Tripped – Kabanata 2

Kabanata 2

Two Worlds

“Why did you even mention it…” walang gana kong sinabi kay Leon habang nakatingin ako sa blackboard.

Wala si Russel. Siya iyong nakaupo sa gitna naming dalawa. Absent na ng dalawang araw simula nang nasuspend ako.

“You know this life is short. We shouldn’t waste our time waiting for things to happen,” his tone is bored.

Tumikhim ako at nagligpit ng gamit. Kailangan ko na namang umalis para makapaglinis. Sinadya ko lang na pumarito sa classroom para makausap si Leon pero napagtanto ko ngayon na wala pala talaga akong mapupulot sa kanya.

“So you mean I should make it happen…”

“I mean… if you don’t like my friend, stop making him feel that you do.”

Nagkatinginan kaming dalawa. Alright. I get it. I give up.

Iniisip kong mabuti na ring nagkahiwalay kami ni Russel. Nahihirapan ako kung ako lang dahil magkaibigan kaming dalawa at ayaw kong magkasiraan kami. Ngayong si Russel na mismo ang sumuko sa akin ay parang mas pinadali lamang iyon.

Nagsimula ulit ako sa paglilinis.

Tahimik lamang ako habang nagwawalis at nagma-mop sa corridors dahil sa malalim na iniisip. Mas nakakapag-isip pa yata ako ng marami kapag ganito kesa sa iyong nakikinig sa teacher.

Nagpapapahinga naman ako kahit paano. Kumain ako sa canteen noong lunch at natulog saglit sa isang bench malapit sa soccerfield. Of course with Suki. Hindi nga lang natulog si Suki dahil panay ang pag-uusap nilang dalawa ng Keena, isang kaklase namin.

Nang nagising ay nagsimula ulit ako sa paglilinis. Nagdilig ako ng mga halaman sa likod ng gym. Panay pa ang panonood ko ng mga senior na pumupislit sa klase para maghalikan lang sa likod ng gym.

Nang nakita ako ng dalawang seniors na nagdidilig ng halaman ay umayos agad sila sa pagkakaupo.

“Anong ginagawa mo rito?”

Nag-angat lamang ako ng tingin sa babaeng may pagalit na tono. Siya pa ang may lakas na loob magalit gayong sila itong may ginagawang kababalaghan.

“Nagdidilig ng halaman…” bored kong sinabi. “Ipag patuloy niyo lang ‘yan. Hindi ako maiinggit…” sabi ko sabay hagikhik.

Nang nilipat ko ang mga mata ko sa lalaking kahalikan niya ay kumindat pa ito sa akin. Nagtaas ako ng kilay sa lalaki dahilan kung bakit siya binalingan ng girlfriend niya. Hinampas ng babae ng bag ang lalaki at biglaang nagwalk out.

“Babe!” sigaw noong lalaki at sinundan niya naman agad iyong babae.

Pinagkibit ko na lang iyon ng balikat. Pagkatapos kong magdilig ay nagpunas naman ako ng bintana sa mga offices.

Pagod na pagod na ako nang lapitan ako ng Principal.

“Last day mo ba ngayon, Lilienne?” tanong niya.

“Opo…” sagot ko naman.

“Sige sa corridor malapit sa library ka na maglinis. Iyon na ang panghuli mo. Pagkatapos ay umuwi ka na…”

Masunurin naman akong bata kahit paano kaya sinunod ko ang sinabi ni Ma’am. Dumiretso ako roon sa library para magsimulang magwalis.

Pansin ko ang pagdadagsa ng mga estudyante sa library. Kahit mag-aalas singko na ay dumadagsa parin sila. Ganyan ba ka studious ang mga estudyante rito sa Alegria.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nang nagsimula naman akong mag mop ay nagsialisan na ang isang batalyong estudyante.

Tumigil na muna ako para hindi paulit ulit ang pagma-mop. Nang tingin ko’y konti na lang ang tao sa library at mukhang nakauwi na halos lahat ng estudyante ay nagsimula na akong mag mop.

Tumutunog na ang cellphone ko at panigurado’y test iyon ni Suki. Makikipagsabay na naman siguro sa akin si Suki pauwi.

Magtatricycle lamang ako. Malayo ang amin pero umaabot naman doon ang tricycle. Madalas kinukuha kami ni Daddy pero mas madalas na nagtatricycle kami. Busy kasi si Dad sa trabaho.

Ang dungis dungis ko na.

Tinalikuran ko ang timba para maayos ang pagkaka mop ng sahig. Ilang saglit ang nakalipas ay narinig kong natumba ito.

Nilingon ko iyon at ang nakita ko na lang ay ang iilang mga estudyanteng nagtatakbuhan. Hindi ko alam kung natakot at hindi sinadya, o sinadya kaya natakot.

“What the hell?”

Humugot ako ng malalim na hininga at pinatayo ko ang timba. Ang kulay chocolate brown na tubig ay kumalat sa corridor ng library dahilan kung bakit kakailanganin ko ulit na magmop sa mga lugar ay dapat tapos ko na.

Pagod na pagod na ako. Buong araw yata akong naglinis!

Hindi ko alam na ganito pala kahirap. Kung nalaman ko lang ay ‘di na ako nagpahuli!

Pinaypayan ko muna saglit ang sarili ko. Pawis na pawis na ako. Sa noo, sa batok, at sa buong katawan.

Buti na lang at last day na ngayon…

“Give me the mop…” isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Medyo madilim na kaya hindi ko inakalang may tao pa rito bukod sa librarian. Nilingon ko si Riguel na nakatayo sa aking likod.

Ngumisi agad ako. Kahit na pagod ay ‘di makakatakas sa akin ang kakisigan niya. Nagtaas lamang siya ng kilay at naglahad ng kamay.

Binigay ko sa kanya ang mop.

Dahil hindi siya pagod ay isang hagip lang ng mop sa nakahilerang tiles ay nawala agad ang putik. Mabilis niyang nilinis ang tiles. Tumabi ako para mas malinis niya ng maayos.

“Riguel Alleje is helping me out. Bakit kaya?” humagikhik ako.

Bumaling siya sa akin at tumigil sa pagma-mop. Oopps, I don’t want to push his buttons but I really can’t help it.

“I hate seeing a girl that tired. At isa pa, napakabagal mo naman yatang maglinis?”

“Well, nilinisan ko ang buong school sa araw na ito. Syempre natural na babagal ako ng ganitong oras…” sabi ko at ngumiti ulit.

“Tss…” binigay niya agad sa akin ang mop na parang nandidiri pa siya sa pagtulong.

“Alam mo ikaw, Riguel. Gwapo ka sana kaya lang suplado. Nakakaturn off…” sambit ko.

Humagalpak siya sa sinabi ko. Damn his laugh sounds like he’s got a bad idea. Pinasadahan niya ng kanyang mga daliri ang kanyag buhok. Hindi ko mapigilan ang paghagod ng tingin ko sa kanya mula ulo hanggang paa. Walang panama ang mga boys sa batch ko sa katawan at kagwapuhan ni Riguel. Kung ikukumpara ko ang kabatch ko sa kanya ay sadyang magmumukha lamang silang totoy.

“Put the pail back now. Wala na dapat estudyante rito pag lagpas ng alas sais.”

Ngumuso ako at pinulot ang timba. Hindi naman iyon gaanong mabigat dahil naubusan na ng tubig nang natapon ito pero nagkunwari akong nabibigatan.

Mahusay talaga akong artista dahil lumapit agad si Riguel para kunin ang timba sa aking mga kamay.

“Hold the mop properly…” malamig niyang sinabi at nauna na siyang pumunta sa CR.

Sumunod ako sa kanya. Habang papunta ng CR ay inaayos ko ang mga buhok na dumidikit sa aking batok.

Dyahe… ngayon pa talaga kami magkakausap ni Riguel samantalang amoy pawis ako.

Habang naglalakad ay tiningnan ko ang cellphone ko. Baka sakaling tinext ako ni Suki na maghihintay siya ngunit iba ang nabasa ko.

Suki:

Lienne, umalis na ako ha kasi may pupuntahan daw kami nina Mommy mamaya. Nauna na ako. Hihintayin ka naman siguro ni Russel.

Pumasok na ako sa CR habang nagtitipa ng sagot.

Ako:

Ako lang, ‘no. Paano maghihintay, e, absent. Nakalimutan mo? ‘Tsaka ayaw ko na ring hintayin niya na ako. Tama lang na wala na kami.

“And here you are just texting your admirers while I’m helping you out…” malamig na sinabi nI Riguel.

Agad kong binaba ang cellphone ko at tinago. Humalukipkip siya at madilim ang tingin sa akin.

“It’s just Suki. Wala akong kasabay pauwi…”

Binaba ko ang mop sa gilid ng cubicle.

Agad na lumabas si Riguel sa CR. Nagkibit ako ng balikat at sumunod na lang sa kanya palabas doon.

Iniwan ko ang aking bag sa locker. Kinuha niya rin ang sa kanya roon.

Kahit na tapos na akong magligpit ng gamit at siya ay hindi pa, binagalan ko ang pagliligpit para lang maabutan niya ako. Nang sinarado niya ang pintuan ng kanyang locker ay sinarado ko na rin ang akin.

May isang kaibigan siyang nakasabay. Pero nagpaalam siya na mauuna na sa paglabas kaya sumunod na ako sa kanya.

Hindi ako gaanong lumapit dahil nahihiya ako sa amoy ko. Nauna siya. Ang kanyang bag ay nakasabit sa kanang balikat lamang. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa.

Gabi na nang lumabas kami ng school. Konti na lang ang tricycle pero at least mayroon pa.

“La Santa, manong…” sambit ni Riguel sa tricycle driver na nauna.

Malayo ang amin kumpara sa kanila ngunit nadadaanan ang kanila papuntang amin. Hindi bale na kung mag-iisa ako kapag nakababa na siya.

“La Santa, dulo, manong…” sabi ko sa tricycle driver.

Nag-angat ng tingin si Riguel sa akin. Lumabas siya ng tricycle na ikinagulat ko. Well, siguro dahil alam niyang siya naman ang mauuna sa pag-alis kaya dapat siya ang malapit sa pintuan.

“Thanks…” sabi ko.

Pumasok ako sa loob ng tricycle. Umusog ako para hindi kami masyadong magkadikit. Wala akong confidence na dumikit ngayon dahil sa amoy ko.

But he’s massive. There’s just no chance we wouldn’t touch. Nang umupo siya sa tabi ko ay naramdaman ko agad ang kanyang hita sa akin.

“La Santa! La Santa!” sigaw ni manong driver.

Sumulyap ako kay Riguel na nakatingin lamang sa kalsada. Wala siyang reaksyon kung mabaho ba ako o ano.

May sumakay sa likod ng driver kaya ayos na iyon. Pinaandar ng driver ang tricycle.

Habang umaandar ay nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng aking puso. Iyong tipong kahit nakaupo ako rito ay hindi ako kumportable. Iyong tipong hindi ako mapirmi dahil sa katabi ko.

Umalis ang pasahero sa likod ng driver. Sa bayan lang siya kaya malapit lang. Kaming dalawa na lang ni Riguel ang naroon ngayon.

Kumuha ako ng pamasahe sa aking wallet. Riguel extended his hand to the driver for his fare.

“Tatlo ‘yan, manong. Isa para sa kanya. Dalawa para sa akin. Ihahatid ko muna sa dulo ng La Santa tapos babalik sa amin…” aniya.

Natigilan ako sa sinabi ni Riguel. Sumulyap siya sa akin at umiling lamang dahil sa naging reaksyon ko.

What did he just say? Did he said he’s going to pay for me? At bakit dalawa ang para sa kanya gayong?

Mas lalong lumakas ang pintig ng aking puso. Nanikip ang dibdib ko sa sobrang lakas. Kulang yata ang hangin na sumasalubong sa aming dalawa!

“Don’t be so shocked. I’m sure your boys had better ideas than what I’m doing right now…” malamig niyang sinabi.

Kinuha ko ang pera sa aking wallet at binigay sa kanya ang bente.

“Riguel, I can pay for myself…” sabi ko kahit na kinakabahan. “You don’t have to do this…”

Kitang-kita ko ang pagkakairita sa kanya.

“Hindi ka pa ba sanay? Keep your money. I already paid for you…” aniya.

Napalunok ako. I’m not usually silent. Dapat ay nagwawala na ako ngayon at tinutukso ko na siya pero hindi ko alam kung bakit nanlalamig ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang magbiro. And my heart is racing so fast…

“Bakit mo naman binayaran? ‘Tsaka… bakit mo pa ako ihahatid sa dulo? Ayos lang naman kung ako lang mag-isa-“

“Huwag mong lagyan ng malisya. Ayaw ko lang ng may nakakasabay na babae tapos pinapauna ako ng uwi. This is just a normal thing to me. Don’t make a big deal out of it…” malamig niyang sinabi.

Oh! Right…

“Oh! So this isn’t the first time you paid for a girl… o kahit ang paghatid?”

Hindi siya sumagot. Nilagpasan lang ng driver ang bahay nina Riguel.

Sinundan ko ng tingin ang malaki ngunit antigo nilang bahay.

“Bye-bye Riguel’s house… Mag-isa ka lang ba riyan?” tanong ko sabay turo sa kanilang bahay.

Umiling siya. “I’m living with my grand parents…”

“Where’s your mom and dad?” tanong ko.

“They already died years ago…”

“Oh! I’m sorry…”

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Napangiti ako.

Simula pa lang noong lumipat siya sa Alegria, gustong gusto ko na siya. Marami ring agad na nagpahayag na gusto nila si Riguel. Of course he’s hot and good looking. Aside from that, matalino pa. But I never had the chance to converse with him simply because our worlds just don’t meet.

But this night is different…

“Where’s your boyfriend? And why is he letting you go home alone?” malamig niyang tanong.

Ngiting-ngiti na ako habang sinasagot siya.

“Break na kami ni Russel…”

Napatingin siya sa akin at nagtaas ng kilay.

“You’re a damn playgirl…”

Tumigil ang sasakyan sa labas ng aming kulay green na gate. Sa malayo ay tanaw ang aming mansyon. Naunang lumabas si Riguel sa tricyle para makadaan ako. Pagkalabas ko ay tumayo agad ako sa harapan niya.

Kinagat ko ang labi ko nang nagkatinginan kami.

“I won’t be if I get the heart of the only man I truly like, Riguel…” mataman kong sinabi.

Parang tambol ang puso ko sa lakas ng kalabog nito.

His lips curved. Alam niya na gusto ko siya. It reached him, too, last year. That was for sure.

“You’re just a little girl, Lilienne…” aniya sabay muwestra sa aming gate.

“Oh really? I am?” hamon ko.

“Pumasok ka na sa inyo. Maghihintay ako hanggang sa nakapasok ka na…” winala niya ang usapan.

And in that moment I was sure… that I’m not playing with Riguel. This is not a challenge for me. This is something different.

I want us to be closer. I want our worlds to meet. I want to feel this feeling more. And you know what they say about two meeting worlds? There’s a possibility of collision.

Sinarado ko ang gate na pumagitna sa aming dalawa. Sinundan ko ng tingin ang tricycle na naghatid kay Riguel.

“Little girl, huh?”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: