Kabanata 4
Galit
I realized that I’ve been thinking too much about some nonsense. Kailangan kong magseryoso sa trabaho.
Sa mga sumunod na araw ay pinuno ko ang schedule ko sa mga meetings at check ups para sa hotel.
I spent three days working on some new employees. May aalis din, mangingibang bansa kaya naghiring kami.
Sa sumunod pang mga araw ay may mga meetings ako kasama ang Department of Tourism representatives, ilang hoteliers sa karating bayan, at ilan pang investors ng lalawigan.
“Our company will set a party for the suppliers. All our events were successful and that’s thanks to the efficient management of the Department of Tourism! We will definitely build more properties here!”
Pumalakpak kaming lahat sa sinabi ng isang europian billionaire sa harap ng meeting. They own a five star hotel sa ibang lalawigan.
“All the successful events were possible with the help of The Coast’s efforts, too…” sabi noong head ng Department of Tourism.
Tumikhim ako. I’m the youngest among them. Syempre noong ibinigay sa akin ang spotlight ay nasa akin lahat ang atensyon. Tila ba hinihintay nila kung anong klaseng lider ako.
“It is our pleasure to help the province, of course. I’m thinking of new things for the next year’s fiesta. We would like to be part of the sponsors for the pageant you’re doing. That’s our own way to help the province. Our hotel could gain more publicity that way, too…”
“Magaling!” sabi noong taga Department of Tourism. “It’s done deal, then!”
Ngumiti ako at tumango sa kanya.
“Your father never suggested it…” sabi noong may-ari ng isang maliit na hotel sa may bayan doon.
“Costa Leona’s products could also be promoted that way, I guess. Hmm… That’s a good idea! The products of Costa can be used as a theme for the whole of Nabas’ next year!” sabi noong head.
“My father probably didn’t think about that since the pageant is almost always held on the plaza…”
Nagtanguan sila at naisipang maganda rin ang ideya ko. Hindi ba iyon naman talaga ang ginagawa ng mga pageants ngayon? Madalas ay sa hotel sila hinahouse? Well, this time, we’ll sponsor. I think that’s feasible.
Hinilot ko ang sentido ko pagkatapos isipin iyon ng mabuti sa aking opisina. Mag dadalawang linggo na ako rito at puro meeting ang nagagawa ko. Ilang beses akong nag aapruba ng kung anu-ano sa isang araw at madalas tig sasampung pahina pa ang babasahin ko bago ma aprubahan.
I couldn’t get past this one page because I’m thinking about what I said in that meeting.
Kung dito ihahouse ang mga pageant girls, ilan sila? Say there are ten of them. I can put three each per room since we have rooms with one king size bed and one single bed. That’s fine. So… dalawang rooms?
I can provide them with venue for the swimsuit competition and the coronation night however I need to prepare at least ten rooms for the guests, girls, and othe important people. Sa isang araw na sana ay fully booked kami! Is it worth it?
But this will surely boost the sales of the hotel since it is not very known yet. It is only known as an expensive hotel… most of our customers are the middle class and the rich. And we should maintain it that way because my father wants it to be a five star hotel.
Halos mapatalon ako nang biglang tumunog ang telepono rito sa aking opisina.
“Jesus!” umiling ako sabay kuha sa receiver. “Hello?”
“Miss President, tumawag muna ako bago pumasok dahil baka ayaw mo sa dala kong meryenda…” si Sibal.
“Ano bang dala mo?” pagalit kong sinabi.
It’s almost 2PM. Minsan ay dire diretsong pumapasok si Sibal dito sa opisina ko. Ilang beses ko na siyang halos mapatay sa gulat. Hindi parin nadadala. Ngayon lang naisipang tumawag.
“Carbonara, Miss President.”
“What? That’s heavy, Sibal. Gusto ko ng fresh fruits…”
“Okay, Miss President. Papalitan ko na…”
Binaba ko agad ang tawag. Ayaw ko nang mag-isip ng kung ano. I need to concentrate and decide. Should I call Tita Marem for guidance? No… I should do this, alright! If I call Papa, he’d get worried. It’s still next year so I shouldn’t worry much about it. Ngunit may nagpapabooking na sa amin as early as now for the next year! I should decide before we get fully booked!
Isang katok at pumasok agad si Sibal dala ang isang tray ng gusto ko. Sa malayo pa lang ay naispatan ko na agad kung gaano ka palpak ang ginawa niya. Nasapo ko na lang ang noo ko. Don’t tell me I said something wrong again.
“I said fresh fruits, Sibal! Ngunit iyong nabalatan na! And how many times do I have to tell you that you should knock and ask for permission before coming in?”
Nilapag niya parin sa aking lamesa iyong tray kahit na nagsisimula na naman akong magalit! How dare him! Hindi porke’t… naku!
“Nagsalita ako, Miss President. Hindi mo ata narinig dahil sound proof ang dingding rito kaya pumasok na ako…”
Pilosopo pa talaga, huh? Humalukipkip ako at nakita ang kutsilyong hawak niya.
“Babalatan ko ang mga prutas sa harap mo para mas fresh, Miss President.”
Fuck, really? Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ito upang magpa cute o talagang ganito siya.
“Seriously?” Umiling ako at bumaling sa mga papel. “Bahala ka riyan.”
Nagtiim bagang ako habang binabasa ulit ang dokumentong kanina ko pa inulit-ulit. Gwapo ka sana pero… ugh!
“Sinabi kong gusto mo ng fresh fruits kay Mrs. Agdipa. Ito ang binigay niya. Sinabi ko namang baka gusto mo ng nabalatan na pero pinilit niya ito. Balikan ko na lang daw siya kung ayaw mo para makasigurado kaya nagdala na lang ako ng kutsilyo.”
“And why would Mrs. Agdipa give you that? Obviously, Sibal, hindi iyan ang ibig kong sabihin,” sabi ko.
“Masyado silang takot sa’yo, Miss President. Ayaw magkamali. Masyadong literal ang pag intindi nila dahil doon. Ikaw kasi… bakit masyado kang mukhang masungit?”
Binaba ko ang papel at nilingon ko siya. Why do I have this talkative bellboy again? He grinned. I can’t help but look away. Hindi ko kayang tingnan ng diretso ang mukha niya ng hindi naiisip ang iilang mga adjectives.
Sumulyap ako sa manggang hinati niya ng tatlong beses, watermelon na hinati niyang patrayanggulo.
“Siguro naman marunong kang magbalat ng saging, Miss President… Ikaw na niyan…” ani Sibal.
Kumunot ang noo ko at tiningnan siya. Inaaraw-araw niya na yata itong lahat ng ito, ah?
“What do you mean by that, Sibal?”
Humilig ako sa aking swivel chair. Gusto ko na talagang iwasan itong issue ko sa kanya dahil pupwede naman akong mamuhay ng binabalewala ang mga remarks niya pero ngayon hindi ko mapalagpas.
“Alin? Na marunong kang magbalat ng saging?” nakataas ang dalawang kilay niya, tila inosente.
May ibang meaning ba siya o sadyang green lang itong utak ko?
“Bakit mo sinasabi iyan?”
“Hindi ka ba marunong magbalat ng saging, Miss President?” now he’s amused!
“No… I mean…” I sighed. “May ibang meaning sa tanong mo.”
Nagtaas siya ng isang kilay at para bang hinihintay ang magiging sagot ko. Magsasalita pa sana ako ngunit tumunog ang cellphone niya.
Umigting ang bagang ko nang nakitang kinuha niya iyon galing sa bulsa niya. Sumulyap pa siya sa akin.
“Tanggapin ko lang ‘to…” he confidently said and turned my back on me.
What the hell? Just what the hell, right?
“Katarina…” aniya. “Malapit na. Mamaya na…”
Tumayo ako at humalukipkip. The heat is building up in my throat. Like a dragon I am ready to breathe fire at him.
Wala akong pakealam kung si Katarina’ng kaibigan niya ang kausap niya o kung importante man iyon. Binaba ni Sibal ang kanyang phone at bumaling sa akin. He wasn’t even shocked that I’m now standing with a face I only make everytime I’m anger is overwhelming.
“Why are you using your phone? It’s office hours!” mahinahon ngunit may diin kong sinabi.
Hindi na ako sumisigaw kapag sobrang galit ko na.
“Past 2 na, Miss President. Nag extend lang ako para mabalatan ang mga prutas mo…” sabi niya. “Pero tama ka, pasensya na. Akala ko ayos lang dahil tapos na ang oras ng trabaho.”
Napatingin ako sa relo. It’s 2:15pm. He’ll now leave! Madalas ay ‘di ko namamalayan. Nagugulat na lang ako na kapag tumatawag ako sa reception at nagpapalinis ng office ay ibang housekeeper ang pumupunta, hindi si Sibal. Ngayon ko lang siya naabutan kalagitnaan ng shift.
“Fine! You go ahead and leave so you can finally… do whatever you want… Rendezvous with whoever that is…”
Dahan-dahan akong umupo muli sa swivel chair. I need to calm down. It’s just him. Pinulot ko ulit ang papel at binasa kahit na wala naman akong maintindihan. Naka tatlong sentence ako at naroon parin siya.
“What? Hindi ka pa maga-out?” tanong ko.
“Wala ka na bang kailangan, Miss President?” tanong niya. “Pwede akong mag overtime ngayon kung gusto mo…”
Napakurap kurap ako lalo na nang nakita kong seryoso ang ekspresyon niya. How the hell can he be so witty and serious at the same time?
“No. You can go…” hirap na hirap pa akong sabihin iyon at ilipat muli ang mata sa papel.
“Kung iyon ang gusto mo, Miss President…” ani Sibal sabay labas sa aking opisina.
Sinundan ko siya ng tingin at nang nasa pintuan na ay bumaling muli ako sa papel. Nang tuluyan na iyong naisarado ay bumuntong hininga ako.
I tried to read again but I only wasted fifteen minutes. Hindi man lang pumasok sa utak ko ang kahit isang salita.
“Bren… I want to share something…” sabi ko sa kaibigan ko nang tumawag ako kinagabihan.
I will lose my mind here. My friends are far and I don’t have anyone here except for Sibal. And I think he’s causing me a lot of problems.
“What is it?” tanong niya habang kumakain ng crackers.
Wala lang sa kanya samantalang problematic ako rito. Bakit pa kasi ganito?
“It’s a guy from here…” sabi ko.
Agad siyang naging attentive. Hinarap niya ako sa Facetime. “A guy?”
“Yes…”
“What? An investor? Manager? Tourist?”
Paano ko ba ito sasabihin sa kanya. She’s not used to me liking someone like Sibal. I mean, my world revolved around people like them so I never really got a chance to see the other worlds beyond ours. Ngayon lamang ako nabigyan ng pagkakataon.
“He’s a local here…” I simply said.
Kinwento ko ang ilang detalye sa kanya. I revealed her Sibal’s jokes and remarks. Pili lamang dahil hindi ako sigurado kung kaya kong sabihin ang lahat.
“Hindi ba overthinking lamang iyan?” tanong ni Brenna sa akin. “Huwag mo masyadong isipin. Hindi ka naman ganito, a?”
Nagulat ako sa sinabi ng kaibigan ko sa akin. She’s right! I’m not like this! Hindi naman ako nagsusumbong sa kanya noon dahil hindi naman ako naguluhan sa isang lalaki.
“Wala ka rin kasing kaibigan diyan, hindi ba? Wala sina Tita Marem at ang kanyang pamilya. So you’re by yourself. The people you’re with are serving you because you’re the boss…”
Huminga ako ng malalim. Tama si Brenna sa sinabi niyang iyan. These people are only good to me because I’m the boss. Hindi exception si Sibal doon.
Sa huli ay nahiya ako dahil ginawa kong big deal pa iyon. It shouldn’t be a big deal, right? He’s just doing his duties!
I spent the rest of the summer days resolving issues, attending social functions with other hotels, and thinking about the future of the hotel.
Ni hindi ko na namamalayan ang oras at magpapasukan na pala.
“Hello, paki sabi kay Sibal na aalis ako ngayon. I need to buy stuff for school and I also need to get my uniform from the tailor…” sabi ko habang tinitingnan ang isang dokumento.
“Miss President, si Sibal po?”
“Oo, bakit?”
Binaling ko ang buong atensyon ko sa telepono. Anong problema sa request ko?
“Out na po siya, Miss President. Hanggang alas dos lang po iyon. Alas kwatro na po ngayon…” sabi ng nasa kabilang linya.
I know. Damn it.
“E ‘di si Kuya Lando na lang, please…”
Binaba ko agad ang telepono dahil bahagyang napahiya. I’ve been avoiding thoughts of it for the past days. I don’t even like to look at Sibal’s eyes for that same reason. I want to maintain the gap between us.
Namimili ako ng mga gamit sa sentro ng bayan. Konti lang ang mga tindahan kaya hindi na ako nakapili ng maayos. Sana pala namili ako sa Maynila.
Sinukat ko rin ang aking uniporme na kulay royal blue ang pencil cut skirt. Ang korni. Kung pwede lang ay mag request na hindi na lang ako mag uniporme tutal ay kilala naman ni Tita Marem ang President pero ayaw ko namang abusuhin ang kabaitan nila. So I need to follow rules.
Ano kaya ang schedule ni Sibal araw-araw? I start at 12 noon and end at five or four depending on the days. Siya kaya? Siguradong alas dos ang alis niya, hindi ba? Dahil iyon ang out niya sa hotel?
“Magandang umaga, Miss President!” bati ni Sibal pagkapasok sa room ko.
Kakadilat ko lang galing sa mahabang tulog at agad kong tinabunan ang mukha ko ng kumot. Why the hell did he go in while I’m sleeping?
“Bakit ka andito?” pagalit kong tanong kahit nasa ilalim pa ng comforter.
Napamura ako nang napagtantong mukhang napasarap ang tulog ko dahil napuyat ako kagabi! His schedule to clean the room is 8am! Sa oras na iyan ay dapat gising na ako at nakapagbihis na!
“Maglilinis ako ng kwarto mo…” sagot niya.
Quickly, I scanned my face for possible blemishes or what. Kinusot kong mabuti ang mga mata ko at sinuklay ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. When I feel satisfied with my face, tumuwid agad ako sa pagkakaupo at hinawi ang comforter sa aking mukha.
Sumulyap si Sibal sa akin habang nagwawalis. A smile played on his lips. Mas lalo lamang akong nairita.
“I’ll take a bath now while you clean here. Mamaya mo na linisan ang banyo…”
“Syempre, Miss President. Mahirap namang maglinis ako ng banyo habang naliligo ka…” aniya sa isang seryosong tono.
Bahagya na naman akong natigilan. Bakit ba talaga ang ingay ingay niya? Sinipat ko siya ng ilang sandali para man lang maintimidate siya ngunit tinitigan niya ako pabalik. Sa huli, ako iyong nag-iwas ng tingin. What the hell?
“Kumain ka na ba, Miss President?”
“Hindi pa… You get my breakfast, too. I want to eat here…”
“Okay…” aniya sabay lapit sa aking telepono.
Tumayo na ako at binuksan ang cabinet para kunin ang magiging damit ko sa araw na iyon. When I saw my uniform for the coming first day of school, I remembered something.
“Pakiakyat na lang daw ang pagkain ni President Snow…” ani Sibal. “Thank you…”
Pagkababa niya sa telepono ay tumingin siya sa akin. Nanatili akong nakatayo sa gilid ng cabinet. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
I have a bunny slippers and a pink floral terno pajama with laces on the hem. He smirk. Kumunot lamang ang noo ko. I want to ask what he’s smirking about but then I was told not to over think, alright!
“By the way, anong oras ang unang klase mo sa North Western?” tanong ko.
“Alas tres, Miss President,” sagot niya.
“Alas tres? At hanggang anong oras ka sa paaralan, kung ganoon?”
“Alas nuebe…”
“Wala bang schedule niyang subjects mo sa alas sais hanggang alas nuebe ng mas maaga, Sibal? Ilipat mo iyan sa alas dose…”
“May trabaho ako hanggang alas dos…” he pointed out.
“May trabaho ka hanggang alas dos sa akin. At dahil nasa paaralan na ako ng alas dose, ibig sabihin doon din ang trabaho mo. So put those subjects earlier and we’ll go to school together.”
It’s not for him, actually. I just want to make my life easier. Siya ang magdadrive sa sasakyan sa oras na iyon kaya’t mas mabuting ganoon na lang din ang schedule niya.
“Okay, Miss President. Basta ba hindi ako undertime? Baka pagalitan ako ni Mrs. Agdipa.”
“Hindi, hindi. Ako na ang bahala riyan… Basta gawin mo na ang trabaho mo.”
Nag-iwas agad ako ng tingin at dumiretso na lamang sa banyo.
Even when the doors are locked, I still find it hard to remove my clothes so I can take my shower. Ilang sandali ko pa talagang tiningnan kung maayos ba ang lock nitong pintuan at alam ko pa namang may pagkaloko loko si Sibal.
I stepped in the shower afterwards. Narinig kong bumukas ang pintuan sa labas, siguro’y naroon na ang pagkain ko.
Nang pinatay ko ang shower ay naririnig ko ang tawanan sa labas. Dinikit ko ang tainga ko sa pintuan para marinig pang mabuti habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang tuwalya.
“Tawang tawa nga si Rolly sa ginawa ni Omar, e,” boses ng babae ang narinig ko.
“Mabuti at hindi nakita ni Mrs. Agdipa iyon, Tin…” ani Sibal sabay tawa.
Si Kristina? Iyong kaclose ni Sibal na housekeeper? Siya ba ang naghatid ng pagkain ko? Bakit? Hindi niya iyon trabaho, ah? Pwedeng si Omar ang maghatid pero bakit siya?
Mabilis kong itinapis ang aking tuwalya sa aking sarili at walang pag aalinlangang lumabas na roon.
Naabutan kong nakaupo si Kristina sa aking kama habang si Sibal ay inaayos iyon. Nang nakita ako ni Kristina ay tumayo agad siya at ngumiti sa akin.
Tumigil si Sibal sa paglilinis.
“Magandang umaga, Miss President. Narito na ang breakfast mo…” ani Kristina. Malaki ang kanyang ngisi sa akin.
“Bakit ikaw ang naghatid?” tanong ko sabay lakad patungo sa cabinet.
Sinundan nila ako ng tingin pero hindi ako natinag doon. Napawi ang ngiti ni Kristina at ang maarte niyang mukha ay nanghina ngayon. Parang galit na asong biglang nabasa ng ulan.
“May inasikaso kasi si Omar sa kitchen kaya hindi siya ang naghatid…” sabi niya.
Tumango ako at tinuro ang pintuan. Kita ko ang paghina ng kanyang ekspresyon. Parang naliwanagan siya sa gusto kong mangyari ngayon. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.
“Salamat. Si Sibal na ang magbababa nito pagkatapos kong kumain.”
Mabilis na tumango si Kristina at bahagyang yumuko pagkatapos ay umalis.
Sumulyap ako kay Sibal na ngayon ay tulala sa akin. Binalewala ko ang reaksyon niya. Pinindot ko na lang ang remote ng TV para may mag-ingay sa katahimikang bumalot sa aking kwarto.
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ni Sibal sa aking likod.
He seriously asked me that? Really? Pinatay kong muli ang TV at nilingon si Sibal.
“Imbes na magtrabaho kayong dalawa ay nagkukwentuhan pa kayo rito sa kwarto ko, Sibal…”
“Sinabi lang naman ni Tin sa akin ang rason kung bakit hindi si Omar o Rolly ang naghatid ng pagkain mo dahil tinanong ko siya kaya kinwento niya, Miss President…” nahihimigan ko ang galit sa kanyang boses.
Kaba at galit ang sabay kong naramdaman sa aking puso.
“Sana sa labas na lang kayo nagkwentuhan kung ganoon, Sibal. Kung iyon pala ang gusto mo-“
“Dinala ni Kristina ang breakfast mo kahit na hindi niya iyon trabaho at ang sinukli mo sa kanya ay ang pagtataboy dahil lang sa maiksing kwentuhan naming dalawa. Nagtrabaho ako, nagtrabaho siya. Walang hindi nagawang trabaho dahil sa kwentuhang iyon. Masyado kang matigas. Hindi maganda gayong bata ka pa!”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sibal. I want to make my being his boss as my next card but I couldn’t speak.
Hinagod niya ako ng tingin. His eyes are burning with anger and some unknown emotions.
“At lumabas ka ng banyo ng nakatuwalya lang? Kung kami ni Omar ang nagkukwentuhan ay lalabas kang ganyan para lang sawayin kami, kung ganoon?” paratang niya.
“What…”
“Magbihis ka muna,” mahinahon niyang sinabi. “Bababa ako at hahanapin ko si Kristina para humingi ng paumanhin.”