Ripped – Kabanata 1

Kabanata 1

Close

That’s how we first met.

“Ah. Si Leon ba?” ani Juliet.

Sinabi ko sa kanya ang nangyari kanina. Tapos na ang salu-salo at nasa closed door meeting na ang mga kandidato. Ang ibang bisita, media, at ang ibang kaibigan ng mga tatakbo ay nasa labas lang nag aantay. Ganoon din ako. Ganoon din kami ng mga kaibigan ko.

“Ganoon naman silang magkakapatid na lalaki. Normal sa kanila ang ganoon. They’re rude and snob…”

Nilingon ko ang magkakapatid. Si Kaius na siyang pinakamatanda sa mga lalaki ay may kausap nang grupo ng mga kaibigan. Si Nicholas ay nakatutok sa kanyang iPad. Samantalang si Leon naman ay nasa veranda at nakatingin sa labas.

“Hayaan mo na sila.”

“Ang gwapo nilang magkakapatid, Juliet. Sa bagay, maganda si Ate Leandra. Ano ba ang tunay na pangalan ng Leon? Bakit Fourth ang tawag ng iba sa kanya?” tanong naman ng kaibigan kong si Marjorie.

“Pantaleon Revamonte the fourth, ‘di ba?” sabi ko.

Hindi mahirap ifigure out iyon.

Nagpatuloy ang tipon tipon. Mabuti na lang at sa kabaitan ni Ate Lea ay pinapasok niya kami sa iba’t-ibang silid ng kanilang mansyon.

Marami itong silid. Pakiramdam ko, kung mag-isa ako ay maaaring mawala ako sa loob nito.

Nagpunta kami sa isang silid na puno ng libro. Library ata iyon. May sinaunang globe pa doon. Kahit na alam kong replika lamang ay mangha parin ako. How people thought that the Earth was flat is understandable. Kung siguro’y walang nagsabi sa aking bilog ang mundo, maaaring iisipin kong talagang flat ito.

“Gusto mo ‘yan, Frey?” tanong ni Ate Lea.

Tipid akong ngumiti. “Nakakacurious lang, Ate.”

Iginiya niya rin kami sa isang silid na puno ng sculpture. Doon ko nalaman na si Kauis pala ay mahilig mag sculp. Tulad na lang ng ama ni Juliet na isa ring Revamonte. Namana niya yata sa kanyang tito.

“This is his latest work. Niship pa ito galing Maynila patungo dito…” ani Ate habang ipinapakita ang sculpture ng isang babaeng mala dyosa ang ganda.

“Pinaship, Ate? Bakit?” tanong ko.

“Dito na kasi mag-aaral ang magkapatid sa susunod na school year. Pupwede namang hindi na isama si Kaius, pero gusto niya yatang tapusin ito sa buwan na ito. Mamamalagi siya dito buong buwan kaya ganoon.”

Pagkatapos doon ay sa isang silid naman na puno ng mga salamin. Mangha talaga ako. Pakiramdam ko, iyong bahay namin ay dalawang silid lang ng mansyon nila.

We’re not rich like them. May lupain ang Lolo ko ngunit hinati ito sa mga kapatid nina Mama kaya hindi ganoon kalakihan ang mana. My papa is an engineer. Ilang taon siya sa ibang bansa, kaya kami nagkaroon ng kaonting negosyo. We’re fine. But not as fine as the Revamontes.

“Mabuti na nga rin at dito sila mag-aaral. Si Leon kasi… sa Maynila, masyadong barkadista. Halos basagulero pa ang lahat ng barkada. Kaya mabuti na rin at dito, kayo ni Freya pa lang muna ang kilala niya…”

Napatingin ako kay Ate Lea. Ang mahaba niyang buhok ay sumasayaw sa bawat kilos. Her complexion is shining bronze. Tulad ng kanyang mga kapatid na lalaki. Iyan ang kulay na gusto ko sa akin. Ayaw ko ng masyadong maputla tulad ng kulay ko ngayon.

“Naku! Don’t let us handle him, Ate…” Humalukipkip si Juliet. “We get along well. But I don’t think he can last with us. I mean, hindi namin masasabayan ang mga gusto niya. Sa circle of friends namin, walang lalaki. Puro kami babae. He’ll get bored…”

“Better bored than bad, Juliet. Kaya hayaan mo siya.”

“He will find boys, Ate. Sus… Ang dami kaya naming mga kaklaseng lalaki…” ani Marjorie.

“I bet they’re better boys than his other friends, Marj.”

Nagkibit na lang ako ng balikat. Good thing he’s not my cousin. Not my responsibility.

That was my oldest memory of it. After that, everything is a blur.

Ang alam ko lang, simula nang dumating siya lagi nang may buntot si Juliet. Grade 8 ako nang una siyang nag-aral sa Alegria National High School.

Dahil matanda siya ng higit isang taon, Grade 9 siya noong tumungtong siya doon. I really didn’t care much about the other details of how he got in. Basta ay nandyan na lang siyang bigla.

Hinilot ko ang aking sentido habang nagbabasa sa loob ng library namin. Lumilipad talaga ang utak ko kapag usapang matematika o siyensya ang topic ng aming klase.

“Frey…” kinalabit ako ni Juliet.

Para siyang maiihi sa pagkakapanic niya. Kumunot ang noo ko at tiningnan siyang mabuti mula ulo hanggang paa.

“Anong nangyari?” tanong ko.

Kinagat niya ang kanyang labi. She’s now bright red. May lagnat ba ito? Kumunot ang noo ni Marjorie sa akin. Kaharap ko naman siya. Iniwan ang pagbabasa ng Edgar Allan Poe dahil sa kaibigan naming may problema.

Sumulyap si Juliet sa kabilang table. Walang pasok ngayon dahil magkakaroon ng Culminating Activity sa Buwan ng Wika. Kaya nandito kami sa library. Kaya rin nandito ang ilang mga estudyante. At ang tinitingnan ni Juliet ngayon ay si Leon na nasa kabilang table.

Unfortunately, he’s not here to read. They’re here for sight-seeing. Umirap ako. Mabilis siyang nagkaroon ng barkada. Paano ba naman kasi, noong summer ay sumali daw ito ng mga liga kasama ang kapatid na si Nicholas. Hindi ko alam na mahilig pala ito sa basketball.

“Si Jarrick kasi nakikipagkita sa akin.”

“Tapos…” walang kabuhay-buhay kong tanong.

Ito talagang si Juliet. Pinagbabawalan na ngang magboyfriend, ginagawa parin. How hard is it to stick with the rules? It’s all simple.

“Alam mo naman, ‘di ba? Si Leon, baka magsumbong. Aalis muna ako dito. Kapag hanapin niya ako, pwede bang ikaw muna sa kanya?”

Binaba ko ang binabasang libro. Now she got my full attention. Kung hindi ko lang ito kaibigan ay tatanggihan ko na ito.

“Anong sasabihin ko?”

Dumungaw ulit siya sa cellphone at parang ‘di niya narinig ang tanong ko. Ngumisi pa siya sa nabasa niya sa screen. Mas lalong kumunot ang noo ko. Ridiculous!

“Hello? Juliet?” tanong ko.

“Sige na! Kaya mo ‘yan! Magaling ka naman!” Tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

Nanlaki ang mga mata namin ni Marjorie. Umalis kaagad ang kaibigan ko. And God! Not only that! She did it while Leon’s watching us. Ni hindi man lang nag-ingat!

Sinundan ko ng tingin si Juliet at talagang sinundo pa siya ni Jarrick sa pintuan ng library. For everyone to see! I cannot believe it!

“Saan tungo ni Juliet?” nahihimigan ko na ang tuwa sa boses ni Leon.

Tumingala ako. Nasa gilid ko na siya agad. Nakapamulsa siya. Ang kanyang mga kaibigan na basketball players din ay nagkalat sa likod.

Come on. At times like this, do we really lie? I mean. Lying is a stupid thing to do. Lalo na’t alam kong nakita niya namang umalis si Juliet kasama si Jarrick.

“May binili sa canteen, Leon…” ani Marjorie.

Tinapunan ko ng tingin si Marjorie. Her chubby cheeks flushed.

Biglang umupo si Leon sa tabi ko. Nanatili ang mga mata ko kay Marjorie habang nakatingin na ito sa akin.

“Ikaw? May masasabi ka? Saan ang pinsan ko?” Humalakhak siya. “I know you know better than that, Miss Beauty Queen.”

“Bakit nagtatanong ka pa?” tanong ko.

“So I have a witness.”

Umirap ako. Ilang beses na siyang naisumbong ni Juliet sa mga magulang nila sa mga kabulastugan niya dito sa school. Now he wants revenge. Si Juliet naman ang isusumbong niya for sure.

“Hindi ko kailangang sagutin ang tanong mo…” sabi ko sabay tayo.

Ngumiti ako kay Marjorie at sinenyas sa kanyang ang librong binabasa ko.

“I’ll just… put this back…” sabi ko at umalis na.

Sumunod si Leon sa akin. Well, at least ako nga ang bahala sa kanya gaya ng gustong mangyari ni Juliet. Dapat niya akong ilibre mamaya. Though, I’m not sure if she’s going to be happy with this. Alam kong nakita ni Leon na kasama niya si Jarrick. Wala paring takas.

Binalik ko sa book shelf ang librong kinuha ko at naghanap ulit ng bagong babasahin. Sumusunod si Leon sa akin habang ginagawa ko iyon. His scent is attacking my nose. It’s sweet and manly. How can this creature create that kind of scent is beyond me.

“So you’re a supporter of true love?” aniya.

Tinapunan ko siya ng tingin. Did he really mention that? Alam niya ba ang ibig sabihin ng true love? Or kahit love man lang?

“You’d give up peace and order for it…” aniya.

Wow. That’s deep! Nakuha niya ang atensyon ko. Though it’s ridiculous, I still find that thought amazing. Hindi ko inakalang ihahalintulad niya ang nangyari sa malalaim na salita.

“There will be peace and order if you shut your mouth…”

Humalukipkip ako.

Matangkad si Leon. Halos kasing tangkad siya ng ibang mga nasa Grade 11 at 12 na. Kung sabagay, ganoon silang magkakapatid. Hindi na kailangang kwestyunin. May tamang tangos ang kanyang ilong, ang labi niya’y mapupula at makurba, at ang mga mata ay masyadong nadedepina. Ang buhok niya naman, tulad nang una ko siyang nakita, semi shaved. That’s how he probably likes it.

“So…”

Tumingala siya. His adam’s apple protruded. Suminghap ako. Hindi ako tao kung hindi ko napupuna ang mga ito.

“Miss Freya Dominique Cuevas, if I let you choose kung alin ang mas mahalaga. Peace and order or true love, you’d choose true love?” naglaro ang ngiti sa kanyang labi.

“Peace and order…” diretso kong sinabi.

Ngumuso siya at tumango tango. “Then why did you let Juliet go with that boy?”

“Dahil hindi naman peace and order ang kapalit kung hindi ko siya hahayaan, ‘di ba?”

Tinalikuran ko siya. That’s enough play for now. I wish Juliet’s back.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng libro. Nagulat ako nang naramdaman ko parin si Leon sa likod ko.

“So you’re one of those who believe that peace and order may exist?” aniya sa mababang boses.

Hindi ko siya nilingon habang kinakausap. I’m more concerned of the books in front of me. And the unarranged Dewey Decimal System.

“So you want me to choose true love, rather?”

“Peace and order won’t exist. Hindi ba mas maganda kung hindi bale nang mag giyera basta kasama mo lang ang mahal mo? Ma protektahan mo siya?”

Tumawa ako ng bahagya. “Peace and order isn’t possible because of people who don’t believe in it… like you.”

Nilingon ko siya. Kitang kita ko ang mangha sa kanyang mukha. Nagtaas ako ng kilay.

“If you believe in it, you’d pursue it. You’ll live it. But if you don’t, walang mangyayari.”

“That’s ideal, Miss Cuevas.”

“We all wish for the ideals…” I said confidently at nilagpasan siya.

Ilang hakbang ang nagagawa ko nang nakita ko ang mesa namin ni Marjorie. Juliet is not yet back! Kung ano man ang pinag uusapan nila, it better be more interesting than what Leon and I talked about!

“Anong sabi?” tanong ni Marjorie.

“It’s useless. He saw Juliet…” sabi ko.

Natahimik agad si Marjorie. May kung sinong tinitingnan sa likod ko. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino. I know.

Hinawakan niya ang table at ramdam ko ang pagyuko niya galing sa likod.

“Sa bahay ba kayo mamaya?” tanong ni Leon.

Nagkibit ako ng balikat. “Kung hindi papagalitan si Juliet…”

“Hindi ako magsusumbong…”

Nagkatinginan kaming dalawa. I don’t know if I can trust him. Ganoon naman talaga lagi, hindi ba? Kahit wala tayong tiwala, mananalig parin tayo. Coz it’s easy to just submit. It’s easy to just believe. Than to question and prove something wrong…

“You think I’ll believe you?”

“I am every bad thing. But I’m true to my words…”

Nagtiim-bagang ako at dahan-dahang tumango. And just like that, our worlds are closer.

But what is wrong with being close? It’s the possiblity of collision. Like it or not… it is a possibility.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: