Whipped – Kabanata 1

Kabanata 1

Whip

Binigay niya sa akin ang tuwalya. Ngunit pagkatapos noon ay inayos niya ang tali sa balsa.

Nakatingin ako sa kanya habang pinupunasan ang aking buhok. His back is broad and wide. I can’t take my eyes off him. Madalas ang ganitong pangangatawan sa U.S., guys with big built. Pero hindi ako makahanap ng pwedeng maihalintulad sa kanya. Maybe because most eighteen years olds don’t usually have muscles like that.

“Bilisan mo sa pagbibihis,” anito nang nalingunan ako ng isang beses.

“Okay…” I said. “So… Knoxx, nagtatrabaho ka ba sa daddy ko?”

Kinuha ko ang aking spaghetti strap at inayos na para makapagbihis. Abala parin siya sa lubid at hindi siya agad sumagot sa akin.

“Hello?” sabi ko nang hindi niya ako sinagot kaagad.

“Hindi. Please, make it fast. Marami akong kailangang gawin,” aniya.

Ngumuso ako at tinuon ang pansin sa mga damit. Inayos ko ang aking pants at tinali na ang flannel shirt sa aking baywang. Sinuot ko ang combat boots at agad nang tumayo.

“I’m done,” sabi ko.

Pinatutuyo ko ang aking buhok sa pamamagitan ng tuwalya. Nilingon niya ako ‘tsaka siya tumayo na rin. Damn, his eyes were really deep. His manliness is as dominating as a lion in the vast jungle. Napangiti ako habang sumusunod sa kanyang paglalakad.

“So… hindi ka pala nagtatrabaho kay daddy. Kung ganoon, kay lola?” tanong ko habang hinahabol siya sa paglalakad.

Sa pag-apak ko ay may naririnig akong langutngot ng mga dahon galing sa nagtatayugang mga puno. Nakatuon ang tingin ko sa mga iyon, takot na baka may ahas na biglang dumaan.

“Hindi,” he answered.

“So… you are a haciendero too, then?” tanong ko.

Hindi siya sumagot. Nagtiim-bagang ako. This man is pretty snobbish. Ayaw niya yatang kinakausap.

Tumakbo ako bahagya para maabutan ang mga malalaking hakbang niya.

“How old are you, Knoxx?” tanong ko dahil hindi niya ako sinagot sa naunang tanong.

“I’m twenty-two. Pumasok ka na,” aniya nang nasa harap na namin ang kanyang Wrangler Jeep.

Kulay itim ito at walang salamin. It’s pretty traditional and I instantly imagined him trying to drive this vehicle.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat at hindi niya na ako hinintay. Umikot na siya at pumasok sa driver’s seat. Nakatingin siya sa kalsada at tamad na hinawakan ang clutch. Humugot ako ng hininga at umakyat na sa sasakyan at sinarado ang pintuan.

He’s four years older than me! Nag-aaral pa kaya ito? Nakatingin ako sa kanya habang pinapaandar niya ang Wrangler. The engine roared into life. Pinaharurot niya ito at sumabog ang buhok ko sa aking mukha dahil sa hanging sumalubong sa amin.

“Wohooo!” sigaw ko sabay taas sa dalawa kong kamay.

I like his car. Inamoy ko ang simoy ng preskong hangin sa Alegria. Gumala ang mga mata ko sa mga bagong bahay at tindahan na wala noon. Alegria is really improving. Naiiwan ang mga mata ko sa mga bagong establisyimentong nakikita.

“That’s new!” sabay turo ko sa isang malaking grocery store. “Maliit na sari-sari store lang ang nakatayo diyan noon!”

“Ilang taon ka bang hindi nakabalik ng Alegria?” tanong ni Knoxx.

Napalingon ako sa kanya. I can’t help but suddenly smile at his question. Nalulugod akong sagutin ang tanong niya.

“Almost ten years,” sagot ko.

Di siya tumango o sumagot. Nanatili ang kanyang mga mata sa daanan.

“Matagal ka na ba dito sa Alegria?” tanong ko.

Humugot siya ng malalim na hininga. I wonder why he’s looking so intense. Ganyan na ba talaga ang mga mata niya? Ganyan na ba talaga siya tumingin sa mga bagay? Or is there something wonderful in the concrete roads of Alegria to deserve that honour?

“A few years…” iyon lamang ang naging sagot niya.

Magtatanong pa sana ako kung hindi ko lang natanaw ang malaking gate ng aming lupain. Our family’s coat of arms and the Dela Merced’s family name is plastered in our big black gate.

Tumuwid ako sa pagkakaupo. Papagalitan ako ni mommy, panigurado. And I think Lola will get mad at me too!

Nilingon ko ang aming gazebo na inaayos na para sa kasal nina Hector at Chesca. Doon gaganapin ang salu-salo pagkatapos sa simbahan. Ilang araw pa lang bago ang kasal ngunit tila sobra-sobra na ang paghahanda.

“I bet you know my cousin Hector?” nilingon ko si Knoxx na ngayon ay pinapatigil ang Wrangler Jeep sa tapat ng bahay namin.

Bumuntong hininga siya at tumango. Binuksan niya ang pintuan ng kanyang sasakyan. Umismid ako. Ang suplado niya talaga!

“Entice!” narinig kong sigaw ni mommy galing sa loob ng bahay.

Nilingon ko ang double doors namin na nakabukas na. Pababa si mommy at daddy sa hagdanan. Sinalubong ni Knoxx si daddy at nag-usap saglit. Hindi ko marinig ang pinag-usapan dahil sa ingay ni mommy.

“Your lola is very upset! Stop behaving like a child! Alam mo bang tumaas ang alta presyon ng lola mo dahil sa pagkawala mong bigla? Where have you been?”

Nanatili ang mga mata ko kay Knoxx na masinsinang nakikipag-usap kay daddy. Tumango siya sa sinabi ni daddy at sumulyap sa akin ng isang beses. Halos matigil ako sa paghinga nang dumirekta sa akin ang malalalim niyang mga mata. Bumagsak din ito nang tingnan niya ang kanyang susi at tumalikod para bumalik sa Wrangler Jeep. Sumunod ang mga mata ko sa kanya.

“En! Are you listening to me?” Mommy sighed. “Go and apologize to your lola! Nasa kwarto siya kanina! Maayos na ang pakiramdam niya ngayon kaya huwag mo nang ulitin iyon!”

Pinaandar ni Knoxx ang Wrangler at lumayo na ito. Bumukas muli ang aming gate para makalabas ito.

“Are you listening, Entice?” Baritonong boses ni daddy ang nagpalingon muli sa akin.

Ngumisi ako. “I just want to go to Tinago, dad! Ayaw ninyo kasi akong payagan! Where is Hector when you need him?” Umiling ako at umakyat na sa aming hagdanan.

Narinig ko rin ang pagsunod ni mommy at daddy sa pag-akyat ko.

“You should apologize to your lola!” ani mommy.

“Hector is busy with the wedding, I told you. You just wait when the wedding’s done,” ani daddy.

Nasa sala na kami. Ang marmol na sahig ay napuputikan ng aking combat boots. Tiningnan ni mommy ang mga footprints ko at kitang kita ko ang pagbilis muli ng kanyang hininga. She’s going to explode anytime now.

“Aalis sila ni Chesca, hindi ba? Where are they going for their honeymoon and why is Koko so busy, dad? Hindi ko pa siya nakikita.”

“Koko will drop by later along with Hector’s friends dito sa bahay natin. You should wait!” ani mommy.

“Entice! Where have you been for God’s sake!” narinig ko ang boses ni Lola.

I pouted. Dumiretso ako sa kanya at niyakap siya sa tiyan.

“I’m sorry, La. I just really want to wander around Tinago.”

“Saan ka dumaan, kung ganoon? Jusko, hija! Do you want to kill me?”

Umiling ako. “Dumaan lang ako sa plantation. I’m sorry. Anyway pinahanap naman ako ni daddy kay Knoxx…” Binalingan ko si daddy.

“If you want to go out, you wait until Hector’s friends are here,” ani daddy bago siya umalis para siguro ay magtungo sa kuwadra.

“I’m warning you, Entice. Don’t do that again!” ani mommy at nagtawag na ng kasambahay para linisin ang sahig. “Take a bath and change your clothes! Masyado kang madungis!”

Umupo si Lola sa sofa. I’m feeling queasy too but then I can’t leave. Pumunta na si mommy sa kusina at ang pumalit sa kanyang pwesto ay ang kasambahay. Si Lola naman ay nagpapahinga sa sofa. May naglalagay ng juice sa kanyang baso at sa tabi niya ay ang aparatong pang kuha ng Blood Pressure.

“I’m sorry again, La…” malambing kong sinabi sabay yakap sa kanya galing sa likod.

“Don’t do that again. Why don’t you take a bath now, Entice?” natatawang sabi ni Lola.

Tumango ako at tumalikod. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Manang Leticia na galit na galit.

“Manang,”

“Saan ka nanggaling?” tanong niya sa akin.

“Leticia, nanggaling siya sa Tinago. Kung hindi lang siya natagpuan ni Knoxx doon ay hindi pa siguro iyan nakakauwi ngayon,” si Lola na ang sumagot para sa akin.

Mabilis ang lakad ko patungong hagdanan. Alam kong pinagbibigyan ako ni mommy, daddy, at Lola pero si Manang Leticia ay hindi ganoon.

“Ikaw’ng bata ka!” sabay sunod niya sa akin sa aking kwarto. “Alam mo ba kung ano ang nangyari sa Lola mo?”

Hinarap ko si Manang, determinado akong mabago ang topic. That’s the only way I can get away with this.

“Hmmm. Manang, may itatanong po ako…”

“Ano yon?” pagalit niyang sinabi habang nagliligpit ng mga nakakalat ko pang damit galing sa maleta.

“Trabahante ba ni Lola si Knoxx?”

“Hindi,” matigas niyang sagot.

“So he’s haciendero?” tanong ko at nagtanggal ng flannel polo sa aking baywang.

“Parang ganoon. Bakit?”

Umiling ako. Napatingin naman si Manang sa akin, nanliliit ang mga mata.

“Ano na naman iyang iniisip mo, Entice? Kaibigan ni Hector si Knoxx. Anong mayroon?”

Tumango ako. “Bakit siya ang kumuha sa akin sa Tinago?” Umupo ako sa aking kama, nanatili ang tingin ko kay Manang Leticia.

“Lahat ng tauhan ng iyong ama na nandito kanina ay pinadala upang mahanap ka. Siya lamang ang nakatagpo sa iyo. Estudyante siya ng ama mo sa farming. Nagpatulong ito sa ama mo kung paano magsaka, pangalagaan ang rancho, at iba pa. Bakit ka nagtatanong?” Mas lalong nanliit ang mga mata niya. Natigil siya sa pagliligpit ng gamit.

Nag-iwas ako ng tingin at nagsimula nang maghubad ng damit.

“Huwag kang magkakamali, Entice. Kay bata-bata mo pa at kasing edad ni Hector si Knoxx.”

“He’s just twenty two.”

“Paano mo nalaman?”

Hindi parin ako makatingin kay Manang. Tumalikod ako, may ngiting naglalaro sa aking labi.

“Manang…” I changed the topic again. “You think papayag si mommy na hindi na ako bumalik sa US? I mean, natapos ko naman ang high school doon. Dito na lang ako magco-college. Hindi ba may college na dito? That’s where Hector studied?”

Nagpatuloy si Manang Leticia sa pagliligpit. “At bakit ka naman dito na mag-aaral?”

“You know I’ve always loved Alegria. I hated being away kahit na madalas na pumunta si mommy at daddy doon. There’s a reason why Hector didn’t want to go back. He wants to be here. I want to be here too kaya bakit hindi ako pinapayagan?”

“Tanungin mo ang Lola mo. Maligo at magbihis ka na. Napakadungis mo na!” aniya.

Ngumisi ako. Nag-aaral pa kaya si Knoxx? Kung ka edad sila ni Hector ay malamang graduate na ito.

“Taga saan po ba si Knoxx, Manang?”

Nanliit ulit ang mga mata ni Manang ngunit sinagot niya parin. “Sa dulo ng lupain ninyo.”

Ngumuso at tumango. Is he living alone? Living with his parents? Living with his relatives? Living with his girlfriend or wife? Bigla akong nadisappoint sa naisip ko.

“Ano na naman iyang iniisip mo, Entice?”

Ngumisi lang ako at dumiretso sa banyo. I turned on the shower. Naka hot shower iyon at nagsimula na akong maligo.

Pagkatapos ng isang oras ko sa banyo ay lumabas na ako. Wala na doon si Manang Leticia at maayos na ulit ang mga damit ko. Halos lahat ng mga paborito kong damit ay nasa maleta pa. Hindi pa iyon nilalabas dahil ayon kay mommy, babalik din ako ng Estados Unidos.

Inubos ko ang oras ko sa pagbalik ng mga damit ko sa aking closet. I don’t care if Mom disapproves, I am going to live here in Alegria.

“Anong ginagawa mo, Entice?” nagulat ako sa boses ni mommy sa pintuan.

Nakabukas na ang pinto at naroon na siyang nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako.

“Mom, I want to study here. Dito na lang po ako. Huwag niyo na akong ibalik sa New York,” sabi ko.

Tinitigan niya ako. Bigong bigo ako dahil alam kong hinding hindi siya makakapayag. The last time we talked about this, nagtalo kami ng isang oras at hindi ko na siya kinausap ulit.

“Lina, hayaan mo na,” boses ni Lola ang narinig ko.

Bumaling ako sa pinto at nakita ko silang dalawa ni mommy. Namutla si mommy sa gagawing desisyon.

“Which college do you want? Titira ka kina Hector sa Manila at doon ka mag-aaral,” ani Mommy.

I was thrilled that she agreed pero hindi pa iyon sapat.

Tumayo ako at ngumisi. “Mom, dito po sa Alegria ang gusto ko. Hindi ba may kolehiyo dito? Doon na po ako!”

Nagkatinginan si mommy at Lola. Sa kanilang mga ekspresyon ay alam kong papayag sila na dito na ako mag-aaral.

“Sa Lunes na ang simula ng kanilang pasukan. Huli ka na…” ani mommy.

“I’m sure Tomas can do something about it, Lina. Sige na. Pagbigyan mo na ang anak mo. It’s good that she wants to study here. Mas mababantayan natin ang pag-aaral niya. Ang mabuti pa, sabihin mo kay Tomas na magpatulong kayo kay Shirley, ang registrar ng paaralang iyon para diretso nang tanggap si Entice,” ani Lola.

Tumalon ako sa tuwa. Gusto ko tuloy’ng bisitahin ang paaralang iyon!

“Sige, mama,” ani mommy sabay tingin sa akin.

Niyakap ko si mommy at Lola. I can’t believe it! Dito na ako mag-aaral!

“Lina…” narinig namin ang boses ni Manang Leticia sa baba.

“Manang?” ani mommy.

“Narito na sina Hector. Tatawagan na niya ang mga kaibigan niyang pupunta mamaya para sa salu-salo. Aayusin na ba ang mga pagkain?”

“Sige, Manang. Bababa na ako.”

This day is the best day of my life! Nakapaa pa ako nang bumaba ako sa hagdanan para salubungin ang pinsan ko. Nagkita na kami nito at ng mapapangasawa niya pagdating ko pero agaran ang pag alis nila papuntang Maynila kaya hindi kami nagkausap ng maayos.

“Hector!” sabi ko sabay yakap sa pinsan ko.

Ang maputi na babae sa kanyang gilid ang ngumiti sa akin. Ang kulot na buhok ni Chesca ay nakatali ngayon, mas lalong nadepina ang kanyang collarbones dahil doon.

“Hi Chesca!” sabi ko sabay yakap sa mapapangasawa ng pinsan ko.

“Narinig ko na tumakas ka raw kanina? Saan ka nagpunta?” tanong ni Hector sa akin sa isang malamig na tono.

“Sa Tinago lang naman! Ang linaw parin ng tubig doon! Nilakad ko galing likod patungo doon. Ang init tsaka nakakapagod!” sabi ko.

“Bakit hindi ka nagdala ng kabayo?”

“Tumakas lang nga ako, ‘di ba?” Humagikhik ako at bumaling sa kay Chesca.

“Dala namin ang susuotin mong gown sa kasal. Want to see it?”

Lumapad ang ngisi ko. “Sure!”

Bumaling siya sa sofa kung nasaan nakalatag lahat ng gown. Kulay dark green ang motif nila. Magmumukha kaming mga diwata dahil doon. Isa ako sa mga bride’s maid. Ipinakita ni Chesca ang susuotin ko at agad ko itong nagustuhan!

Si Hector ay nakaupo lamang sa sofa at nanonood sa aming pagtatawanan.

“Hector, magkakaroon kayo ng salu-salo mamaya, hindi ba?” tanong ko.

“Oo. Bakit?” pumangalumbaba siya.

“Pupunta ba ang mga kaibigan mo?” tanong ko.

Umirap siya. “Pupunta si Koko. Hindi pa iyon nakakabisita dahil abala iyon sa gawaing bukid.”

Umiling ako. “Not Koko. You think Knoxx will come?”

Nanliit ang mga mata ng pinsan ko. Pakiramdam ko ay may nasabi akong hindi maganda. Tinutop ko ang aking bibig.

“What about Knoxx?” Tumagilid ang ulo niya.

“Knoxx Montefalco, Hector?” tanong ni Chesca.

Tumango ako ng marahan.

“He will pero bakit ka nagtatanong? Gusto mo ba siya?” tanong ni Hector.

Uminit ang pisngi ko. Hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na ako ni Hector.

“You’re too young for that. At isa pa, hindi kayo magkakasundo noon.”

Tumawa si Chesca. Umirap naman ako sa aking pinsan. “I don’t know what you’re talking about. Nagtanong lang naman ako. Can I use Abbadon?”

Tumango si Hector sa aking huling tanong. “Don’t whip him too much. You know I don’t do that.”

“Hindi ko iyon gawain, Hector…” sabi ko sabay lapag sa gown.

Umiling siya. “Naaalala ko pa kung paano mo nilalatigo si Abbadon noon tuwing nababagalan ka sa kanya…”

Nagkibit ako ng balikat at agad na umakyat para sa aking boots.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: