Whipped – Kabanata 2

Kabanata 2

Spoiled Brat

Tumagaktak ang pawis ko habang sinisigawan si Abbadon para tumigil sa pagtakbong-kabig. Tumigil ang kabayo sa talampas. Tanaw na tanaw ko doon ang lupang kinatitirikan ng aming mansyon. Maliit ang mga tao kung tingnan galing sa kinaroroonan ko.

“Ganda!” sabi ko sabay hagod sa ulo ni Abbadon.

Papalubog na ang araw. Tanaw ko rin ito sa dulo ng lupain namin. Dinama ko ang hangin na naging dahilan ng pagsabog ng aking buhok. Pipikit na sana ako nang narinig ko ang pagtunog ng aming bakal na gate. May mga sasakyang dumating. Isang pick up ang nauna. Sa likod ay may nakita akong mga lalaking sakay.

“This must be Hector’s friends?” sabi ko.

Sumunod ang isa pang kulay pulang pick up na may ganoon ding mga sakay. May ilang babae na akong nakikita.

Ang pangatlong sasakyan ay ang pamilyar na Wrangler ni Knoxx. Tinapik ko kaagad si Abbadon. May sumilay na excitement sa akin.

“Tara, Abbadon!” sabay tapik ko sa kanyang likod.

Hindi gumalaw ang kabayo. Imbes ay suminghal pa ito ng bahagya. Kumunot ang noo ko.

“Abbadon, please!” mas malakas na ang tapik ko sa likod niya.

Magkasundo kaming dalawa pero mas madalas ay matigas ang kanyang ulo. Hinawakan ko ang latigo at hinampas sa kanyang likod para sumunod sa gusto ko. Agad ay lumiko ito at tumakbo. Kumapit ako sa tali at bahagyang bumaluktot para hindi mahulog.

Saktong pagtipon tipon ng mga kaibigan ni Hector sa labas ng mansyon ay ‘tsaka kami nakarating ni Abbadon.

“Hiya!” sigaw ko sa kabayo nang ayaw tumigil.

Tumigil ito sa harap ng mga nagtatawanang lalaki. Nilingon ako ng isa, ng dalawa, hanggang sa silang lahat na ang nakatingin sa akin. Narinig ko ang aking pangalan at inisip kong may mga nakakakilala siguro sa akin dito ngunit hindi ko na matandaan.

Lumabas si Knoxx sa kanyang Wrangler. May dalawa pang lalaki ang lumabas galing doon at may dalawa ring babae. They’re not familiar to me.

Bumaba ako kay Abbadon. Naririnig ko na si Manang Leticia na tinatawag sila para pumunta na sa likod, kung saan hinanda iyong munting salu-salo para sa mga malalapit na kaibigan ni Hector.

“Entice?” baritonong boses ang mas klaro kong narinig.

“Hi! Are you Hector’s friends?” sabay ngiti ko isa-isa sa kanila.

Lumabas ang lalaking tumawag sa akin. Nagulat ako nang nakitang malaking malaki na ang katawan ni Koko. Namukhaan ko siya ngunit hindi ko na halos maalala ang kanyang katawan. Payat siya noong bata pa ako. Ngayon ay halos sumabog ang kanyang damit dahil sa pagkakaporma ng kanyang katawan.

“Koko!” sigaw ko sabay takbo patungo sa kanya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. I missed him!

Tumawa si Koko. “Entice!” ulit niya.

Narinig ko ang bulungan at tawanan. Kinakantyawan nila si Koko dahil sa reaksyon ko. Tumigil ako sa pagyakap at tumuwid sa pagkakatayo. Kitang kita ko ang pamumula ni Koko. Just like the old times. May biglang kumapit sa kanyang braso. Isang babaeng nakakunot ang noo sa akin.

“Koko, you have a girlfriend?” sabay ngisi ko.

Nagkamot ng ulo si Koko sabay tingin sa babaeng nasa tabi.

“Si Abby, Entice. Abby, si Entice, ang pinsan ni Hector at kababata ko.”

“Hi!” Naglahad ako ng kamay sa babaeng nasa tabi ni Koko.

Imbes na siya ang tumanggap sa kamay ko ay may ibang tumanggap rito. Nakahilera ang mga lalaking kaibigan ni Hector.

“Mathew…” anang lalaking matangkad.

Ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nagtagal ay tinulak siya ng katabi. “Oliver,” sabi noong mas matangkad.

“Entice!” sigaw ni Manang Leticia.

Umismid ako. Mapapagalitan pa yata ako sa harap ng mga kaibigan ng aking pinsan.

“Ilagay mo na si Abbadon sa kanyang kuwadra at sumunod ka na sa likod! Naghihintay na si Chesca doon!”

“Sige po, manang.”

Bumaling ako sa mga nakatingin sa akin. Tahimik ang mga babae. Nginitian ko sila, isa-isa. May iilang ngumiti pabalik pero ang mga kasamahan ni Koko ay hindi.

“Hope I can be friends with you all!”

Tumalikod ako para kunin na si Abbadon at hilahin sa kuwadra. Narinig kong umaalis na sila, isa-isa.

“Entice, sumunod ka ha?” ani Koko.

“Syempre, Koko!” ngumiti ako at nilingon si Knoxx na naabutan kong nakatingin sa akin.

Nag-iwas siya ng tingin. Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. Sumunod siya sa mga kasama. Ang dalawang babae ay kinakausap siya.

Mabilis kong hinila si Abbadon sa kuwadra. Inutusan ko na lang ang naroon na sila na ang bahala dahil gusto ko nang pumunta sa likuran para makausap ang mga kaibigan ni Hector.

Nang nakarating na ako sa likod ay namili na kaagad ako ng mesa. Ang mesa nina Koko ay punuan na ngunit paniguradong makakahanap naman ako ng paraan.

“Entice!” sabay kaway ni Koko sa akin.

Ngumiti ako at kumaway pabalik.

“Dito ka!” sabay tapik niya sa upuang nasa tabi niya.

Tumango kaagad ako at dumiretso doon. Narinig ko si Hector na tumatawag sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

“By the way, eto nga pala ang pinsan kong si Entice. Galing itong U.S. Ngayon lang siya ulit nakauwi ng Alegria,” ani Hector sabay hawak sa likod ng aking silya.

Ngumiti ako sa katabi kong si Koko. Ang kanyang girlfriend na si Abby ay may masamang tingin sa akin. Nginitian ko parin iyong babae.

Pinakilala ni Hector isa-isa ang mga kaibigan niya. Although, I forgot all of their names. Syempre, sa dami nila ay hindi ko na maalala. Iyong mga maiingay lang na nasa mesa ni Chesca ang siguro’y naaalala ko.

Kumuha ako ng pagkain. Puro grilled ang naroon. May inuman din pero syempre ay mamaya na iyon. Sa mesa nina Chesca ay maingay. Gusto ko tuloy lumipat doon. Masyado kasing tahimik ang mga babae dito. Hindi ko naman makuha ang pinag uusapan ng mga lalaki.

“Ang tagal na nating hindi nagkita, Entice. Noon ang bata bata mo pa. Ang liit mo pa… Ngayon?” Ngumisi si Koko sa akin.

“Ikaw din naman! Payatot ka pa noon, Koko! But see, people change. Physically, I mean. That’s called puberty,” sabi ko.

“Ilang taon ka ba sa U.S?” tanong noong pinakamatangkad na kaibigan ni Hector. I failed to remember his name.

“Almost ten years. Don’t get me wrong, nakakabalik naman ako ng Pinas pero hindi dito sa Alegria. My dad’s usually based in Manila kaya hanggang doon lamang ako tuwing umuuwi. And I don’t last a month in Manila too. Lagi akong bumabalik din ng New York.”

“Oh? New York! Taga roon ang tita ko,” anang isa pang lalaki.

“Anong masasabi mo na ikakasal na ang pinsan mo, Entice?” Tinanong ako ng isang babaeng maganda, maputi, at may mapupulang labi. First glance ay alam ko nang mahirap siyang pakisamahan but that didn’t stop me.

“Masaya ako na ikakasal na si Hector. He’s of age, anyway. At gustong gusto ko si Chesca.” Ngumiti ako.

Ngumiwi iyong babae at uminom sa kanyang juice. “Why? Ayaw mo ba kay Chesca?”

“Hindi naman siguro. Nasasayangan lang kasi batang-bata pa si Hector,” sabi ni Abby, iyong girlfriend ni Koko.

“Kayo rin naman, bata pa. Well, if they feel so in love with each other then let them. Falling in love and being caught by the one you love is almost a miracle in this age. Hindi ba dapat ay ipagdiriwang iyon?”

Tiningnan ko sila isa-isa. Tumango ang mga lalaki ngunit ang mga babae ay tahimik. Knoxx smirked. Nanatili ang tingin ko sa kanya. God, he really is smoking hot!

“Why are you smirking? Is there something wrong with what I said?” tanong ko.

“Tama nga naman, Entice. Kung nagmamahalan naman ay walang problema doon,” ani Koko.

“Well, you say it like marraige is too simple for you, young lady,” ani Knoxx sa marahang boses.

Pinaglalaruan niya ang bote ng beer. Uminit ang pisngi ko. I felt a little embarassed. Tingin ba niya ay masyado akong bata para maging tinig ng mga taong nagmamahalan?

“Have you been married before?” tanong ko. “You say it like you’ve tasted the most disgusting marraige ever.”

Nagtaas ng isang kilay si Knoxx. Halos mapamura ako. I like him! Dammit! “I don’t need to experience it. Kung matalino ka, makikita mo na iyon sa mga taong nasa paligid sa iyo. But then you’re right, if they’re in love then there’s no problem.”

Ngumiti ako. Para akong baliw habang nagtititigan kami.

“Knoxx…” may isang babaeng tumawag sa kanya kaya natigil ang titigan namin.

Napawi ang ngiti ko. Tumingin ako sa epal na babae. May binulong iyon kay Knoxx, dahilan kung bakit nagtawanan ang dalawa.

“Ilang taong gulang ka na, Entice?” tanong ng isang lalaki.

“I’m eighteen.”

“Oh? So magka-college ka na? Babalik ka sa New York para mag college?”

Umiling ako at binigay sa lalaki ang atensyon. “Hindi. Dito na ako magco-college. Sa Alegria Community College. Bakit?”

“Oh! Whoa! So magiging extra protective si Hector nito! Sayang at nagtapos na kami noong nakaraang taon!”

“Sa Alegria ka mag cocollege?” tanong ni Koko na tinanguan ko lang.

“Extra protective, for what reason?”

“Paniguradong maraming manliligaw sa iyo. Maganda ka…” Siniko ng katabi ang lalaki. Umubo ito at nagpatuloy. “Really…”

Ngumisi ako. “Hindi na kailangang maging protective ni Hector, I don’t like guys my age. I prefer someone years older than me.”

Naghiyawan ang mga lalaki. Umiling naman ang mga babae. Nag high five ang dalawang lalaking magkatabi.

“Oy! Kayo ha! Lagot kayo sa akin!” ani Koko sa kanila.

“Bakit ayaw mo sa lalaking ka edad mo? That’s unusual,” anang lalaking nasa harap.

“Well, I find them premature physically and emotionally. Mas gusto ko iyong mature.”

“May mga lalaki namang maganda na ang katawan at matangkad na rin na kasing edad mo!” giit ni Koko.

“Well, hindi naman katawan ang hanap ko, Koko.” That’s a plus points though.

Nakita kong tumawa si Knoxx. Kinagat ko ang labi ko.

“So… paano ako? Maganda ang katawan ko!” ani Koko sabay tawa.

Ngumisi ako sa kanya. “I’m not saying na ayaw ko iyong may magaganda ang katawan. I’m just saying na hindi iyon ang priority ko.”

“Anong pinag uusapan ninyo dito?” ani Hector nang lumapit sa amin.

“You’re cousin’s talking about her type of boys, Hector,” agarang sagot ni Knoxx.

Dammit! Mataman akong tinitigan ni Hector. Tumawa lamang ako para hindi niya ako mapagalitan.

“You’re too young for that!” ani Hector.

“Preach!” nagtaas ako ng kilay. “I’m not getting married yet, Hector. It’s just fun!”

“Ayusin mo iyang fun mo, Entice! It’s no fun for me at all…”

Ngumiwi ako at pinagmasdang bumisita si Hector sa kabilang mesa. Bumaling ako kay Knoxx at naabutan ulit siyang may kausap na babae. Nagkatinginan kami ngunit pinagtaasan niya lamang ako ng kilay.

“Koko,” sabi ko. “Samahan mo naman ako sa kabilang table, oh. Nahihiya ako doon.”

“Sige ba!” sabay tayo kaagad ni Koko.

Bumaling ako kay Knoxx na nakatingin parin sa babaeng kausap. Pinagtuonan ko ng pansin ang babaeng kausap niya. Morena ang babae, may dimples siyang lumalabas tuwing ngumingiti, mahaba at straight ang maitim na buhok. Hula ko ay kasing edad siya ni Knoxx. Is that his girlfriend?

Nang nakalayo na kami ni Koko ay nagtanong kaagad ako.

“Sino iyong kausap ni Knoxx na babae?” tanong ko kay Koko.

“Ah! Si Lumi… Kaibigan namin.”

“Girlfriend niya?” tanong ko, papalapit na kami sa mesa nina Chesca.

“Hindi yata,” wala sa sariling sagot ni Koko.

“Hindi yata? Hindi sigurado?”

Bumaling si Koko sa akin. “Gusto mo si Knoxx, Entice?” Mariin ang tinig niya.

“Hindi, ano ka ba! I’m just asking…” sabay lakad ko ulit patungo kina Chesca.

Nang nakarating na ako ay kinausap ko ang mga kaibigan ni Chesca. Clearly they are the better group kumpara sa mga kaibigang babae ni Hector. Hindi na sana ako aalis doon kung hindi lang nagyaya si Koko na bumalik na sa aming mesa.

Pagkabalik naman namin doon ay padabog na tumayo si Abby. Nagkatinginan kami ni Koko. Nagkibit ako ng balikat nang nakitang nag walk out si Abby sa aming mesa. May isang lalaking sumipol.

“Sandali lang, Entice…” ani Koko.

“Oh? Saan ka pupunta, Koko? Aalis ka?” tanong ko.

Tumango siya at hinabol na si Abby.

Nagkibit ulit ako ng balikat at umupo sa mesa. Pagkaupo ko ay kitang kita ko na ang tingin nilang lahat sa akin. Kumunot ang noo ni Knoxx sa akin.

“Anong problema ng girlfriend ni Koby?” tanong ko.

“She got jealous. Alam mong may girlfriend iyong tao, sinasama mo pa sa pag alis mo. Ni hindi ka nagpaalam,” ani Knoxx sa akin.

Nagulat ako doon. “Jealous? Wala kaming ginagawang masama ni Koko, ah? That’s weird!”

“Well what you did was weird! Sinama mo pa si Koko! Hindi mo nakitang ayaw ni Abby?” anang babaeng maarte.

“Well, I’m sorry if she got jealous! Magkaibigan kami ni Koko kaya hindi ko inakalang magkakaganoon!” Umiling ako.

Nakita ko ang pag-iling din ni Knoxx. Mukha siyang sobrang disappointed sa ginawa ko.

“Childish…” bulong niyang narinig ko.

“Sinong tinatawag mong childish?” I admit it, medyo nairita ako doon.

“You… You’re a spoiled brat!”

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Knoxx. “That’s a very serious accusation, Knoxx,” sabi ko. “I didn’t know what happened between Koko and his girlfriend. If you want I can call Koko right now and siya na mismo ang magsabi sa inyo na wala lang iyon. Goodness!”

“Whatever. You should apologize to Abby. She’s upset,” ani Knoxx sa akin.

“Why would I apologize? Kung mag sosorry ako, para ko na ring inaccept na may kasalanan nga ako! wala akong kasalanan. That was a friendly gesture!” sabi ko.

Umiling si Knoxx sa akin. It’s like he’s giving up on talking to me. Parang may bumuhos na asido sa aking sikmura. Pinasadahan ko ng tingin ang ibang lalaking kumakausap sa akin kanina. Mabuti pa sila.

“That’s okay. Don’t worry about it. Kaya na iyon ni Koko.”

Ngumiti ako sa lalaki. “Salamat.”

Sumulyap ako kay Knoxx na umiling ulit sabay tingin sa babaeng nasa tabi niya. Nagtiim-bagang ako.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: