Kabanata 3
Why Are You Here
Hindi na ulit kami nagkaroon ng interaksyon ni Knoxx. Tinatanaw ko na lang siya na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya, kahit isang sulyap ay hindi ginagawa para sa akin.
“Ayos ka lang, Entice?” tanong ni Koko nang nakabalik na siya.
Tumango ako. Hinanap ko si Abby sa kanyang likod o gilid pero hindi ko nakita ang kanyang girlfriend.
“Asan si Abby?”
Nagkibit ng balikat si Koko sa akin at nag iwas ng tingin. “Babalik din iyon.”
That was it. Pinili kong lumayo na lang muna sa grupo nina Koko at nakiupo ako kina Chesca. Nakisabay ako sa tawanan nila at paminsan minsan ay sumusulyap sa kabilang lamesa kung nasaan sina Koko. Nagkakatuwaan din ang kabilang mesa.
Pagkatapos ng gabing iyon ay bumagsak ako sa kama. I feel so tired and tipsy. Kaonti lang naman ang nainom ko dahil binabantayan ako ni Hector. Hindi rin ako mahilig uminom dahil mababa ang tolerance ko sa alcohol.
“Entice! Kung hindi ka gigising diyan, hindi ka na makakapag enrol!” Hinampas ni Manang Leticia ang pintuan ng kwarto ko.
Kahit na antok na antok pa ako ay nagawa kong agarang bumangon. Pupunta nga pala ako ngayon sa Alegria Community College para makakuha ng exam at maayos ang enrolment!
Iyon ang tanging naging inspirasyon ko para kumilos na at maligo. Pagkatapos kong maligo ay naibsan na ang antok ko. Bumaba na kaagad ako para makakain na. Naroon na si Hector, Chesca, at daddy sa hapag.
Humalik ako kay daddy bago ako umupo sa harap ni Chesca.
“Are you excited?” tanong ko kay Chesca habang nilalagyan ng cheese ang bread na kinuha ko.
“Hmm. Of course!” nakangiti niyang sinabi.
Bukas na ang wedding nila ni Hector. Ang alam ko ay magiging abala sila sa araw na ito for the final touches of their wedding. I am happy for them. Hindi mapigil si Chesca sa pag kukwento tungkol sa ganda ng wedding cake at sa ganda ng kinalabasan ng mga photoshoots nila ni Hector.
“Of course you two are models, paano hindi magiging maganda ang mga kuha ng pictures?”
“You’re going to school alone, Entice?” singit ni Hector kahit na nagkakatuwaan pa kami ni Chesca.
“Ihahatid ko siya, Hector. Tapos ko nang nilakad kahapon iyong mga request niya. She’s just going to enrol herself today unless of course if she wants me to help her,” nanliit ang mata ni daddy.
Umiling kaagad ako. “I can do it alone, dad. Huwag mo nga akong pahiyain. For sure maraming estudyante doon.”
Tumawa si daddy. “I know you’ll say that…”
“Tito, inasikaso mo kaagad ang mga papel ni Entice kahapon?” tanong ni Chesca.
“Yup. I’m not sure though if she’ll need to take an exam. Entice, baka bumagsak ka ha?” Tumawa ulit si daddy.
“Excuse me?” Iritado kong sinabi.
Wala si mommy at lola dahil nag fa-final fitting daw sa kani-kanilang gown. Ang alam ko ay may pinaayos si mommy sa kanya kaya sinamahan siya ni Lola.
“Hector, wala ka mamaya?” tanong ko habang abala siya sa pagkain.
“Why?” Hindi siya nakatingin sa akin.
“Hihiramin ko si Abaddon, ah?”
“Saan ka pupunta?” Nag angat na siya ng tingin ngayon.
“Gagala lang sa rancho. Please?” I smiled sweetly.
Matalim niya akong tinitigan at hindi na sinagot. Kahit na walang sagot ay tinangga ko ito bilang pagpayag. Kung ayaw niya akong pahiramin ay dapat umiling na siya, ‘di ba?
Hinatid ako ni daddy sa Alegria Community College. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan ay may iilang kasing edad kong estudyante ang lumingon sa akin. Inayos ko ang black flannel long sleeves na naka yakap sa aking baywang. Ballpen lang ang dala ko dahil ani daddy ay lahat ng files ko ay nilakad niya na kahapon.
“Saan po ba dito iyong testing center?” tanong ko isang middle-aged woman na nasa registrar.
Mula ulo hanggang paa niya ako tiningnan. Alam ko dahil nagawa niya pang dumungaw sa enclosed window niya. Inayos niya ang kanyang salamin bago sumagot.
“Kumanan ka lang,” istrikta niyang sinabi.
Tumango ako at sinunod ang kanyang sinabi.
Pinasadahan ko ng tingin ang aking damit. I’m wearing a high waist jeans and a midriff white longsleeve. Hindi naman kita ang pusod ko dahil sa flannel short. Though my skin is kind of showing… nag kibit na lang ako ng balikat.
Isang oras ako sa testing center. Halos mahilo ako sa mga tanong tungkol sa Philippine History at sa Filipino grammar. Mabuti na lang at naalala ko pa ang ibang natalakay noong grade school pa lang ako.
Sa kabuuan ay tatlong oras yata ako sa eskwelahan. I’m starving after enrolment so I went to the cafeteria. Marami ring college students doon. Lahat yata sila ay lumingon nang dumating ako. Kinuha ko ang aking cellphone para matext na si daddy na tapos na ako dito. I can’t wait to go home and ride with Abaddon.
“Diet Coke…” sabi ko sabay turo sa canned softdrinks.
Kumuha ang babaeng taga cafeteria sa gusto ko. Inabot ko sa kanya ang bayad at kinuha ko rin ang coke na binili ko.
“Hi!” may bumating lalaki sa akin.
He’s tall and handsome. His eyes were deep and his hair is kind of messy. Naka jersey shorts siya at itim na t shirt. May dala siyang basketball na inilipat lipat niya sa kanyang kamay. Nag-iwas ako ng tingin. Gaano man ka taas at kagwapo ang mga ka age kong lalaki, hindi talaga ako naaattract.
“Anong pangalan mo?” tanong niya at nilipat ang dalang bola sa kabilang kamay.
Naglakad ako palayo. Sumunod naman siya. I’m not rude so I answered.
“I’m Entice. You?”
Umupo ako sa isang upuan. Ikinagulat ko nang nagawa niyang umupo rin sa harapan ko. Pinagtitinginan na kami ng iilang magkakasama sa kabilang lamesa.
“I’m Joaquin,” sabay lahad niya ng kamay.
Ngumiti siya. I smiled back and took his hand.
“Nice meeting you.”
“You’re a freshmen?” tanong niya. “Bago ka ah? Taga Maynila?”
Magkakakilala lang ang mga tao dito sa Alegria. Siguro dahil na rin iyon sa liit ng probinsyang ito at sa kaonting tao at pamilya lamang ang mga narito.
“Hmmm. Yup.”
“Kaya pala… Saan ka nakatira?” tanong niya.
“Hmmm. Sa dela Merced,” iyon lamang ang sinabi ko at kitang kita na naguluhan siya.
“Dela Merced?” Nag isip siya. “dela Merced ka?”
Tumango ako. “Iyong mommy ko…”
“Mommy mo si Tita Carolina Esquivel?” Nanlaki ang mata niya.
I smiled sweetly. “Yup…”
“Whoa!”
Hindi pa niya nadudugtungan ang pagkakagulat ay tumunog na ang aking cellphone. Nakita kong si daddy ang tumatawag. Sumulyap ako kay Joaquin at tumayo.
“Excuse me…” Tinalikuran ko siya para sagutin ang tawag ni daddy.
“Entice, I’m outside.”
“Okay, I’ll be there, dad.”
Binaba ko kaagad ang cellphone at binalikan ko ang mesa para kunin ang aking softdrink. Ngumiti ako kay Joaquin na naabutan kong nakipag kwentuhan saglit sa mga nasa kabilang mesa.
“I need to go. Nice meeting you, Joaquin.”
Iniwan ko siya doon. Mabilis ang lakad ko habang umiinom ng softdrinks. Kulang na lang ay liparin ko para lang maka diretso na sa sasakyan namin. Kahit nagmamadali ay hindi ko parin magawang huwag pansinin ang kagandahan ng campus na iyon. It’s so close to nature. Maraming puno at malawak ang soccerfield at basketball court na magkatabi. This is going to be great!
“May gusto ka pang puntahan?” tanong ni daddy nang naka pasok na ako sa aming sasakyan.
“Wala na po. Uuwi na ako,” sabi ko.
“Okay…” pinaandar ni daddy ang sasakyan.
Ang alam ko ay pupuntahan na rin niya sina Mommy at Lola pagkatapos niya akong ihatid. Inanyayahan niya pa nga akong sumama kaso ay hindi ako interesado. I have other plans.
Nang nakarating na ako sa mansyon ay hinintay ko munang umalis ulit si daddy bago dumiretso sa kuwadra. Hindi naman ilegal ang ginagawa ko pero ayaw ko lang talaga ng tinatanong ako.
Hinanap ko sa mga kuwadra si Abaddon. Nilingon ako ng mga trabahador na naroon kaya nagpaalam muna ako.
“Nagpaalam na ako kay Hector. Hihiramin ko lang saglit si Abaddon,” sabi ko sa matandang tagapangalaga.
Kinuha ko ang latigo na nakasabit sa kuwadra. Hinaplos ko ang ulo ni Abaddon, he responded.
“Kung mag tatanong si Hector kung saan ang tungo niyo, ano ang sasabihin ko?”
“Paki sabi na lang na gumala lang ako sa rancho-“
“Naku, hija. Pinayagan ka ba talaga? Alam mo bang delikado ngayon lalo na’t tag ulan? Paano kung abutin ka ng ulan kung saan? Maraming galang hayop sa ibang parte ng hacienda.”
“Manong, hindi naman po ako doon gagala. Sa malapit lang po ako. Gusto ko lang sumakay.”
Wala siyang nagawa dahil sumakay na ako kay Abaddon. Kaonting lakad lang bago ko nilingon ulit ang tagapangalaga.
“Aalis na po ako? Babalik din agad.” Ngumisi ako at bahagya nang nilatigo si Abaddon, I want a fast take off.
Mabilis nga ang naging takbo ni Abaddon. Hindi ko alam kung tama ba ang tinatahak ko kaya diniretso ko ito sa azukarera kung nasaan maraming trabahador ang naroon.
Pinatigil ko si Abaddon nang nakitang may isang matandang babaeng may bitbit na basket.
“Manang, pwedeng magtanong?”
Nanunuri ang mga mata niya. “Ano ‘yon?”
“Saan po ba ang dulo nito?” Sabay turo sa tinatahak ko.
“Sa Tinago ang dulo dito…” Tinuro niya ang daang diretso. “Ito naman sa highway…” sabay turo niya sa kabila.
Naalala ko iyong bahay ni Aling Nena na doon tatahakin. Bumaling ulit ako sa matanda.
“Kilala niyo po ba si Knoxx Montefalco?”
Kumunot ang noo ng matanda. Kung hindi niya kilala ay maghahanap ako ng ibang trabahador na nakakakilala.
“Montefalco, oo! Iyong nakatira ba doon?” Tinuro niya ang ibang daanan.
“Saan po siya nakatira?” Ginalaw ko si Abaddon para mas makita ang tinuturo ng babae.
“Diretso ka lang muna sa Highway. Tapos sa dulo ng lupaing ito, may mga isa o dalawang ektarya diyan na may iba’t ibang tanim. Sa gitna ay may medyo malaking bahay. Bahay iyon ng mga Navarro pero ang naroon na ngayon ay ang apo nilang Montefalco ang apelyido.”
Wala naman siguro gaanong Montefalco dito, hindi ba? Tumango ako at tinapik ang ulo ni Abaddon.
“Maraming salamat po!”
Sinunod ko ang sinabi ng matanda. Ilang minuto din akong nakasakay kay Abaddon sa mabilis na takbo. Nasa highway na ako at tinahak ko iyong daanan sa gilid lamang ng kalsada para marating ang dulo ng rancho.
Ekta ektarya ang lupain namin kaya medyo malayo rin ang narating ko. Nang may nakita akong isang malaking bahay sa di kalayuan ay hindi na ako nag atubiling lapitan.
Ang bahay na iyon ay mukhang makaluma ngunit kita parin ang pagiging makabago nito. Tingin ko ay ilang beses na itong na renovate. May veranda ito sa ikalawang palapag. Hard wood ang gamit sa mga dingding nitong parang nasa panahon pa ng kastila ang disento. Dark brown ang kulay ng buong bahay. Nakabukas ang pinto nito sa harap at nakita ko ang pamilyar na sasakyan sa gilid ng bahay. It’s Knoxx’s Wrangler!
Sa isang galaw ay bumaba ako kay Abaddon. Pinwesto ko siya sa may damo at may kaonting tubig at putik. Tinali ko siya sa puno ng acacia’ng nasa bukana ng lupain kung saan nakatayo iyong bahay.
“Tao po?” sabi ko.
Nakabukas ang nguso ng Wrangler. Tila ba may umaayos dito kanina pero wala akong makitang tao.
“Sino ‘yan?” baritong boses ng lalaki ang narinig ko.
Naka puting gutay gutay na sleeveless shirt si Knoxx. May grasang nagmantsa sa kanyang damit at sa kanyang maong. Nagpupunas siya ng kamay at madilim ang tingin lalo na noong namataan ako.
Pinisil ko ang aking daliri sa aking likod at ngumiti sa kanya.
“Hi! Dito ka pala nakatira?” sabi ko.
Bumaling siya sa nguso ng kanyang sasakyan at may inayos yata doon. Hindi ako nililingon ay tsaka siya nagsalita.
“Bakit ka nandito?”
Lumapit ako sa kanyang sasakyan para dumungaw na rin sa kung anong inaayos niya.
“I’m bored so namasyal muna ako. Are you alone in this house?”
Humilig ako sa nguso ng kanyang Wrangler at agad akong nakakuha ng grasa galing doon!
“Don’t-” hindi niya tinuloy.
“Oh!” Tiningnan ko ang mga kamay kong itim na ngayon. Kinagat ko ang aking labi. “Paano ‘to matatanggal?”
“Just wash your hands…” aniya at kumuha ng isang tabo ng tubig sa gilid.
Sinarado niya ang nguso ng kanyang wrangler at doon niya nilagay ang tabo. Binasa ko ang aking kamay doon at unti unting tinanggal ang itim kahit na mukhang matatagalan ako.
Nagkatinginan kami ni Knoxx. Umigting ang kanyang panga. Bakit mukha siyang laging naiinis sa akin? What’s in me that is very unlikeable, I wonder?
“Sira ba ang Wrangler mo?” tanong ko para maistorbo ang galit niya sa akin.
Nag-iwas siya ng tingin at ginulo niya ang kanyang buhok. Dammit! Could this guy get any hotter? Nilingon niya ako. His eyes pierced through me. Umawang ang labi niyang mapupula. Hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya! Kung nakamamatay lang ang titig ay kanina pa may lamay dito.
“Nope. Tinitingnan ko lang. Wash your hands properly…” aniya sa malamig na boses.
Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang aking mga kamay na nasa loob ng tabo. Medyo nawala na ang grasa doon kaya tumigil na ako sa paghuhugas. Bumaling ako sa kanya.
“Why are you here?” tanong niya. Mukhang hindi siya kuntento sa aking sagot kanina.