Kabanata 2
Fourth
Indeed, he’s true to his words.
“Mabuti na lang talaga!” ani Juliet sabay lapag sa kanyang bag.
Pumasok kami ni Marjorie sa kanyang kwarto sa mansyon ng mga Revamonte. They live here too. Ang alam ko, may bahay sariling bahay sila ngunit madalas siyang dito tumutuloy sa mansyon. Nga naman, mas malapit kasi ito sa aming paaralan.
“Magpasalamat ka kay Freya!” ani Marjorie.
“Ano bang pinag-usapan n’yo ni Leon? At milagrong hindi nagsumbong…”
Humalukipkip ako. I don’t really know what I did. Ang alam ko lang, pumayag akong pumunta sa mansyon para doon magstudy.
Kapag din sinabi ko kay Mama na dito kami mag-aaral kina Juliet ay hinahayaan niya na lang ako. Sinusundo lamang ako ni Papa kapag sinabi kong tapos na kami. Ganoon din si Marjorie sa kanyang Papa.
Tutok ako sa mga libro habang nasa library kami ng mansyon. Instrumental lang ang music habang nagbabasa kami ni Marjorie. Yes, kami lang ni Marjorie. Juliet’s on her phone again.
Sumusulyap ako tuwing tumutunog ang isang beep galing sa kanyang cellphone. Ni hindi niya iniisip na nakakaistorbo siya sa akin. Marjorie seems fine with it. But I’m really just so distracted with every beep.
“Tapos ka na ba sa homework mo?” tanong ko kay Juliet pagkatapos ng isang malapad na ngisi.
“Hindi pa, e. Pakopyahin mo na lang ako pagkatapos mo…”
Tumawa ako at umiling. “Ewan ko sa’yo. Hindi ko alam kung gusto ko ba si Jarrick o ano. I think you’re better off without him…”
“Does it matter if you like Jarrick?” isang baritonong boses ang narinig ko galing sa likod.
Hindi ko na nilingon. Alam ko agad. Si Marjorie at Juliet ay nakatingin na sa likod. Tinapunan ako ng marahas na tingin ni Marjorie. Like she’s telling me something weird because he’s here.
“Leon, pwede ba?” ani Juliet. “Leave us. If you have nothing good to say…”
“Hindi kita sinumbong tapos itataboy mo ako…”
Nilapag ni Leon ang kanyang mga notebook sa harap namin. He’s studying? Hindi ko alam na marunong itong mag-aral? Or is he going to let us answer his homeworks?
Nagkatinginan kaming dalawa. An amused grin is plastered on his face.
“Mahina ako sa Science…” aniya.
“Huwag ka nga! Mahiya ka naman! Are you asking us to do your homework?” ani Juliet.
Exactly. Bad boys like him just know what they want, and gets it… in any way.
Handa akong gawin ang assignment niya. Though, I don’t know much about a Grade 9’s Science. Is it Chemistry? But if I read books, I’d probably understand. Ibig sabihin, mababawasan ang oras ko sa pag-aaral ng sarili kong mga subject. But then I have time tomorrow morning. That’s okay.
“I saved your soul today, Juliet. Kung nakita ka ni Mang Kador kasama ang syota mo, baka grounded ka.”
Pumula ang pisngi ni Juliet. Bumaling ulit si Leon sa akin. Huminga ako ng malalim at naglahad ng kamay.
“Give me your notes…” sabi ko.
“Oy, Freya! Hindi mo kailangang gawin iyan!” maliit na boses ang sinalubong ni Juliet.
“I can help Freya, Jul. It’s okay…” ani Marjorie sa tonong may pagpapanic.
“What? No… Magpapaturo ako. Gagawin ko ang sarili kong assignment. There’s just some things I don’t understand that’s all…”
I did not see that one coming. Mangha akong nakatingala kay Leon. Umupo siya sa tabi ni Marjorie at inayos ang kanyang mga notebook.
Nagkatinginan kaming tatlo. There. That would be easier. It means I have more time to read entertainment tomorrow kapag natapos ko ang gawain ko ngayon. Magpapaturo lang naman pala siya.
Everything went smoothly. He’s a fast learner. Pero hirap na ako sa pag-iintindi ng lessons nila dahil mas mataas ang antas nito sa amin.
“Kailangan ko ba talagang imemorize ang table na ito?” tanong ni Leon.
“If you want to ace your exams without cheating, you must…” sabi ko sa kalagitnaan ng pagtuturo.
“Hmmm…”
Kumunot ang noo niya habang tinitingnan ang table at kinokopya ang kakailanganing detalye sa kanyang notebook.
“Ayos ba ‘to?” tanong niya sabay pakita ng notebook kay Marjorie.
Kinuha ni Marjorie ang notebook at inabot sa akin. Kinuha ko rin ito at tiningnan ang solution niya. Kumunot ang noo ko. Well, at least I have an idea about this. Pag dating ko ng Grade 9, hindi na masyadong mahirap.
“Ayos lang… Ipagpatuloy mo…” sabay bigay ko kay Marjorie sa notebook.
Binigay naman ni Marjorie kay Leon. Tumingin si Leon kay Marj. Pinanood ko kung paano dahan-dahang sinubukan ni Leon si Marjorie.
“Pwede bang magpalit tayo para mas madali iyong pagpapakita ko sa kanya?”
“Sure! Sure…” ani Marjorie.
Tumuwid ako sa pagkakaupo at tinaas ang isang kilay. Nagpatuloy ako sa pagbabasa habang nagpalit ng pwesto si Leon at Marjorie.
Tumikhim si Juliet. Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Her brown eyes bore into me.
Hindi ako magpapatay malisya. Alam ko ang ibig sabihin ng tingin na iyan. Diskarte?
Alas nuwebe nang umuwi ako sa bahay. Tulog kaagad ako dahil sa pagod. Iyon yata ang pinakamatagal naming study session sa mansyon. At least I finished all my homeworks.
Nakatanggap ako ng mensahe galing kay Juliet nang nakauwi na ako.
Juliet:
Thanks sa lahat. Sorry kanina. Uh, ano sa tingin mo ang ginagawa ni Leon?
Nagtipa agad ako ng sagot.
Ako:
Nagpaturo ng assignment. You’re welcome.
Sa sumunod na araw, library period nang naabutan ko ang grupo ni Leon sa likod ng building. Pupunta sana ako sa P.E. room para iabot sa aming guro ang mga worksheet kaninang umaga nang datnan ko sila doon.
Kitang-kita ko ang usok galing sa paniguradong sigarilyo. Tawanan at hagikhikan ang naririnig ko galing sa kanila. Karamihan ay lalaki ngunit may iilang babae. Kahit si Leon ay may kaakbay na babae.
Library period? Or cutting classes? I don’t know and I don’t want to know.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Narinig ko ang sinabi noong isa.
“Shit! ‘Yong crush ko!”
Hindi ako lumingon. That’s how you get the attention. Yes, he got mine but I won’t let him see that. My head turn is precious.
“Tapon mo nga ‘yan!” narinig ko ang isa.
“Baka magsumbong ‘yan!”
Perpekto ang lugar na ito para tambayan ng mga nagbubulakbol. Matalahib, tahimik, malayo sa faculty, at open space. Dito tumatambay ang naninigarilyo o di kaya’y nag iinuman.
Madalas rin dito iyong naghahalikan at higit pa. Probably that’s why Leon’s with his girlfriend here.
“Freya…” tawag ni Leon sa likod.
Lilingunin ko ba o hindi? That’s my name. But I can pretend I didn’t hear him…
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
“Suplada ‘yan. Hard to reach…” tawa noong isa.
“Freya!” sigaw ulit ni Leon.
Nahimigan ko ang paglapit ng boses niya kaya bago siya tuluyang makalapit ay nilingon ko na.
“Huh?”
Lumapit nga siya. Kasama ang babaeng ngayon ay nakatayo sa gilid niya.
“P.E. Room?” he asked.
Binigyan siya ng sigarilyo noong katabi niya. Tinanggap niya iyon ngunit pinitik at inapakan.
“Kakasindi lang noon, Leon…” anang lalaking ngumiti naman sa akin.
“Yeah…” sabi ko.
“‘Wag mong sabihin kay Juliet ha…”
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kasama niya. Nakita ko ang isang gin na nakapatong sa bato. Of course they’re drinking alcohol.
Nagkibit ako ng balikat.
“Huwag kang magsusumbong sa faculty, Freya…” sabi noong isang lalaki na tingin ko’y naging kaklase ko noong elementary.
Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad.
“Ito na po ‘yong assignment…” sabi ko sa guro.
Nakabukod kasi ang P.E. classrooms sa mismong building ng paaralan. Sa tapat ito ng gymnasium at field.
“Tapos n’yo agad? Kasisimula pa lang ng library period n’yo ah?”
“Computer period po kasi pagkatapos kanina kaya agad naming nagawa.”
“Magaling…”
Ngumiti ako at nagpaalam na sa guro. Iniba ko ang ruta ng aking pagbalik sa building. Imbes na doon dumaan sa kung nasaan sina Leon ay pinili ko ang mas malayong daan para hindi na madatnan ang mga nag cucutting. If I have known they were there, hindi na ako dumaan doon kanina.
“Freya!”
He jogged his way to me. Ni hindi ko namalayan na sumunod pala siya sa akin. Nilingon ko siya at nagpasilong sa isang puno.
“Ba’t ka dito dumadaan? Mainit. ‘Tsaka malayo dito…”
Pumatak ang pawis sa kanyang noo. Nakahubad na siya ng polo at tanging ang puting round neck t shirt na lang at ang kulay blue na slacks ang suot niya. The gold cross necklace hung on his neck.
“Ayos lang. Dadaan sana ako ng canteen para bumili ng tubig.”
Lumapit siya sa akin para magpasilong na rin. Umatras ako ng bahagya. Tiningnan niya ang distansya namin.
“I have spare mineral water on my bag…” ani Leon.
I like it cold, though. Bago ko iyon masabi ay nagdesisyon akong ibahin ang topic.
“Anong ginagawa mo dito? Asan mga kaibigan mo?” Nilingon ko ang building. “Makita ka ng teacher n’yo dito…”
“Umalis na sila. Papasok ako next period…” aniya.
Tumango ako at ngumuso. “Sige… sa short cut na lang ako…”
Tumango kaagad siya at sumunod sa paglalakad ko. Dumaan ako sa kung saan may shade ng puno. Ganoon din siya.
Umihip ang malamig na hangin. Inayos ko ang buhok ko. Kahit mainit sa Alegria, malamig parin ang hangin.
“Naipasa ko na nga pala iyong assignment.”
“Tama ba?” kuryoso kong tanong.
“Oo naman…” Tumawa siya. “Hindi ka pala sigurado doon?”
Nagkibit ako ng balikat. “Hindi, actually. It’s my first time to do that, Leon. I’m just Grade 8, you see…”
Kitang-kita ko ang paglalaro ng ngiti sa kanyang labi. Ngumiti rin ako at umiling.
“Pero mas na explain mo ng maayos kesa sa teacher.”
“Baka kasi ‘di ka nakikinig sa teacher, Leon.”
Nagsimula na siyang tumawa kaya hindi ko na dinugtungan. “Can you call me Fourth, instead?”
Nilingon ko siya. “Everyone’s calling you Leon. Do you want Fourth better?”
Sana ininform niya ang mga kaibigan niya sa gusto niya, kung ganoon. The whole school calls him Leon.
Nakatingin siya sa malayo. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ang tanging kita ko lang ay ang naglalarong ngiti sa kanyang labi.
“I want you to call me Fourth…”
Tinanaw ko rin ang kanyang tinitingnan. It is the beautiful view of the mountains of Alegria. Backdrop iyon ng aming field.
“Fourth…” sabi ko.
Ibinigay niya sa akin ang mineral water niya. Hindi na ito gaanong malamig pero tinanggap ko na lang. Besides, I’m not really thirsty. It’s just my alibi.
“Salamat. Alis na ako…” sabi ko.
“Classroom o Library?” tanong niya habang sinusuot ang bag.
“Library Period namin ngayon.”
Tumango siya. “Tamang tama dadaan ako ng library bago makapunta sa sunod na klase.”
Hinayaan ko siyang sumabay sa paglalakad sa akin. That was the first time I walked with him alone. Ang unang mga nakakita sa aming dalawang magkasama ay mga freshmen. I can see their stares. I ignored it.
Iniisip ba nilang kabit ako nitong si Leon? Dahil may girlfriend na siya?
Hindi na ako nagpaalam kay Leon nang pumasok akong library. Dumiretso ako sa loob. I find it rude kaya nilingon ko siya ng isang beses.
Huminto pala siya sa pintuan. Tumaas ang isang kilay niya. Kakaway na sana ako pero tinalikuran niya na ako at umalis.
“Freya, si Leon Revamonte iyon ‘di ba?”
Napatingin ako sa napadaang kaklase. Yeah, right. Juliet’s cousin.
Nilingon ko ang lamesang madalas naming inuupuang magkaibigan. Nakatingin si Juliet at Marjorie sa akin na parang may kung anong espesyal akong nagawa. Huminga ako ng malalim at lumapit na doon. Nilapag ko ang aking bag sa lamesa at nagsimula nang maghalungkat.
“Saan galing iyon si Leon?” tanong ni Juliet. “Bakit kayo magkasama?”
“Nadaanan ko siya sa likod…”
“Cutting?” may taranta sa tono ni Juliet.
Inangat ko ang aking mga mata sa kanya. “Oo. Huwag mo nang isumbong. Hayaan mo na…”
“Huh? E, papagalitan kami! ‘Tsaka…” nag ngising-aso siya. “Bakit kayo magkasama?”
Umirap ako. “Nadaanan ko nga. Akbay niya iyong girlfriend niyang kaklase. Kasama ibang mga lalaki. Ewan ko, kaklase o kateam sa basketball. ‘Di ako sure…”
“May girlfriend siya?” tanong ni Marjorie.
“Oo. Papalit palit ‘yan every week. Akala namin ‘di niya na madadala ang ugaling iyan dito. Mas lumala pa yata…” ani Juliet at nag ngising-aso muli sa akin.
Umiling na lamang ako at binuklat ang aklat. Come on!
“Naku, Freya. Baka pormahan ka niyan…” ani Juliet.
As if may mangyayari kung pormahan man ako ni Leon. I can be kind but I am not kind enough to be stupid.
“Ang sabi pa naman nila, kapag daw matalino, bobo sa pag-ibig…” ngumiti si Juliet.
Tiningnan kong mabuti ang aking kaibigan.
“Hindi naman ako matalino. I only study, that’s why… so don’t fret…”