Ripped – Kabanata 4

Kabanata 4

Scare

Nagkahiwalay din si Jarrick at Juliet nang nag Grade 9 kami. Matagal din silang naging patagong mag-on. Ayaw daw kasi ng Mommy at Daddy ni Juliet kay Jarrick.

Umiiyak si Juliet habang nagbabasa ng libro sa library. Pinapanood ko siya imbes na magbasa ako. Nababasa ang pahina ng aklat sa mga luha niya.

“Huwag ka na nga lang magbasa muna. Huwag mo nang pilitin ang sarili mo…” sabi ko.

Pinalis ni Juliet ang kanyang mga luha. Hindi ko kayang magconcentrate sa pagbabasa kapag ganito ang kaibigan ko kaya sinarado ko ang aking aklat.

“Freya, pumunta kaya tayo ng canteen?” wika ni Marjorie.

Sasang-ayon na sana ako pero matalim akong tinitigan ni Juliet.

“Ayaw ko! Nandoon siya!”

Isang linggo na siyang ganito. Iyan ang hirap kapag masyado kang nag expect. Actually, it’s not love that hurts. It’s actually a good feeling. Expectation hurts. Betrayal hurts.

“Anong nangyari?” agad na may umupo sa tabi ko.

Nilingon ko kaagad si Leon. Ang diamond earring niya ay kumikinang. Kakalagay lang nito noong nakaraang buwan. Sinamahan ko pa nga siyang magpalagay nito sa kanilang mansyon. Takot daw kasi siya sa karayom.

Umirap ako at tumingin ulit kay Juliet.

“Iyon parin…” sagot ko.

“Ang mabuti pa, sumama kayo sa amin sa Alps. Maliligo kami mamaya ng mga kaibigan ko.”

“Ano namang gagawin namin doon?” iritadong tanong ni Juliet.

“Para matuwa ka, ‘di ba? Para makalimutan mo ‘yong gagong ‘yon!” Sabay tawa ni Leon.

“Oo nga. Sumama ka na, Juliet…” sabi ko. “It’s time you unwind…”

Nagtama ang mga mata namin ni Leon. Kumunot ang noo niya.

“What about you? Sasama kayong tatlo, ‘di ba?”

“Hmm. Sama na rin tayo, Freya…” ani Marjorie.

“Huh? Hindi pa ako nakakapagpaalam kay Mama.”

“Asus! Ako na ang magpapaalam kay Tita, Freya. Malakas ako sa Mama mo, e.”

Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan si Leon. He’s really using his appeal for this.

“Isa pa, walang pasok bukas dahil Sabado. Papayagan ka naman siguro mamaya. Hanggang alas sais lang tayo, promise. Tapos sa bahay na tayo mag dinner.”

Ngumuso ako. Parehong hopeful si Marjorie at Juliet sa sagot ko. Tiningnan ko ang mamasa masang mata ng kaibigan ko. Well, for Juliet.

Dahan-dahan akong tumango.

“Yes!” ani Leon sabay tayo at punta na sa kanyang tropa.

Iba na naman ang girlfriend niya ngayon. Well, I can’t even count how many exes does he have. Pero improving siya ngayon. Malayo na ang gap ng pagpapalit niyang babae at naglalast na ng isang buwan ang bawat isa. Unlike before.

“Hindi marunong lumangoy si Freya, Leon,” ani Mama.

Nakapag impake na ako ng damit pangligo. Alam kong papayagan naman ako ni Mama, may kaonting kaba lamang siya.

“Ayos lang po. Marunong naman akong lumangoy ‘tsaka ‘di naman ako papayag na lumayo siya at pumunta sa malalim na parte…”

Tumango si Mama sa kanya. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya. Hindi naman kasi ako madalas lumalabas kasama ang mga kaibigan. I mean, with only Marjorie and Juliet as my friends, you can’t expect me to go somewhere other than the four walls of our school.

“Mag-ingat ka doon, Freya, ha? Anong oras mo ba siyang iuuwi dito, Leon? Susunduin ko na lang…” si Papa.

“Huwag na! Iuuwi ko siya dito after dinner, Tito. Siguro nasa mga alas syete o alas otso. Alas sais kasi kami uuwi galing Alps, tapos baka alas syete na makapag dinner sa bahay.”

“Sigurado ka bang ‘di ko na lang susunduin?”

“Hindi na. Sasama pa ako paghatid ni Mang Kador sa kanya kaya walang problema, Tito.”

Leon smiled. I can’t help but smile back. He really knows how to assure my parents.

“Okay…”

Sumakay ako sa kanilang pick-up. Naroon na si Juliet sa loob. Tahimik at nagluluksa parin. Umiling kami ni Leon pagkapasok.

Napagtanto ko doon na kapag pala kailangan mong mag move on, you have to help yourself. Don’t let yourself sulk. You should try to be happy. Kasi kapag ikaw na mismo ang magpapaka down, mas lalo ka lang lulubog.

“Juliet! Hindi ka ba excited?” tanong ko.

“Huwag kang mag-alala, Juliet. Ipapakilala kita sa tropa kong mabait…” Tumawa si Leon.

“You don’t heal someone by giving her another heartache!” sabi ko.

Nasa front seat si Leon kaya lumingon siya sa akin dahil sa sinabi ko.

“Hmm. Gwapo ba ‘yan?” tanong ni Juliet, natatawa.

“I cannot believe you Revamontes!” sambit ko.

“At least ako, no strings attached. You should learn that too, Juliet,” he encouraged.

Umiling ako. Ganito na ba talaga ang mundo ngayon? Nilingon ko ang labas. Mabilis ang andar ng sasakyan.

Tiningnan ko ang likod ni Leon. Maybe he’s like that to avoid heartache. Siya nga naman. Kapag minalas ka at nag invest ka ng feelings mo para sa isang tao, magagaya ka kay Juliet. So to play safe, you have to condition yourself through playing. Na kailangan, ilagay mo sa mindset mo na wala lang ang lahat ng ito. It’s just a game, that’s all.

“Nga naman. Mas maganda nga ang no strings attached para huwag akong masaktan…” ani Juliet.

Tumawa lamang ako. “Sige nga, paturo rin ng ganyan para kapag ako naman, hindi ako matulad kay Juliet.”

Nilingon ako ni Leon. Napatingin na rin ako sa kanya.

“Bullshit…” malutong niyang mura.

“Oh? Bakit? Hindi ba highly recommended mo iyang way of life mo?”

Nilingon niya muli ako at tinapunan ng sarkastikong tingin. He cursed again.

Tumawa ako at umiling. Tahimik hanggang nakarating kami sa Alps.

Sa labas pa lang ay nagulat na ako sa dami namin. Higit sampu ang tropa ni Leon. Kasama pa roon ang girlfriend niya ngayon. Si Marjorie ay parang out of place sa kanila habang nag hihintay sa amin.

“Ang tagal n’yo! Shucks!” ani Marjorie at lumapit agad sa amin ni Juliet.

Kumapit agad kay Leon ang kanyang girlfriend. Pumasok na kami doon sa Alps pagkatapos magbayad ng entrance.

Tiningnan ko ang mga lagoon na naroon. Noong bata pa ako, madalas kami dito. Dahil walang dagat dito sa Alegria, isa ito sa pinaka pinupuntahan ng mga tao bukod sa iilang talon at spring.

May iilang nasa senior high na mga estudyanteng naliligo. Isang grupo sila, actually. Tulad din namin.

Kumuha ang mga tropa ni Leon ng isang malaking cottage. Gusto ko sanang bumukod dahil ayaw kong mapasama sa kanila pero ayaw ko namang masabihan na maarte kaya hindi ko na sinuggest kay Juliet.

Naghubad agad ang mga lalaki. Kitang kita ko ang paglabas ng pagkain, inumin, at mga sigarilyo. Nagkatinginan kami ni Marjorie dahil doon. Naghubad din ang mga babae. Naka two piece at shorts ang mga ito. Taliwas sa iniisip kong susuotin.

Kumapit ang girlfriend ni Leon sa kanya. Inakbayan naman ni Leon ang babae. Tinuro ko kay Marjorie at Juliet ang dressing room.

“Magbihis muna tayo?” anyaya ko.

Isang puting racerback ang susuotin ko at isang kulay pink na shorts. May two piece akong kulay puti sa loob nitong damit ko at wala akong planong maghubad. Ganoon din si Marjorie. But Juliet showed off her body with her two piece.

“Mag sho-shorts ako para medyo demure naman…” ani Juliet.

Bumalik kami sa cottage pagkatapos. Sina Leon kasama ang tropa niya ay nasa mga lagoon na. May dalawang lalaking tropa si Leon na nanatili sa cottage at nag inuman. Ang isa ay nanigarilyo. Nang nakita akong nakatingin ay agad tinapon sa kung saan.

“Maliligo na kayo, Freya?” tanong ng hindi ko kilalang kaibigan ni Leon.

“Yeah. Let’s go, Juliet… Marjorie…” sabi ko.

Sumunod ang dalawa sa akin. Sa gilid lang kami ni Juliet. Hanggang dibdib ang lalim ng tubig habang sina Leon ay nasa mas malalim. Marunong lumangoy ang kanyang girlfriend kaya kaya nila doon.

“Ang sweet sweet naman ng mga ito. Nakakabitter…” ani Juliet habang tinitingnan ang nagpares pares na kaibigan ni Leon.

“Alam mo ikaw, Juliet, huwag ka nga masyadong mag isip ng lovelife? Tingnan mo kami ni Freya. Buhay pa naman kami kahit walang boyfriend…” ani Marjorie.

“Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko kasi hindi mo pa nararanasan ang masaktan, Marj…”

Well, I agree with Marjorie but we can’t really judge Juliet. No matter how small her battles are, it’s still a battle.

“Sige na! Mag enjoy na lang tayo…”

Sinubukan kong sumisid. Hindi talaga ako marunong lumangoy. Hindi ako umuusad tuwing sumisisid.

Ganoon din ang ginawa ni Marjorie. She took out her smartphone. Ang alam ko’y waterproof ito kaya nagsimula kaming magpicture.

Inayos ko ang damit ko dahil nakikita ang cleavage. Bakat pa ang bra ng two piece ko.

“Ay sorry…” ani Juliet nang may nasipa siyang naliligo rin.

Dalawang lalaki ang naroon. Nairita ang lalaking nasipa niya pero nang nakita si Juliet ay nag iba agad ang ekspreyson.

Well, Juliet’s a Revamonte. And they are known for their beauty. Siya pa nga ang pinasahan ko ng corona last year sa Miss Intramurals. Ngumisi ang lalaki at agad nanliit ang mga mata ko.

That face.

Hindi mapagkakatiwalaan.

“Hi! Juliet, ‘di ba?” tanong ng lalaki.

“Yes. You are?” nagtaas ng kilay ang kaibigan ko.

Hihilahin ko na sana si Juliet nang naramdaman ko ang init ng katawan sa tabi ko. Nakita kong nasa malayo na si Marjorie at ngumingiwi na sa nangyayari.

Ang kaibigan ng lalaking nasipa ni Juliet ay nasa tabi ko na. He towered over me. Nakangiti siya. Kung hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking kausap ni Juliet. Mas lalo na ito!

“Excuse me…” sabi ko.

“Hi, Freya… Pumupunta ka pala sa mga lugar na ito?” tanong niya.

I’m sorry. I don’t talk to strangers. Hindi ko iyon sinabi para hindi siya mairita. Mamaya ay mainis pa siya sa akin.

Naaalala ko pa noon, may tanong sa Values Ed. About sa rapist. Anong gagawin kapag may magyaya sayong pumunta sa madilim na lugar? Kayong dalawa lang. I suck at these things because I answer with all honesty. Ang tamang sagot ay sabihing hindi ako sasama. Pero ang sinagot ko, ‘mamaya na’. Because I think he’ll get pissed if I told him that I don’t want to. Ang ending ay pipilitin niya ako. Kesa sa sabihin kong ‘mamaya na’, he’ll give me time. And I’ll use that time to escape.

“Oo. Nandito ako kasama ang mga kaibigan ko.”

Sinubukan kong lumagpas pero hinarangan niya ako. Tumingala ako sa kanya.

“Pupuntahan ko lang si Marjorie. Tara, Juliet!” yaya ko pero nalilibang na si Juliet sa lalaking kausap.

“Excuse me…” ulit ko pero hinatak ako noong lalaki.

Mabilis agad ang pintig ng puso ko sa kaba. What the heck?

“Mag usap muna tayo. Ang tagal na kitang crush, a. Biruin mo, nagkita tayo dito? Sa school, mailap ka…” aniya.

“Mamaya na…” like my Values Education answer.

“Huh? Bakit? Saan ka pupunta?”

Kumalas bahagya ang kamay niya. Makakatakas na ako!

Pero bago pa ako makatakas ay bumagsak na ang lalaki sa tubig.

Pulang pula si Leon pagkatapos suntukin sa mukha ang lalaki. Nagsigawan ang mga naroon. Nakisama sa pagsuntok ang mga tropa noong lalaki. Mabuti naman at marami rin sina Leon!

Hinila agad ako ni Juliet para makaahon. Umahon ang lalaki habang iniinda ang suntok ni Leon sa kanyang ilong. Umahon si Leon at sinugod pa ang lalaki.

Lumaban ang lalaki kay Leon. Ang mas payat niyang braso at kumuyom. Hindi na kailangang pumorma ni Leon. He was always the bulky type. Sinuntok niyang muli ang lalaki kaya bumagsak ito sa sahig.

Hindi siya nakuntento! Kahit na nakatihaya at hindi na makagalaw ang lalaki ay mabilis niya itong pinagsusuntok!

Pulang pula maging ang kanyang leeg. His strong and tight arms continued punching the other boy’s face. Parang walang makakapigil sa kanya!

“Leon!” sigaw ng kanyang girlfriend.

“Shit!” ani Juliet. “Leon!”

Nalaglag ang panga ko at tumakbo na rin sa kung saan pinagsusuntok ni Leon ang lalaki.

“Leon!” sigaw ko nang lumapit.

Tumayo si Leon. Mabilis ang hininga niya. Agad siyang pinalibutan ng mga trabahante ng Alps. Itinayo ng iba ang lalaking pumorma sa akin. Duguan na iyon at halos wala nang malay.

“Bitiwan n’yo ako!” sigaw ni Leon sa mga lalaking umaawat sa kanya.

“Leon, anong nangyari?” tanong ng isang lalaki na mukhang may-ari nitong Alps.

Hinawakan ni Leon ang kanyang leeg at hinawi ang kamay ng mga nakahawak sa kanyang braso.

Bumaling siya sa akin. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Unti-unti itong napalitan ng hindi malamang ekspresyon. Malamig ang aking mukha. Siguro’y namumutla ako ngayon. Hinawakan ni Juliet ang aking braso. Malamig din ang kamay ng kaibigan ko.

Napalunok ako habang tinitingnan ni Leon. Kung hindi siya pinigilan ay baka kung ano nang nangyari sa lalaki!

“Ayos ka lang…” mahinahon niyang tanong sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Tumango lamang ako. I am so stunned, alright!

Bumaling ako sa lalaking pinaupo na nila sa isang cottage. May malay ito pero duguan ang kanyang mukha. Bumaling ulit ako kay Leon.

“May tumawag ng police…” sabi noong may-ari.

Tumango si Leon. “Haharapin ko…”

Lumapit si Leon sa akin. Umatras naman ako. I’m still so stunned. I can’t believe he can do that.

Nilagpasan ako ni Leon. Sinalubong naman siya ng girlfriend niya. Nag-usap silang dalawa. Kinuha niya ang itim na tuwalya sa kanyang bag at nilingon muli ako. Then he came back to us.

“Put the towel on your body. Magbihis ka na rin… Juliet, kayo ni Marjorie…” ani Leon.

Tumango agad ako at sinunod ang sinabi niya. I am still unable to speak. Hinanap agad ni Juliet si Marjorie. Susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Leon.

“Hindi ka nagsasalita…” aniya.

Umiling ako at tumikhim. “Uh… Wala… Ayos ka lang?”

I actually don’t know what to say. Tumango siya.

“Did I… Uh… scare you?” aniya.

Umiling ako at agad siyang iniwan doon para puntahan si Juliet.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: