Ripped – Kabanata 3

Kabanata 3

Nothing

“Hoy Leon!” saway ni Juliet sa pinsan.

Nasa bleachers kami ngayon. Nagbabasa ako ng assignment. Sa harap ay tinatanaw namin ang practice game ng basketball. Iyong mga Grade 7 versus Grade 8. Sina Leon kasama ang tropa niya ay nakaupo lang din sa bleachers di kalayuan sa amin.

“Ano?” lumapit si Leon sa kanyang pinsan.

Nanatili ang mga mata ko sa aking aklat. Si Marjorie naman ay nakatingin sa mga naglalaro naming kaklase.

“Baka makabuntis ka riyan, ha?” ani Juliet sa mahinang boses.

Tumingala ako. Nagtama ang mga mata namin ni Leon. I can see his amused smile.

“Makabuntis? Marunong akong gumamit ng proteksyon, Juliet…”

Namula si Juliet. Unti-unti ring nag init ang pisngi ko.

“At isa pa, kahit wala noon ay pwede ko namang i-withdraw…” Tumawa si Leon.

What the hell? I know those things but I just don’t think about it because I know it’s not what I should think about right now! Masyado pa kaming bata to engage in those kind of things! Isa pa, hindi ba kapag kasal lang gagawin iyon?

Humugot ako ng malalim na hininga at tiningnang muli ang aklat. Fine. Some things are just not the same for all people.

“Ano ka ba?”

“Baka nga ikaw diyan ang mabuntis, e. Mag-ingat ka. Alam ko ang mga lalaki. At ‘yang si Jarrick…” tumawa lamang si Leon. “Walang mapagkakatiwalaang lalaki ngayon.”

“Tulad mo, ganoon?” ani Juliet sa nakakaeskandalong boses.

Tumawa ulit si Leon. “Huwag kang magtitiwala, Juliet…”

Tumunog ang siren hudyat na tapos na ang grade level namin at sina Leon na ang susunod. Nanatili ang mga mata ko sa aklat habang nag hahanda na sina Leon sa game.

“Kainis talaga si Leon… Pinagsasabihan ko lang naman kasi may naririnig akong gumagawa daw sila ng milagro noong freshmen…” ani Juliet sabay tabi sa akin.

“Paano naman iyong sinabi niya tungkol kay Jarrick?” tanong ni Marjorie.

Tiningnan ko si Juliet. Maging ako ay hindi masyadong gusto si Jarrick para sa kanya. I feel like he’s just using her or something. I have told her once but she never listened.

“Ewan ko kay Leon…”

Tumingin si Juliet sa malayo.

“Jul, baka naman tama si Leon. I really feel like Jarrick isn’t sincere. It’s either he’s cheating on you or he’s just playing with your feelings…”

Nanliit ang mga mata ni Juliet sa akin.

“Ayan ka na naman, Frey. Nagiging judgemental ka na naman. Kilalanin muna iyong tao.”

“I’ve been with him. I’m not judgemental. That’s my intuition…”

Tumigil ako sa pagsasalita nang nakitang palapit si Jarrick sa amin. Nagkatinginan lamang kami ni Marjorie.

Nagsimula na ang practice game ng mga Grade 9 at Grade 10. Katabi na rin ni Juliet si Jarrick ngayon. Naririnig ko ang bulungan ng dalawa. Hindi ko mapigilan ang pagkakairita.

“Sige na. Saglit lang naman ‘to…”

“Jarrick kasi si Leon. ‘Tsaka baka matagalan tayo, iiwan ako niyan. Mamaya magsumbong pa…” ani Juliet.

“Sige na, Jul… Saglit lang talaga. Gusto ko lang mapag-isa kasama ka…”

Nilingon ko silang dalawa. Matalim kong tiningnan si Jarrick. Kita niya iyon dahilan kung bakit siya tumigil sa pamimilit kay Juliet.

“Jarrick, bakit hindi na lang kayo lumayo ng kaonti sa amin dito sa bleachers para ‘mapag-isa’ kayong dalawa. Hindi ninyo naman siguro kailangang umalis…”

Nagkamot ng ulo si Jarrick. He’s thin face elongated because of his expression.

“Oo nga…” ani Juliet.

“Sige na nga. Huwag na lang. Aalis na lang muna ako… May pupuntahan lang ako.”

Umirap ako at tumingin na sa laro. Isang tingin pa lang sa kanya, alam mong hindi na mapagkakatiwalaan. Kapag nakakausap mo na, mas lalo mong mapagtatantong talagang ‘di mo siya pwedeng pagkatiwalaan.

“Ha? Saan ka naman?” si Juliet.

“Eh, basta! Ayaw mong sumama, e.”

Nakita kong pinasa kay Leon ang bola. Halos lahat ng guards ay pumunta sa kanya.

“Go Leon!” tili ng mga babae sa kabila.

“Gusto kong mapag-isa tayo para makapag-usap pero ‘di naman natin kailangang lumayo, a?”

“Gusto ko ng walang istorbo, e. Sige na. Dito ka na lang. Aalis muna ako! Text text na lang!” ani Jarrick at agad nang umalis.

Umupo ng matuwid si Juliet sa tabi ko at dinungaw agad ang cellphone. I don’t feel guilty at all. I’d rather watch her sulk than be with that asshole.

“Kung gusto niya talagang mag-usap kayo, papayag na ‘yon kahit dito lang. He does not want it enough kung ganoon siya umasta…”

Tahimik si Juliet habang nagtatype ng text. Ayaw kong manghimasok sa dalawa pero kaibigan ko siya.

“Hala!” ani Marjorie nang biglang sinapak ni Leon ang makulit na guard sa kanyang likod.

“Foul!” sabi noong teacher namin sa P.E. Siya ang nagsilbing referee.

Mainit ang ulo ni Leon kapag naglalaro. Laging na fa-foul kasi laging nakakasiko o ‘di kaya ay nakikipag-away. Some players just play dirty. Iyan ang dahilan kung bakit ginagantihan niya rin ang mga ito ng ganoon.

“Boo!” sigaw noong girlfriend ngayon ni Leon.

PInanood ko ang game hanggang sa natapos. Maraming shoots si Leon, nga lang marami din siyang foul. Muntik na nga siyang ma foul out. Tumawa lamang siya pagkatapos ng game.

Tagaktak ang pawis niya. Basang basa ang jersey. Sinalubong kaagad siya ng kanyag girlfriend at pinunasan ang noo. Uminom siya ng tubig at nakikipag-usap sa ka teammates niya samantalang ang kanyang girlfriend ay pinagsisilbihan siya.

“Parang naging nanay naman ang girlfriend…” ani Marjorie.

“Ganyan talaga, Marj. Kapag naging girlfriend, aalagaan mo naman talaga ang boyfriend mo, ‘di ba?”

Well, hindi ako makapag komento. Hindi pa naman ako nakakaranas na maging girlfriend. Wala rin ‘yan sa bokabularyo ko. Hindi ko kasi alam kung paano maniwala sa mga sasabihin ng isang lalaki. I find it stupid to believe them. The letters on my locker were ridiculous. Sulat pa nga iyon, paano na lang kung harap harapan, ‘di ba?

“Sa bagay, kailangan ni Leon ‘yan. Hindi na ba talaga bumalik ang mommy niya?” tanong ni Marjorie.

Umiling lamang si Juliet.

Simula nang nalaman daw ng mommy ni Leon ang kagaguhan ni Governor ay hindi na naging maganda ang relasyon ng mag-asawa. Governor cheated on Leon’s mom. Habang nasa Maynila ang pamilya ay may ginawang kabulastugan pala si Gov dito sa Alegria. But that was a long time ago. In fact, matanda pa nga ng ilang taon ang anak ni Gov sa ibang babae kay Leon at Nicholas. That means he had been cheating on his wife for a long time now.

True love seems surreal. Sa panahon ngayon, hanggang libro na lang ang tunay na pag-ibig. It’s just so hard to believe it now. Lalo na’t kahit mag-asawa ay natitibag ng temptasyon.

Nasa tao iyan, pero tingin ko’y kulang na sa tiwala at pag-ibig ang mga tao ngayon. Na kaya nilang talikuran ang pamilya para sa tawag ng laman.

Iniwan ng mommy ni Leon ang pamilya. That’s one of the reasons why they stayed here in Alegria. Para matutukan sila ni Gov dahil kung mananatili sila sa Maynila, wala na ang mommy nila.

“Freya!” tawag ni Leon na siyang nagpagulat sa akin.

“Hmm?” Nagtaas ako ng kilay.

“Iyong usapan natin bukas, ha?”

Nilingon ako ni Juliet. Sinabi ko sa kanya ang tungkol dito kanina. Nagtitext siya noon kaya hindi niya siguro ako narinig.

“Oo…” sabi ko sabay tayo.

“Anong usapan n’yo?” tanong ni Juliet.

“Sinabi niya na kanina, Jul. Hindi mo narinig?”

“Magpapaturo siya sa Chem.”

“E, Sabado bukas, a?”

“Oo. Sa bahay, hindi sa library…”

Nag ngising-aso ulit si Juliet. She has all the right to doubt the reason. Pero iyon talaga ang sinabi ni Leon at iyon din ang gagawin ko. There’s no hidden agenda.

“Iba na ‘yan, ha?”

“Tuturuan ko lang siya. Wala sa isip ko iyang mga nasa isip mo, Juliet.”

That’s the first time he went to our house. Kilala siya ni Mama at Papa pero hindi nila alam na tinuturuan ko si Leon sa isang subject niya. Kaya naman nang kumatok si Leon sa gate namin ay gulat na gulat si Mama.

“Oh, Leon…” ani Mama.

“Si Freya po?”

“Pasok ka…”

Tinabi ko ang mga notebook sa lamesa. Buti at natapos ko na ang assignment ko bago siya dumating. At least now, I can concentrate.

“Nasa loob si Freya. May usapan kayo?” tanong ni Mama.

Natataranta siya pagpasok ni Leon. Lahat ng bagay na masamang tingnan ay pinagpupulot niya. Pinapasadahan pa ng palad niya ang mga alikabok sa kabinet.

May dalang notebook at aklat si Leon. Binaba ko ang isang throw pillow galing sa sofa para doon siya ipaupo.

“Dito ka…” sabi ko.

Tumango si Leon at ngumiti sa Mama ko.

“Frey, ‘di mo naman sinabi na may gagawin kayo! Nakakahiya tuloy ang bahay! Hindi pa ako lubusang nakapaglinis.”

“Hindi po! Ang linis nga po ng bahay n’yo…” Pinasadahan ng tingin ni Leon ang buong bahay.

Ngumisi ako. He’s really good at complimenting people. Kaya marami siyang nadadali.

“Maghahanda ako ng meryenda. Anong gusto mo, Leon?” balisa parin si Mama.

“Huwag na po! Ayos lang ako.”

“Mama, gusto ko ng banana cue…” sabi ko. “Tsaka juice.”

“Kumakain ka ba ng banana cue, Leon? Etong si Freya talaga, oo…”

“Kumakain po! Sige, iyon din ang gusto ko.”

Pinagmasdan ko si Mama na hindi malaman ang gagawin. Wala si Papa ngayon dahil nagpunta sa Maynila. May proyekto yata siya doon kaya ganoon. Naroon din ang lolo at lola ko na madalas niyang binibisita.

Nilingon ko si Leon na ngayon ay nakaupo na rin sa throw pillow.

“Freya! Umupo kayo ng maayos! Bakit sa sahig mo pinapaupo si Leon! Nakakahiya naman!” sigaw sigaw ni Mama galing sa kusina.

Umirap ako. Ano bang espesyal at bakit sa upuan talaga dapat umupo? Mas kumportableng dito umupo kapag nagsusulat sa lamesang ito, e.

Nilingon ko si Leon na panay ang tingin sa mga bagay sa bahay namin. His eyes stopped on our glass cabinet. Naroon ang mga trophy ko simula pa lang kinder. Nanalo ako bilang Little Miss Alegria. Naroon pa ang ilang pagkakapanalo ko. Kahit sa mga quizbee na plaque ay naroon din. Iyong pictures ng pagkapanalo, mga medalya, mga certificate.

Ngumisi si Leon habang tinitingnan ang mga iyon.

“Alin ba diyan ang ipapaturo mo?” tanong ko.

Nilingon niya ako. “You really love joining contests, huh?”

We are here to talk about his assignment. Not my personal life.

“Gusto ni Mama. Sumusunod lamang ako. So… ano? Are you going to count my certificates or we’ll do your assignment?”

Tiningnan niya ang kanyang notebook at nagsimula nang buklatin ang mga iyon. Ipinakita niya sa akin ang assignment na hindi niya maintindihan.

Tatlumpong minuto kong inexplain sa kanya iyon. Nakuha niya naman agad at nagsimula na siyang mag solve noon. Pinanood ko ang pagsosolve niya.

Lagapak ng bola ang narinig ko galing sa labas. Probably Joaquin.

“Mama!” sigaw ni Joaquin. “Pupunta kami ni Henry sa may plaza. Maglalaro…”

Napatingin si Leon sa kapatid ko. Nilingon niya ako at tinuro iyon. Tumango ako. Kahit hindi niya na itanong ay alam ko na ano ang ibig niyang sabihin.

Napatingin si Joaquin sa aming dalawa ni Leon. Ang awkward ng pagkakatingin niya kaya dumiretso siya sa kusina.

“Hindi mo sinabing may kapatid kang lalaki.”

“Hindi ka nagtanong.”

Hinatid ni Mama ang banana cue na hiningi ko. Sumusunod si Joaquin sa kanya, siguro ay para mapagbigyan sa gusto.

“Ay huwag na! Buti si Henry, malapit sa plaza ang bahay nila, e, malayo tayo.”

“Mama naman!” ani Joaquin.

“Joaquie, eto nga pala si Kuya Leon mo…” paliwanag ko sa kapatid kong grabe kung makatingin kay Leon.

“Mahilig kang mag basketball? Gusto mo turuan kita?” ani Leon.

“Ay huwag na. Mamaya maniko ‘tong kapatid ko!”

Natawa si Leon sa sinabi ko. Sinipat agad ako ni Mama.

“Ikaw, Freya! Ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan kay Leon!”

Seriously? I’m just telling the truth!

Dahil malakas si Leon kay Mama ay pinagbigyan niya si Joaquin. Sa isang kondisyon na kasama si Leon sa plaza. Kaya sumama rin ako dahil hindi rin naman pupunta si Leon kung hindi ako sasama.

“Ang bait ng mama mo…” ani Leon sa isang mahinahong boses pagdating namin sa plaza.

“Minsan ‘di kami nagkakasundo…”

Nilingon ko siya. Nanatili siyang nakatingin sa paglalaro ni Joaquin. Umihip ang hangin at napagtanto ko sa ekspresyon niya ang isang bagay na hindi niya sinasabi.

He probably misses his mom.

Or am I just exaggerating things?

“Ilang buwan na simula noong umalis ang Mama mo?” tanong ko bigla.

Nilingon niya ako. He pursed his lips. I can’t help but stare at them.

“Ilang taon dapat…”

Kumunot ang noo ko. “Ilang taon, kung ganoon?”

“Higit limang taon…” Nagkibit siya ng balikat.

Then he’s so young?

“Or more. I’m not sure.” Yumuko siya at sumigaw. “Joaquin, kaya na ‘yan! Shoot the ball now! Don’t pass it!”

Tumingin ako sa mga naglalaro.

“Bakit ganoon? Bagong isyu pa lang iyong lumabas na may anak si Gov sa labas, a?”

“Bagong labas pero matagal ng alam ni Mommy…” malamig na sagot ni Leon.

“Pero nagkakausap naman kayo, ‘di ba? Christmas? Birthday… or even everyday…”

Umiling siya. “Joaquin! Huwag mo nang ipasa!” sigaw niya ulit sa kapatid ko.

Nilingon ko ulit ang court.

Pumalakpak si Leon nang nai shoot ng kapatid ko ang bola. Ngumiti ako at pumalakpak na rin para sa kapatid ko.

I suddenly feel like I shouldn’t ask him that much. Masyado akong nanghihimasok sa buhay ng may buhay. Ang mabuti pa ay manahimik.

Hindi na ulit ako nagsalita. Panay ang cheer ni Leon kay Joaquin. Dinidiktahan niya ang kapatid ko kung paano.

“Tahimik ka…” bigla niyang puna.

“Nanonood ako ng game…” sagot ko.

Ngunit sa gilid ng aking mga mata ay kitang kita ko ang pananatili ng kanyang titig. Hindi ko siya nilingon.

Bahagya siyang lumapit sa akin. Kitang kita ko ang paglipad ng kamay niya sa aking likod. Hindi ko na napigilan ang paglingon sa kanya. He then kept his arm beside him. Ngumuso siya at tinagilid niya ang kanyang ulo.

“Don’t feel bad about it. It’s nothing to me…” Tumawa siya.

Umiling ako at bumaling ulit sa laro. Sa gilid ng aking mga mata ay kita ko ang pagsapo niya sa kanyang noo at ang bahagyang pag layo sa akin.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d