Kabanata 4
Jealous
“Nabili mo na, Mommy?” tanong ko nang dumating si Mommy at Daddy sa bahay umagang-umaga.
Galing silang Maynila dahil may mga inasikaso para sa farm namin. Ang tanging naiwan lamang sa bahay ang tagapangalaga ng Kuwadra, si Nana Sela, si May, at kaming dalawa ni Yeshua. Ilang araw din sila roon kaya sinamantala ko iyon para magpabili kay Mommy nga mga bagong damit at siyempre, ang pinaka importante.
“Here…”
Nilapag ni mommy ang isang itim na paperbag. Agad ko itong kinuha. There’s a fluttering feeling in my stomach as I opened the bag.
“What’s that?” Yeshua asked.
Hindi ako sumagot. Inabala ko na ang sarili ko sa mga nakikita. Hindi ko alam alin ang uunahin ko. Kinuha ko ang gloss at lipstick.
“Make up?” ani Yeshua. “For what?”
Umirap na lamang ako. Itong kapatid ko, saan naman ilalagay ang make up? Obviously, sa mukha.
“Maglalagay ka niyan? Hindi ba ay bawal ‘yan sa school?” tanong ni Yeshua.
Nilapag ni Mommy sa isang upuan ng aming lamesa ang sangkaterbang paper bag na maaring may lamang damit at kung anu-ano. Si Daddy ay nagdidiskarga pa ng mga gamit kasama ang mga tauhan.
“Hindi ito bawal, Yeshua. Maraming naglalagay nito. Kahit siguro si Piper… Makikita mo…” sabi ko at tumayo na para umakyat sa kwarto. “Thanks, My!”
Nilapag ko sa tukador ang mga make up na dala ni Mommy. Hindi pa ako gaanong marunong pero maglalagay ako ng gloss at kaonting blush-on ngayon. Siguro naman ay babagay sa akin ang kulay pink.
“Lili, nasa sasakyan na si Yeshua. Aalis na raw kayo sabi ni Manong Luis,” si Mama.
Inayos ko ang lipgloss sa aking labi at sinuklay saglit ang buhok.
“Andyan na po!” sigaw ko.
Pagkatapos ng ginawa ko ay dumiretso na ako sa aming sasakyan. Naroon na si Yeshua sa likod. Nang nakita niya ako ay naningkit agad ang mga mata niya.
“Who gave you that idea now?” tanong niya.
“Yeshua, open your mind. Ang mga seniors ay naglalagay ng ganito…” sabi ko.
“Seniors sila. Ikaw, Grade 10 pa lang tayo, Lili,” iritado niyang sinabi.
“Ano naman ngayon? It’s just lip gloss and a little blush-on. What’s wrong with that, Yesh?” iritado ko ring tanong sa kanya.
“This is because you like someone from the higher grades. And you think you’d grow faster with that thing on!”
“Well, aside from that. It’s also for myself. I feel good wearing it. So it’s fine…”
“How can you say that? Ngayon ka pa lang naglagay niyan? Boys are crazy, Lili. Maganda ka na nga, mas lalo ka pang nagpapaganda! Mas marami ang magkakagusto sa’yo niyan, is that what you want?”
Lumapad ang ngisi ko at kiniliti si Yeshua.
“Uy! Maganda raw ako sabi mo!” Humagalpak ako sa tawa.
Iritado parin siya. Nakabusangot ang mukha at hinahawi ang kamay ko sa kanyang tagiliran.
“I’m serious, Lili! Stop making this a funny game!”
Ngumisi lamang ako at pinalampas ang lahat ng sinasabi niya.
Kaya naman ang resulta ay pagbaba namin sa sasakyan, busangot na rin siya sa campus. Galit ang mukha at ayaw lapitan ng mga kaklase dahil mukhang pangit ang gising ng kapatid ko.
I don’t get why boys think they can actually make us follow them. Men and women are equal. There are things only women can do. There are things that only men can do. Nobody’s perfect. Parehong sa mga babae at mga lalaki.
Dalawang beses akong nilingon ni Russel pagkarating ko sa classroom.
Maaga kami ni Yeshua ngayon kaya pagdating ay wala pang teacher. Umupo agad ako sa designated seat.
“May bago sa’yo, ah?” ani Suki sabay tingin ng mabuti sa aking mukha.
Tipid akong ngumiti at nagpacute sa kanya.
“Nagpabili ako ng make up kay Mommy. Sinuot ko ngayon…”
“Oh? Talaga?” Umupo si Suki sa tabing upuan kung saan dapat si Russel.
Nasa pintuan pa kasi siya at kausap pa ang kanyang bagong girlfriend.
Yayayain ko sana si Suki na maglagay ng pink lipstick kaso nang ipinakita ko sa kanya ang akin ay ngumiwi siya. She likes dark violet better.
Magaling siyang maglagay ng make up kaya kinausap niya ako kung paano ang tamang paglalagay. Nakinig na lamang ako roon.
Ilang sandali ang nakalipas ay mas lalo lamang umingay ang classroom. I checked my watch, it’s already past 7:45am and our teacher’s not yet here!
“Cutting na lang tayo!” anyaya ni Julio kay Leon.
Tumango si Leon. Tumayo siya at kinuha ang gamit. “Ano, Suki? Lilienne?”
Tatango na sana ako at magliligpit na rin ng gamit nang biglang nagsiupuan ang mga nasa harapan. Kasabay ng pagpasok ng iba ay ang pagpasok ni Riguel Alleje dala-dala ang isang papel.
Nahanap agad niya ako ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin.
“Si Riguel…” bulong-bulong ng ibang mga kaklase ko.
Hagikhikan at buntong-hininga ang mga narinig ko galing sa kanila. Other than that, wala na galing sa mga babae.
“Anong meron?” sigaw ni Russel na nasa likurang pintuan parin.
Well, in our section, you can’t expect boys to be tamed. Umupo si Leon at nanatili ang mga mata sa harap. Si Julio naman ay nakaharap kay Leon at hindi matigil-tigil sa pagyayaya.
“Tara, Leon!” ani Julio. “Lilienne…”
Umalis na nga kayo! Dito na ako! Kung si Riguel ang papasok ay ‘di ako aalis.
“Absent si Mrs. Divina dahil na ospital ang kanyang anak. May binilin siyang sasagutan n’yo bilang seatwork. This will be passed before 8:30 this morning and I am the in charge for this subject today.”
Buntong hininga at halinghingan ang narinig ko galing sa mga babae. Si Leon ay kumuha ng papel at mukhang susunod yata kay Riguel. Umiling si Julio at tumingin sa akin.
“Tara na!” anyaya niya.
Umiling ako at kumuha na rin ng papel.
Tumalikod si Riguel at nagsulat ng mga guide questions at kung saang pahina namin iyon makikita.
“Ano, Lilienne, susunod ka?” tanong ni Russel galing sa likod. “Tara na, cutting tayo…”
“Ang sino mang magcu-cutting ay ipapatawag ng DSA…” ani Riguel kahit nakatalikod.
Nilingon ko si Russel at inilingan ko siya. Kung si Riguel ba naman ang magiging proctore, aba’y gagawin ko ang lahat.
“Russel, ‘tsaka na. Maganda ang line up ng subject ngayon. Com Lab mamaya…” bulong ni Suki.
Nagsulat na ako ng pangalan sa aking papel. Ngumuso ako at tumingin sa blackboard at nakitang tapos na si Riguel.
Umupo siya sa inuupuan ng aming guro. Only that his legs are spread wide open and his stance is very manly.
Ngumiwi ako habang dinidiin ang ballpen sa papel. Naririnig ko ang mga side comments ni Russel sa tabi ko.
“Ayos na sana kanina. Dumating pa ‘tong panira na ‘to…” ani Russel sabay padabog na kuha ng papel.
Nilingon ko na lang siya.
“Shut up, Russel. Sumunod ka na lang…” bulong ko.
Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko.
“Aba’t susunod ka talaga, ‘no? Kasi-“
“Nag-aaway ba kayo riyan sa likod?” malamig na tanong ni Riguel sa harap.
Humalukipkip siya. His head tilted as he waited for our answer.
Umiling agad ako.
“Hindi, Riguel. May pinag-uusapan lang…”
Ngumiti ako. Tumitig siya sa akin. Malamig ang ekspresyon. Uminit ang pisngi ko at binaba ulit ang mukha sa aking papel.
“Tss…” ani Russel sabay bulong-bulong ulit ng kung ano.
“Russ, ang ingay mo…” sabi ng isang kaklase ko.
Nagtaas ng kamay si Leon. Napatingin kaming lahat sa kanya. Tumango si Riguel sa kanya.
“Kapag ba natapos nito, Riguel, pwede nang makaalis?” tanong ni Leon.
Tiningnan ni Riguel ang kanyang relo.
“Oo. Dumiretso na kayo sa sunod n’yong subject. Computer Lab, ‘di ba? Mas hahaba ang panahon n’yo sa computer kapag maaga kayong natapos dito. Walang gumagamit ng computer sa first period…”
“Yes!” sabay sabay na sinabi ng mga kaklase ko.
Kaya iyon ang dahilan kung bakit ganado ang lahat magsulat ng answers. Leon’s probably driven by something else. Siguro ay lihim na bubuntot na naman ito sa kanyang pinakamamahal.
Inayos ko ang mga sagot ko sa mga guide questions. Tingin ko kasi ay titingnan iyon ni Riguel kaya pinagbutihan ko. Grammar, spelling, laman, lahat ay inayos ko.
Nagmamadali ang ibang kaklase ko para sa Computer Lab. Ang iba naman ay nag eenjoy dahil si Riguel ang nasa harap. Wala kaya siyang pasok?
Madalas na hinihiram ng mga guro ang seniors para sa mga gawaing ganito. Naiisip ko tuloy kung may pasok ba siya o wala.
“Hindi ka pa ba tapos?” tanong ni Suki.
Kanina pa siya nagpass ng papel. Hindi pa ako tapos kaya bumalik pa siya.
Kanina pa natapos si Leon, Julio, at Russel kaya lumabas na agad sila. Halos lahat ng boys ay tapos na. Ang tanging natitira ay iilang girls na lang.
“Hindi pa…”
Nanliit ang mga mata ni Suki pagkatapos ay siniko niya ako.
“Binabagalan mo, ‘no?” tanong niya.
Sinipat ko agad siya. She gave me an idea!
“Mauna ka na sa lab. Susunod ako. Sayang ang oras mo rito sa paghihintay…”
Nagngising-aso si Suki at tumayo. Tinuro niya ako kaya inirapan ko na lang siya.
“Sige, friend. Susuportahan kita sa kung anong plano mo. Bye!”
Kinawayan ko siya at pinaalis na. Nanatili ako sa classroom. Tatlo na lang yata kami.
Sumulyap ako kay Riguel na ngayon ay pinaglalaruan ang kanyang ballpen. Binaba ko ang tingin ko sa aking papel at tinapos ang ginagawa.
Tumayo ako. Nakita ko ang pagtuwid niya sa pagkakaupo at tinungo ko na ang lamesa sa harap.
“I’m done…” sabi ko sabay bigay ng papel ko sa kanya.
Tiningnan niya iyon at nilagay sa mga papel ng mga kaklase ko. Hindi ako agad umalis. Nanatili ako sa kanyang harap.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumiti agad ako.
“You don’t have class?” tanong ko.
“It’s our P.E.,” sagot niya.
“Oh? So ibig sabihin ay ‘di ka sumali sa P.E. class n’yo?”
“Nakiusap lang si Mrs. Divina sa P.E. teacher namin. Why are you asking?”
Umiling ako at pinigilan ang ngiti. Kumunot ang noo niya at napatingin sa aking labi.
“Anong oras ka uuwi mamaya?” tanong ko.
Huminga siya ng malalim at umiling.
“I told you to stop doing that…”
Ilang araw na kaming nagsasabay na umuwi simula noong hinintay ko siya. Madalas ay sinasadya ko na lang na lumabas ng gate sa oras ng labasan niya. O ‘di kaya’y umuwi kapag nakitang uuwi na siya.
“Why? I’ll pay this time. I’m sure nauubos na ang baon mo sa kakabayad sa pamasahe ko. I’ll just return the favor…”
“Tss… Lilienne, may kasabay ako mamaya sa pag-uwi.”
“Sino? Si Basty at Mateo? Lagi mo naman silang kasabay, ah?” sabi ko.
“No… I’m with my group. May gagawin kaming project mamaya…”
“Saan naman kayo pupunta?” Hindi makatakas ang kabiguan sa tono ng aking boses.
Okay. Hindi ko ito ipipilit dahil paniguradong wala akong laban diyan. It’s his studies. So I must go home alone later… or with Suki, at least.
“Sa bahay ng isa kong kaklase. Stop doing that… Go home with Suki or your brother.”
“Fine, Riguel. May gagawin ka ngayon. Next time, then…” sabay hawi ko sa aking buhok.
Nagpasa ng papel ang mga natira at tumayo na si Riguel. Pagkalabas niya ay lumabas na rin ako para makapunta ng Computer Laboratory.
Kahit na ganoon ang sinabi niya sa akin, hindi parin matanggal sa isip ko ang paghihintay sa kanya.
“Nasanay ka na!” ani Suki nang niyaya ko siyang mag-antay muna ng saglit.
Nasa labas kami ng classroom ng mga seniors. Tapos na ang klase nila pero batid kong may mga tao pa sa loob. Siguro ay nagkaroon pa ng meeting.
“Saglit lang ‘to, Suki. Titingnan ko lang. Tapos, uuwi na tayo…” sabi ko.
“Oo na! Sana kasi sumabay na lang tayo kay Yeshua! Nakatipid pa tayo. Isa pa, pinagsabihan ka na naman ni Riguel na busy siya ngayon, ‘di ba?”
Lumabas sina Riguel sa classroom. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Siguro ay kagrupo niya ang mga ito.
Hinila ko agad si Suki para makapagtago kami sa isang puno. Tiningnan kong mabuti ang mga kaibigan niya.
Si Sebastian, Mateo, dalawa pang lalaki, dalawang babae, at iyong babaeng nagbigay sa kanya ng sulat noon.
“Iyan ang grupo niya?” tanong ko.
“Wow! Lilienne Altamirano, stalking someone! Bago ito, ha?”
“Shh!” sambit ko kay Suki at pinanood silang naglakad patungo sa labasan.
Nauna si Riguel. Ang babaeng nagbigay ng sulat ay nasa kanyang tabi. Sumunod lamang ang mga kagrupo niya. Nagtatawanan sila.
Hinigit ko agad si Suki upang sumunod kami sa kanila.
“Anong gagawin natin? Undercover?” Tumawa si Suki.
“Huwag ka ngang makulit, Suki! Act like it’s just nothing! That we don’t care!” sabi ko at sumunod agad kami sa kanila.
Tumingin-tingin lamang ako sa paligid. Agad akong nag open ng isang topic kay Suki para mas magmukhang natural.
“Ilang beses na kayang nabasted ni Freya si Leon, ‘no?” Tumawa ako.
Lumabas kaming gate. Naroon na sina Riguel at mukhang naghihintay ng tricycle. Lumaki ang mata ni Suki at nakisali sa sinasabi ko.
“Ewan ko ba. Siguro araw-araw siyang binabasted!”
Nagtawanan kami. Actually, mas OA pa sa dapat tawa namin para sa topic. Napatingin ang mga kaklase ni Riguel sa amin. At hindi ko na napigilan ang sarili ko’t tumingin na rin ako sa kanila. Nakita ako ni Riguel at umigting ang panga niya.
Pumara sila ng mga tricycle. Nag-iwas agad ako ng tingin. I did not stalk you, Riguel! Nagkataon lang ito kaya huwag kang feeling!
“Gusto mo ng siomai?” tanong ko kay Suki.
“Libre mo siyempre kasi dinamay mo ako rito…” bulong ni Suki.
“Oo na!”
Hinarap namin ang cart ng siomai. Sumulyap ako kay Riguel na papasok sa tricycle habang hinahawakan ang likod ng babaeng nagbigay sa kanya ng sulat.
Napalunok ako at napatingin sa siomai na binigay ng vendor sa akin. Sumulyap ulit ako sa tricycle na umalis.
Sinundan ko iyon ng tingin. Baka naman bumaba siya at balikan ako. Pero nakalayo na ito at hindi niya nagawa.
Halong lungkot at pait ang naramdaman ko sa aking sistema. Nilagyan ko ng toyo ang siomai na binili at isang subo lang ay nawalan agad ako ng gana.
“Wala na sila?” tanong ni Suki. “Pagkatapos nating uminom ng buko juice, uwi na tayo! Useless pala ‘to!”
Tumango ako at pilit na lang na kumain.
Kumunot ang noo ni Suki. “Oh, tahimik ka?”
“Kilala mo ba iyong babaeng nagbigay sa kanya ng sulat? Hinawakan niya ang likod pagkasakay, e.”
Natigilan si Suki. Akala ko kung ano ngunit nang nagsimula siyang tumawa ay nairita lamang ako.
“Suki! I am serious!”
Tinuro ako ni Suki habang tumatawa siya.
“You are falling for him, aren’t you! Lilienne Ylena Altamirano is jealous! I cannot believe this!”
Umiling ako. Hindi makangiti sa pinagsasabi ni Suki.
Kung iisiping mabuti, wala pa nga pala talaga akong pinagselosang babae. Kung gusto ng boyfriend ko ang isang babae, hahayaan ko na siya at maghahanap ako ng iba. Boys are there to entertain me when I’m bored. Hindi ganito… Well, this is Riguel you are talking about.
Noon pa man ay crush ko na siya. Isang crush na alam kong ‘di ko maaabot dahil iba ang mundong ginagalawan namin. Parang inilalagay ko siya sa pedestal. Isang taong gustong-gusto ko na alam kong ‘di ko maaabot. Pero ngayong medyo nagkalapit ng bahagya ang mundo namin, parang ‘di na ako makuntento. Gusto ko pang mas magkalapit kami… and now I’m starting to develop all new feelings… feelings like this.
“I am not jealous! I just want to know why he’s so fond of that girl! Is it her make up! I’m wearing make up!”
Namilog ang mga mata ni Suki at napawi ang ngiti niya.
“I just want to know, Suki. Kilala mo ba ‘yon? Ang sabi niya ay wala siyang girlfriend. Kung ganoon, nililigawan niya ba ang babaeng iyon?”
Kinagat ni Suki ang kanyang labi. Tinapon ko ang natitirang siomai at nilingon muli ang nagdidilim nang kalsada kung saan nawala ang tricycle nina Riguel.
“We’ll research. I’m sure we’ll find out…” Suki assured me.