eion naman!” Sabi nung isang babae.
Nakita kong ngumisi iyong babaeng naka ismid kanina. Well, I’m not surprised. Marami lang talagang nabibihag si Eion, despite or probably because of his coldness.
“What’s so embarrassing! It’s Klare fucking Montefalco, dude! You have to be grateful!” Aniya.
Mas lalong uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Kuya Silver. Kumindat siya sa akin at binalingan ang nagsusungit na kapatid niya.
Maingay na bumuntong hininga si Eion at bumaling sa akin. “So what? Wala naman iyon sa pangalan o sa ganda, Kuya-“
“Bakit, nasaan ba iyon?” Biglang singit ni Elijah na nakatayo sa gilid ng table nila at nilalagok ang beer na hawak.
Nagkatitigan si Eion at Elijah. Elijah was wearing his amused grin. Si Eion naman ay mukhang galit sa pagsingit ni Elijah.
“It’s in the attitude. Kung maganda, mabait, matalino at talented, iyon… siguro magiging grateful ako!” Sabay sulyap ni Eion sa akin.
Laglag ang panga kong tumitig sa mga taong tahimik sa paligid. Para akong sinampal sa mukha dahil sa sinabi niya kahit na hindi niya naman sinabing hindi ako mabait, matalino o talentado!
Nakita kong nakatayo na si Josiah at si Azrael habang hinahawakan ang braso ni Elijah na ngayon ay nakatalikod sa amin. May kung anong binubulong sila kay Elijah habang mahigpit na hinahawakan ang bahagyang pumipiglas niyang mga braso.
“Oh!” Sabi ko sabay tayo. “I-I’m sorry.” Medyo nanginig ang boses ko.
“Eion!” Saway ni Silver.
Huminga ng malalim si Eion at umalis na ako bago ko makitang magkagulo.
Because I know for sure my cousins didn’t like what he just said. At kitang kita ko ang mainit na usapan nina Josiah at Elijah na para bang pinipigilan nila siyang suntukin o manggulo. Matangkad at matikas si Eion pero matangkad din si Elijah. Hindi ko maitatanggi na lamang ang pinsan ko. I’ve seen the actual ripples in his chest and his biceps, you don’t wanna mess with him.
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]