Kabanata 1
To Live
I envy people living with no regrets. Those who are living with nothing but simple “what if?” problems.
Nakatunganga ako sa sofa ng Office of the Discipline Affairs. Si Mommy at Daddy ay nasa harapan ko habang kinakausap ng mabuti ang head ng disiplina sa school.
“Mr. and Mrs. Altamirano, this isn’t the first time your daughter is caught cutting classes. And she smells like cigarette, according to my students!” sabi ng nanggagalaiting officer namin.
“Pagpasensyahan n’yo na itong anak namin, Mrs. Sollano. Hayaan n’yo at pagsasabihan ko siya pagdating sa bahay…”
“Naku, Mrs. Altamirano, kay babaeng tao nitong anak n’yo at ganito na siya. Si Yeshua nga’ng lalaki ay hindi naman ganito!”
Ngumuso ako at natulala sa nabanggit ni Mrs. Sollano. My twin brother is my opposite. He’s the prim and proper type of boy. The good boy, ika nga. The best child.
“I have here Riguel and Sebastian. Sila iyong nakahuli kay Lilienne kasama ang mga barkada nito kanina sa likod ng building. Doon sila lagi nakikita ngunit ngayon lang talaga nahuli.”
Nag-angat ako ng tingin sa dalawang lalaki sa harap ko. Riguel is curiously looking at me. Inilipat niya ang kanyang mata kay Mrs. Sollano at tumuwid sa kanyang pagkakatayo. His adams apple protruded with his stance.
“Anong ginawa ng mga batang ito, Riguel? Nag-inuman? Smoking?”
“Both…” sagot ni Riguel.
Napatingin ako kay Mommy at Daddy. Nagtaas ng kilay si Mommy sa akin pero bumaling ulit kay Mrs. Sollano.
“So what punishment do you have for those who are caught? I’m sure my daughter is willing to make up for what she did…”
Maglinis ng CR? Magwalis sa campus? Magmop? Magdilig ng mga halaman?
“Tomorrow, I will talk to the principal so we can give her the proper punishments…”
Tumunog ang pintuan at nilingon ko ang kapatid kong kararating lang. May dala si Yeshua na t-shirt. Siguro’y nalaman niyang nasira ang damit ko.
He smiled at me and then he gave me the his shirt. Tinanggap ko iyon ngunit hindi na muna nag-abalang tumayo para magbihis.
Nasa likod siya ngayon ng sofa at humihilig sa backrest.
“What did you do this time?” his amused tone made me smile.
“Nahuli lang…” sabi ko at nilipat ulit ang tingin sa kaharap kong mga nakahuli sa akin.
Riguel’s eyes bore into me. His intense dark eyes made me watch him a little bit longer.
“Iyan ang pagkakamali mo ngayon? Ang pagkahuli?” bulong ng kapatid ko.
Tumango ako at tumingin sa kay Mrs. Sollano na panay ang explain sa mga magulang ko.
“Wear the shirt. You’re in front of guys, Lili…” ani Yeshua.
“Oh they won’t look. You’re looking at them, aren’t you?” Lumapad ang ngisi ko.
I’m close with my twin brother. He’s uptight and mostly serious but when it comes to me, he’s playful and sweet.
Dito kami pinalaki sa Alegria. Magaan at hindi mahigpit ang pagpapalaki sa amin.
Sa labas ng bahay kaming nagtatakbuhan noon. The fields of our flower plantation is our playground.
I was the adventurous one, Yeshua’s the safe one. And he’d always get in trouble because of me. He’d always defend me. And in the end, he’d always sacrifice.
“Maraming salamat po sa pagpapatnubay n’yo sa aking mga anak. Rest assured that my daughter’s going to pay for what she did. I’m sure she’s learned her lesson today,” sabi ni Mommy para tapusin ang usapan.
Bumaling ako kay Riguel sa aking harap. Tumayo na ako at ganoon din ang mga magulang ko. Nagtaas siya ng kilay sa akin at lumipat iyon sa kambal ko sa likod.
“Yeshua…” ani Riguel.
Nilingon ko ang kapatid ko. Tumango siya kay Riguel. Tinapik ng aking kambal ang aking likod.
“Let’s go to the girl’s bathroom. You should really change.”
“Okay…” sabi ko at sumama na sa kapatid ko.
Lumabas na kami ng kapatid ko para magawa ang gusto niya.
In the end, I got scolded by my parents. But not as much as how other parents scold their children. Hindi mahigpit si Mommy at Daddy sa aming dalawa ni Yeshua. Lalong lalo na sa akin.
“Crush mo ‘yon, ‘di ba? Is that why you didn’t bother to change?” sambit ng aking kapatid pagkauwi namin.
Tapos na kaming kumain sa dining area. Nanatili si Mommy at Daddy roon para pag-usapan ang tungkol sa farm. Paakyat na ako sa kwarto nang sundan ako ni Yeshua para tanungin iyon.
“That’s not it. I don’t have a shirt yet…” sabi ko at binalewala siya.
“Oh? Really? Pagkadating ko, dapat ay dumiretso ka na sa CR at magbihis…” aniya.
“God, Yeshua! Hindi ibig sabihin na dahil crush ko si Riguel, ipapakita ko na ang kaluluwa ko sa kanya. Anong akala mo sa akin, easy girl?” Humalakhak ako.
Nanliit ang mga mata niya sa akin. Kinawayan ko na lang siya.
“Bye! Ibabalita ko pa kina Suki na ayos lang ako. Paniguradong pagtatawanan ako ng mga iyon kapag nalaman nilang magma-mop ako ng isang linggo dahil sa nangyari! Dios ko, ikakahiya ako ni Leon!”
Pumasok na ako sa aking kwarto at sinarado ang pintuan.
Bumulusok agad ako sa aking kama at ilang sandaling nanatiling ganoon. Pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone sa aking bulsa para tingnan ang mga text ng mga kaibigan ko sa akin.
Russel:
Talagang nahuli ka?
Nagtipa ako ng sagot.
Ako:
Iniwan mo ako!
Suki:
Kumusta? Ilang oras kayo sa DSA? Ano ang parusa?
Julio:
Iniwan ka ni Russel?
Tumuwid ako sa pagkakaupo at binuhay ang ilaw sa aking tukador. Tiningnan ko ang aking mukha.
Ang buhok ko’y tuwid sa una at umaalon na pababa, maputi at mapula ang pisngi, at kasing pula ng mansanas ang labi. Yeshua, my twin, has also almost the same features as me. Only that he’s tall while I’m petite.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Suki para ibalita ang nangyari.
“Lilienne! Ano? Kumusta? Nagpahuli ka yata, e!”
Umirap ako sa spekulasyon niya. Alam niyang crush ko si Riguel. Hindi… alam yata ng lahat na crush ko si Riguel pero hindi ko sasadyain ang pagkakahuli para lang sa kanya!
“Hindi ‘no! Talagang mabilis lang siya kaya ako nahuli!” sabi ko.
“Ang sabi ni Leon ay baka raw nagpahuli ka. Nagalit nga si Russel, e!” ani Suki.
Umirap ako. “Naniwala ka naman kay Leon. Hindi lahat ng tao desperado para sa crush nila. Siya lang iyong ganoon, ‘no!”
Tumawa si Suki. “Pero nagalit parin si Russel sa sinabi ni Leon. Sinabi ko nga kay Russel na hindi ka naman ganoon!”
“Ay naku! Isa pa ‘yan… Iniwan ako kanina! Pero kung hindi niya naman ako iniwan, dalawa kaming mahuhuli kaya ayos na ‘yon…”
“Galit ka kay Russel, kung ganoon?”
“Hindi naman talaga galit. Nagtatampo lang. Anyway, bukas ay suspended ako. Mag rerender daw ako ng services sa school. Maglilinis yata ako…”
“Ay! Ganoon! Magka-cutting sana kami para makaligo sa Tinago. Paano ka?” tanong ni Suki.
Nanghinayang ako sa sinabi niya. Pero kailangan ko talagang daluhan iyong suspension ko. Kung hindi ay dalawang strike na ako sa eskwelahan. Kahit na nagbubulakbol ako’y ayaw ko naman ma kick-out.
“Kayo na lang! Sinong kasama?”
“Hindi ko alam. Naiinis kami kay Leon kasi baka raw ‘di siya makakasama… Sinusuyo ko nga para lang makasama siya. Lagi na lang siyang ‘di kasama!” malungkot na sambit ni Suki.
Ngumuso ako at may nahimigan sa tono ng kaibigan. Hinayaan ko siyang magsalita.
“Noong isang araw ay ‘di rin siya sumama. Aniya’y driving lessons daw. Weh? Nakakatampo na itong si Leon.”
“Iba na ‘yan, ha. Baka mamaya nadedevelop ka na sa isang iyon. ‘Di ba nga bawal mag boyfriend sa barkada?”
“Bakit ikaw? Boyfriend mo si Russel ah!”
Gotcha! Humagalpak ako sa tawa sabay iling.
“Ano? Ano?” iritadong tanong ni Suki.
“Naku, Suki! Ibig sabihin nga may plano kang maging kayo ni Leon? Ganoon? Are you falling for him?”
“Hindi ‘no! I’m not! But who’s not attracted with him? He’s…” hindi niya matapos tapos.
Umirap na lamang ako. Mabenta talaga si Leon sa mga babae. I mean, he’s a badboy. His built could equal our seniors. At sino ba naman ang gusto ng payatot, ‘di ba? You would want someone like him. He can defend you from anything.
“Yes, I understand your attraction for his hotness. His built can equal the seniors but dammit, Suki, he’s attitude is like that of a spoiled child. Kita mo naman kung gaano siya ka obsessed sa ‘mahal’ niyang si Freya. Kulang na lang ay halikan niya ang lupang dinadaanan ng pinakamamahal niya.”
“Sus! Puppy love lang iyan. Ang sabihin mo, may iba kang gusto. Gusto mo iyong mas mature. Iyong matalino at good boy, ‘di ba?”
“Paano napunta sa akin ang usapan? I’m just concerned at you, Suki.”
“Bakit naman?” tanong niyang may pag-aalinlangan.
“Alam mo, Suki, paparausan ka lang niyang si Leon. Gagapangin ka tapos pipikit lang ‘yan kapag ginagawa n’yo at iisiping si Freya ka.”
“Ay ewan ko sa’yo, Lilienne! Wala naman akong sinabing gusto ko si Leon!”
Umirap na lang ako. I know that one too much. I’ve seen indenial girls fall for my twin.
Pagkatapos ng pag-uusap ay si Russel naman ang tinawagan ko. Inaway ko siya ng mga trenta minutos dahil sa pag-alis niya kahit na hindi naman ako gaanong galit doon. Pagkatapos ay naging maayos na kami.
Kinabukasan ay hinanda na ang mop at walis para sa akin. May ilang oras akong ‘di papapasukin sa classroom dahil ako iyong maglilinis sa buong linggong ito.
“Uy, si Lilienne…” humalakhak ang ibang estudyanteng nakakita sa akin.
Pinagtaasan ko na lang sila ng kilay. Papakitaan ko sana ng dirty finger pero mamaya maging second offense ko pa ‘yon. ‘Tsaka na pag nakalimutan na ang atraso ko.
Nilagay ko sa tainga ang earphones at nagsimula na akong magwalis. Eenjoyin ko na lang ang parusang ito. Wala pa naman sina Suki dahil pumuntang Tinago.
Speaking of… sumama ba ang boyfriend ko roon?
Tinext ko si Russel para magtanong kung sumama nga ba siya pero hindi siya agad nagreply. Ipinagkibit ko iyon ng balikat at nagsimula na ulit sa pagwawalis.
“Lilienne, ano ‘yan? Community service?” Humagalpak sa tawa ang mga dumaang kaklase ko.
“Mas mabuti na ‘to kesa makinig sa lecture!” sabi ko.
Tumawa lamang sila.
Umabot ako sa library sa pagwawalis at pagma-mop. Pawisan na ako kaya tumigil muna ako saglit.
Hindi pala biro itong ginagawa ng mga janitor. Malagkit na ang pakiramdam ko. Ang mga buhok ko’y dumidikit na sa aking batok.
Kukuha na lang ako ng t-shirt ni Yeshua sa locker niya mamaya.
Ilang sandali ang nakalipas ay tumunog ang bell. Biglang dumami ang estudyanteng bumaba at dumaan para makapasok sa library. These are the seniors! Kitang kita ko ang pag-apak nila sa kaka-mop lang na sahig.
“Ba ‘yan! Hinay hinay naman, oh! Bagong janitress ako rito!” sabi ko sabay turo sa mga paa nila.
Ang iba ay tumabi. Ang mga ibang hinayupak naman ay ginagalit pa yata ako. Ipinapakita pa sa akin ang pag-apak nila sa basang tiles.
“Lilienne!” biglang tawag ng isang pamilyar na boses sa akin.
Si Russel iyon. Bumagsak ang balikat ko.
“‘Di ka nagrereply. Wala kang load? Akala ko sumama ka sa Tinago?”
“Hindi ako sumama…” aniya sabay kuha sa mop sa kamay ko.
Para siyang walang gana. Nagmop siya sa sahig bilang tulong sa akin pero hindi niya na muli ako kinausap. Inayos ko ang buhok ko habang pinagmamasdan si Russel na nagma-mop.
“Ayos ka lang?” tanong ko.
Umiling siya at nagpatuloy sa pagma-mop.
Tinali ko ang buhok ko dahil naiinitan na talaga ako. Sa malayo ay nakita ko ang matatangkad pang mga seniors na papunta sa library. The silhoutte of Riguel caught my eyes.
Nilagpasan niya si Russel na nagma-mop at dumiretso sa pintuan ng library sa gilid ko. His eyes lingered to me.
“Sa pagkakaalam ko, hindi ang boyfriend mo ang nahuli,” malamig niyang sinabi.
“Oh? It’s a sin to help now, huh?” I smiled playfully.
“Lilienne!” tawag ni Russel sa akin.
Napatingin ako sa kanya. Umigting ang panga ni Riguel at nilagpasan niya na ako. Dumiretso siya sa library kasama ang mga kaibigan.
Nanatili ang mga mata ko sa kanya. Hinigit ni Russel ang aking braso dahilan kung bakit napatingin ako sa kanya.
“Tama nga sila! Ano? Nagpahuli ka dahil sa gagong iyon?” matamang akusasyon ni Russel.
Ikinagulat ko iyon. Umatras ako dahil kitang kita ko ang galit sa kanya. Para bang kahit na mag explain ako ay ‘di niya tatanggapin. Halatang nagatungan ng mabuti ni Leon.
“I don’t want to get caught, Russ. Don’t make this a big deal. I was caught-“
“Tangina! Tinutulungan kita rito pero ‘yang mga mata mo nakatingin sa iba! Ha! Akala mo ba nakalimutan ko na may gusto ka sa lalaking iyon!”
Umirap ako. This is just ridiculous. I hate stupid fights. I can’t deal with them. I could walk away right now para lang matakasan ito pero ayaw kong maging bastos kay Russel.
“Oh bakit? Binoyfriend ko ba-“
“Hindi mo binoyfriend kasi ‘di ka naman pinapansin kaya-“
“Oh kaya ko siyang palingunin sa akin, Russ, pero ‘di ko ginawa kasi ‘di ako desperada! Pwede ba?” tumaas na ang boses ko.
“Nasa gilid lamang kayo ng library. Kung gusto n’yong mag-away umalis kayo rito…” malamig na sambit ni Riguel na ngayon ay nasa pintuan na pala ulit.
Nagtiim bagang ako. Padabog na binaba ni Russel ang mop at sinipa niya pa ang baldeng may maruming tubig.
“Fuck!” sigaw ko.
“I’m done with you!” ani Russel sabay walk out.
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitingnan ang tapon na tubig sa sahig. Kitang kita ko ang paglabas nila sa balde at pagkalat ng maruming tubig. Naestatwa ako. Kung ‘di lang pinatayo ni Riguel ang balde ay ‘di paniguradong naubos na ang tubig sa loob.
Tumayo siya. He’s tall. His massive chest covered my view of the library’s main door. Paniguradong may mga tsismosang nanonood sa sigawan namin ni Russel kanina.
“Ayusin mo ang trabaho mo. Mamaya na ang landi…” ani Riguel at tinalikuran ako.
Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siyang palayo sa akin. Pinulot ko ang mop at pagkatayo ay binalikan muli siya ng tingin.
May iilang estudyante nang sumunod sa kanya. The nerd group of the seniors. But then I saw some basketball varsities too. Of course he belongs to the school’s team.
Hawak ang mop ay nanatili ang tingin ko sa kanya.
One thing life taught me is that it’s short. What ifs shouldn’t be asked. You should act on it. If you make it happen, you also make your life longer. Kung hindi naman, mas hahaba ang oras mo dito sa mundo na wala kang ginagawa. So I’d rather live a life doing so many things than live a life waiting for things to happen right before my eyes.
“Lilienne… ayos ka lang?”
Napatalon ako sabay tingin sa tumapik sa akin. Hilaw na ngiti ang iginawad ko kay Piper. Her bronze skin shined as she tilted her head.
“Suspension?”
Tumango ako. “Yup…”
Tumango siya pabalik. “I’ll ask the principal if-“
“Huwag na. It’s okay, Pipe…” sabi ko sabay ngiti sa kanya. “Recess n’yo ba?”
“Yes. Katatapos lang ng calculus namin…” Pagod siyang ngumiti. “Nakapag-aral ba ang kapatid mo?”
“Hindi ako sigurado. Bakit? Bagsak ba?”
“Hmmm. Hindi ako sigurado…”
Ilang sandali pa siyang nanatili sa harap ko. Kung ‘di siya tinawag ng kanyang mga kaibigan ay ‘di pa siya umalis.
Tiningnan ko ang mga lilinisin ko sa sahig. Nagsquat ako dahil sa sakit ng binti at sa pagod na idinudulot nitong paglilinis.
To live a life worth living means to take risks and chances, that’s what my twin said almost a year ago. I always wondered what he meant by it. Pero ngayon ko napagtanto kung ano nga iyon.