Kabanata 3
Witty
Pagkatapos kong kumain ay sinunod ko na ang gusto kong mangyari para sa araw na iyon. Sumunod si Sibal sa akin habang naglalakad lakad ako sa tabing-dagat.
May iilang mga foreigner na nagbibilad sa init. May iilan namang naliligo sa malinaw na dagat ng Costa Leona.
May iilang rock formation ‘di kalayuan sa tabing dagat na pinupuntahan madalas ng mga naliligo lalo na kapag lowtide. Sa malayo naman ay iilang isla ang kita mo.
May mga resort-owned boats na pupunta sa mga isla kapag nirequest ng mga guests. May aalis pa nga para siguro sa island hopping. I’ve tried it before but I was too young that time to remember every bit of it.
“Nakapag island hopping ka na, President?” tanong ni Sibal sa aking likod.
Sumulyap ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Oo. Noon,” simpleng sagot ko.
Mahirap maglakad sa buhangin. Nakakangawit sa binti pero pinagpatuloy ko parin hanggang sa mapadpad kami sa dulo ng shoreline ng resort kung saan magsisimula ang rock formations.
Nakatsinelas lamang ako ngunit hirap pa rin ako sa pagsisimula ng lubak-lubak na daanan. Mas nauna tuloy si Sibal sa akin dahil mas mabilis siyang naglakad.
There were parts when I needed to climb rocks just so I could get past them and advance to the next steps.
Tumagilid ang ulo ni Sibal habang pinagmamasdan ako. I hate how the amusement is etched on his expression. Naglahad siya ng kamay sa akin. Ilang saglit ko lamang iyong tinitigan.
“No, thanks. I can do this…” I said but just after I uttered it, muntik na akong nadulas!
“Akala ko ba kaya mo na iyan, Miss President?”
I glared at him. I can’t believe he’s talking to me that way! I have never ever met someone who talk like that. Kahit ang mga kaibigan ko’y nagbibiro ngunit hindi ganito. Immediately, he got hold of my waist and my hand.
“Ingat ka, President…” bulong niya.
Humawak ako sa braso niya at agad na tumuwid sa pagkakatayo. I can’t help but notice how tight his biceps were. Yeah, I know… must be from hardwork.
Pinalagpas ko ang biro niya kanina. I know he’s naturally witty. Based on my first impression so I think I can deal with that. Huwag niya lang lagiin at baka masisante ko siya ng wala sa oras.
“Thanks…” sabi ko at iniwan siya roon para magpatuloy.
Binitiwan niya ako nang bahagya akong nakalayo ngunit mas lalong lumupit ang mga bato. Matutulis ang mga iyon at alam kong isang tama lang ay masusugatan ako.
“Sibal…” I called him and held my hand.
“Miss President.. Sinasabi ko na nga bang kailangan mo ang tulong ko,” maagap niyang hinawakan ang kamay ko.
Matalim ko siyang tinapunan ng tingin ngunit binalewala ko rin. Matinding ginhawa ang naramdaman ko nang nagpatuloy akong hawak niya. Hindi ako madudulas o masusugatan.
“Hay!” sambit ko nang natapos sa rock formations.
Pinagpawisan ako roon! Binitiwan ko agad si Sibal at bahagyang nagpahinga. Doon ko lamang nakita kung anong mayroon doon.
Kabahayan malapit sa dalampasigan. Mga bangka at mga tao ang bumungad sa akin. At sa malayong mga bulubundukin ay kita ang iilang windmills na siyang pinagkukuhanan ng kuryente ng buong probinsya at lalawigan.
“Sibal!” may narinig akong sigaw.
Lilingunin ko sana ang katabi ko ngunit nilagpasan niya na ako. Sibal immediately went up to the nearing boat.
Sa loob ng bangka ay may nakasakay na babaeng may napakahabang buhok, isang lalaking kamukha ni Sibal, at dalawang matandang lalaki na may dalang lambat.
Agad naglahad ng kamay si Sibal sa babaeng malapad ang ngiti sa kanya. A flower’s on her ear. She’s bronze like Sibal’s color.
“Ano? Nagbubulakbol ka sa trabaho? Ba’t ka andito?”
Tinulungan siya ni Sibal pababa. Nang nakababa ang babae ay niyakap niya agad si Sibal. Suminghap ako at naglakad palapit sa kanila.
Napatingin ang lalaking kamukha ni Sibal sa akin. He’s a lot younger. His nose is kind of red maybe because of the heat and his hair slightly messy.
“Sibal! Nandito ka?” isang ganoon ding katangian ang nagsalita galing sa bangka.
The man looks like on his forty’s but I realized he looks younger because of his physique. Matipuno parin. Bronse ang kulay ngunit kita roon ang pamumula at may kakaiba pang kulay sa kanyang mga mata tulad ng mayroon kay Sibal madalas kung naaarawan.
“Pa, kasama ko po ang bagong mamamahala ng Coast,” ani Sibal.
“Huh? Sino?” tanong noong babae.
Bumaling agad ang Ama ni Sibal sa akin. That explains it. He’s their father. And the other boy’s probably his brother.
“Jack…” naglahad ng kamay ang kanyang kapatid sa akin sabay ngiti.
Ngumiti ako pabalik. He seriously looks like he’s up to something. “Snow…”
Nagkamayan kami.
“Tss…” ani Sibal sabay hawi sa kamay ng kapatid niya.
Tumawa si Jack at umiling.
“Huwag kang paranoid, Kuya. Pasensya ka na, Snow…” ani Jack. “Ilang taon ka na ba at mukhang ang bata mo pa?”
“I’m seventeen…” sabi ko.
“Magkaedad pala tayo kung ganoon…”
“Jack…” tawag ng kanilang ama.
The man went to us. His black longsleeve rashguard is very fitted that I can see the muscles behind it.
“Kumusta, Miss Galvez? Napasyal kayo rito?” tanong ng Ama ni Sibal sa akin. “Ako ang ama ni Sibal at ni Jax,” sabi niya.
“Mabuti naman po. Gusto ko lang makita kung anong mayroon pagkatapos ng rock formations. Nakikita kong payapa kayong namumuhay dito…”
Ngumiti ang Papa ni Sibal sa akin. Now I know where he got his perfect whites.
“Malapit lang dito ang bahay namin…” sabay turo niya sa isang konkretong bahay ‘di kalayuan.
Ang pangalawang palapag ang gawa na sa kahoy, walang pintura, at simple.
Tumango ako. Not knowing what to say to him I turned to their boat that says “Salmo III”
“Nangisda po kayo?” tanong ko.
“Oo. May walong bangka kami rito na siyang pinagkakakitaan namin…” sabi ng Papa ni Sibal sabay turo sa mga bangka nilang pare parehong may nakalagay na “Salmo”.
“Ang dami n’yo po palang bangka…” I awkwardly said.
“President, ito nga pala si Katarina…” sabi ni Sibal sabay tingin sa babaeng nasa tabi niya.
Who is the girl? His girlfriend? His sister? His… wife?
“Kumusta?” bati ko.
Ngumiti lamang siya sa akin.
Nilingon ko ang rock formation. I admit it. I am not yet used to meeting people casually like this. I am kind of uneasy.
“Baka hinahanap na ako…” sabi ko.
“Gusto mo bang magmeryenda muna sa amin?” tanong ng Papa ni Sibal.
Tumawa ako at umiling. “Huwag na po. Kakakain ko lang ng almusal…”
Sumulyap ako kay Sibal na ngayon ay nakatingin sa akin habang pinupunasan noong si Katarina ang pawis sa noo niya. Inilipat ko agad ang tingin ko kay Jack na ngayon ay nag-aayos ng lubid.
Magsasalita na sana ako ngunit biglaang tumunog ang cellphone ko. Ngumiti ako sa kanila.
Thank God for Tita Marem’s call!
“Excuse me lang po. Tawag galing kay Tita…” sabi ko at bumalik sa dinaanan kanina para mapalayo.
“Hello, Snow…” bungad ni Tita Marem.
“Tita…”
“Where are you? I called the office, you weren’t there…”
“Narito po kasi ako ngayon sa dulo ng resort. I explored the whole Costa Leona, medyo mahaba po palang white sand ito…”
“A-Okay… Hmmm. I called because the director said that it’s the last day of the entrance examinations. I suggest you go to the North Western Colleges today and take the exam para makahabol ka…”
“Oh? Sige po. I have a sched to go through the whole resort today but-“
“Do it the next day, hija. Mas importanteng mag-aral! At isa pa, did your father tell you about the meetings you will have with some companies?”
“It’s on my schedule, Tita. Kaya nga mas mabuting matapos ko po ang lahat ng gawain tungkol sa eskwelahan ngayon.”
“Okay, that’s good then.”
“Sige po. Salamat Tita!”
Binaba ko agad ang cellphone at binalingan silang naroon. Nag-uusap usap sila tungkol sa kung ano at tumigil nang nakitang palapit ako.
“Tita Marem called. She wants me to take the exam at North Western so I have to leave…” diretso kong sinabi.
Tumango ang Papa ni Sibal at nilingon si Jack. “Magfi-first year ka pala? Ito ring isang anak ko…”
Ngumiti si Jack sa akin. “Anong kurso mo? Baka magkaklase tayo…”
“I’m Business Management. Ikaw?”
“Engineering. Pero baka sa minors magkaklase tayo…”
Ngumiti ako pabalik. “Sana nga. Wala akong kilala sa bayang ito. Hindi ko pinlanong mag-aral pero dahil may oportunidad ay kukunin ko…”
Tumawa ng bahagya ang kanilang ama. “Mabuti nga iyon…”
“I need to go… Para po makahabol pa ako sa exam. Nice meeting you!”
Nilipat ko ang mata ko kay Katarina at ngumiti siya sa akin.
Tinalikuran ko silang lahat.
“Ingat kayo…” sabi ng Papa ni Sibal.
“Kuya, kunin mo schedule ko. Tinatamad ako pumuntang school!” Jack shouted.
Hindi sumagot si Sibal. Makes me wonder if he really did go with me. Sumulyap ako sa likod at nagulat akong sobrang lapit ko siya.
Hinawakan niya agad ang kamay ko nang nakalapit kami sa rock formations. Aangal na sana ako ngunit nakatulong naman siya kahit paano kaya hinayaan ko siya.
Tawag nang tawag si Tita Marem nang pabalik na kami sa resort. She wants me to go to school immediately.
Kailangan ko pa syempreng magbihis ng mas pormal na damit at inayos ko pa ang mga dokumento ko. Tumawag pa ako sa front desk kung may available bang driver para maihatid ako sa kung saan man ang paaralang iyon.
“President, may available po mamaya. Galing pa po iyong airport at nasa mga tatlumpong minuto pa bago makarating dito. Makakapaghintay ka po ba?”
Really now? Sa labing limang Hiace ay walang available? Well… just what they said yesterday… it’s fiesta!
“Can you connect me to Sibal, please?” pormal kong sinabi.
“Okay po. Sibal… Tawag ka ni President…” narinig ko pa sa background.
“Hello, Miss President…”
Napataas ako ng kilay nang narinig ang boses niya sa telepono. It’s weird because his voice is low and dark. Parang dj sa radio na malamig ang boses. Iyong tipong hehele sa’yo sa pagtulog. Bakit ko ba ito napupuna?
“Uh, you can drive, right?”
“Yes.”
“Kunin mo iyong susi ng Expedition namin sa guards at ihanda mo iyon. Pababa na ako. You’ll drive me to school.”
“No problem, Miss President. Iyon lang ba?” he sounds so cocky.
Tumikhim ako. “Yes, that’s all.”
Pagkatapos ng tawag ay huminga ako ng malalim at bahagyang natulala. Damn it, Snow. You should move now!
Taas noo akong lumabas ng elevator. Natapon iyong isang timba ng maduming tubig ng janitor dahil sa kakatingin sa akin. Nilipat ko na lang ang tingin ko sa labasan ng hotel at naroon na ang Expedition. Nakahilig si Sibal sa nguso nito at nagtaas ng kilay nang nakita ako.
He then went to the driver’s seat to open the door.
“Thanks…” I said.
I want to sit on the front seat but I stopped myself. Ayos na iyong dito ako sa likod. Napansin ko ang paghagod ng kanyang tingin mula ulo hanggang paa ko.
Napatingin din ako sa sarili ko. I’m sporting a white skirt, a floral sleeveless turtleneck top and a metalic stilletos. I find it chic so…
“What?”
Umiling siya. “Wala po, Miss President…”
He closed the door between us. Binaba ko ang aking sun glass at tumuwid na sa pagkakaupo. Nasa purse ko ang mga papeles.
Inayos ni Sibal ang rearview mirror at nagtama ang mga mata namin. He’s still wearing the uniform. It’s weird. No… not the uniform… I find it weird that I think he shouldn’t wear that.
Hindi naman masyadong matagal ang byahe patungo sa school. Limang minuto mahigit lang siguro. At sa byahe pa ay nadaanan namin ang mga bulubunduking kita ang mga windmills. I can’t take my eyes off them.
“Saan nga pala kukuha ng exam? Iyong kapatid mo ba, tapos na? Iyong girlfriend mo?” tanong ko nang naglalakad na kami sa North Western Colleges.
You can’t expect it to be like the leading schools in Manila of course. May dalawa o tatlong building akong nakikita. Isang malawak at undeveloped field na ang tanawin ay iyong mga windmills sa bulubundukin.
The walls of the buildings were painted royal blue. Ang isang building tingin ko ay iyong gymnasium nila. May mga float pa roong may mga imahe ng isda – pangunahing yaman ng buong probinsya at kung anu-ano pa.
“Sa testing center, Miss President.”
“Sibal!” sigaw noong grupo ng madudungis na lalaki sa malayo. Mukhang kagagaling lang nilang magbasketball.
Oh I hate that sport. Men stink because of it. Tumikhim na lamang ako.
“Sino ‘yang kasama mo?” tanong nila.
Sumenyas lamang si Sibal ng hindi ko alam dahilan kung bakit naging “oh” ang mga bibig ng mga lalaking iyon. Nilingon ko agad si Sibal para makita kung ano ngunit wala na sa kanyang expresyon ngayon.
“Anong sinabi mo?” tanong ko.
Nilingon ako ni Sibal. “Boss…”
Bumalik ang tingin ko sa mga building… sa isang pintuang may nakalagay na testing center.
“Si Jack, tapos nang kumuha ng exam. Kukunin ko na lang ang kanyang schedule ngayon. Pati ang akin. Wala naman akong naaalalang may pinakilalang girlfriend sa’yo, Miss President?”
“Oh? Hindi ba iyong babaeng naroon kanina? Katerina, is it?”
Humagikhik si Sibal. Nasa tapat na kami ngayong ng testing center kung nasaan may opisina rin ng guidance counselor sa tabi.
“Hindi ko girlfriend iyon, Miss President. Kaibigan at kaklase ko lang iyon sa engineering. Bakit? Mukhang kuryoso ka sa akin, ha?”
Oh so he’s an engineering student, too? And the girl’s not his girlfriend!
Umismid ako sa mga huling sinabi niya. A smile crept on his mouth. Is he flirting or what? It’s very unbecoming for an employee to flirt. I need to build high walls in between us so he’d feel the gap!
“Oh really? Well then, I should go in, I think…” malamig kong sinabi sabay turo sa opisina ng counselor, binalewala ang mga huling sinabi niya.
Nag-usap kami noong counselor. Pinatawag niya pa ang Vice President para makausap ko. Pagkatapos naming mag-usap ay pinagtake na nila ako ng exam. Hindi naman mahirap. Nahirapan lamang ako sa history dahil medyo hindi ako pamilyar doon.
Pagkatapos kong mag-exam ay agad na chineck ang testpaper ko. I waited for fifteen minutes so I can see my result. Medyo kumalam na ang sikmura ko sa gutom at naisip kong kakain na lang muna sa cafeteria ng school pagkatapos nito. And of course, ililibre ko si Sibal dahil nag-aantay din siya sa akin.
“You passed, Miss Galvez. We are now processing your enrolment. Agarang makukuha ang iyong schedule. May gusto ka bang tamang schedule para sa’yo?”
“Uh, I want my schedule to fall on the afternoon dahil baka maging busy ako tuwing umaga. And the subjects I want to get, iyon lang po ang gusto ko. I can’t get all the subjects of a regular first year since I have work.”
“No problem. Sinabi na rin iyan ng Tita mo, Miss Galvez.”
Ilang sandali ang nakalipas ay nakuha ko rin agad ang schedule ko. Higit dalawa at kalahating oras ako roon sa room bago nakalabas.
Luminga-linga agad ako para mahanap si Sibal at naroon nga siya nag aantay sa akin na may dalang bananacue at isang bote ng softdrinks.
“Alam kong gutom ka na, Miss President…” he said.
Tumikhim ako. “Saan mo binili iyan?”
“Maghahanap sana ako ng mas maayos na pagkain sa cafeteria kaya lang ay ito lang ang mayroon doon dahil walang pasok ngayon. Kumakain ka ba nito?” tanong niya.
“Well, I can eat that now…” sabi ko.
Nilahad niya sa akin ang isang stick ng bananacue. Tinanggap ko naman iyon. The corner of his mouth rose.
“Kumusta ang exam, Miss President?” tanong niya habang tinatanggap ko ang bananacue.
“Hi Percival… ayos ka lang kagabi?” isang grupo ng babae ang lumagpas sa amin na ganoon ang tanong.
Sumenyas lang si Sibal sa kanila at bumaling sa akin. I got kind of distracted so I couldn’t get the stick properly. Mali ata ang pagkakahawak ko dahilan kung bakit dumulas ang unang saging at tumama sa puting damit ko.
“What the f…” Napapikit ako habang dahandahang naglakbay ang saging at ang kulay nitong nagmantsa sa aking damit.
Binigay ni Sibal sa akin ang softdrinks at kinuha niya ang kanyang panyo. Kinuha ko agad ang panyo niya.
“Huwag, Miss President! Magmamantsa lang lalo!” aniya.
Ngunit huli na ang lahat. Naipahid ko na ang panyo niya sa aking damit dahilan kung bakit mas lalong nagmantsa iyon! Halos manggigil ako sa inis sa nangyari!
“Ba naman ‘to!” maarte kong sinabi at nagpatuloy sa paglalakad.
Nilingon ko siya upang padabog na ibalik ang softdrinks. Nagpatuloy ako sa pagpapahid ng mantsa sa aking damit. Nabalewala ko na ang gutom ko dahil sa nangyari.
Pinagtitinginan kami ng iilang estudyanteng nagpapaenrol din doon. Uminit ang pisngi ko nang may nakitang nagbulong-bulungan habang tinitingnan ang damit ko! Even my skirt is ruined because of the stain!
Pinatunog ni Sibal ang aming Expediition at diretso na akong pumasok. Padarag akong umupo sa loob. Sumakay din agad si Sibal sa driver’s seat.
“You ruined my dress…” I said coldly even though I know it’s my fault.
“Pwede ko iyang labhan, Miss President-“
“Huwag na!” sigaw ko. “Umuwi na tayo!”
“Ang hawakan ng bananacue ay nasa baba noong stick, hindi sa gitna…” nahihimigan ko ang sarcasm sa kanyang tinig.
“Are you saying that it’s my fault, Sibal?” pagalit kong sinabi.
“Ang sinasabi ko ay hindi tama ang pagkakahawak n’yo…” he said matter of factly.
Nagpupuyos ako sa galit pagkabalik sa resort. How can he talk to me like that? He’s just my employee!
Pagkadating ko sa resort ay dire diretso ang lakad ko papasok. Hindi ko na hinintay si Sibal na lumabas.
“Magandang hapon, Miss President…” bati ng ilang bellboy malapit sa reception na binalewala ko.
“President, lalabhan ko na lang ang damit mo…” nakasunod pa siya sa akin.
Pinindot ko agad ang elevator. Nakita ko pa siya nang pasarado na iyon. Hinampas niya ang buton pero pinindot ko ang close door dahilan kung bakit hindi na siya nakapasok.
I immediately went out of the elevator. It’s crazy, I think. How I’m taking this seriously…
Bumuntong hininga ako at lumapit na lang sa pintuan ng kwarto ko.
“President, ilagay mo rito sa basket iyang damit mo at nang malabhan ko. May kasalanan ka rin naman sa nangyari pero kaya kong labhan iyan…” si Sibal ay nakaabot pa sa pamamagitan ata ng hagdanan.
Ayos na sana na lalabhan niya. Ngunit naiirita ako sa paraan ng pagkakasabi niya!
“Fine! Stay outside! Antayin mo ang mga damit ko rito at labhan mo ng maayos iyan!”
Sinarado ko ang pintuan sa gitna naming dalawa at agad akong naghubad ng damit. Nagmura ako nang napagtantong kailangan ko pang magsuot ng panibago bago ko iyon ibigay sa kanya.
“Here!” sigaw ko sabay tapon sa damit ko roon sa basket na dala niya.
Talagang nag-antay siya sa tapat ng aking pintuan.
“Ayusin mo iyan! Kung masira iyan, pagbabayarin kita!” pagalit kong sinabi.
Mabilis ang hininga ko habang sinasabi ko iyon sa kanya. Kitang kita ko ang pagbaba ng mga mata niya patungo sa aking dibdib.
I’m only wearing my white spaghetti strap and a short shorts just so I can hand him my clothes!
Napatingin ako sa aking dibdib at nakita kong pulang pula ito siguro sa galit at tensyon.
“What are you staring at?” sigaw ko.
Ngumuso si Sibal sabay angat muli ng tingin. Tinuro niya ang aking dibdib. Muli ko iyong pinasadahan ng tingin.
“Namumula ka, Miss President. Huwag ka nang magalit…” he smiled.
What? Nanlaki ang mga mata ko at uminit ang pisngi ko. I am lost for words!
“Maglalaba na ako…” tumawa siya bago tumalikod.
Pinagmasdan ko ng ilang sandali ang pag-alis niya bago ko padabog na sinarado ang pinto para marinig niya ang galit ko!
Sisantehin na, Snow! Ano pang hinihintay mo!? Damn it!