Until He Was Gone – Simula

simula

 

 “None of you shall approach to any that is near of kin to him, to uncover nakedness: I am the LORD.”

Pikit na pikit ang mga mata ko habang nakikinig sa mga binabasang verses ng reader sa loob ng Immaculate Conception Chapel. Solemn ang chapel na ito. Wala kang ibang maririnig kung ‘di ang boses ng nagbabasa o ‘di kaya ay boses ng pari at ang tunog ng electric fan na umaandar.

“Klare, I’m hungry,” sambit sa akin ng katabi kong si Elijah.

“Shhh!” saway ko sa kanya habang nakapikit pa rin.

“Ang sakit ng tiyan ko,” pabulong niyang sinabi ulit.

Narinig ko ang marahang halakhak galing sa kanya.

Dinilat ko ang mga mata ko at matalim siyang tiningnan. “Elijah, we are having a mass. Can’t your big fat tummy wait?”

“Anong sabi mo? My tummy isn’t big or fat! I have abs, baby. Wanna see?” sabay hawi niya sa kanyang school uniform.

Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya sa kanyang gagawing kabaliwan. Mas lalong tumalim ang tingin ko nang kumurba ang ngisi sa kanyang labi.

“Okay, okay, alright. I’ll wait,” pagsuko niya.

Nang natapos na ang misa ay lumabas na kami ng simbahan. Hinampas ko na siya ng mga libro.

“You freaking idiot! Wala na bang laman ‘yang utak mo kundi pagkain? Nagsisimba tayo! Puwede ba!?”

Kakalabas nga lang namin ng simbahan ay hindi ko na napigilang magmura. Kung hindi lang makulit ang talipandas na ito.

Tumawa lang siya at tumingin sa Magis Building kung saan naroon ang canteen namin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinigit patungo roon.

“Elijah!” sigaw ko pero hindi niya iyon pinansin.

Pinanood ko siyang mabilis na nakihalo sa mga taong pumipila sa canteen para kumain.

Umiling ako at umupo sa isang bakanteng table. Humikab ako at dinungaw ang listahan ng Eighteen Roses para sa upcoming debut ko. Excited na ako! I’m really looking forward to this.

Ngumuso ako habang tinitingnan ang mahabang listahan. Puro lalaki, siyempre. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang pangalan ng crush ko sa listahan. Nasa circle of friends ko lang siya, pero medyo tahimik siya at suplado kaya nahihiya akong magsabi na siya sana ‘yong magiging last dance ko.

“Klare!” sigaw ng pinsan kong si Erin.

Inangat ko ang tingin ko at namataan siyang lumalapit kasama ang isang batalyong kaibigan namin. Nginunguso niya ang tahimik at naka-earphones na si Eion Sarmiento. Nakikita ko pa lang ang medyo suplado niyang mga mata ay kinikilig na ako. Samahan pa ng pagdidila niya sa kanyang labi at pagpa-pout habang malumanay na nakaupo. He really is so damn cool.

Tumango agad ako. Alam ko kung anong ibig sabihin ni Erin sa pagngunguso niya kay Eion sa akin.

“Eion!”

Ngumisi ako at nahihiyang kumaway pa.

Umupo na ang ibang mga kaibigan ko sa kabilang table. Tumango lang si Eion sa akin at hindi man lang tinanggal ang earphones. Ang suplado talaga ng isang ito. Inayos niya ang kanyang buhok at tumingin lang sa mga taong dumadaan.

“Hi!” sabi ko.

Kaya lang ay hindi niya ako narinig. Mas narinig ko pa ang maingay na music sa kanyang earphone. Umismid ako. Hindi ko na napigilan ang pagkalabit sa kanya.

“Eion,” tawag ko.

Tila nilalagnat ako sa sobrang init ng pisngi. Ganito na lang talaga palagi.

I’m usually witty, pero natatameme ako ‘pag si Eion na. Kaibigan siya ni Knoxx, pinsan ko, noong high school. Hindi kasi kami parehas ng school ni Knoxx noon. Palagi nila itong nakakasama sa pagba-basketball kaya kilala ko na siya noon. Kaya lang, natigil iyon nang nag-Maynila si Knoxx.

“Hmmm?”

Nahalata ko ang pagkakairita niya nang tinanggal niya iyong earphones. Tiningala niya ako.

Kinagat ko ang labi ko at biglang may bumagsak sa ulo ko. Dumagsa ang apat na tatawa-tawang mga pinsan ko. Libro ni Damon ang bumagsak sa ulo ko at halos kalmutin ko siya sa ginawa niya! Damn it! Ngayon pa talaga nila naisipang mang-asar?

“Damon!” Tumakbo siya at umupo sa kabilang table.

“Hi, Klare!” Kinurot ni Josiah ang pisngi ko.

Pinandilatan ko siya ngunit may biglang naglaro sa buhok ko. Muntik ko na rin makalmot si Knoxx na tatawa-tawa at umiiling sabay nguso kay Eion.

“Ano, Klare? May sasabihin ka ba o wala?” Medyo iritadong sinabi ni Eion sa akin.

Ginapangan ako ng kaba dahil sa iritadong tono niya. Panirang mga pinsan kasi. Umaligid pa silang lahat. Pinanood nila ang paglapit ko at pagkausap kay Eion. Alam ng mga pinsan kong ito na may crush ako sa guwapong si Eion. I mean, sinong hindi magkaka-crush sa kanya? Ang alam ko ay halos kalahati sa school nila noong high school ay nagkandarapa sa kanya.

“Uh, eto kasi…” Ipinakita ko sa kanya iyong invitation ng eighteenth birthday ko. “Malapit na ang debut ko. Ii-iimbitahan sana kita—” nanginginig ang labi ko.

Humagalpak sa tawa si Elijah sa malayo. “Ii-ii-ii-ii? Ang dami namang ‘i’ niyan?” Tumawa ulit siya.

Namilog ang mga mata ko. Gusto ko siyang sugurin at sampalin bigla! Ngunit ang pagkakataon ang nagpigil sa akin. Kita ko kasi na binabasa nang mabilisan ni Eion ang invitation.

“Bakit nasa huli ang pangalan ko?” tanong niyang malamig.

Unang pangalan ay kay Daddy, first dance. Sumunod ay sa bata kong kapatid na si Charles. Sunod ay ang seven dwarves na mga pinsan ko. Ang mga sumunod ang mga kaibigan ko sa college at high school. Huli, si Eion. Iyon ang suggestion ni Erin na nagkatotoo dahil ngayon, naka-print na sa invitation ko ang lahat.

“Ah! Last dance,” panirang sinabi ni Josiah.

Matalim ko siyang tiningnan pero nag-iwas lang siya ng tingin sa akin.

“Last dance?” narinig ko ang pagdududa sa boses ni Eion.

“Uh, oo, e.”

Itinabi lang ni Eion ang invitation ko sa bag niya at nilagay niya ulit ang earphones niya sa tainga. Ni hindi siya nagsalita pa ulit. Naghintay ako sa gilid niya hanggang sa tanggalin na lang ako ng mga pinsan ko roon at hinila na ako palayo.

“I cannot believe that he rejected you,” maarteng sinabi ni Erin sa akin.

“He didn’t, Erin. Hindi niya ni-reject si Klare. He was thinking,” nag-iisip na sinabi ng mahinhin na si Claudette.

“Oh! Right! Thinking!” sarcastic na sinabi ni Erin. “Akala niya naman ang guwapo niya, pero…” Nilingon ako ni Erin. “Ang guwapo niya talaga.” Tumango-tango pa siya sa akin. “Alam mo ‘yon? ‘Yong supladong prinsipe?”

“’Yong tipong tsundere?”

Nagtaas ng kilay si Erin kay Claudette at hinawakan niya ang kanyang ilong. “Aray ko po. Nosebleed.”

Tulala lang ako sa table namin. Pinalibutan ako ng mga walang pakialam kong pinsan. Panay ang pag-uusap nila sa gilid ko at ni isa ay walang nakapuna sa ginawa ni Eion. Maaaring napuna iyon nina Josiah pero walang mga pakialam ang mga iyon.

I’ve never had a boyfriend. Marami na ang nagtangkang manligaw sa akin pero hanggang pagtatangka lang iyon dahil sa mga nakaaligid kong pinsan. Si Eion lang ‘ata ang lalaking pinapalampas nila. Maaaring dahil alam nila na hindi kailanman masusuklian ni Eion ang pagtingin ko sa kanya.

“What the hell is a tsundere, Claudette? Iyan na ba ang bunga ng pagiging animanyak mo?” naiiritang tanong ni Erin.

Gusto ko siyang sabayan sa pambabara kay Claudette kaso, parang nagulat pa ako sa mga pangyayari. Hindi ba talaga umo-o si Eion sa debut ko? Paano na iyon?

“Tsundere is someone who is cold at first. Gradually, magiging showy na siya sa feelings niya. Ganoon. Gradually… You still need to melt down the ice, Klare.”

Tumango si Claudette at mukhang kuntento sa kanyang explanation.

Umiling-iling si Erin at nilantakan iyong junkfood sa harap namin.

“Like? How? I don’t mind the cold, naman.” Tumawa ako ngunit kabado na sa nangyari.

Hindi ko na nga lang didibdibin ito. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at sinabayan si Erin sa pagkagat ng mga chichirya sa harap. Pinagmasdan ko ang magulong canteen ng school namin.

Isa itong Jesuit school at minsan kong pinangarap na maging school ito noong high school, lalo na’t ito ang school ni Eion. Kaso determinado sina Mommy at Daddy na pag-aralin ako sa paaralan kung saan sila unang nagkakilala. Sweet. Kaya wala akong nagawa. Mabuti na lang at ngayong college na ako, pinag-aral na ako rito.

Halos lahat kaming magpipinsan ay nasa iisang school noong high school. Nakakaumay nga, e. Pero wala akong nagawa. Mabuti pa si Knoxx, sa school nina Eion siya nag-aral noon. Paano ba naman kasi, ayaw ng mga magulang nila na sa iisang school mag-aral ang dalawang lalaking anak, sina Knoxx and Azrael. They might kill each other.

At ngayong college na, sa wakas ay nakapag-aral din sa Xavier University. Nga lang, tulad noong high school, kasama ko pa rin ang mga pinsan ko.

“The problem here, Elijah, is that you are too numb,” bulong ni Azrael sa katabi ko.

Ewan ko kung anong pinag-uusapan nilang dalawa pero mukhang importante at interesante dahil masyadong nakahilig si Elijah kay Azrael.

“Bakit ako maniniwala sa’yo? This is crazy, man,” tumatawang sabi ni Elijah. “You’re a freaking—”

May hindi ako narinig kaya lumapit pa ako para mas lalong makasagap ng balita. Hay! I need to get a life.

“Dude, ang ganda noong ex mo at patay na patay sa’yo noong high school and you can’t seriously say na wala talagang ano, ‘di ba? Dude, that was a big waste!” nanghihinayang na sambit ni Azrael.

“You try, then,” ani Elijah.

“What? Try Gwen?”

Narinig kong medyo nasapak ni Elijah si Azrael.

“Try another girl. Lakas mong maka-Gwen.” Humalakhak si Elijah.

“No way. I value my—, Hey! Klare Montefalco! Nakikinig ka ba?” biglang sabi ni Azrael.

Nilingon ako ng nakataas na kilay na si Elijah. Kitang-kita ko ang amusement sa mukha niya habang si Azrael naman ay seryoso.

“Bakit? Anong mapapala ko kung makinig ako? Mga baliw!”

Umiling ako at pinapak ang isa pang chips. Medyo nasira na dahil sa exposure sa hangin.

“Hindi ka lang sinagot noong crush mo ay naghahanap ka na ng mapagkakaabalahan. Get a life, Klare!” Tumawa si Azrael.

Kumulo ang dugo ko kaya ni-head-to-foot ko siya. Tumawa siyang bigla kahit na galit na galit ako at halos buhusan ko siya ng chichirya.

“Oh God! You are too cute!” Napahawak siya sa tiyan niya at tinuro ako. “Sarap mong kurutin kapag napipikon ka!”

Umiling na lang ako.

“Tumigil ka at ‘wag kang mambola, Azi, o baka mahambalos kita ngayon.”

“Oooh! Stop it, Azi. Sakit kayang manghambalos ni Klare. Nasubukan ko na at muntik na akong malumpo—” pang-iinis ng natatawang si Elijah.

Sa inis ko ay kinurot ko siya. Pumikit siya sa sakit ngunit gumuhit ang ngisi sa kanyang labi. What’s wrong with them? Parang iiyak ang araw ‘pag ‘di nila ako naiinis? Sa lahat ng pinsan kong babae ay ako lang ang pinagti-trip-an nilang lahat.

“Tigil-tigilan n’yo ako, ah? Nambubuwisit na naman kayo,” sabi ko sabay inom ng tubig.

“Hey…” siniko ako ni Elijah.

“What?” Naiirita kong tanong.

“Alam mo bang ‘pag nabubuwisit ka sa akin ay lagi kang sinisuwerte?” tumawa siya.

“Ha? Bakit?” Napatingin ako sa kanya.

Nagkatinginan kaming dalawa at kinindatan niya ako. Biglang may kumalabit at nagpaharap sa akin sa likod. May tinapong invitation sa harap ko. Naaninag ko ang seryosong mukha ni Eion. Walang earphones at makisig siyang nakatayo roon. Diretso ang tingin niya sa akin dahilan kung bakit mabilis at hinahabol ko ang pintig ng nag-aalumpihit kong puso.

“Alright, Klare. I’ll be there, then,” malamig na umalingawngaw ang buong boses ni Eion sa table namin.

Nag-iwas siya ng tingin at nakita kong pumula ang kanyang pisngi. Mabilis siyang umalis. Laglag-panga ko siyang sinundan ng tingin. Eion Sarmiento is going to be my last dance and of course my escort! Talaga!

Advertisements

4 thoughts on “Until He Was Gone – Simula

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.