Kabanata 5
Care
“Isabella Thomas is a transferee. Half American. One of the top sa seniors. Lumaki sa Maynila ngunit ipinanganak sa California… She’s pursuing Riguel for a year now. Maraming nabibihag ngunit walang pinapatulan dahil si Riguel nga lang daw ang gusto niya…”
Naglalakad kami ni Suki patungo sa classrooms ng mga seniors. Pagkatapos ng ilang araw ay nakalap niya ang mga impormasyong ito.
Ilang araw din naming hinintay si Riguel pagkatapos ng kanyang klase ngunit naaabutan namin siyang kasama ang grupo. Kaya hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon.
“Huh, you’re here again, Lilienne?” isang senior ang humarang sa amin ni Suki.
Taga ibang section siya. Umirap lamang ako sa ginawang pagharang ni Ruben. Isa siya sa mga kaibigan ni Leon sa mga seniors. He’s a soccer player and is also known for being hot tempered. Talaga naman. The birds with the same feathers, Leon and Ruben.
“Lagi ka na lang dito, ah? Usap-usapan na sa mga Grade 12 na may binibisita ka raw?”
Humalukipkip ako. Tumawa lamang si Suki sa sinabi ni Ruben.
“Ano naman iyon sa’yo, Ruben? Makikisali ka ba sa samahang pumipigil?”
Ngumiwi lamang si Ruben kay Suki at bumaling ulit sa akin. “Sus si Lilienne. Balita ko maraming manliligaw sa’yo. Si Nicholas, ‘di ba? At sinu-sino pa? Iyong nasa Grade 11 na rookie? Bakit ka naghahabol ng lalaki?”
Nagulat ako roon. Ganoon na ba talaga ka kalat ang nangyayari? Kung sabagay ay halos araw-araw kong inaantay si Riguel. Simula yata nang nasuspende ako ay mas lalo lamang akong nahumaling sa kanya.
“Alam mo, Ruben, sawa na ako sa mga lalaking easy,” mapaglaro kong sinabi sabay ngisi.
Humagalpak sa tawa si Ruben pagkatapos ay umiling sa akin.
“At sa kay Alleje pa. Maraming iba riyan, Lili. Iyong papantay naman sa antas ng pamilya n’yo. Riguel isn’t going to pay your bills in the future.”
Ako naman ang tumawa ngayon sa sinabi ni Ruben. Ganoon ba kababaw ang tingin ng mga tao rito?
Totoong hindi sa marangyang pamilya nanggaling si Riguel. Kumpara sa mga naging dati kong boyfriend na halos lahat haciendero at galing sa may ibubugang pamilya, si Riguel naman ang pinaka maayos na lalaki sa lahat.
“Bahala ka nga riyan, Ruben…”
Hinila ko na si Suki palayo roon. Hinayaan naman nila kaming makadaan sa kanila. Saktong paglingon ko sa pintuan ng classroom nina Riguel ay nakatayo na siya roon.
Nakatingin siya sa amin. Galit ang mukha habang pinapanood kami. Sa likod niya ay si Isabelle na unti-unting napapawi ang ngiti.
“Oopps…” pasimpleng sabi ni Suki.
Ayaw ko kasing nakikita kaming nagmamasid. Kaya imbes na sumilip ako sa classroom nila ay lalagpasan ko na lang iyon.
Ngumiti ako kay Riguel at dire diretso ang lakad ko. Ang mga kamay ko ay nasa likod habang tuwid na naglalakad. Hindi ko nilingon si Isabella Thomas. I don’t care if her height intimidates me. Hell, I don’t care that she’s there.
“Lilienne, anong ginagawa n’yo rito?” tawag ni Riguel nang lumagpas kami ng isang hakbang.
“Huh?”
Ilang saglit ko pang inisip kung hihinto ba ako sa paglalakad o ano. Huminto ako para harapin siya. My eyes went directly at Isabella. She’s got some freckles on her cheeks but because of the make up, it lightened them.
Sinulyapan ni Riguel si Isabella. Tumango si Isabella sa kanya na para bang may lihim silang lengwahe at agad nitong naintindihan ang nais ni Riguel.
Bahagyang umatras si Isabella. Just enought to give us more privacy. Sumulyap si Riguel kay Suki. Titingin na sana ako sa kaibigan ko ngunit humakbang palapit si Riguel sa akin.
Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Humugot siya ng malalim na hininga bago binalik ang tingin sa aking mga mata.
“Stop roaming near the seniors. You’re uniform is too short. And you’re wearing make up.” Tinagilid niya ang kanyang ulo. “You’ll end up seducing them unintentionally…”
Ngumisi ako. “How did you know? Were you seduced, then?”
Umigting ang kanyang panga sa tanong ko. “Go back to your classroom. Your like a kid wearing make up…”
Para akong nauntog sa isang invisible na pader sa sinabi niya. Nilingon niya si Isabella at tinanguan. Pagkatapos ay sabay na silang lumabas ng classroom leaving me and Suki alone.
Ilang sandali pa bago ako nakabawi. Kung hindi ako kinalabit ni Suki ay siguro’y nanatili akong tulala.
Bumaling ako kina Riguel at Isabella na palabas na ngayon sa corridors.
“He’s mean…” ani Suki.
Hindi ako sumagot. Nanatili ang mga mata ko kina Riguel hanggang sa nawala silang dalawa.
“Tara na nga, Lili… If he thinks you look like a kid, why would he even bother to mention the word seduce? Duh?” ani Suki sabay hila sa akin palayo roon.
I admit it. His comment bothered me. Wala pa akong natatanggap na ganoong kumento galing sa kahit kanino man. Though it’s understandable, alright. He’s older than me… And based on Isabella, he likes mature women. Matatangkad at siguro’y matalino. Iyong tipong seryoso sa academics.
Buong hapon ang iginugol ko sa pag-iisip tungkol doon. Wala ang mga boys, nagcutting dahil maganda raw ang panahon. Hindi mainit kaya ayos tumambay sa likod ng gym. Hindi naman ako sumama dahilan kung bakit ‘di rin sumama si Suki. Wala ako sa mood magcutting.
“Psst…” tawag ni Suki habang pinaglalaruan ko ang aking ballpen.
This is how Riguel plays with his ballpen. Ginagaya ko lang sa sobrang bored ko.
“Kukunin ako ni Daddy mamaya after school. Sabay ka na sa amin!” yaya ni Suki.
“Hindi na. Mauna ka na…”
Ngumiwi siya. Tingin ko’y alam niya na ang gagawin ko. Umirap ako para ipakitang ayos nga lang.
“Hindi ako mag-aantay kay Riguel. May gagawin pa ako. ‘Tsaka baka ‘di pa umuwi si Yeshua. Baka nasa library iyon. Pupuntahan ko…”
“Hmm… Sigurado ka ba? Baka palusot mo lang ‘yan? Kita mo nga ang sinabi sa’yo kanina, ‘di ba? Ta’s ngayon baka hintayin mo parin?”
“Hindi nga. Hindi ako tanga, ‘no!”
Para akong mabibilaukan sa huling sinabi ko.
I have never really been this interested with anyone before. I mean, I had crushes but those were short-lived. Madalas akong nadidiscourage kapag nagugustuhan ako ng lalaking gusto ko. Nadidiscourage din ako kapag may nakitang kamalian. That’s the reason why the relationships I had were also short-lived. And I think it’s normal… it’s fun, actually.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko ngayon.
I had to trace it back to the days when I was suspended. I am crushing on Riguel, alright. And just like my other crushes before, hindi ako ganoon ka desperado. I was only waiting for him to do something wrong so my infatuation expires. But damn it didn’t came. Dalawang buwan na yata ang lumipas.
Maybe because he didn’t like me. Maybe if he likes me, I’d change my mind. Umiling ako.
Iyon ang isa pa. Ang kaibahan dito ay ang pag-alma ko sa pag-iisip na aayawan ko siya kapag magustuhan niya ako. That means he’d get hurt and I don’t want him hurt. Crazy right?
Natawa ako sa pag-iisip. Kinalabit ako ni Suki sa pagtataka. Umiling lamang ako habang nakangisi.
Oh, Lilienne. He’ll like you, really? Dream on!
“Naku, Lili! Sigurado ka ba riyan? Puntahan mo na ang kapatid mo sa library kung ganoon!” ani Suki.
“Oo na! Pupunta na ako. Sige na, umuwi ka na. Ingat!”
Kinawayan ko na lang si Suki para lubayan niya na ako. Tinahak ko ang patungong library, hindi para tingnan kung naroon si Yeshua kundi para tingnan kung naroon ba si Riguel.
I saw him with his group. Siniko siya ni Basty nang nakita ako. Kinawayan ko si Basty kaya nag-iwas siya ng tingin.
Bumaling si Riguel sa akin at pagkatapos ay inisnaban na lang ako. Nilingon niya si Isabella at ipinakita ang librong hawak.
Nagkibit ako ng balikat at wala sa sariling umupo sa isang lamesa na puno ng mga estudyante.
“Lilienne…” tawag ng isang pamilyar na boses.
Piper’s chinky eyes welcomed me. Napunta pala ako sa lamesa na puno ng girls galing sa first section.
“Uy!” sabi ko sabay ngiti.
Nilingon niya ang kanyang likod. Kung nasaan nakaupo sina Riguel sa malayo. Nang bumaling sa akin ay umiling siya.
“Nasaan si Yeshua?”
“Umuwi ng maaga…” sagot ni Piper sabay tingin ulit sa ginagawang papel.
“Oh? Sasabay sana ako sa kanyang umuwi ngayon kaso nakauwi na pala siya.”
“Asan si Suki? Sasabay ka ba talaga kay Yeshua o may iba kang kasabay?”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Ngumisi na lang ako. Ang mga tao talaga ngayon, alam na pala nila ang sagot, nagtatanong pa.
“Lilienne, usap-usapan na sa buong campus iyang ginagawa mo. Inaasar na nga si Yeshua dahil sa’yo. Tigilan mo na ‘yan at mukha namang may nililigawan nang iba si Riguel?”
Tinikom ko ang bibig ko. I didn’t see that coming. At galing pa sa kay Piper, ang pinakamamahal ng kapatid ko?
“Mukha lang naman, ‘di ba? Hindi pa ‘yan nililigawan. At bakit magpapaligaw pa kung gusto naman ni Isabella si Riguel? Ano? Laro?”
“Hindi lahat ng babae ay bibigay agad dahil lang sa gusto nila ang lalaki. Minsan ay mas mabuting magpakipot din, Lili,” ngumiti siya.
Nanliit naman ang mga mata ko. “Kaya ba ay ‘di mo pa sinasagot si Yeshua dahil nagpapakipot ka pa?”
“Bawal pa akong mag boyfriend. Kung sana lang ay tulad n’yo sina Mommy at Daddy ay baka…” Ngumiti siya.
I understand. We have different families. We have different beliefs. My mother and father gave us space because they believe that for us to grow better, we need to experience failures and successes on our own. Some parents are protective. Iyong tipong kung kayang agapan ang pagkakamali, aagapan.
And besides, I understand that they also don’t really look after me. There are more important things than my actions.
Ilang sandali akong umupo roon. Kumuha ng isang magazine at tiningnan lamang ang kanilang mga pictures. Pasulyap-sulyap ng konti.
“Tapos na kami. Gusto mo sabay na tayong umuwi, Lili?” yaya ni Piper sa akin.
“Hindi na, hindi na…” sabi ko habang nakatingin sa magazine.
Sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang pananatili ng tingin ni Piper sa akin bago siya umalis kasama ang mga kaibigan.
Mag-isa na ako sa lamesa. Umuwi na rin ang ibang estudyante alas singko y media na at madilim na sa labas dahil sa hindi magandang panahon.
Nang tumayo na ang grupo ni Riguel ay nagdesisyon na akong ibalik na ang mga magazine na kinuha.
Nang lumabas sila ay sumunod naman ako palabas. Tingin ko’y uuwi na sila. Hindi pa ba tapos ang group work at bakit hanggang ngayon kasa-kasama parin nila si Isabella? O talagang totoo ang nasabi ni Piper sa akin?
Palapit sa gate ay nagpaalam si Basty at ang dalawa pang kaibigan. Sumakay sila sa tricycle.
Lumabas akong gate at tumingala. Madilim at mukhang uulan pa yata.
Umalis na ang nagtitinda ng siomai at ilan pang pagkain. Siguro ay dahil sa nagbabadyang ulan.
Dumating ang isang tricycle. Pinara ko ngunit mas pinansin ang grupo nina Riguel pagkat tatlo sila at nag-iisa ako.
Hinayaan ko iyon. Siguro naman ay may mapapadaang tricycle maya-maya.
Bumaling si Riguel sa akin. His dark eyes made me think that he’s possibly annoyed with my presence. But how can he conclude that I’m stalking him? Paano kung nagkataon lang, ‘di ba?
Oh God, Lilienne. What happened to your logic?
“Saan kayo?” tanong ng driver dahil ayaw magsalita ni Riguel.
Umupo sa likod ng driver si Mateo. Sinigawan pa niya ang dalawa.
“Dali na, Isabella! Uulan na!”
Tumingala ako at nakita nga ang malalaking patak ng ulan. Shit. Nga naman, oo. Pati ang langit ay ayaw nitong ginagawa ko!
Umatras ako para makasilong sa waiting shed.
“Riguel, let’s go! It’s raining!” sigaw ni Isabella.
Napatingin ako sa kanila. Sumakay si Isabella sa tricycle. Si Riguel din ay dahan-dahang sumakay doon.
Kinuha ko ang cellphone ko para magtext kay Daddy na magpapasundo na lang ako. Wala na kasing tricycle roon.
Itong mga driver, nahimigan lang ang ulan ay ‘di na bumyahe! Dapat ay mas babyahe sila dahil maraming stranded, tulad ko!
Hindi nagtagal ay bumuhos ang ulan. Kinagat ko ang labi ko habang nagtatype ng mensahe para kay Daddy.
Ako:
Dad, stranded ako ngayon sa eskwelahan. Pasundo naman, oh. Wala kasing tricycle.
Tumingala ulit ako habang naririnig ang kulog. Dumidilim na dahil sa oras at sa maitim na mga ulap. May dumaang isang tricycle ngunit puno iyon. Over crowded pa nga. Nagtatawanan ang mga college students ng ACC dahil sa ginagawa nila.
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang isang babaeng basang basa na.
Iniisip kong maglakad ngunit tingin ko’y useless iyon. Malayo ang amin. Malaki pa ang posibilidad na mahuli ako ng kidlat!
Tumunog ang cellphone ko. Mabilis kong sinagot iyon.
“Hello, Yesh?”
“Where the hell are you, Lilienne!” sigaw ang inabot ko galing sa kapatid.
“I’m just here… Stranded… Sa may waiting shed. I’ve been waiting for you to call but-“
“You didn’t even text me! Damn it! Manong Luis!” sigaw ni Yeshua. “Kung hindi nalingunan ni Daddy ang kanyang cellphone ay ‘di namin malalaman na stranded ka!”
“Oh, Yeshua. This is not the time for your sermon. Just come here and get me.”
“And why are you stranded, by the way? Did you wait for Riguel again? Ito ang inani mo sa pagsisikap mo, Lilienne.”
“Just come here and pick me up, brother!”
Tumawa ako at pinatay na ang cellphone. By that time, everything’s dark. Poste lamang galing sa gate ng paaralan ang ilaw ko. Malamig na rin kaya niyakap ko na lang ang sarili ko.
Siguro ay nakauwi na si Riguel ngayon. Taga saan kaya si Isabella? Taga La Santa rin kaya iyon?
Umilaw ang aming sasakyan. Para akong nabunutan ng tinik nang nakita iyon. Hindi pa nakakapagpark ng maayos ay lumabas na si Yeshua. May payong siyang dala.
“Ano na naman ba ang ginawa mo?” sigaw niya sa akin.
Kumapit agad ako sa kanyang braso.
“Let’s just go! Nevermind that!”
Hinila ko siya patungo sa aming sasakyan. Pinagbuksan niya ako pero iilang mura ang pinakawalan niya.
“Paano kung ‘di ako dumating? Lilienne, this is all for your stupid attraction towards Riguel!? And did he see you waiting for him, huh?”
Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kaonting tubig ulan sa aking braso. Ganoon din ang ginawa ko para sa kapatid ko. Kaya lang ay galit na galit siya.
“He saw you, right? And he didn’t even bother? He didn’t even think about you while you were waiting! Na uulan at masstranded ka dahil walang tricycle na lulusob sa ulan para lang sa baryang pamasahe?!”
Bumaling ako sa likod ni Manong Luis. Nagdadrive na siya pauwi sa amin. Parang ayaw kong marinig si Yeshua.
“He saw you but he didn’t ask you to go with him. Simply because he doesn’t care! Why is it so hard for you to take the hint! It’s right in your face, Lili! Don’t be stupid!”
Fuck.