Until He Was Gone – Kabanata 1

 

Kabanata 1

Thanks

Malamig sa Cagayan de Oro ngayon. Syempre dahil maulan ang Pilipinas tuwing September. Pero sa araw na ito, malamig lang at hindi umuulan. Ayon sa weather forecast ay mananatiling ganito ang panahon sa buong tatlong linggo. Kaya ibig sabihin, sa birthday ko ay malamig din ang panahon. Ganun naman talaga lagi ang naaalala ko tuwing kaarawan ko, kung hindi umuulan ay malamig.

“Turn around, baby.” Sabi ng payat at bading na designer ng gown na susuotin ko para sa aking debut.

Kulay pink ito. Ang totoo, ayaw ko naman talaga nito kaso ito ang gusto ni mommy.

“Pink kasi feminine at sinisimbolo nito ang pagiging bata.” Aniya.

Umiling ako at pinanood ang sarili ko sa malaking salamin ng boutique. Mabuti na lang at ang isang gown ko ay kulay champagne.

“You look so gorgeous, Klare! Montefalco ka nga!” Sabi ni Zoe, ang bading na designer.

“Zo, hindi ba ito masyadong tight?” Sabi ko sabay ikot ko at hawak sa baywang ko.

“Hay naku! Napaparanoid ka na naman.” Singit ni Azi na nakaupo sa sofa at naghihintay sa akin.

Pinaglalaruan niya ang stressball na hawak hawak niya kanina pa lang. Kasama ko sila ni Elijah dahil sa lahat ng pinsan ko ay silang dalawa na lang ang hindi pa nakakasukat ng kani kanilang suits. Natapos na lang sila ay panay parin ang titig ko sa gown kong suot ngayon.

“Elijah,” Tawag ko sa nakanguso at nakatitig sa mga copies ng pre-debut shoot ko.

“Hmmm…” Hindi siya tumingin sakin. Panay lang ang titig niya sa mga pictures.

“Hey!” Sigaw ko saka pa siya nag angat ng tingin. Umawang ang bibig niya at tumayo agad.

“Wh-What?”

Kumunot ang noo ko, “Gym mamaya?” Sabi ko.

Nagpabalik balik ang tingin ni Azrael sa aming dalawa ni Elijah. Humalukipkip ako at nag hintay ng sagot sa kanya. Napakamot siya sa ulo at nag iwas ng tingin.

“Alright.” At biglang umupo ulit. Hinilamos niya ang kanyang kamay at, “Sabi ni Kuya ba’t daw si Silver Sarmiento ang kinuha mong photographer. Bakit di siya?” Buntong hininga niya.

“E, kasi po, diba? Kakarating lang nila ni Knoxx galing Manila? Hindi ko naman alam na mapapaaga si Kuya Justin. Tapos kailangan ko na ng shoot.” Sabi ko sabay ikot ulit at tingin sa malaking salamin.

Tinantanan na ako ni Zoe dahil may inentertain na siya ibang kliyente. Si Azi ay panay ang titig sa babaeng kliyente ni Zoe habang si Elijah lang ang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin.

“Ang atat mo kasi. What’s with your debut?” Masungit niyang sinabi.

“Excuse me?” Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “It’s my eighteenth birthday!”

“Tsss. Whatever.”

Biglaang nagsungit ang isang lalaking ito! Inabot ko ang zipper sa likod ng gown ko ngunit hindi ko iyon mababa.

“Elijah!” Tawag ko ulit sa kanya sabay muwestra sa likod ko.

Patalon siyang tumayo at agad na binaba ang zipper ng gown ko. Ngumuso ako at naghintay na umabot iyon sa ibabang likod ko.

“Thanks.” Untag ko sabay lakad at pasok sa fitting room.

Mabilisan akong nagbihis doon. Pumasok si Zoe sa loob nang nakangiti at nakadikit ang mga palad.

“How was it, darling?” Tanong niya.

Ngumisi ako. “Okay, Madame. Pero kailangan ko atang magpapayat pa. Kinakabahan ako baka di magkasya pagdating sa birthday ko.”

Napangiwi siya sa sinabi ko. “Klare, ang payat payat mo na! And besides, hindi ba kasali ka sa cheering? Isn’t that enough to keep your body toned?”

Umiling ako.

Hindi naman sa napaparanoid ako. Sabihin na lang natin na mas kinakabahan ako ngayon dahil pumayag si Eion. I wanna be perfect! Hindi pwedeng may maging mali sa debut ko. Pagkalabas ko ay napansin kong hindi lang si Azi at si Elijah ang naroon. Nakaupo din doon ang isang lalaking nakapaglalag ng panga ko.

“E-Eion?”

Seryoso niya akong tiningnan.

“Uh, I’m here to… find a suit… for your debut, Klare.”

“Oh!”

Ginapangan agad ako ng kaba. Lumaki ang ngisi ko at… awkward.

“Let’s go, Klare.” Tumayo si Elijah at sinundan naman iyon ni Azi na hanggang ngayon ay pinaglalaruan parin ang bola.

“B-Bye.” Sabi ko sabay kaway sa kanya.

Hinila ako ng mga pinsan ko palabas ng boutique. Tumatawa na si Azi pagkasarado ng pintuan.

“Croo-croo.” Aniya. “Yan na lang ang kulang sa sobrang awkward ng pagbati mo sa kanya.”

“Eh! What do you expect? Hindi naman kami close para bigla na lang akong magapa FC sa kanya!”

Pumasok na ako sa loob ng sasakyan ng tahimik na si Elijah. Bumubungisngis naman sa tawa ni Azi habang pumapasok sa sasakyan niya na nasa likod namin. Panay na ang reklamo ko habang inaayos ang seatbelt.

“Sasama ba yun si Azi sa gym? Tsss! Kakairita siya!” Sabi ko.

Pinaandar ni Elijah ang sasakyan at seryosong tumingin sa kalsada. “Oo. Sasama daw. Wala siyang lakad, e.”

“Ganun? Panira.” Umirap ako at tinitigan ang cellphone ko.

Ngumisi ako habang nag da-drive si Elijah patungo sa gym. Hindi naman kalayuan pero dahil masikip ang kalsada at medyo matraffic ay natagalan kami. Tinitigan ko ang pangalan ni Eion sa cellphone ko. What if I text him?

Nag type agad ako ng mensahe.

Ako:

I have two gowns. Yung isa color pink, yung isa flesh or champagne. I think this info will help.

Nakapikit ako nang nisend ko iyon at halos manginig habang iniisip na nagtext ako sa kanya.

“Hey!” Sabay hagis ni Elijah sakin ng damit at sapatos ko galing sa likuran ng kanyang sasakyan. “We’re here.”

Umismid ako at kinuha ang mga gamit.

Nakita kong kakapark lang din ni Azi ng kanyang sasakyan. Pareho sila ni Elijah na walang dalang gamit dahil may locker sila sa gym na ito. Madalas kasing mag gym ang mga pinsan ko. At sa mga babaeng pinsan ko naman, si Erin lang ang alam kong nag gy-gym.

“A girl instructor for Klare, please.” Sabi ni Elijah sa attendant.

Iginala ko ang mata ko sa malawak na gym na ito. Tama nga ang sinabi ni Erin. Kumpara doon sa gym niyang pang all-girls, mas marami ang equipments dito at mas marami ding nag g-gym. May namumukhaan pa akong mga kaklase o schoolmates ko na napapalingon saming banda.

Pumasok na si Azi at naaninag ko na siyang nakabihis ng pang gym. Nagsimula siya sa treadmill pagkatapos nilang mag usap ng isang masyadong maskuladong lalaki na tanto ko ay instructor niya. Nanliit ang mga mata ko nang nakita kong nagsisimula na siyang makipag usap sa isang payat, maputla, at maiksi ang buhok na babaeng katabi sa treadmill.

“Really? Pati dito?” Nilingon ko si Elijah na ngayon naman ay may kausap na isang babae sa likod niya. “Like… Really?” Umiling ako at pumasok na lang sa gym.

Binigyan ako ng attendant ng isang babaeng instructor. Pansin ko ang pagiging maskulado ngunit hindi nakakadiring katawan niya. Maputi siya at kulot ang buhok mula roots to tips. Nakatunganga ako habang nag eexplain siya sa akin sa mga kakulangan ko at sa mga dapat kong gawin para maging mas maayos ang katawan ko.

“Maganda naman ang katawan mo, we just have to work on your chest.”

Napatingin ako sa chest ko. Bakit? Maliit?

“And your butt.”

Napangiwi ako.

“Hmmm. Athlete ka ba? Or something? I can see that you have a firm thighs.”

“Uh, kasali po ako sa dance troupe noong high school. At all star dancer din po ako sa school. Cheering.” Sagot ko.

Tumango siya. “So… Siguro madali lang ito sayo.”

Sinunod ko ang payo niya. Una ay nag treadmill ako. Sunod ay iyong bicycle. At kung anu-ano pa. Thirty minutes pa lang ay tumagaktak na ang pawis ko. Nilingon ko ang mga pinsan ko na abala sa lifting. Kinuha ko ang cellphone ko para sana makinig na lang ng music habang mag li-lift ng maliliit na dumbbell nang nakita kong may message doon si Eion.

Luminga ako na at agad ginapangan ng kaba. Binuksan ko ang message niya at binasa.

Eion Sarmiento:

Thanks.

Bumuga ako ng hininga. Talaga lang ha? Iyon lang ang reply niya? Hindi naman sa nagrereklamo ako. Dapat pa nga akong magpasalamat diba dahil nag reply pa siya? Mabilis akong nag type ng isasagot.

Ako:

You’re welcome at thank you din.

Ginawa kong busy ang sarili ko sa paunti unting pag lift ng maliliit na dumbbell habang naghihintay ng reply niya ngunit walang dumating. Suplado! Hard to get! Naku! Kung hindi ka lang gwapo!

Ganun ba talaga ang mga lalaki? Sa hinaba haba at sa sobrang kabado ng mga text mo, rereplyan ka lang ng tigang at maiksing mensahe? Nakakairita pero sige na nga!

“Miss.” Matigas na sinabi ng isang maskuladong lalaki na naka mohawk ang buhok.

“Hmmm?”

“I think you ga- the wrong position.” Aniya sa isang matigas na british accent.

“Talaga?” Sabi ko. “Paano ba? Sorry po.” Ngumisi ako.

Ngumisi din siya sa akin at hinawakan ang kamay at braso ko. “Bend a lil.” Aniya.

“Okay…” Sabi ko at medyo nag bend sa paa.

“A lil more.” Aniya at diniin ang binti ko.

“Sir, I think she’s got her own instructor!” Medyo iritadong sinabi ni Elijah.

Nagulat ako nang nasa likod na siya. Tumayo ng maayos ang instructor na naka mohawk ang buhok.

“Well, sorry, Elijah. Pero nasaan? I can’t let her do the wrong routines.” Aniya.

“Sandra!” Sigaw ni Elijah at nilagitik ang kanyang daliri.

“Yes?” Sigaw ng instructor kong kulot na may pinagkakaabalahan sa lifting section ng mga boys.

“My. Cousin. Needs. Your. Help.” Iritado at mariin na tono ni Elijah.

“Okay, sorry!” Iniwan ni Ma’am Sandra ang lalaking tinutulungan at mabilis akong dinaluhan.

Nagkatitigan si Elijah at iyong maskuladong instructor bago sila umalis ng tuluyan sa harap ko. Pinilig ni Ma’am Sandra ang ulo niya.

“Well, don’t push Elijah’s asshole button.” Nginitian niya ako at kinindatan.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

One thought on “Until He Was Gone – Kabanata 1

  1. #THANKYOUJONAXX KAHIT HINDI ITO TWITTER THANKFUL AKO DAHIL NAKILALA KITA AT NATUKLASAN KO YUNG MGA STORIES MO!! THANK YOU ATE J!! I LOVE YOU!!! ❤

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading