Simula
“And the winner of the Miss Intramurals is…”
Parang kasing lakas ng dagugdong ng drum ang puso ko. Sobrang laki ng ngisi ko habang tinitingnan ang crowd.
Hindi ko maipagkakaila na ako ang sinisigaw ng halos lahat ng narito. I even got the biggest banner here. I laughed.
Ang katabi kong kandidata ay mukhang constipated na sa kaba. I stood there with my head high. Whatever’s the decision, I will accept it humbly. It’s a good fight. I did well. They did well. It’s a great experience.
Hindi ito ang unang pagkakataon na sumali ako ng isang pageant. Even before this, I won the Miss Intramurals title of Alegria Elementary School. At marami pang ibang titulo sa mga pageant sa barangay.
Bata pa ako simula nang iexpose ako ni mama sa mga pageant. Nakahiligan ko na rin iyon dahil iyon na ang nakasanayan ko.
With my tall and slender body figure, hindi naging mahirap panatilihin ang pagbagay ko sa mga pageant. I’m fair but not as white as paper. Ang sabi nga ni mama, madalas nanalo sa mga pageant ay iyong may kayumangging balat. Kaya naging hilig ko ang magbilad sa araw just to perfectly bronze my skin.
“Who’s your bet, folks?” tanong ng Master of Ceremonies sa crowd.
Tumawa ako.
“The winner of Miss Intramurals is Miss Freya Dominuque Cuevas!”
Nilingon ko ang katabing kandidata at niyakap siya ng mahigpit. Binigyan siya ng sash at bouquet of roses. Ganoon din ako. Kinoronahan ako ng dating Miss Intramurals.
Hindi ako makapaniwala. Sa totoo lang, hindi ko inasahang mananalo ako kahit na marami na akong experience. This is my first time joining here. Ayaw pa nga ni Mama dahil dapat ‘tsaka na raw kapag naging junior na ako.
Pero wala siyang nagawa nang sinabi kong gusto kong sumali ngayon. I’m still a freshmen. Kaya laking gulat ko nang nanalo na kaagad ako kahit ganoon.
“Awards will be given by judges Mrs. Carolina Esquivel and Ms. Catherine Ortiz…”
Naging mabilis ang panahon sa pagkakapanalo ko. Picture dito, picture doon. It’s all glamorous. Halos ma spoil ako.
“I told you you’d win. Next year, sa akin mo ipapasa ang korona, huh?” tawa ng kaibigan kong si Juliet.
Tumawa rin ako.
Ilang minuto pa kaming nanatili sa stage para sa pictorials. Kinausap rin ako ng prinsipal at ng ilang judges.
“You deserve your win, Freya…” sabi ng Principal.
“Salamat po. Hindi ko inasahan ‘to pero tuwang-tuwa po ako…”
Nilapitan ako ng aking Mama at Papa. Alam kong kukunin na nila ako dahil may meeting pang sasalihan si Mama mamaya. Hindi kami pwedeng magtagal dito.
“I’m so proud of you, anak. Ang galing mo sa question and answer portion! You amazed the judges. You really won the title. Ang alam ko, ilang freshmen pa lang ang nanalo ng titulong ito!” ani Mama.
Tumawa ako. “Buti na lang sumali ako, Ma… Ayaw mo pa akong isali, e.”
“You know I’ll be very busy this year. Hindi kita natutukan pero nagawa mo parin! I am so proud of you!” ani Mama.
“Kapag talaga kasali si Freya sa isang pageant, hindi pwedeng hindi siya ang manalo!” tawa ng isa sa mga teachers.
Ilang pageant na rin ang nasalihan ko. Lahat ay naipanalo ko. Kahit sa unang pageant ay naipanalo ko parin!
Ilang sandali pang pictorials kasama ang pamilya at mga kaibigan ko bago kami nagpasyang umalis. Dala-dala na ng kapatid ko ang mga gamit ko habang naglalakad kami palayo sa auditorium.
“Frey, magkita na lang tayo mamaya, ha?”
Ngumiwi ako kay Juliet.
“Walang pagod-pagod! Alam ko rin namang pupunta ka, e.” Ngumisi siya.
Tumango ako at kumaway na sa kanila.
Pumasok na kami sa pick up. Nilapag ng kapatid ko ang gamit sa likod.
“Joaquie, huwag mong ilagay diyan sa likod! Dito sa loob mo ilagay!” utos ko sabay turo sa loob ng pick up.
Nagkamot ng ulo ang kapatid ko at tamad na inilipat ang mga gamit doon. Pumasok na rin ako sa loob.
Humikab ako. Nakakapagod ang pageant. Mabuti na lang at naipanalo ko, at least hindi sayang ang pagod.
Ayaw ko na sanang sumama pa kina Mama at Papa sa meeting nila doon sa mansyon ng mga Revamonte ngunit alam kong mahalaga ito kay Mama. Tatakbo kasi siya bilang Punong Barangay sa amin sa nalalapit na eleksyon at kapartido niya si Pantaleon Revamonte III na tatakbong gobernador.
“May alam ba iyang anak ni Don Pantaleon sa buong lalawigan? Tingin ko ay wala. Iyan ang hirap kapag laking syudad…” ani papa nang lumipad ang kanilang usapan sa politika.
“Kaya ‘yan. Magaling na pinuno si Don Pantaleon. Malamang pati ang anak niya ay magaling…” giit ni mama.
“Paano iyong isyu sa kanya, mama? Iyong may anak siya sa ibang babae?” nakisali ako.
Nadedehado kasi ang partido nina Mama dahil sa mga isyung kaharap ng tumatakbong gobernador.
“Hindi iyan. Kung si Don Pantaleon ang mangangampanya para sa kanya, sigurado na ang panalo.”
Humikab ulit ako.
Nang nakarating na kami sa bahay ay busy agad ang lahat. Maging ang aming kasambahay ay hindi na magkanda ugaga sa mga utos ni Mama. Naligo ulit ako at nagbihis para lamang sa okasyong magaganap ngayon.
Tamad na lumabas si Joaquin, ang aking nakababatang kapatid sa kwarto. Dumiretso siya sa computer at nagsimula nang maglaro.
Nilingon ko si Mama at Papa na parehong nagbibihis ng pormal para sa okasyon.
“Freya… halika rito!” tawag ni Mama.
Tumayo ako at lumapit sa kanya. Sa malaking salamin namin sa sala niya ako sinuklayan ng buhok. Na blowdry at unat ko na ‘to sa kwarto ngunit mukhang hindi pa iyon sapat kay Mama.
Tanaw ko ang aking sarili sa harap ng salamin. Dahan-dahang sinusuklay ni Mama ang aking buhok. Ngumiti si Mama sa akin.
“Buong pamilya na ni Gov ang umuwi galing Manila patungo dito,” ani Mama.
“Talaga?” kumunot ang noo ko.
Suminghap si Mama. “Oo. May problema kasi sila kaya ganoon. Frey… may halos ka edad ka sa mga kapatid ng Ate Lea mo.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Talaga? Kung ganoon, ba’t ‘di sinabi ni Juliet sa akin? Pwede namin siyang maging kaibigan! Mag-aaral ba siya sa Alegria, Ma?” excited kong sinabi.
Tumango si Mama at tumawa. “Baka hindi sinabi dahil lalaki ang halos ka edad mo, Frey. Hindi babae tulad ng Ate Lea mo…”
Naupos ang sigla ko. I’m not really close with boys. Si Joaquin lang ang close ko sa mga lalaki. Papaano ba naman kasi, I really dislike the way they treat girls. I’m not generalizing, though. I just hate it when they play around. Play around thinking we girls could like them kahit na ang totoo ay halos disgusting na.
Or is it just me?
Ang ibang boys kasi sa school, kapag nakakausap ko na ay biglang yumayabang. Kaya ang ginagawa ko ay dumidistansya ako sa kanila. It’s probably true. That men are from Mars and girls are from Venus.
“O… E ‘di dapat si Joaquin ang gawing close, ‘di ba?” tanong ko.
“I told Joaquin, too. Sinasabi ko lang sa’yo ‘to dahil baka mas magkasundo kayo noong anak niya dahil mas malapit ang edad n’yo.”
Ngumiwi ako. I guess, I have no choice then?
Kasama ang pamilya ko ay nagpunta na kami sa mga Mansion ng Revamonte. Like all the other mansions here in Alegria, their mansion is ancient. Concrete but the sculpture of men and women as the mansion’s foundation made it look medieval.
Ilang beses na akong nagpunta dito ngunit hanggang ngayon namamangha parin ako.
Pagkapasok namin sa bahay ay agad na umalis si Joaquin sa aking tabi. Sumama siya kay Peter na siyang madals nitong kalaro. Nakita ko si Juliet kasama ang kanyang Mommy at Daddy. Nagngitian lamang kaming dalawa. Naroon din si Marjorie, ang isa ko pang kaibigan. Ngumiti lamang ako. I can’t be with them just yet. Habang ‘di pa ako sinasabihan na pwede nang gumala.
Sa hapag ay naroon ang malalaking tao ng Alegria. Naririnig ko pa ang pang eencourage nila kay Papa na tumakbo rin sa mas mataas na posisyon kesa sa Mama ko pero lagi niya itong tinatanggihan.
“Engineer, sayang naman. Isa kang magaling na public servant. I like what you did noong huling bagyo… It was so helpful.”
“I did that for my wife. Syempre, abala na siya sa marami pang bagay. ‘Tsaka kagustuhan ko ring tumulong…” ani Papa.
Nang dumating ang kandidatong gobernador kasama ang kanyang mga anak ay naestatwa na ako sa kinatatayuan ko.
“Ladies and gents, finally… Heto na ang mga apo ko…” sabay tawa ni Don Pantaleon II.
Hinawi niya ang mahabang buhok na nakapatong sa kanyang balikat at nilahad ang kamay sa mga dumating.
There stood Ate Leandra Revamonte with her siblings. May tatlong lalaking kapatid pala siya.
“Kulang yata ng isa, Don Pantaleon?” sabay tawa ng isa sa mga panauhin.
Tumawa rin si Don Pantaleon. “Hindi na natin iyon isasali. Hindi ba, Third?”
Umigting ang panga ni Pantaleon Revamonte III sa sinabi ng kanyang amang Don. May anak kasi siya sa labas. Iyon ang isyung hinaharap niya ngayon. Tinatawanan lang ng lahat.
Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong lalaking anak. The first one looked so formal. Tinatanguan niya ang mga taong bumabati. The second one was just too happy. Laging nakangiti at mukhang hindi mapagkakatiwalaan.
Pumirmi ang mga mata ko sa huling lalaki. He looked morbid. Parang laging seryoso at laging mukhang naghahanap ng away. Tuwing tumitingin sa ibang tao ay parang may sarkastikong ngiti kang makikita sa kanyang mga mata. I can’t decide if he’s mean or just like that.
“These are my legitimate grand children. I’m sure all of you knows Lea Revamonte…”
Ngumiti si Ate Leandra.
“This is Kaius Revamonte,” turo ni Don Pantaleon sa unang lalaki sa tabi ni Ate Lea. “This is Nicholas Revamonte…” Turo niya sa sunod. “And… Pantaeleon Revamonte the fourth…” lahad niya sa huli.
Bahagya akong tinulak ni Mama. Halos matalisod ako sa gulat. Nilingon ko si Mama at nakangiti na siya kay Don Pantaleon.
“Hindi ba ay halos magka edad lang itong si Leon at ang anak kong si Freya, Don?”
Mabilis kong tiningnan ang nakababatang apo. His eyes are now directed at me. Bahagya akong kinapos sa hangin.
The way he gazes made me tremble. Hindi ko alam kung bakit. His lashes are long. Mas lalo lang nitong nadepina ang kanyang mga mata. His semi shaved head made him look more badass.
“Oo. Leon, meet Freya Cuevas. She’s a Grade Seven student at Alegria National High School. Baka maging magkaklase kayo nito.”
I regained my composure. Tumuwid ako sa pagkakatayo at naglahad ng kamay sa pinakabatang Revamonte.
“Freya Dominique Cuevas… You are… Leon?” nagtaas ako ng isang kilay.
His lazy eyes looked at me from head to foot. Tinikom ko ang bibig ko. This is why I hate boys. Pero kailangan kong pakisamahan ang isang ito.
“Ganito pala talaga ang probinsyana. I thought it’s just a stereotype,” iyon ang unang lumabas sa kanyang bibig.
Nanlaki ang mga mata ko. Tumawa si Don Pantaleon at dinirekta ang atensyon sa mga kadarating lang na bisita. Maging si Mama ay binalewala ang remark ni Leon. Nanatili ang mga kamay ko sa harap ni Leon.
What? What did he just say?
Nakafloral dress ako. It’s hugging my body. I don’t know what he’s talking about and why he told me that!
“Leon!” malamig na saway ni Ate Lea sa kanyang kapatid.
Tamad na tatanggapin sana ni Leon ang aking kamay pero agad kong binawi iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at nagtaas ng kilay.
“The stereotype I have for city boys isn’t like this…” Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “They were better on TV.”
Ngumisi ako at nilipat ang mga mata sa sunod na Revamonte. Akala mo, ha?