Tripped – Kabanata 3

Kabanata 3

Naaawa

“Huy, Lilienne!” sabay kalabit ni Suki sa akin.

Naglalakad kami ngayon patungo sa computer laboratory nang nadaanan namin ang classroom ng mga seniors.

Simula noong hinatid ako ni Riguel sa bahay ay hindi na ako matigil sa kakaisip sa kanya.

Tumigil ako sa hamba ng pintuan para makita kung anong ginagawa nila sa loob. Wala yatang teacher ngunit tahimik at nagsusulat halos ang lahat.

“Sino bang tinitingnan mo riyan?”

Sumilip rin si Suki sa pintuan. Pinigilan ko siya para hindi niya matabunan ang paningin ko.

“Si Riguel…” bulong ko.

Nakita kong nakikipagtawanan si Riguel sa mga kaklase niya. Para bang tinutukso siya pero nagpapatuloy siya sa pagsusulat.

Ang mga nasa unahang babae naman ay naghahagikhikan at mukhang may pinagkakaguluhang isang papel.

Sa section nila naroon ang mga pinakamatatalino sa seniors. Halong magaganda, gwapo, at mga nerd ang naroon.

Tulad na lang ni Sebastian… kilala siyang nerd noong Elementary pa lang kami. Samantalang si Mateo ay matalino ngunit sporty kahit paano. Miyembro ng basketball team. Ganoon din sa mga babae. Half of the class looks like a typical nerd stereotype while the other half looks normal, even pretty. Tulad na lang ng pinagkakaguluhan ng mga girls.

Tumayo ang isang magandang senior. I think she’s a transferee. May dala siyang papel at naglakad siya patungo sa arm chair ni Riguel.

Humupa ang tawanan nang nakalapit ang babae. Nilapag niya sa arm rest ng upuan ni Riguel ang isang piraso ng papel at nagtawanan ulit ang mga lalaki sa likod. Tinutukso nila si Riguel.

Nanliit ang mga mata ko habang tinitingnan ng mabuti ang babae. Well, I admit it. She’s really pretty. But she’s got make up, I’m sure. Mapupula ang kanyang pisngi, ang labi ay may bahid ng gloss, at ang kilay ay halatang inayos.

“You are literally going crazy for Riguel, aren’t you?” ani Suki sabay halukipkip.

“Who’s that girl, Suki? Kilala mo?”

Humagikhik si Suki. “Nope. Well, siguro admirer ni Riguel. Alam mo namang talagang marami siyang admirers sa seniors at kahit sa mga juniors. At kasama pa sa lower batch tulad natin. At bakit ngayon mo pa na isipang i-stalk si Riguel gayong matagal mo na siyang gusto?”

Hindi ako kumubo. Nanatili ang mga mata ko sa kay Riguel Habang tumatagal yata ay lalo siyang gumugwapo. Nakataas ang kilay niya habang binabasa ang sulat noong babae. Tinutukso siya ng mga lalaki sa kanyang likod ngunit parang wala lang iyon sa kanya.

Inilipat kong muli ang tingin ko roon sa babae.

“Oh right! You’re available, right now? Wala na si Russel. At ang alam ko may naghihintay parin sa’yo, ‘di ba?”

Umirap na lang ako. Itong si Suki ay masyadong maingay. “Walang panama ang mga manliligaw ko kay Riguel…”

Humalukipkip ako at nagsimula nang maglakad. Iniisip ko parin iyong kaklase ni Riguel na nagpapapansin sa kanya. May gusto kaya si Riguel doon?

Well, compared to me… She’s definitely taller and her body is more mature. Pinasadahan ko ng tingin ang aking katawan. But I’m fine, too…

Uminit ang pisngi ko habang iniisip na ganoon ang hilig ni Riguel. A tall, high cheekboned, bronze girl like the models from a famous lingerie line. I’m not. I’m petite and fair.

Pabagsak akong umupo sa harap ng computer na naka assign sa akin.

Pupuslit ako sa pagbisita sa Facebook at Youtube habang nagdi-discuss si Ma’am sa harap para naman ‘di ako ma bored.

Pagkaopen ko sa Facebook ay agad kong nakita ang mga messages ng dalawang juniors sa akin. Kagabi ay inentertain ko ang message nila. Ngayon ay naumay na ako.

Nicholas:

You free later? Sunduin kita pagkatapos ng klase. Gusto mo mag Tinago tayong dalawa?

Sumulyap ako kay Leon na nasa linya ko. Nakapangalumbaba at nakatingin sa aming teacher.

Umiling ako at nagtipa ng isasagot kay Nicholas.

Ako:

Nico, I’m busy. Find another girl. Not me.

Nicholas:

Oh. Nahulog ka kay Russel? Break na kayo, ‘di ba? Dapat ay maghanap ka na ng bago ngayon. Don’t worry, ang pinakamalayong aabutin natin ay halikan.

Ako:

Find another girl.

Umirap ako at inopen naman ang mensahe noong isa.

Nagyayaya rin iyong lumabas. Hindi ko na lang nireplyan dahil hindi naman ako interesado.

I am interested about someone else.

“Cafeteria muna tayo? Nagugutom ako, e…” yaya ni Suki sa akin nang nagkaroon kami ng library period sa hapon.

Nakatayo na sina Leon, Julio, Russel, at ang kanyang bagong girlfriend para magtungo sa cafeteria.

Umiling ako at ngumisi kay Suki. Laking gulat niya sa naging desisyon ko.

“Mauna na kayo… May ibibigay lang muna ako kay Yeshua. Nasa library siguro iyon…” sabi ko.

She accepted my reason. Sumulyap si Suki kay Russel at binalik niya sa akin. Umiling lamang ako. Kahit hindi niya sabihin ay alam ko ang naiisip niya. I’m not jealous!

“Sige! Mauna na nga kami… Julio, Leon… tara na…” ani Suki.

Tumango ako at nagkunwaring nagliligpit ng ibibigay kay Yeshua pero ang totoo may ibang sadya ako sa library.

Pagkaalis nila ay dumiretso na ako sa library. Sa malayo ay kita ko ang kapatid ko kasama ang mga kaklase niya. Hindi siya ang sadya ko rito…

Pinasadahan ko ng tingin ang buong library. Nang nakita ko si Riguel sa madalas niyang inuupuan ay nagtungo na ako roon.

He’s not alone. Actually, he’s with Sebastian and Mateo. Pareho silang nagbabasa ng libro at tahimik.

Nang namataan ako ni Sebastian ay inayos niya ang kanyang salamin at siniko si Riguel. Nag-angat agad ng tingin si Riguel sa akin.

Umupo ako sa katabing upuan niya. Binalik niya ang mga mata sa kanyang aklat. Isang buntong-hininga ang pinakawalan.

“Hi!” I greeted.

“Hi!” sabi ni Sebastian sa tapat.

Nang tiningnan ko siya ay bahagya siyang nahiya sa kanyang pagbati. Nerd, hindi ikaw!

Tiningnan ko ang aklat na binabasa ni Riguel. Wala na bang mas boring sa aklat na makapal at may pamagat na Philippine Constitution?

“So you’re interested in the laws… the government, huh?” sabi ko at nangalumbaba.

Binaba ni Riguel ang aklat at hinarap ako.

“May I know why you’re sitting beside me?” tanong niya.

Umiling ako. “Pupuntahan ko sana si Yeshua kaya lang nakita kita rito.”

Sumulyap si Riguel kay Mateo at Sebastian na parehong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila at nagulat akong sabay silang tumayo.

“May titingnan lang kami sa newspaper stand, Riguel…” sabay tapik ni Mateo sa balikat ni Riguel.

Tumango si Riguel at hinintay na tuluyang makaalis ang dalawa bago bumaling muli sa akin. I smiled sweetly at him.

“Napadaan ako kanina sa classroom n’yo… You were flirting with that transferee. Is she your girlfriend?”

Of course, hindi. Kung may girlfriend siya ay malalaman ng buong campus. I made it all up so we can talk about it. I want to know about his types of girls.

“No…” binuksan niya ulit ang kanyang aklat.

Clearly he didn’t want me here but I’ll hang out for a little bit longer.

“Well, do you like her? Your crush or something?”

Binitiwan niya ulit ang aklat.

“And if she’s my crush, what’s it to you?”

“So, you like tall, morena girls, huh?”

Tumitig lamang siya sa akin. I smiled sweetly again. Magsasalita na sana ako nang may nauna.

“Hi, Lili! Ano? Ayos ba tayo mamaya? Payag ka na na sabay tayong umuwi?”

Pumagitna sa likod si Nicholas. Humagikhik pa siya dahilan kung bakit nawala ang titigan namin ni Riguel.

Bumaling muli si Riguel sa binabasang aklat. Sinipat ko naman si Nicholas na nakangisi lamang.

“Payag ka na na mag Tinago tayo?”

“Nicholas, I already told you I’m busy…” mariin kong sinabi.

Ngayon pa talaga aandar ang kakulitan ng hinayupak na ito? Sinenyasan ko na siya na umalis pero hindi niya yata nakuha.

“Talaga? Eh, wala na kayo ni Russel? May manliligaw ka bang plano mo nang sagutin bilang pamalit?”

Mas lalo lang tumalim ang tingin ko sa kanya. Hindi yata ito titigil. If I keep on rejecting Nicholas, he’d only pursue me so…

“We’ll talk later, please. Not now… I’m busy…”

Nagkibit siya ng balikat at unti-unting umalis.

Sinundan ko pa siya ng tingin para masiguradong nakaalis na nga siya. Nang nakaalis ay bumaling ako kay Riguel.

Now he looked pissed and annoyed.

“So what’s your type?” balik ko sa usapan.

“Why would I tell you?” tanong niya, nakatitig parin sa aklat.

“I just want to know,” humagikhik ako.

“You know what, why don’t you entertain your boys instead?” mariin niyang sinabi.

“Entertain my boys? I don’t have boys, Riguel. Wala akong boyfriend-“

“Are you so bored that you’re trying me right now, Lilienne?”

Binaba niya ulit ang aklat at hinarap ako. Kung kanina’y mukha lamang siyang tinatamad na kausap ako, ngayon galit at iritado na siya.

“I have plenty of hobbies I can do when I’m bored, Riguel. Don’t worry, this isn’t one of it…”

“Bakit hindi ka na lang sumama kay Nicholas Revamonte sa Tinago? Tutal ay may usapan kayo? Nang sa ganoon ay matigil ka na sa pagtatanong sa akin?”

“You heard me… I rejected him.”

“No you didn’t… You told him you’ll talk to him later. Why don’t you talk to him right now? Tss…”

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit mas lalo lamang akong nahuhumaling sa kanya ngayon.

Noon pa man, I already imagined him as the man who’s always serious, mysterious, and a bit cold. Hindi nga talaga ako nagkamali. Ngunit imbes na maturn off ako ay kabaliktaran pa yata.

“I won’t talk to Nicholas. I’m busy… Why don’t you answer my question, then? What’s your type of girl?”

Umiling si Riguel. His jaw were tightly clenched. I licked my lower lip.

“Baka kasi may traits na nasakin, Riguel. You know, I like you…” matapang kong sinabi.

Pagkatapos kong pinakawalan ang mga katagang iyon ay ‘tsaka ko palang naramdaman ang labis na kaba. Damn it! Mabuti na lang at hinayaan ko ang bibig kong magsalita! Mabuti at hindi na muna ako nag-isip. Dahil paniguradong kung nag-isip pa ako, nanginig na ang labi ko nang sabihin ko iyon.

Tumitig siya sa akin. Umangat ang gilid ng kanyang labi at padabog na sinarado ang pinto.

“Now, I wouldn’t tell you, Lilienne…”

Tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin. He shook his left hand so his watch would turn into place. Kinuha niya ang aklat na binabasa at umambang aalis.

Nangalumbaba ako at ngumisi. Hindi ko talaga alam kung bakit tuwang-tuwa ako. Nababaliw na yata ako.

“Riguel! You’re unfair! I just want to know…”

Umalis siya at binalik sa bookshelves ang kanyang aklat. Hindi ko siya sinundan. Hinayaan ko siyang ilagay ang aklat doon at umalis.

Nang tuluyan na siyang umalis ay nagkibit na lang ako ng balikat. No significant development. I still don’t know what is his type of girl.

“Lili! Tara na!” ani Yeshua nang naabutan ako sa isang bench malapit sa gate ng school.

Hinawakan niya ang aking braso at tinuro ang aming sasakyan sa labas. Hinawi ko agad ang kanyang kamay.

“Mauna ka na… May gagawin pa ako…”

Tinagilid ni Yeshua ang kanyang ulo at nanliit ang mga mata niya.

“Gagabihin ka na naman? Tapos na ang eskwela! Kailangan na nating umuwi…” sabi ni Yeshua.

Umiling muli ako at inilag ang braso ko sa kanyang kamay. Tumingin siya sa paligid.

“Wala na si Suki. Umuwi na ba? Bakit ka pa mananatili rito, ha?”

“Basta, Yeshua! Huwag ka nang makulit! Mauna ka na nga! Sige na! Susunod din ako…”

Umigting ang panga ni Yeshua. Okay, I’ll take note. Next time, hindi ako rito mag-aabang kay Riguel. Sa isang tagong lugar ako mag-aabang para ‘di ako maabutan ni Yeshua.

“Patay ka sakin kapag alas sais ay ‘di ka pa nakakauwi. Subukan mo, Lilienne…” banta niya.

“Oo na! Uuwi ako bago lumubog ang araw!” Umirap ako.

“Huwag mong patayin ang cellphone mo. Ipapagrounded kita kay Mommy at Daddy kapag ‘di ka umuwi sa oras na gusto ko!”

Nanlaki ang mga mata ko nang namataan ko si Riguel kasama ang mga kaibigan niya. I need Yeshua to go now!

“Sige na! Sige na! Oo na! Uuwi rin ako! Umalis ka na!”

Tinulak ko si Yeshua palabas ng gate. Kumalabog ang dibdib ko lalo na nang ‘di parin siya maalis.

Iniwan ko siya sa gate at lumapit na lang sa mga kaibigan ni Riguel para maisipan na ni Yeshua na umalis.

Nang lingunin ko ulit ang gate ay nakita kong umandar na ang aming sasakyan at umalis. Thank God!

Now, my business…

Nilingon ko ulit si Riguel na nakikipagtawanan kay Mateo at Sebastian. Namataan niya agad ako at napawi ang kanyang tawa. Napalitan ito ng isang tiim-bagang na ngiti.

“Hello! Sasabay ako!” kaway ko nang nakalapit na sila sa akin.

Nalaglag ang panga ni Sebastian at napatingin siya kay Riguel. Tumawa si Mateo at tinapik ang balikat ni Riguel.

Nagpatuloy sila sa paglalakad at sumunod agad ako.

Nang nakalabas kami sa gate, buong akala ko ay sasakay na agad sila ng tricycle ngunit kumain pa sila ng siomai at uminom ng buko juice.

Nanatili akong nakatayo sa may waiting shed. Hindi naman ako gutom kaya ‘di ako kakain. Hinintay ko lang na matapos sila.

Ilang tricycle ang dadaan sana sa amin ang pinalagpas ko dahil sa paghihintay sa kanilang tatlo. Sumulyap si Riguel sa akin at hinayaan niya lamang akong maghintay.

Nang sa wakas ay natapos ang tatlo ay lumapit na ako para makasabay.

Isang tricycle ang lumapit at agad silang pumwesto sa loob. Tatlo lamang ang kasya. Si Riguel at Mateo sa loob, si Sebastian ang nasa likod ng driver.

Papasok sana ako sa loob ngunit napagtanto kong ‘di na ako kasya. Umatras ako at isang hilaw na ngiti na lamang ang pinakawalan.

“Wala na! Alis na kami…” anang driver.

Napalunok ako nang umalis na nga ang tricycle para iwan ako.

May ilang babae akong narinig na nagtawanan sa gilid. Sumulyap ako sa kanila at natigil ang tawanan nila. Yumuko ako at nagkunwari na lang na naghahanap ng isa pang tricycle.

Fuck.

What a stupid useless idea. Bakit nga ba hindi ko naisip iyon?

Hindi ko alam kung bakit ako nanlamig habang tinitingnan ang papalapit na mga tricycle. Parang may init na humawak sa aking puso habang pinapara ang isa. Para akong unti-unting nanlumo sa nangyari.

“L-La… Santa, po…” nanginig pa ang boses ko nang sinabi ko iyon.

“Sakay ka…” sabi ng driver.

Tumango ako at lumunok kahit hirap dahil sa nagbabara sa lalamunan.

Sumakay ako at nagulat nang may sumakay rin kasunod sa akin. Nilingon ko kung sino iyon at natigilan ako nang nakita ko si Riguel.

Inayos niya ang buhok niya habang nakatingin sa salamin sa harap namin. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa tabi ko.

“Riguel? Hindi nasa naunang tricycle ka?” tanong ko.

“Bumaba ako. Nakakaawa kang tingnan na mag-isa…” aniya.

Unti-unting namuo ang ngiti sa aking labi. But then the feelings within my heart didn’t change. It feels warm and cold at the same time. I don’t know why…

“Hindi mo na sana ginawa. Ayos lang naman ako na mag-isa…” sabi ko.

Hindi siya kumibo. Kumuha ulit siya ng pera at binigay na sa driver.

“Tatlo. La Santa, dulo… Tapos balik ulit sa amin. Dalawa sa akin, Manong…”

Kinagat ko ang labi ko. This man… is who I really want, alright!

“Huwag mo na akong hintayin sa susunod. Ginawa ko lang ito ngayon dahil naaawa ako sa’yo…” aniya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: