Kabanata 5
Overtime
Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay umalis na ako ng kwarto. Hindi parin nakakabalik si Sibal doon.
Pinilig ko na lamang ang ulo ko. He’s probably hurt that I did that to his friend. Ayaw ko nang isipin pa ang bagay na kasing liit nito. Hindi na dapat ako nag aaksaya ng panahon.
Nanatili ako sa opisina habang binabasa ang mga complaints galing sa mga nagpapabook. Nahihirapan umano silang magbook sa hotel kaya kailangan kong bigyan ng aksyon iyon.
Pagkatapos kong magsunog ng kilay sa opisina ay bumaba na ako para makakain na ng tanghalian naman ngayon. Pumunta ako sa restaurant at naabutan ko si Sibal doon kasama sina Omar at Ryan.
May iilang guests silang pinagseserbisyuhan. Tuwing nasa counter ay nag-uusap at nagtatawanan sila.
Right. They should be free to talk basta ba hindi nakakaistorbo sa trabaho. How silly of me to get angry just because of a little chitchat.
Umupo ako sa usual spot at nag-antay na ng paglapit ni Sibal. Dumiretso siya sa akin pagkakuha ng menu.
Tinitigan ko siya. His facial expression is serious. Ngunit para ring wala lang sa kanya.
He handed me the menu. Tumayo siya sa gilid ko at naghintay sa sasabihin ko.
“I’m sorry kanina…” I immediately said sabay tingin sa menu.
“I’m sorry din, Miss President. Hindi ko sinasadyang pagsalitaan ka ng ganoon. Nahihiya lang ako dahil naipahamak ko pa si Kristina sa tanong ko.”
Tumango ako. “Kalimutan na natin iyon. Naging masyado akong mahigpit.”
Hindi na siya nagsalita dahilan kung bakit ko siya nilingon. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso, naghihintay sa susunod kong sasabihin.
“I want Roasted beef and sweet corn for lunch,” sabi ko sabay bigay sa kanya ng menu.
“Sige, Miss President. Sasabihin ko sa kanila.”
Tinalikuran niya ako at dumiretso na sa kitchen. Sinalubong agad siya ng tanong ni Ryan at nagtawanan silang muli.
Lumapit lamang muli si Sibal nang dala niya na ang pagkain ko. Tahimik siya habang nilalapag iyon. Something I’m not used to. He’s not telling his witty remarks or even joking around.
“Thanks…” I said.
“You’re welcome, Miss President…”
Pagkatapos noon ay iniwan niya na ako.
They said I shouldn’t be bothered. For the past weeks I’m here, I’m really trying not to be. But I admit it right now…
Bawat limang segundo ay napapatingin ako kay Sibal na kausap ang ibang empleyado. He’s all smiles when he’s with them. It’s like they have their own world I cannot touch. But that goes the same way for me, right? I have a world they couldn’t touch.
Sibal is an employee. He’s a bellboy in my hotel. I am the owner, the president. Kahit na sa mga libro at mga palabas ay posible ang mga ganyan, sa totoong buhay ay talagang hindi. Not that i have prejudices because he’s not rich like me, I guess people just find it taboo to like someone not on your level.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Sibal. Nag-iwas ako ng tingin at uminom ng tubig. Nang binalik ko ang tingin ko sa kanya ay hindi na siya nakatingin.
He’s not even my ideal man. Would never pass my exes.
Inubos ko ang oras ko sa pagtatrabaho kahit Linggo. I’m here to work so I guess I should, right?
Noong nag Lunes ay handa na ako para sa pagpasok sa paaralan. Pagkagising ko ay naligo na ako at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay pumasok na si Sibal para maglinis ng kwarto ko.
“Good morning, Miss President…” aniya.
“Good morning…” bati ko pabalik habang nasa harap ng salamin.
Inaayos ko ang konting make up na nilalagay ko habang siya ay nagmamop. Nakikita ko ang repleksyon niya sa salamin. Pinutol ko agad ang pag-iisip ko pagkatapos kong maglagay ng make up.
“Opisina lang ako…” sabi ko.
Sinunod ko ang sinabi ko. Nagbabad ulit ako sa opisina. I answered calls from Papa, from Tita Marem, from some affiliates. Doon ko na rin kinain ang breakfast ko.
Nang nag alas onse ay bumalik na ako sa kwarto para magbihis. I wonder if Sibal changed his clothes, too, now that we’re going to school?
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na ang mga gamit ko papuntang school. I have my black square bag and my sunglasses to shade me from the heat of the sun.
Dinampot ko agad ang telepono para tumawag sa reception. I wanna check if he’s ready.
“Hello, si Sibal?” tanong ko agad.
“This is Sibal, Miss President…”
Tumkhim agad ako nang narinig ko ang boses niya. “A-Are you ready? Tapos na akong magbihis.”
“Yes, Miss President. Handa na rin ang sasakyan mo. Sasama si Lando para may magbantay sa’yo habang nasa klase ako…”
Nagtiim bagang ako. “Fine. Pababa na ako…”
Binaba ko ang cellphone at huminga ng malalim. Wala akong kilala sa school na iyon. Si Sibal at ang kanyang kapatid lamang kaya medyo kabado ako.
Bumaba na ako. Pagkalabas ko ng elevator ay si Sibal agad ang nakita ko. He’s wearing the boys’ uniform! Nakaputing polo at dark blue na slacks. Napahagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Like a model straight from GQ, I cannot believe that he’s my bellboy. Nagtangis ang panga niya nang nagtama ang tingin naming dalawa.
“Bag mo, Miss President…” sabi niya.
Umiling ako. “I can carry it, Sibal…”
Tumango siya at tinalikuran ako. Uminit ang pisngi ko. Damn it! What’s this for, Snow? What the hell?
Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat ng aming Expedition at nilingon niya ako. Para akong napapaso tuwing nagtatama ang tingin namin. I wonder if he’s half foreign or something. Matangos ang ilong niya at may kakaibang kulay sa kanyang mga mata. Makurba ang eye lashes at makapal ang kanyang kilay. His skin tone is surely Filipino, though. Why am I thinking about this again?
Si Lando ang nagdrive patungong school. Si Sibal naman ang nasa front seat. Nang nakarating kami ay ginapangan na ako ng kaba. Seeing all the students here who seem to know each other makes me nervous.
Pinagbuksan ako ni Sibal ng pintuan. Lumabas ako. Nakita kong may iilang bumabati kay Sibal, mapa lalaki o mapa babae.
“Sibal, mamaya ha?” sabi noong lalaki sabay tingin sa akin.
“Oo, Rick!” ani Sibal ngunit dahil nakatitig sa akin iyong lalaki ay nabangga siya sa poste.
Nagtawanan ang mga babaeng nakakita. Bahagya rin akong natawa sa nangyari.
Nilingon ako ni Sibal, nakakunot ang noo niya. Tinikom ko ang bibig ko.
“I don’t know…” napatawa ako bahagya nang naulit pa iyon sa parehong lalaki.
Umigting ang panga ni Sibal at tumitig na siya sa akin ngayon. Tumigil ako sa pagtawa. I know it’s rude to laugh at the man but i just couldn’t help it…
“I mean… I don’t know where my first class is…” sabi ko.
“Ihahatid kita, Miss President…” sabi niya.
“Okay… Thanks. Hindi ka ba malilate sa klase mo?”
“Malapit lang sa classroom mo ang magiging classroom ko…”
Marahan akong tumango at sumunod na sa kanya papasok ng eskwelahan.
Halos mabali ang mga leeg ng mga estudyante nang nakita ako. May nakita pa akong iilang halos manginig nang nakita si Sibal at agarang napapawi ang damdamin nang nakita ako sa likod.
“Hi Kuya Percival!” sabi noong babaeng medyo mas matanda lamang sa akin ng konti.
Tumango lamang si Sibal sa babae. Nagtatalon agad sila ng mga kasama niya. Pulang pula iyong nag “hi!” Matalim ko silang tinitigan habang nakahalukipkip. Napawi ang tawa nila at nagawa pang irapan ako.
“Narito ang classroom mo, Miss President. Mukhang magkaklase kayo ni Jack…” ani Sibal at nilingon ako.
I tore my eyes off the girls and faced Sibal. Naabutan niya yata ang titig ko sa mga babae dahilan kung bakit nilingon niya rin ang mga iyon.
“Saan?” tanong ko sabay tingin sa likod niya.
Si Jack, kasama ang dalawang babaeng medyo maganda naman ang porma ay nasa labas ng classroom.
“Okay… Ikaw? Saan naman ang classroom mo?” tanong ko.
Tinuro ni Sibal ang pang-apat na classroom galing sa akin. Masyadong maraming estudyante. At bawat pagdapo pa ng mga mata ko sa kanila ay halos silang lahat ay nakatingin din sa akin. Later, I realized that it’s not about me… It’s Sibal!
Tinapik siya ng isang lalaking nakita ko na ata noong enrolment. Nilingon iyon ni Sibal.
“Exam daw agad sa first day…” tawa noong lalaki.
Tumango si Sibal. “Iyon nga ang sabi nila.”
“Kung nalaman ko lang ay sana hindi na lang kami sumali pa sa liga.” Sabay tingin noong lalaki sa akin mula ulo hanggang paa.
“Ihahatid ko lang sa kanyang upuan. Kita na lang tayo sa classroom…” ani Sibal sabay hawak sa aking kamay.
Hinigit niya ako patungo sa classroom namin. Si Jack ay nasa pintuan at nakikipagtawanan parin sa grupo ng babaeng kasama niya.
“Kuya…” bati ni Jack.
“Magkaklase kayo ni Snow ngayon. Ituro mo sa kanya mamaya ang susunod niyang classroom…” utos ni Sibal.
“No problem…”
Tumingin si Jack sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
“Tabi tayo, Snow, ha?” ani Jack.
“Sure. I don’t know anyone so that would really help…”
Napatingin naman ako sa mga babaeng kasama niya. Ang sama ng tingin nila sa akin. Taas noo ko silang hinead to foot.
“Pumasok ka na sa loob,” bulong ni Sibal sa akin.
“Fine…” sabi ko at sinunod na ang sinabi niya.
Pagkapasok ko sa loob ay naghanap ako ng upuan sa may likuran. Panay ang tingin ng mga naroon sa akin. Nilingon ko ang pintuan at tinuro ni Sibal sa akin ang upuang nasa pinakagilid. Tumango ako sa kanya at doon nga umupo sa gusto niya.
Pagkaupo ko ay nilingon ko ulit siya. Tumango siya at umalis na.
Ang babae sa harap ko ay agad akong nilingon. Ngumiti siya sa akin. Ang kanyang sabog at kulot kulot na buhok ay hinihinap ng hangin galing sa electric fan.
“Hi! Hindi kita nakita noong high school, ah? Pinsan ka ng mga Riego?”
Umismid ako sa kanya. “Hindi…”
“Kung ganoon? Step sister?”
“No… I’m Sibal’s boss. I’m the owner of The Coast. Why?” diretso kong sinabi sa kanya.
Ayaw ko sana iyong ipangalandakan ngunit masyadong matanong ang babaeng ito. Para siyang na petrify sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya at halos hindi nakagalaw.
“You’re Maria Emilia’s daughter?”
Tumawa ako. Ang sikat talaga ni Tita. “No… I’m Remus’ daughter. Snow… You are?”
Naglahad ako ng kamay.
“I’m Paulyn! It’s an honor!” aniya at ikinwento agad sa kanyang mga katabi.
Instant star agad ako sa kanila. Lahat ng ulo, nakatutok sa akin. Natapos lamang nang umupo si Jack sa tabi ko. Everyone’s eyes drifted to him. Natahimik sila at naging pormal.
Hinawi ko ang buhok ko at nilingon si Jack.
“Pagpasensyahan mo na sila. Mga kaklase ko iyan noon at kuryoso sila kapag may bagong mukha…” he smiled.
“No problem… I understand. Kahit ako magiging kuryoso kung may bago…”
Tumango si Jack at ngumisi ulit sa akin.
Unlike his brother, Jack seems more light. Ewan ko kung bakit hindi ako masyadong kumportableng kasama si Sibal. Parang may something. Samantalang itong kapatid niya ay ayos lang.
“Anong next class mo?” tanong ni Jack.
Kinuha ko ang schedule ko at ipinakita sa kanya iyon. Ilang sandali niya iyong tiningnan bago binaba.
“Ayos. Tatlong minors tayong magkaklase…”
“Really?”
Tumango si Jack. “Kapag may grouping, tayo agad ang grupo ha para hindi na mahirap.”
Sumang-ayon ako sa gusto niya. Kaya naman nang dumating ang aming teacher ay ginrupo agad kami. Sa aming grupo ay kasama si Jack at iyong isang empleyado namin sa hotel tuwing night shift na si Ruben, at ang dalawa pang babaeng kapit tuko sa kanila.
We all groaned when our teacher announced reporting. She wants us to teach each other by what we know about Biology? Bakit ba may minors na ganito gayong business naman ang kinuha ko? Seriously?
We’re the second reporter. Medyo malayo pa pero kailangan paghandaan lalo na’t wala ako masyadong alam sa mga complex topics nitong Biology.
“Mag group study tayo sa bahay!” wika ni Ruben.
Umiling si Jack. “Sa bahay na lang namin para malapit lamang kina Snow, Ruben. ‘Tsaka, mas maluwang doon.”
Tumango ako. “Iyon lang din ang alam ko kaya mas mabuti ngang sa kanila…”
“Anong oras naman tayo mag go-group study? Gabi lang ako pwede, Jack. Baka pagalitan ako ni Miss President kapag ma late naman ako sa alas diez kong shift…”
Tumawa ako. “Hindi naman siguro tayo aabot ng alas diez, hindi ba?”
“Tama si Snow. Alas sais hanggang alas nuebe, ayos na siguro iyon. Kapag ‘di natapos ay sa ibang araw naman.”
The first class seems fine. Naging magaan ang loob ko kahit hindi ko kaibigan ang lahat ng kaklase ko. This isn’t high school anyway. I don’t need to befriend everyone.
Sa sunod na klase ay magkaklase ulit kami ni Jack. English 13 is all about the basics of English so this won’t be hard. Habang nag oorient ang teacher ay napatingin ako sa labas.
Nakita ko ang iilang estudyanteng dumadaan. Nahagip ng paningin ko si Katarina at si Sibal na dumaan sa aming classroom. Nilingon ko agad si Jack at kinalabit.
“Kuya mo at si Katarina, dumaan…” I said.
Lumingon siya sa pintuan pero hindi niya na naabutan. Tumango siya.
“Baka may lab sila… Nasa unahan ang lab…” sabi niya.
“Magkaklase pala sila?” tanong ko.
“Oo. Si Katarina kay Kuya nagpapaturo kung may ‘di alam sa mga subjects nila tulad sa Drawing at Physics…”
“Engineering ka rin, hindi ba? Electrical? Civil?”
Umiling si Jack at ngumiti sa akin. “Civil si Kuya. Chem, ako…”
“Oh…” Tumango tango ako at napatingin sa aming propesor.
Mayroon akong break in between 2pm and 3pm tuwing MWF kaya pagkatapos noong klase namin ay dumiretso ako sa canteen na mag-isa. PInagsabihan ko na si Kuya Lando na umaligid lamang siya dahil ayaw ko namang nasa tabi ko siya the whole time I’m in school.
Mag-isa ako sa aking lamesa. Some students are looking at me curiously. Iyong ibang lalaki pa ay tingin nang tingin sa akin na para bang kulang na lang ay magtulakan para magpakilala.
Before they can even move towards me, tumayo na ako para magkunwaring aalis. I’m not here for love life so I might as well avoid it.
Dahil hindi ko alam ang susunod kong klase ay iyon na lang muna ang pinagkaabalahan ko. Hinanap ko ang sunod kong classroom. Palapit na ako nang napadaan ako sa isang malaking classroom. Napansin kong seryoso agad at mukhang may lecture. Nang natingnan ko ang loob ay napagtanto kong higher level iyon. Siguro’y mga 4th year? Hindi ako sigurado.
Nang nakita ko si Sibal doon katabi si Katarina ay napagtanto kong sa Engineering iyon na klase!
Tumigil ako sa paglalakad. I tried to see what they were doing. They were only listening to the lecture.
When the professor asked for the sheet of paper, nagkagulo agad sila. May sinabi si Katarina kay Sibal at nagtawanan silang dalawa. Ngumuso ako at mas lalong lumapit para tingnan sila.
Pinaypayan ni Katarina ang kanyang sarili. Siguro ay dahil medyo mainit ang classroom at marami silang naroon. Nilingon siya ni Sibal at nakita kong hinaplos ni Sibal ang gilid ng noo ni Katarina, mukhang nagpupunas ng pawis. Pinunasan din ni Katarina ang pawis niya at nagkwento kay Sibal.
Hinawi ko ang buhok ko at umatras. Nagpatuloy ako sa paglalakad, medyo may guwang sa tiyan.
“Jack!” bulong ko nang naging magkaklase muli kami sa huling subject ko.
The majors didn’t have much class. Binigyan lamang kami ng course syllabus at ‘tsaka na raw mag lelecture sa second day at ang mga minors naman ay medyo seryoso. Kabaliktaran.
May quiz agad kami sa literature. Si Jack ay nasa tabi ko at nag coconcentrate sa isasagot.
Ang usap-usapan ng mga kaklase ko ay si Mrs. dela Cruz ay isang terror teacher dahilan kung bakit nag quiz agad kami. Well, halata naman sa kanyang mukha. Tahimik ang buong klase at walang angal sa mga gusto niyang mangyari.
“Ano?” nilingon niya ako.
“Nililigawan ba ng kuya mo si Katarina?”
Nagkibit siya ng balikat at hindi na iyon dinugtungan.
“Huy!” tawag ko.
“Hindi ako sigurado. Matagal na silang magkaibigan. Medyo close. ‘Tsaka ideal girl ni Kuya si Katarina. Mabait kasi iyon… Bakit?”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Number three…” sigaw ng professor ngunit hindi ako natinag.
Si Jack ay bumaling muli sa kanyang papel.
“Jack… Jack…” tawag ko, pabulong.
“Excuse me, Miss Galvez. Are you cheating?” tawag ng aming matandang propesor.
Taas noo ko siyang tiningnan. Aba’t pinaparatangan pa ako nito? I’m not cheating, alright. We’re just talking.
“No, Ma’am…” sabi ko.
“Bakit ka tawag nang tawag diyan kay Mr. Riego?”
“I’m sorry, Ma’am. Hindi na mauulit. I was asking him about something important…”
Tumango ang aming propesor at sa kabutihang palad ay tinantanan naman ako. Humalakhak si Jack sa aking tabi. Nanatili na ngayon ang mga mata ko sa aking papel.
“Something important, huh?” bulong ni Jack.
Umiling ako. Ano sa tingin niya ang dapat kong sabihin sa propesor naming mukhang handang mambitay ng estudyante kung magkamali? For sure she only restrained herself that time because she knows my family is a bit powerful here in Nabas. Kung ibang estudyante pa ako ay baka napahiya na ako.
Papatapos na ang klase namin nang nakita ko si Sibal sa labas ng aming pintuan. Tumuwid ako sa pagkakaupo. Nilingon ako ni Jack habang siya’y nakapangalumbaba. Kinokolekta na ni Mrs. dela Cruz ang aming mga papel at dineklara niya na ang pagtatapos ng klase.
Nagligpit agad ako ng gamit. Tumayo si Jack at ibang mga kaklase namin.
“Next time, Mr. Riego and Miss Galvez, if I caught you talking in my class, I’ll immediately throw you out…”
Napatingin ako kay Sibal na ngayon ay kumunot ang noo. Nakatitig siya kay Mrs. dela Cruz.
Talagang ‘di pa siya tapos sa pamamahiya at may pabaon pa siya sa amin ni Jack, huh?
“Yes, Ma’am…” ani Jack.
Tumango lamang ako at nagmamadaling lumabas kasama si Jack. Nagkibit ng balikat si Jack pagkakita kay Sibal at umiwas agad siya sa dadaanan. Tinagilid ni Sibal ang ulo niya nang nagkita kami.
“Napagalitan kayo?” tanong niya.
“May tinanong lang ako…” sabi ko.
“Anong tinanong mo?” kumunot ang kanyang noo.
Sasagutin ko na sana siya ng kasinungalingan ngunit sumulpot si Katarina sa kanyang likod. She smiled at me. May yakap siyang makapal na aklat patungkol sa Physics. Tumikhim ako at tumigil sa pagsasalita.
“Anong tinanong mo at gaano ka importante?” tanong ulit ni Sibal.
Umiling ako. “Wala, Sibal. We should go…” I remembered I’m his boss. “Where’s Kuya Lando? I’m hungry. Let’s go…”
Naglakad na ako iwas sa kanila. Sumunod si Sibal sa akin. Don’t tell me susunod din iyong si Katarina sa amin, huh?
Palabas kami ng paaralan nang napansing buntot parin si Katarina sa amin. I don’t want to be rude like what I did to Kristina last time but this is just too much!
Nang nakita ko ang nakaparada naming Expedition ay pinagbuksan na agad ako ni Sibal sa likod. Sumalampak ako sa loob at nilingon siya. Nakatayo parin siya roon, holding the door widely open and Katarina’s on his other side talking to a bunch of girls.
“Bilis na…” utos ko.
“Hindi na ako sasama pabalik sa hotel. Uuwi na ako…” he said.
“Ano?” medyo maasim ang naging ekspresyon ko.
Nagtaas siya ng kilay. “Miss President, tapos na ang shift ko. Gusto mo bang mag overtime ako?”
Napakurap kurap ako roon. Right. Fucking right!
“Close the damn door now… Aalis na kami…” I said and looked away.
“As you wish…” aniya at sinarado ang pintuan sa gitna naming dalawa.
Halos masira ang mga ngipin ko sa kakatiim bagang ko. Nilingon ko si Sibal na nakatingin parin sa looban ng sasakyan namin. He can’t see me. Our mirrors are tinted.
“Tara na, Kuya Lando…” sabi ko at pinaandar niya agad ang sasakyan.
Kumalabog ang puso ko nang dahan dahan naming iniwan sila roon. Hindi ko maintindihan kung bakit nag aalburoto ang puso ko ng ganito. It’s like a favorite request isn’t granted and I am so furious. Hindi lang iyon… may isa pa akong naramdaman.