Whipped – Simula

Simula

“Entice!” sigaw ni Manang Leticia.

Nakapagtago ako ngayon sa kitchen. Sa ilalim ng aming counter ay nakayuko ako para hindi ako mahanap ni Manang Leticia. I’ve been here for two days and they won’t let me go out of this house. I am so damn bored kung sa bahay lang ako mananatili.

Ayaw akong palabasin ni Mommy at Lola. Naiinis na nga ako dahil sa pagiging over acting nilang lahat. Kesyo hindi ko na daw kilala ang Alegria, hindi ko na alam saan patungo ang mga daanan.

Kung sa bagay, tama naman sila. Siyam na taong gulang yata ako noong nangibang bansa kami kasama ang pinsan kong si Hector. Ibang-iba na ang Alegria ngayon kumpara noon. Halos bukirin parin naman ang makikita pero mas marami ng factories ngayon.

“Entice! Malalagot ka sa aking bata ka kapag nakita kita!” sigaw ni Manang Leticia.

So mas lalo akong hindi magpapakita. Bakit ako magpapakita sa kanya kung malalagot pala ako pag nagpakita ako?

Mabilis akong tumakbo palabas ng pintuan sa kitchen. Kailangan ko pang magtago dahil mamaya ay makita ako ng mga trabahador nina daddy na nakalagi sa mga kuwadra ng kabayo.

Mabilis ang pintig ng puso ko habang tinatahak ang maputik na daan palabas sa lote ng buong mansyon. Putikan na ang combat boots ko at ang kulay kayumangging putik ay umabot na sa faded blue jeans ko. I don’t care. This is exciting!

“ENTICE!” sigaw ni Manang galing sa bahay.

Humagikhik na ako. Nakalabas na ako sa lote at nagsimula na akong maglakad ng matuwid. Tatahakin ko ngayon ang daanang madalas kong pinupuntahan para makapunta sa aming dam at makalusot hanggang sa Tinago.

Tiningnan ko ang malawak na taniman ng aming pamilya. Kung hindi pa ikakasal si Hector ay hindi pa ako makakauwi dito. Mabuti na lang talaga at ikakasal ang isang iyon, pinauwi ako dito. I’ve always like the feels of Alegria. Hindi ako kailanman na inlove sa nagtataasang buildings ng New York, kung saan ako pinag aral ng mga magulang ko ng High School.

Tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa. Gusto kong magmura. I should’ve left this! Paano kung tumawag si mommy? Papatayin ko na lang mamaya.

I saw a message from a friend of mine. Si Hester ay matalik kong kaibigan. Bago ako umalis ay nagpaparty kami sa New York. I got so drunk that I accidentally kissed him. Now he’s being clingy and I don’t like it.

Hester:

What’s up, En? How’s the Philippines?

Hindi ko na sinagot ang text. Pinatay ko ang aking cellphone at nagpatuloy sa paglalakad sa maputik na daanan.

Kinuha ko ang pampusod at sinubukan kong iangat ang aking buhok. Its curly tips swayed as I tried to make a ponytail. Huminga ako ng malalim at dinama ang malinis na ihip ng hangin ng Alegria. I like this so much! Sana ay huwag na akong pauwiin ni mommy at daddy sa America. This is my home and this is where I belong!

“Hello!” sabay bati ko sa mga trabahador na nag aani ng mga pinya sa gilid.

Napatingin ang mga madudungis na lalaki sa akin. Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Nagtinginan sila. Pare parehong may mga dalang matatalim na mukhang punyal para sa pinya.

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Inisip kong sana pala ay nag dala ako ng kabayo. Ang sabi ni Hector ay pwede kong gamitin si Abaddon pero ang sabi naman ni daddy ay hindi siya payag. Nalilito tuloy ako kung sino ang susundin ko.

But then again, Manang Leticia will find me kung dinala ko ang kabayo kaya mas mabuti na ring ganito lang ako, naglalakad.

Kumuha ako ng isang sanga ng kung anong kahoy. Natagpuan ko lang iyong tuyo na sa daanan at dinala ko habang naglalakad.

May sumipol pa nang nakita ako. Binatukan iyong lalaki ng matandang katabi.

“Kailan ka dumating, Entice?” tanong ng matandang babae na hindi ko matandaan.

Simula nang dumating ako dito, maraming nagtatanong sa akin noon. Kilala nila ako pero hindi ko naman sila kilala. Siguro dahil masyado pa akong bata noon kaya hindi ko na maalala.

“Noong isang araw lang po…” sinagot ko parin ang matanda at nginitian.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang naririnig ang pagalit nitong pangaral sa lalaking sumipol kanina.

“Ano ka ba? Anak iyon ni Carolina at Thomas!”

Kilala kami dahil pag aari ng aking Lola ang lupaing ito. Ekta-ektaryang lupain ang pag aari namin sa Alegria at halos walang hindi nakakakilala sa aming pamilya. My dad could even run for a place in the government and win pero mas gugustuhin niyang mamahala sa buong farm. Besides, siya lang naman at si Hector ang inaasahang mamahala sa malaking farm namin.

Luminga linga ako sa palayan. Ibang taniman naman ngayon ang dinadaanan ko. Nakalimutan ko tuloy… tama ba itong dinadaanan ko ngayon?

Bumaling ako sa pinanggalingan ko at pagkatapos ay tiningnan naman ang patutunguhan. Probably. Dapat talaga ay dinala ko si Abaddon! Dammit!

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Mga labing limang minuto pa siguro bago ko natapos lakarin ang palayan at ngayon ay puro mga tubuhan naman. I hate sugarcanes… they ruin my view. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Kitang kita ko ang ending ng lalakarin ko. Masukal na kagubatan ang natatanaw ko sa malayo, hudyat na malapit na ako sa aming dam at sa talon na gusto kong balikan.

Niyaya ko si Hector na samahan ako sa talon na iyon pero naging abala siya masyado sa nalalapit na kasal kaya hindi niya ako nasamahan. Ayaw naman ni Manang Leticia na sumama sa akin. I haven’t even met my dear friend Koko kaya mas lalo lang akong na bore. What’s wrong now? I would go alone because I can, right?

Hinihingal na ako nang umakyat sa isang bato para lang makapasok sa kagubatan. Ang layo pala talaga ng nilakad ko. Noong bata pa ako ay hindi naman ako napapagod ng ganito. Hinawi ko ang mga halaman para makadaan ako patungo sa dam.

Naririnig ko ang mga langutngot ng mga tuyong dahon sa bawat pagtapak ng aking combat boots. Naririnig ko rin ang iba’t-ibang huni ng ibon. I am fully aware that this forest most likely has wild pigs and other whatnots. Noon ay pinapasakay pa ako ni Hector sa kabayo tuwing dinadayo naming dalawa ito kasama si Koko. Ngayon lang ako naglakad talaga dito. Pero anong magagawa ko? I am so thirsty for all of these. Kasalanan nila at hindi nila ako pinapansin.

Nakarinig ako ng kaluskos galing kung saan. Tumigil ako sa paglalakad at sumibol ang kaba sa aking dibdib. Hindi kaya ahas iyon? Tumakbo ako sa sobrang kaba. Hindi ako tumigil hanggang sa hindi ako hiningal ng husto.

Tumingala ako sa nagtatayugang puno, takot na baka may ahas na bumagsak sa akin. Sinuyod din ng aking mga mata ang mga tuyong dahon dahil baka naroon ang ahas, gumagapang.

Nang nakabawi ako sa paghinga ay tumakbo ulit ako. Pagkatapos ng lakad at takbong ginawa ay natanaw ko na ang sementadong foot bridge ng malaking dam namin.

Napangiti ako habang tinitingnan ang mga bundok na nakapaligid. Puro berde ang natatanaw ko, maliban siyempre sa kulay asul na langit.

Tiningnan ko ang ilalim ng dam at kitang kita ko ang bilis ng agos ng tubig sa baba. Tinago falls must be really wonderful today. Not that it’s not wonderful most days… Mas lalo lang akong na excite.

Pagkatapos ko sa footbridge ay nilakad ko na ang daanang alam ko patungo sa Tinago falls. Nasa gilid ng mga bundok ang halaman kaya mas mabuti ang daanang ito kumpara sa tinahak kong gubat kanina.

Actually, there’s another way around Tinago falls. Iyon ay ang pag ikot sa highway. Sasakay ka pa ng Tricycle ng mga nasa lima hanggang sampung minuto. Hindi ko nga lang iyon pinili dahil pumuslit lamang ako sa mansyon. Besides, I enjoyed the journey.

Lumaki ang ngiti ko nang nakita na ang asul na tubig ng Tinago. The pristine blue waters made my heart melt. Walang tao at ang balsa ay nasa kabilang parte ng dinaanan ko, where the gazebo is…

Yumuko ako para magtanggal ng combat boots. I am going to swim. Kaya lang ay wala akong damit pangligo at wala akong tuwalya.

Bakit ko nga ba iyon nakalimutan?

Tiningnan ko ang paligid. Walang tao doon. Wala ni isa. Tanging mga huni ng ibon lang ang naririnig ko at ang pagbagsak ng tubig galing sa talon.

Nakapaa na lang ako ngayon. Hinubad ko ang faded blue jeans. Hinubad ko na rin ang puting spaghetti strap na suot ko. Nilapag ko ang kulay pulang flannel shirt na pinalupot ko sa aking baywang.

Now I’m wearing only my undies. I can even go bare, you know. Kaya lang ay natatakot naman akong mamaya ay may biglang pumunta dito.

Umakyat ako sa mga batong nasa tabi ng falls. I want to dive. Lagi ko iyong ginagawa noong bata pa lang ako. Ngayon ay gagawin ko ulit. Nang nasa kalagitnaan na ay naramdaman ko na ang kaba. The adrenaline made me tremble so much. Tinaas ko ang aking dalawang kamay, preparing to dive. In one swift motion, sumunod ang aking katawan sa aking mga kamay. Sinalubong ko ang malamig na tubig.

Lumubog ako at agad bumawi para sa hangin. Nang nakaahon ang aking ulo ay huminga ako at inayos ang aking buhok.

“Wooooh!” sigaw ko.

Mas masaya sana ito kung marami kami.

Lumangoy ulit ako. I tried to check my swimming skills bago ko nilangoy ang papunta sa gazebo.

Pagkaahon ko ay humawak ako sa balsa. Inangat ko ang sarili ko at agad tumungtong doon. Kinuha ko ang tali at pinakawalan ko ang balsa sa gazebo. Sumakay ako doon at nagpadala sa kung saan man ito mapadpad. Humiga ako at tiningnan ang mga nagtatayugang puno sa paligid.

This is life.

Halos makatulog ako sa sobrang payapa ng lugar. Dagdagan pa ng tinig ng tubig sa talon, everything in this place is just so relaxing.

“Entice… Ralene dela Merced Ezquivel,” isang baritonong boses ng lalaki ang narinig ko kung saan.

Napadilat ako at napaupo. Nakita ko ang isang matangkad na lalaking nakatayo malapit sa gazebo. His features were almost foreign. Matangos na ilong, mapupulang labi, medyo magulong buhok, at matipunong pangangatawan. May hawak siyang lubid sa kabilang braso. The veins of his biceps did not escape my sight.

“Sino ka?” tanong ko.

Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa aking katawan. Kumunot ang noo ng lalaki. Kumalabog ang puso ko nang napagtanto kong wala nga pala akong saplot.

Nagpahulog ako sa balsa dahil sa kahihiyan. Nang umahon ako ay hinanap ko kaagad ang lalaki. For a moment, I thought he dived too. Baka akala niya ay hindi ako marunong lumangoy ngunit nakita ko lamang siyang nakatayo sa tabi ng gazebo, nilalapag ang lubid na dala.

“Who are you?” tanong ko sa matigas na ingles.

Bumaling siya sa akin. His eyes were pretty intense. Tinatali niya ang dulo ng lubid sa gazebo at sa bawat paghila niya sa tali ay mas lalo kong nakikita ang kabuuan ng braso niya. His arms were big and tight. Napalunok ako. Ganoon din kaya ito pag hinahawakan?

“Pinapahanap ka ng Lola mo. I’m here to pick you up,” aniya.

Inayos niya ang buhok niya. His Adam’s Apple were protruding. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Abot-abot tuloy ang tahip ng aking puso tuwing dumadapo ang seryoso at malalalim niyang mga mata sa akin.

“Pakikuha ng balsa patungo dito. Is that your clothes?” tanong niya sabay turo sa mga damit ko.

Tumango ako, nakatingin parin sa kanya.

“You might want to put your clothes there.” Sabay turo niya sa balsa. “Dito ka na sa gazebo magbihis para maihatid na kita sa mansyon. Unless you want to walk again?”

Umiling kaagad ako. Masaya lamang akong naglakad kanina kasi alam kong papunta ako dito sa Tinago. Hindi na masayang mag lakad pag pauwi na.

“Ilalagay ko ang mga damit ko sa balsa at ihahatid ko sa kinatatayuan mo pero hindi pa ako aahon,” sabi ko.

Umigting ang panga ng lalaki. What is his name?

“You’re grandma is looking for you. Marami pa akong gagawin. I’m not here to wait for you till you’re done,” masungit niyang sinabi.

I can’t help but notice all his manly features. Para bang hindi nagmadali ang Panginoon nang ginawa Niya ang lalaking ito. God had all the time in the world when He made this man. Dahan-dahan at masusi. Ang likhang ito ang nagsilbing standard Niya sa mga sumunod pang gawa.

He would shame all the GQ models because of his jaw and his dark eyes.

“Ano?” tanong niya.

“What’s your name?” tanong ko pabalik.

He looked at me like I’m the best joke of his life. Umismid siya at umiling.

“I’m Knoxx. Ano? Uuwi ka ba o hindi?” tanong niya.

Knoxx? Nice name… Is Knoxx one of our farmers? Natatakot ba siya sa kay lola o sa kay daddy?

“Kung hindi pa ako uuwi?” Nagtaas ako ng kilay. I can’t help but flash a playful grin.

“Iiwan kita,” aniya.

Ngumiwi ako. Bad. “Kahit saglit lang. Fifteen minutes?” halos magmakaawa ako.

“I don’t have much time. Sasama ka ba o hindi?” matamang tanong niya.

Umismid ako. How can this man be so uptight?

Umahon ako. Uminit ang pisngi ko nang napagtantong makikita niya ako ng naka underwear lang. Tiningnan ko siya at nakita kong inabala niya ang sarili niya sa pagtatali ng lubid.

Hinagilap ko ang mga damit ko at nilapag sa balsa para hindi mabasa. Bumaling ulit ako sa kanya. Ni sulyap ay wala siyang ipinakita sa akin. All that matters to him right now is that damn rope.

“So… fifteen minutes?” nangulit ako nang nasa tubig ulit ako.

“I’m leaving you…” aniya at hinayaan na ang lubid doon. Umamba siyang aalis.

“W-Wait! Wait lang! Oo na! Magbibihis na! Papalapit na nga ako, ‘di ba?”

Tinulak ko ang balsa patungo sa gazebo. Pumasok siya sa gazebo at kinuha ang kabilang dulo ng lubid para itali doon ang balsa. Kinuha ko ang mga damit ko at pumunta sa likuran ng gazebo para magbihis. Nakatalikod siya sa akin.

Seriously, he didn’t even look at me? Bading ba ang lalaking ito? Sayang naman kung ganoon!

“Wala kang tuwalya?” tanong niya, nakatalikod parin.

“Wala…” sagot ko. “Didn’t plan on swimming…”

Tumango siya at agad naglakad palayo.

“Oy! Hey! Don’t leave!” sigaw ko.

“I have a towel in my Wrangler Jeep. Now if you can please wait…” masungit niyang sinabi.

Kinagat ko ang aking labi. Tiningnan ko ang kanyang likod habang naglalakad siya palayo. His faded and tattered jeans clung to his muscled thighs and waist. His biceps looked always tensed. Kahit na naglalakad lang siya ay kitang kita iyon. Damn, he is hot!

One thought on “Whipped – Simula

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: