Whipped – Kabanata 5

Kabanata 5

Alipin

Pinagalitan ako ni mommy, daddy, Hector, at Lola. Pakiramdam ko, silang lahat ay nagkakaisa para gawing impyerno ang buhay ko. Pinapalabas ko na lang sa kabilang tainga ang kanilang mga salita para hindi ako buong araw na badtrip.

“Ano ang gusto mo para sa buhok mo?” tanong ng bading na mag aayos sa akin.

Si Chesca ay nasa likod ko. Inaayusan na rin siya ng isa pang make up artist. Ang ibang mga bride’s maid ay nasa kabilang kwarto naman at inaayusan na rin. Sa salamin ay kitang kita ko na tinatanaw ni Chesca ang aking repleksyon.

“I want my hair straightened. Hindi ba mas maganda iyon?” tanong ko sa bading.

Ang kaonting kulot sa dulo ng aking buhok ay sumasayaw, tulad ng kay Chesca. Only that, Chesca is wearing his hair up this time. Nga naman, ikakasal na siya. Her off shoulder gown is just beside us. May green long gown is on the bed, waiting.

“Mas nakakabata pag inuunat ang buhok kaya sige…”

Kinuha ng bading ang hair iron ngunit pinigilan ko kaagad siya dahil sa huli niyang sinabi. I don’t want to look any younger than my age. In fact, I want to look a year older or something.

“Kung kulot ba mas nakakamature?” tanong ko.

“Oo,” kitang kita ko ang pagkakalito sa mukha ng bading.

“Okay then. Curl my hair. Iyong sa baba lang and I want it half ponytail.” Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

“Okay. Gusto ni ate ng mature…” Humagikhik ang bading.

Sa salamin ay kitang kita ko ang pagtaas ng kilay ni Chesca. It was as if she’s speculating something. Naka poker face ako habang tinitingnan siya doon pabalik.

“You know, curly hair looks good on you…” ani Chesca.

“Thanks… Nasanay ka lang siguro dahil natural na kulot ang dulo ng buhok ko, tulad ng sayo…”

Ngumiti siya. “Ipapakilala kita sa kapatid kong si Craig mamaya. Ilang taon lang ang tanda niya sayo…”

I’ve seen Chesca’s brother. He’s cute and that’s all. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi ngayon.

“You like Knoxx Montefalco, huh?” nasapul niya.

Walang kurap-kurap kong tinanggihan ang kanyang paratang. “Nope…”

“Really? Then bakit ka naroon sa bahay ni Knoxx kahapon?” Tumawa siya ng bahagya. “You can fool the boys, you can’t fool me. We’re girls, Entice.”

Nag angat ako ng tingin kay Chesca. “He’s challenging.”

“Naku! You know, Entice… Schoolmates kami ni Knoxx noong college. He’s a known heartbreaker. Well, maybe he’s changed now. Ilang taon na rin ang lumipas. Just be careful.”

Nanliit ang mga mata ko.

Pumikit si Chesca para sa kanyang eye make up. Ngumiti ako. I’m not sure why I’m attracted, though. We’ll find it out.

Sinusuot na sa akin ang gown, katulong ng bading nang pinasok ni mommy ang kwarto ni Chesca. Panay ang click ng camera sa gown ni Chesca. Magkakaroon pa raw ng pictorials ngayon bago kami didiretso sa simbahan.

“Agricultural Business ang kinuha mong kurso sa Alegria Community College, Entice?” tanong ni mommy sa akin.

“So what?”

Ang totoo ay wala naman talaga akong gustong kurso. Kaya kinuha ko iyong kurso ni Knoxx at ni Hector. Seems interesting. Tutal ay nasa Alegria ako at sagana ng sa agrikultura, iyon na ang kukunin ko.

“So what? Akala ko ba napag usapan na natin ito? I want you to take up Business Administration,” giit ni mommy.

“Mom, why is Hector allowed to get that course? Tapos ako, hindi?” Marahan kong sinabi.

“Siya ang magmamana ng buong rancho, Entice. You… You’re going for your dad’s company in Manila. Not the ranch!” Dismayadong sinabi ni mommy.

“I’m for Agri Biz, mom. Please, hayaan mo na ako,” sabi ko.

Umiling si mommy at marami pang sinabi bago ako nilubayan. Hindi niya na ako kinulit muli kaya natahimik na rin ako.

Lumabas ako, kasama ang mga bride’s maid. Marami palang imbitado si Chesca. Pinaghalong mga kaibigan niya sa Manila at kaibigan niya dito sa Alegria ang naroon. Kulay dark green ang lahat ng suot namin, iba iba lang ang disenyo.

Sa malayo pa lang ay kita ko na ang kapatid ni Chesca na si Craig. Nilingon kaagad ako ni Chesca nang nakalapit ang dalawang lalaki.

“Entice, this is my brother, Craig Alde. Ito naman ang pinsan kong si Theodore…”

Kinamayan ko ang dalawang lalaki. Craig’s brows shot up. Nakasimangot naman sa kanya ang pinsang si Theodore.

“Teddy,” ani Theodore.

Kinausap nila ako saglit tungkol sa detalye ng pag uwi ko dito sa Pinas ngunit nagkahiwalay din kami nang tawagin na ng photographers ang mga bride’s maid.

Tumagal ng isang oras at kalahati ang buong pictorial. Kaming mga bride’s maid kasama si Chesca. Tapos ang mga groom’s men ay sa likod naman kasama si Hector.

Nasa isang van lamang kaming patungo sa simbahan. Sa jeep commander nakasakay si Chesca at si Hector naman ay kay Abbadon. The whole wedding looked so magical. Para bang galing ang scenes sa isang fairytale.

“So… we’re partners,” ani Craig nang nagkatabi na kami sa linya.

“I guess so…” sabi ko at pinasadahan kaagad ng tingin ang buong simbahan.

Marami ng tao doon. Hindi ko na makikita kung nasaan ang iba kaya nag concentrate na lang ako sa paglalakad patungong gitna.

Nang nagsimula ang ritwal ay sabay kaming naglakad ni Craig. Naghiwalay lamang kami nang nasa gitna na at umupo sa aming mga upuan.

Bumaling ako sa bukana ng simbahan para makita ang iba pang mga papasok sa loob. Nahagip ng tingin ko si Knoxx sa malayong likod. Nakaputing long sleeve shirt siyang nakatupi hanggang siko. Katabi niya iyong si Lumi at iba pang mga kaibigan ni Hector.

Nakita ko si Koko na nakasimangot nang naglakad patungo sa kanyang upuan. I wonder what’s wrong with him.

Ibinaling ko ang buong atensyon sa kasal. Napaiyak pa ako nang nagsabihan ng vows si Hector at Chesca. I can’t believe this event made me emotional. Mabuti naman at halos lahat yata ng guest ang napaiyak. Tunay ngang malapit sa kanila ang halos lahat ng imbitado.

Pagkabalik namin ng mansyon ay sumakay na ako sa Jeep Commander kasama si Hector at Chesca.

“Don’t do that. She needs to study,” naabutan kong saway ni Hector kay Chesca.

Umandar ang sasakyan at pinagmasdan ko ang dalawa sa harap ko. Nilingon ako ni Chesca na ngayon ay humahagikhik na. She looks so pretty, like a goddess straight from Mt. Olympus.

“What is it?” tanong ko.

“Your cousin is over protective, Entice. Sinabi ko lang na pinakilala ko si Craig at Teddy sa’yo, nagwawala na.”

“Hindi ako nagwawala,” marahang sinabi ni Hector at inakbayan si Chesca.

“Asus! Hindi rin naman type ni Entice si Craig. At isa pa, babalik ang dalawang iyon sa Maynila. Bukas. Kaya it won’t hurt if they became acquainted with each other…”

“Basta! Mabuti pang mag aral na lang muna siya…” parinig ni Hector.

“Chesca was eighteen when she met you. Nag aaral din siya noon. It’s called multi tasking.” Ngumisi ako.

“Tsss. Mag aral ka muna! You’re too young for anything,” malamig na sinabi ni Hector.

Nilingon ko ang labas at pinagmasdan ko ang malawak na soccerfield na dinadaanan namin sa tapat ng simbahan ng Alegria.

Nang nakarating na kami sa mansyon ay abala na ang lahat sa mga pakulong gagawin sa pagdating ni Hector at Chesca. Umupo ako sa upuan na inihanda para sa mga kapamilya. Naroon din si Teddy at Craig na parehong abala sa kani kanilang mga cellphone.

Nilingon ko ang lamesa ng mga kaibigan ni Chesca at Hector, nakikinig sila sa buong programa at nakikitawa sa Master of Ceremonies. Si Koko naman ay abala sa pakikipag usap kay Abby, ang kanyang girlfriend.

Hindi kalaunan ay kainan na. Isa isang nilagay ang mga pagkain sa aming hapag. Nilingon ko ang mesa nina Koko at nakita ko si Knoxx na nilalagyan ng pagkain ang pinggan ni Lumi.

Nilingon ko ang mga pagkain namin at nagsimulang kumain. Pilit kinalimutan ang imaheng nakita kanina.

“Are you done eating?” tanong ni Craig sa akin.

His air reminds me of Hester, iyong kaibigan ko sa US. He looks like a playboy… the irrevocable one. Well, I guess all playboys will stay that way forever.

“Yup…” sabi ko sabay inom sa wine.

“May I have this dance?” tanong niya.

Nilingon ko ang dancefloor. Tapos na ang selebrasyon at mismong si Chesca at Hector ay wala na sa kanilang upuan. Marami paring bisita dahil sa sayawan. Papalubog na ang araw at magandang oras na para magsayaw.

Si Koko at Abby ay sumasayaw na sa gitna kasama ang iba pang mga naroon. The music was slow and boring.

Umiling ako kay Craig. “Maybe later…”

“Tsss,” tumawa si Craig. “Pa hard to get?”

“I dislike the music, that’s all…”

Humalukipkip ako at bumaling sa tumatayong si Knoxx. Nilahad niya ang kanyang kamay kay Lumi at tumayo ang babae para tanggapin ang kamay. Parang may malamig na kamay ang humawak sa aking tiyan.

“Hmmm…”

Nilingon ko si Craig na mukhang nakita kung sinong pinapanood ko. “Let’s dance…”

Ako mismo ang unang tumayo at naghila kay Craig papuntang dancefloor. Pinalupot ko ang aking braso sa kanyang leeg at nilagay niya naman ang kanyang kamay sa aking baywang.

“Looks like you have an eye for someone, huh?” ani Craig sa isang malambing na boses.

Hindi naman pala siya manhid. Not bad… Bumaling si Craig sa kung sinong tinitingnan ko.

Knoxx was standing close to Lumi. What does she see in her? Maybe her long straight hair, or her pitch black eyes? What is it? Dahil ba hindi na siya bata? Dahil pareho sila ng edad at siguro’y magkapareho din ang isipan?

“Do you want to make him jealous?”

Napatingin ako kay Craig. Oh come on! Ni hindi niya nga ako tinitingnan, pagseselosin pa? Hinding hindi iyon magseselos. “I’m not that cheap…”

Pagkasabi niya noon ay hinila niya palapit ang aking katawan. Tinaas ko ang kilay ko bilang hamon. Ngumisi siya.

Biglang tumigil si Craig sa pagsasayaw at hinarap ang katabi namin. Nagulat ako nang si Knoxx at Lumi na iyon. Sa dami ng sumasayaw ay sila pa ang makakatabi namin.

“Can we change partners?” tanong ni Craig sa kay Knoxx.

Hindi pa nakaka-oo si Knoxx ay tinanggap na ni Craig ang kamay ni Lumi. Nanlaki ang mga mata ni Lumi ngunit walang nagawa ang kanyang katawan. Matalim na tumingin si Knoxx kay Craig ngunit pilit na nilayo ni Craig si Lumi.

Tumikhim ako. I know it’s wrong but who knows, Craig probably likes Lumi kaya niya iyon ginawa.

“Si Craig talaga. Type niya siguro iyong kaibigan mo,” humagikhik ako.

Bumaling si Knoxx sa akin. Ang kaninang magaang ekspresyon ay bumigat nang hinarap ako.

Napawi ang ngiti ko. So much for thinking this is okay.

Nakaramdam ako ng panliliit. Hindi ko alam kung bakit. Tiningnan ko ang kahabaan ng long gown ko at nanatili kaming nakatayo sa gitna ng dancefloor. Maybe we should sit down now…

Naglahad siya bigla ng kamay sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. He’s seriously asking me to dance with him?

Walang pag aalinlangan kong nilagay ang aking kamay sa kanya. Hinigit niya ako palapit sa kanyang katawan. Kumalabog ang puso ko. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ito. It’s foreign and amazing!

“I’ll return you to your partner…” ani Knoxx.

Hindi napawi ang gulat ko kahit ganoon ang linya niya. “I don’t want my partner back…”

Nag iwas siya ng tingin sa akin. “Then don’t dance with him. Simple.”

Nag tiim bagang ako. “Let your partner enjoy this dance with mine, Knoxx.”

Binalik niya ang mata niya sa akin. “Ayaw mo nga sa partner mo, si Lumi pa kaya?”

Nanuyo ang lalamunan ko. He sounds so protective of her. May kung anong mabigat na nakadagan sa aking puso. Kinagat ko ang aking labi. Nagkatinginan kaming dalawa.

Ilang sandali siyang hindi nagsalita. Nanatiling madilim ang kanyang mga mata. His expression is always unreadable. Misteryoso. Parang laging may tinatago. Ayaw magpapasok ng kahit na sino. May matatayog na dingding sa pagitan ng ibang tao. Pero para kay Lumi, wala. Para kay Lumi, walang dingding. Para kay Lumi, nakalahad ang lahat. Ang buong pagkatao at maaaring pati ang kaluluwa.

“So… you’re in love with your friend, huh?”

“You speak of love like you know a thing about that. You’re too young for that,” mabilis niyang sagot.

“I am young, yes. But I am not too young to not feel it. No one is too young for it…”

Umigting ang panga ni Knoxx. Parang kinukurot ang puso ko. I know it’s a shallow thing to feel hurt just because of this. I’ve been to charity works with my father. We fed the poor. I’ve met people in depressing areas and living depressing lives. Maliit na problema lamang ito. Ngunit kahit paano ko iyon isipin, hindi ako kaagad nakabawi.

Bumagsak ang balikat ko. Nanghina ang kamay kong nakakapit sa kanyang balikat.

Nagulat ako nang hinawakan ni Knoxx ang kamay kong nanghihina. Inayos niya iyon sa balikat niya.

“Hold on. I’ll take you back to your partner.”

Huminga ako ng malalim at luminga para mahanap si Lumi at Craig sa dancefloor.

“Hindi ko sila makita…” bumaling ulit ako kay Knoxx.

Umigting muli ang panga ni Knoxx. “Don’t be too impatient…”

He’s right. Siya ang maghahanap sa kanila dahil siya naman itong atat na maibalik ako kay Craig. Inilapit ko ang sarili ko sa kanyang katawan. Pinalupot ko ang kamay ko sa kanyang batok. I am determined to enjoy this dance, no matter what.

“Look for them. Just tell me when you see them, para maibalik mo na ako kay Craig,” sabi ko at ngumisi.

Umiling siya at marahang pumikit. Para bang isa akong malaking problema sa kanya.

Ilang sandali pa ang lumipas ngunit hindi parin niya natatagpuan si Craig at Lumi. Nakita ko si Koko na kasayaw si Abby sa dancefloor. Nginitian ko lang si Koko habang tinitingnan niya si Knoxx.

“Knoxx, pinormahan daw ni Craig si Lumi?” tanong ni Koko nang nakalapit sa amin. “Kaya ba kayong dalawa ni Entice ang nagsasayaw ngayon?”

“Yeah…” tamad na sinabi ni Knoxx.

“Kanina pa umupo si Craig at Entice, ah? Di ninyo nakita?” may pagtataka sa tono ni Koko.

Dammit! Koko naman! Matalim kong tinitigan si Koko.

“Yeah…” ani Knoxx sa napapaos na boses.

Unti unting pinroseso ng aking utak ang sinabi ni Knoxx. Ngumisi ako at tiningala ko siya.

“Hindi ka pa ba napapagod?” tanong niya.

Umiling ako at mas lalong ngumisi. “Persistent, huh? Umupo na tayo. Your dad will get furious…”

Kinagat ko ang labi ko. I don’t care about my dad! Pero sa oras na iyon pakiramdam ko kahit anong sabihin ni Knoxx ay susundin ko.

“Okay…” tumango ako, parang alipin sa kanya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: