Whipped – Kabanata 4

Kabanata 4

Sumilong

“Why are you here?”

Ngumisi ako sa tanong niya. He looks pissed.

“I told you I was bored. Sumakay ako kay Abaddon at namasyal. I found this house. Nandito na ba ito noon?” Tumingala ako sa two-storey old looking house nila.

“Hindi ba ay dito ka lumaki sa Alegria?”

Tumango ako. “Yup. Pero hindi ako nagagawi dito. Hindi ka ba dito lumaki?” Kumunot ang ulo ko.

“No… You should go now… mukhang uulan,” ani Knoxx sabay iwan sa akin para kumuha ng tubig at maghugas na rin ng kanyang kamay.

HIndi ko sinunod ang gusto niyang mangyari. I want to be here. Totoong dumidilim na nga dahil sa nagbabadyang ulan pero hindi ko na iyon inisip. Tiningnan ko ang puno ng mangga na nasa kanyang bakuran. Marami ng hinog.

“Hindi mo ba kinukuha ang mga bunga ng mangga? They look so delicious…” sabi ko at binaba ko ang tingin sa kanya.

Naabutan kong nakatingin na siya sa akin habang nagtatrapo ng kamay.

“Hindi pa sila hinog,” simpleng sagot niya.

Umikot siya patungo sa likod ng Wrangler. Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang pintuan ng backseat at may kinuhang mga kahon doon.

Sumunod ako doon para matingnan kung ano ang kinukuha niya. His biceps were strained as he carried two boxes at a time. Tumabi ako dahil inilapag niya iyon malapit lang sa kinatatayuan ko.

“What are those?” tanong ko.

Humigit siya ng malalim na hininga bago ako sinagot. “Mangoes…”

“Oh! You have a mango plantation?”

Hindi niya na ako sinagot dahil panay ang hakot niya sa mga kahong nasa likod ng kanyang Wrangler. Pagkatapos ng sampung kahon ay tumigil na siya sa paghahakot.

“You should really go now. Baka hinahanap ka na sa inyo…”

Ngumisi ako. “They’re busy for Hector’s wedding. By the way, you’re going to be there right?” Wala kasi ang pangalan niya sa wedding invitation but he can be a guest of course.

“Yeah…” pagod niyang sagot.

Lumipat siya ngayon sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina ng sasakyan at nang nakuntento sa tunog nito ay pinatay din kaagad. Binuksan niya ulit ang nguso ng kanyang sasakyan.

“Bakit hindi mo iyan patingnan sa talyer?” tanong ko. “There are shops here, right?”

May inayos siya doon. Pilit akong dumungaw kahit na wala naman talaga akong alam sa sasakyan.

“I can do it myself…” aniya.

Kinagat ko ang labi ko. May pawis na sa kanyang noo. I can’t help but stare at his serious face. I can stay here all day and just watch.

Sinarado niya ulit ang nguso ng Wrangler at bumalik siya sa driver’s seat. Pinaandar niya ang makina at nang mas naging maganda ang tunog ay natapos na siya.

Umakyat siya sa hagdan ng bahay. May double doors ito na binuksan niya para makapasok. Sa labas ay kitang kita ko ang mga antique na gamit doon sa loob. Marmol ang sahig ng loob ng bahay at may chandelier pang makaluma. Umakyat ako ng isang baytang. Bumaling si Knoxx sa akin.

“You’re not allowed to go inside…”

Nalaglag ang panga ko. Well, I’m not sure if he’s being mean to me or he just doesn’t want anyone seeing us together or even inside his house.

“Bakit naman?” Tumingala ako sa langit na naging mas makulimlim.

“Just stay there… Or just go home now… It’s gonna rain…” malayo na ang boses niya.

Nanatili ako sa labas. I don’t want to push my luck. Umupo ako sa hagdanan habang naghihintay sa kanyang paglabas.

“I’m bored! Si Manang at ang mga kasambahay lang ang naroon sa mansyon,” sabi ko.

“Just log in to your Facebook and do things like that…” Narinig ko ang halakhak niya sa loob ng bahay.

Napangisi ako. Dammit! His laugh made me blush!

“I don’t do that… That’s boring!” pasigaw kong sinabi.

Sana ay nakita ko iyong tawa niya.

Ilang sandali ang nakalipas ay may patak ng ulan sa aking braso. Sunod sunod na ito hanggang sa maaari na akong mabasa. Nilingon ko ang double doors papasok ngunit hindi ako dumiretso doon.

Pumunta ako sa malaking mangga para doon makisilong.

Noong una ay kaya pa ng malaking puno ang ulan. Nakakasilong pa ako sa kanya. Pero nang mas lalong lumakas ay may mga takas na patak nang nagpapabasa sa akin.

Ilang patak pa ay nababasa na ako. Dumikit ako sa katawan ng puno para maiwasan ang pagkabasa ngunit sa lakas ng hangin at ulan ay hindi na nakaya. Napatingin ako kay Abaddon na nakasilong sa isang munting puno na may yero sa taas. Sana pala ay doon ako dumiretso!

Nakita ko si Knoxx na lumabas sa double doors. May hawak na siyang mug at isang kulay grey na t shirt na ang suot. Pinasadahan niya ng tingin ang kanyang bakuran. Nagawa ko pang kumaway para makita niya ako doon.

Kitang kita ko ang pagkakagulat niya nang nakita akong nakatayo doon. Nilapag niya sa isang mesa ang kanyang mug. Pumasok siya sa loob ng bahay at sa pagbabalik niya ay may dala na siyang isang malaking payong!

Tinakbo niya ang distansya naming dalawa. Nanginginig na ako sa lamig. Humatsing pa ako. Dammit! Sisipunin pa yata ako!

“Bakit ka nandito?” pagalit niyang sigaw.

Hinawakan niya ang aking braso. Nanlaki ang mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit galit siya ay lubos aking nagalak!

“Sumilong ako-“

“Sumilong?” Sinilong niya ako sa kanyang payong. “Silong ba ‘yan?” sigaw niya ulit.

Hinigit niya ako paalis doon. Dumikit ako sa kanya para hindi mabasa ng ulan. Nakatitig na rin ako sa sobrang pagkamangha sa galit niya.

Pinapasok niya ako sa kanila. Nilagay niya ang payong sa isang malaking jar at dumiretso siya sa isang kwarto. Lumabas siya doon ng may dala ng tuwalya. Humatsing ako at suminghot. Magkakasipon yata ako. Kasal pa naman ni Hector at Chesca bukas.

Binigay niya sa akin ang puting tuwalya.

“Basang basa ka!” pagalit niyang sinabi.

Tumango ako. “Akala ko ambon lang kaya doon ako sumilong. Nagulat na lang ako nang biglang bumuhos-“

“Sana ay umuwi ka na! Ang tigas ng ulo mo!” aniya.

Natigil ako sa pagsasalita. Nagpunas ako ng buhok at humatsing ulit. He moaned in frustration.

“You should… change your clothes…” aniya.

Tiningnan ko ang damit kong basang basa. Ang aking boots ay naging dahilan kung bakit ang marmol na sahig ay naging maputik.

“Do you have some… spare clothes? I think I need to change nga para hindi ako sipunin…”

Hindi niya na ako pinatapos. Umakyat siya sa isang hagdanan patungo siguro sa ikalawang palapag. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para maghubad ng boots. Nilagay ko sa tabi ng jar ang boots at pinunasan ko na rin ang paa ko. Humatsing ulit ako at nagsimula nang sumama ang pakiramdam ko. Not now, dammit!

Bumaba si Knoxx na may dalang mga damit. Tila nalilito siya habang nilalapag ang mga damit niya. Hindi ko alam kung bakit.

“Sa banyo ka na magbihis…” aniya sabay turo sa isang pintuan.

Tumango ako at tinanggap ang mga damit niya. Pumasok ako sa banyo para magbihis pero napatingin ako sa mga gamit doon. Maraming imported na showergel, shaving cream, at kung anu-ano pa. Lahat ng gamit doon ay panlalaki. I can imagine Knoxx taking a shower here… May bathtub pa!

Napangiti ako habang nagbibihis. Isang malinis na puting t shirt ang pinasuot niya sa akin. Para sa shorts ay isang itim na jersey naman. My undies are wet too. Hindi ko na nga lang hinubad dahil wala naman akong pamalit.

Kinatok niya ako bigla. Natigilan ako habang nagsusuklay ng buhok.

“Are you done? Give me your wet clothes…” aniya.

Binuksan ko ang pintuan at binigay ko sa kanya ang aking mga damit. Nagkatinginan kami bago siya umalis patungo sa likod ng bahay.

Sumunod ako sa kanya ng nakapaa. Humatsing ulit ako kaya napalingon siya sa akin. Umiling siya habang nagsasampay ng damit ko. Hindi ko maiwasan ang pagngiti.

“You’re living alone?” tanong ko.

“Yeah…” tamad niyang sagot.

Pagkatapos niyang magsampay ay pumasok ulit siya sa loob. Dumiretso siya sa kusina. Sumama ako sa kanya at nakita kong kumukuha siya ng iba’t-ibang powdered milk, coffee, at kung anu-ano pa.

“Do you drink coffee?” tanong niya.

Tumango ako at umupo sa mahogany chair sa malapad na lamesa doon.

Nilapag niya sa harap ko ang brewed coffee. Kinuha ko ang isang mug at ako na mismo ang nagsalin ng kape doon.

“Pagkatapos mong magkape, ihahatid na kita sa inyo…”

Sumimangot ako. I won’t drink my coffee then?

“Umuulan pa…” sabi ko.

“Ambon na lang iyan,” aniya.

“Paano si Abaddon at ang mga damit ko? Hintayin ko na lang matuyo ang damit ko…”

“Hintaying matuyo? Ano? Bukas ka pa uuwi? You need to go before Hector conducts a search and rescue operation for you…”

Humalakhak ako. “Pwede ko namang tawagan. Hindi naman siguro sila magagalit kasi kilala ka naman nila.”

Umigting ang panga ni Knoxx. Nagtaas lamang ako ng kilay. Hindi ko maitago ang ngiti ko kaya sumimsim na lang ako sa kape.

“Finish your coffee fast. You are going home now…”

Sungit! Ngumiwi ako at inunti unti lamang ang kape.

Kaya iyon nga ang nasunod. Nang nagkalahati ako sa aking kape ay nagyaya na siyang umuwi na ako. Ihahatid niya daw ako gamit ang Wrangler.

“How about Abaddon? Hihintayin ko na lang na humupa ang ulan. Gagamitin ni Hector si Abaddon bukas sa kasal. Magagalit iyon pag-“

“Ipapakuha ko si Abaddon dito…” malamig niyang sambit.

Ngumiwi ako at sumunod na lang. Wala na akong choice. Hindi ko na siya pinaalala sa mga damit ko. Dumiretso na ako sa loob ng kanyang sasakyan. Naka tsinelas niya ako. Mas malaki iyon sa aking paa pero hindi ako nagreklamo.

His clothes smell so nice. Pakiramdam ko ay pareho na kami ng amoy and I’m loving every but of it.

Pinaandar niya ang Wrangler. Diretso ang andar nito palayo doon.

Babalik ako doon sa susunod na araw, panigurado. Ngumiti ako at hinayaan siyang mag drive ng matiwasay. Nasa highway na kami nang binalingan ko siya. Nakakunot ang kanyang noo.

“Do you have a girlfriend?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Sumulyap lamang siya at nakita kong umigting ang kanyang panga.

“Bakit ka nagtatanong?”

“Well, I’m just curious. Who’s that girl again? Si… Lumi? Iyong kausap mo sa party ni Hector kahapon. Siya ba ang girlfriend mo?”

Suminghap siya. “I don’t have a girlfriend…”

“Ahh…” Slow motion akong tumango. “Akala ko may magagalit pag nakita tayong dalawa.”

Hindi siya nagsalita. Naririnig ko lang ang mabibigat niyang paghinga. Kinagat ko ang labi ko at hinayaan ang katahimikan.

Nang nakarating na kami sa mansyon ay sobra akong na disappoint. Gusto ko pang manatili doon sa kanila pero dahil hinatid niya ako, wala akong magagawa. May sumalubong sa aming taga pangalaga ng mga kabayo. Lumabas si Knoxx at may binilin kaagad doon.

“Knoxx?” pababa ng hagdan si daddy nang nakita niya ang sasakyan ni Knoxx.

Lumabas ako roon at lumipat ang tingin ni daddy sa akin. Natigil siya sa pagbaba at bumagal ang bawat hakbang niya.

“Tito, naabutan ng ulan si Entice kaya pinahiram ko ng damit. Dala niya si Abaddon na nasa bahay. Hinatid ko siya dahil umaambon pa,” paliwanag niya kaagad kay daddy.

“Dad!” ngumisi ako lumapit.

Kitang kita ko ang galit sa mukha ni daddy. Paniguradong papaulanan niya na naman ako ng pangaral dahil da katigasan ng ulo.

“You know Hector will use Abaddon tomorrow, right?” paunang tanong ni daddy.

“Dad, nagpaalam ako kay Hector. Hindi siya umiling kaya siguro pumayag siya. And besides, hindi ko alam na uulan. Kung alam ko, sana hindi na lang ako namasyal.”

“Namasyal ka hanggang sa dulo ng rancho?” Kumunot ang noo ni daddy. “Dapat noong nakita mong dumidilim, bumalik ka na!”

Ngumiwi ako at bumaling kay Knoxx na kay daddy lang ang buong atensyon.

“Knoxx, maraming salamat hijo. Pasensya ka na sa anak kong ito. She’s young and naive most of the time…”

“Hey! I’m not young and naive…” angil ko.

“Walang anuman, tito. Pinakuha ko na si Abaddon sa tagapangalaga.”

Tinapik ni daddy ang balikat ni Knoxx at naglakad sila palayo sa akin.

“Maraming salamat talaga…”

Hindi ko na narinig ang sunod na pinag usapan. Tiningnan ko lang silang dalawa na nag uusap hanggang sa nagpaalam na si Knoxx. Bago siya pumasok sa Wrangler ay sumulyap siya sa akin.

Ngumiti ako at kumaway. Pumasok siya ng wala man lang sukli sa akin. Naabutan ako ni daddy na ngayon ay nakaigting na ang panga.

“How many times do we have to tell you, Entice? Dapat ay hindi ka basta bastang gumala! You’re a girl, for God’s sake!”

Nang umalis na ang Wrangler ni Knoxx ay bumaling ako kay daddy.

“Namasyal lang naman-“

“Namasyal at gumala, pareho lang iyon! Ang tigas talaga ng ulo mo!”

Tinalikuran ko si daddy at tumakbo na ako papasok ng mansyon. I’m not a child anymore. Hindi ako tatanggap na tinuturing akong ganoon!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: