Ripped – Kabanata 5

Kabanata 5

Thank You

Nagmamadali akong magbihis. Wala sa sarili kong pinunasan ng marahas ang buhok ko gamit ang tuwalya.

“Shit talaga! Grabe! Bigla na lang sumugod si Leon! Napano ka ba, Freya?” tanong ni Juliet sa akin.

“Nakita mo ba ang mukha noong lalaki, Jul? Wasak! Hindi ba mapapagalitan si Leon? Ang dinig ko may pupuntang pulis! Sinong tumawag?” si Marjorie naman ngayon.

Hindi ako nakapagsalita. Hinayaan ko silang mag-usap. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng buhok. Sa malayo ay kita namin ang cottage kung nasaan ang mga barkada ni Leon.

Papalubog na ang araw. Kinse minutos na lang at alas sais na. Tahimik na nag-usap usap sina Leon sa cottage. Mahinahon na sila ngunit nakatingin parin ang kanilang grupo sa kabila.

“Ewan ko. Tingin ko ay sa kabilang grupo… Sa takot siguro!”

“Paano ‘yan? Makukulong si Leon?” tanong ni Marjorie.

“Hindi. Minor pa. ‘Tsaka hahayaan ba iyon ni Tito? Lalo na ni Lolo!”

“Naku! Anong gagawin natin dito?” ani Marjorie sa nag-aalalang tono.

“Freya… Huy…”

Hinila ni Juliet ang braso ko. Hinarap ko siyang mabuti at nagsimula akong magsuklay sa basa kong buhok.

“Ano? Kanina ka pa hindi nagsasalita, a? Ayos ka lang?”

Tumango ako. “I’m fine…”

Nanatili ang mga mata ni Juliet sa akin. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Kung bakit wala akong mahanap na salita. Walang pumapasok sa aking utak.

I am shocked. Until now. The way Leon punched the other guy made me tremble. The way his skin turned so red because he was so mad touched something in me. Hindi ko alam kung natatakot ba ako, sobrang nagulat, o ano. Basta wala akong masabi.

“Ano bang ginawa noong lalaki sa’yo? Nag-uusap lang kami noong isa at paglingon ko sinuntok na iyon ni Leon.”

“I…”

Binalikan ko ulit ang pangyayari. Hinawakan ako noong lalaki sa braso noong sinubukan kong kumawala. Makakawala na sana ako at sinuntok siya ni Leon. That’s how it started. I did not even saw Leon coming. Bigla na lang siyang sumulpot.

“Aalis sana ako para puntahan si Marjorie. Humarang iyong lalaki tapos bago ako makawala, sinuntok na siya ni Leon.”

“Papagalitan kami nito! Hindi ko alam kung tatawagan ko ba si Mommy o ‘di kaya si Tito. Tingin mo, Freya? Anong gagawin ko?”

Para akong natanong sa isang oral recitation ng ‘di nakapag-aral. My logic did not work fast. Nanatili ang mga mata ko kay Juliet hanggang sa narinig ko ang bulung-bulong ni Marjorie.

“Andyan na ang mga police!”

Sabay kaming lumingon ni Marjorie. Indeed, the policemen in uniform came to Leon. Nasa tatlong police ang pumunta. Isang nanatili sa kabilang grupo at dalawa ang dumiretso doon.

“Ano, Freya?” tanong ni Juliet.

Hindi na ako nag-isip. I don’t need much logic for this. Common sense would do.

“Huwag muna. Let Leon deal with this. Kapag lumala, ‘tsaka ka na tumawag. Isa pa, I don’t think Leon will keep this a secret. Hindi ito magiging sekreto, Juliet…”

Kinagat ni Juliet ang kanyang labi at sabay naming nilingon sina Leon na ngayon ay kinakausap parin ng mga awtoridad.

Hindi kami lumapit. Hindi rin ako nag suggest na lumapit. I am content that we are watching them talk. I don’t think Leon would deny it. The way he told the owner of Alps that he’d face the authority, I don’t think he’ll sugarcoat anything.

Trenta minutos ang tinagal ng pag-uusap. Naunang umalis ang nasuntok ni Leon para magpagamot sa ospital. Ngunit bago pa ito nakaalis ay pinalapit ng police si Leon sa kanila. Nagkausap sila. Hindi ko nga lang alam kung anong nilalaman ng pag-uusap pero saglit lang iyon.

Lumapit kami sa cottage nang paalis na ang mga police. Nanlamig ang aking tiyan. Lalo na nang nakitang lumapit na rin si Leon sa cottage. Nilingon ko si Juliet na ngayon ay nakatingin sa kanyang pinsan.

“Anong nangyari, Leon? Malalaman ‘to ni Tito, for sure! Papagalitan tayo! Nicholas!” ani Juliet.

“Alam na ni Dad, Juliet. Pinapauwi na kayo. Doon na kayo magdinner sa bahay.”

“Doon naman talaga kami magdi-dinner,” ani Juliet.

Nanatili ang mga mata ko kay Juliet. Sa gilid ay alam kong nakatingin na si Leon sa akin. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang nasa loob ng aking bag.

“Tapos? Hindi ba nagalit? Paano iyong lalaki, Leon? Magsasampa ba ng kaso? Blotter!?”

“Hindi na. Nakausap ko ang mga police.”

“Bakit mo kasi biglaang sinugod?” ani Juliet.

“Sige na! Tara na! Umalis na tayo! Gutom na ako…” ani Leon.

Tumango ang mga kaibigan niya. Tumayo ang mga ito at isa-isang kinuha ang kanilang mga gamit. Hinawakan kong mabuti ang bag ko at tiningnan si Marjorie. She’s also just observing what’s happening.

Sumunod si Juliet sa kanyang mga pinsan. ‘Tsaka lang ko lumingon nang nakitang umalis na sila.

“Should we stay with them, Frey?” nahihimigan ko ang takot sa boses ni Marjorie.

“I think so. Magtatampo si Juliet pag umuwi tayo. Isa pa, tingin ko’y ayos na rin naman…”

Sumunod kami sa kanila. Nasa hulihan ang ibang mga lalaking kaibigan ni Leon. Hindi ko alam kung bakit wala parin akong masabi kahit na kung anu-ano nang tanong ni Marjorie.

“Hindi kaya pagdating natin ng mansyon ay pagalitan si Leon? E di ang awkward…”

Hindi ako sumagot. Pagkalabas ay nakita ko agad ang ilang tricycle na naroon, naghihintay ng pasahero. Pwede namang mag tricycle na lang kami ni Marjorie para umuwi pero pinagbuksan ni Leon ang pintuan ng pick up. Ang kanyang mga kasama ay sumakay sa pick up ng tropa ni Leon na kilalang basketball player sa school.

Unang pumasok si Juliet. Si Nicholas naman ay nasa kabilang sasakyan na nakaparking sa malayo.

Una kong pinapasok si Marjorie dahil alam kong nagdadalawang-isip siya. Sa gilid ay alam kong ‘di pa pumapasok si Leon sa front seat. Hindi ko na siya nilingon pagkapasok ko. It’s still fresh to me. The way he punched the other guy. It was… terrifying… intense. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Sinarado ko ang pintuan. Boses agad ni Juliet ang umalingawngaw.

“Baka badtrip si Tito! Pagalitan tayo sa harap pa ng mga kaibigan mo…” ani Juliet.

“Chill, Juliet…” ani Leon.

“Bakit ba kasi? Ayos na iyong nilayo mo siya kay Freya. You don’t have to pound on his face till he’s unconscious. Pwede siyang mawalan ng malay sa ginawa mo o mamatay, Leon…”

Likod lamang ni Leon ang nakikita ko. Matapang ko siyang tinitigan dahil hindi naman kami kaharap.

“That’s what he gets…” simpleng sinabi ni Leon.

Nagkatinginan kami ni Juliet.

“That’s what he gets? Kung wala kami doon. Kung ‘di ka napigilan? E di baka napatay mo ‘yon!”

Hindi na nagsalita si Leon. Si Juliet lamang ang talak nang talak hanggang sa nakarating kami sa mansion. Then I saw familiar medieval feels of their house… Lumabas agad si Leon sa pick up. Lumabas rin si Juliet. Lalabas na sana ako nang naunahan ako sa pagbukas ni Leon sa pintuan sa side ko.

Lumagpas siya. Hindi niya ako hinintay’ng makalabas. Mabuti naman. I really don’t know what to say to him.

Pero ngayong medyo dumistansya na sa panahon ay napagtanto kong kailangan kong magpasalamat o ‘di kaya ay magsorry. Hindi ako sigurado sa dalawa.

“What happened, Nicholas?” boses ni Governor ang sumalubong.

Nakita kong nasa hagdanan siya at naghihintay sa amin.

“Dad…” nagmano si Nicholas. Ganoon din si Leon sa kanyang ama. “Just like what I told you…”

Nakarating na rin ang pick up na sinakyan ng tropa ni Leon. Lumabas agad sila at tumingin sa hagdanan kung saan nag uusap ang mag-ama.

“Hindi ba sinabi ko naman sa’yo, Leon! Control your temper! Kung hindi nakipag areglo sa’yo, anong mangyayari? At magpasalamat ka’t menor de edad ka!”

Lumapit si Juliet at nagmano na rin kay Governor. Lumapit ng bahagya si Marjorie. Ganoon din ako. Nilingon ni Leon ang pick-up ng kanyang tropa pagkatapos ay kami. Bumaling agad ako kay Gov.

Kumunot ang noo ni Governor Pantaleon Revamonte III. Kahit na paniguradong ‘di pa katandaan ay nagpapakita na ang wrinkles sa kanyang noo. Maybe because of his family problems plus the politics.

“Yes, dad…”

“Sana ay hindi na maulit pa ito!”

Tumingin si Governor sa amin. Ngumiti siya at umakyat paatras ng isang palapag.

“Pasensya na kayo. Hindi ko mapigilan ang pagpapangaral kay Leon. Pasok kayo sa loob. Naghanda kami ng mga pagkain…”

Ngumisi si Leon sa kanyang mga kaibigan at sinenyasan niyang pumasok na. Lumapit ang girlfriend niya sa kanya. Hinawakan ni Leon ang likod nito at pinauna na sa pagpasok.

Nagtulakan pa kami ni Marjorie kung sinong mauuna. In the end, I took the first step. Nanatili si Leon sa hagdanan, parang hinihintay kami.

Diretso ang tingin ko sa loob. Mabuti na lang at naghintay rin si Juliet. Hindi masyadong awkward.

“Gutom na kayo?” tanong ni Leon, nakatingin sa akin.

“Obviously! Kung hindi ka sana nag eskandalo ay kanina pa tayo nakakain!” sagot ni Juliet.

Hindi na ako sumagot. Juliet said it anyway.

Sumunod lamang si Leon sa amin. Pumasok agad ako sa mansyon. Pinadiretso kami sa dining are kung nasaan ang isang mahabang dining table.

Parang fiesta ang handa. May lechon! Umupo na agad ako sa tinurong upuan ni Juliet.

Maingay ang mga kaibigan ni Leon sa hapag. Parang excited ang mga ito sa pagkain. Lumapit si Leon sa kanyang girlfriend at doon umupo sa tabi nito. Kitang-kita ko na medyo hindi maganda ang ekspresyon ng kanyang girlfriend. She looks concerned for Leon. Nagkausap ang dalawa. Inalis ko ang tingin ko doon at ibinaling sa pagkain.

“Gutom na gutom ako…” sabi ni Marjorie nang nagsimula nang kumain.

“Oh, dahan dahan, Marj…” Tumawa pa si Juliet.

Madalas kasi nitong inaasar si Marjorie sa double chin nito. Tumawa lang din si Marjorie. Tipid akong ngumiti at kumain na rin.

“Tahimik mo, ha!” ani Juliet. “Ano? Shocked ka? First time mo ba ‘yong makitang makipag suntukan si Leon?”

Come to think of it. Matagal ko nang kilala si Leon. Marami na akong naririnig sa kanyang pakikipag basag ulo pero iyon ang unang pagkakataong nakita ko mismo ng harap harapan iyon.

“Ganoon ba talaga siya, Juliet? I mean… Everytime he fights with other boys?”

“That was the worst… As far as I know. I mean… Did you see the other boy’s face?” ani Juliet at sinubo kaagad ang pagkain.

Tiningnan ko ang aking pinggan. Nag-angat din ako ng tingin kay Leon na ngayon ay tahimik at parang walang ganang kumain. Taliwas sa mga kaibigan niyang nagtatawanan habang maligayang kumakain.

Nang napansin ko ang ambang pagtingin niya sa akin ay agad akong uminom ng tubig at dinirekta ang tingin sa ibang bagay.

Nang nag-alas otso ay tinupad nga ni Leon ang kasunduan nila ni Papa. Kasama si Marjorie ay hinatid kami ni Juliet sa pick up. Si Leon ulit ang nasa front seat at si Mang Kador ang mag dadrive para sa amin.

“Salamat ha? Susunduin ako nina Mommy pero mamaya pang alas diyes! Ingat kayo, Freya, Marj!”

“Salamat din, Juliet!” sabi ko sabay kaway.

Nang nakalayo kami ay mas lalo lang nadepina ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

“Galit si Gov, Leon?” tanong ni Mang Kador sa nasa front seat.

“Hindi naman. Pinalampas…”

“Buti ‘di mo nasobrahan ‘yon? Ano bang nangyari? Baka sumugod sa opisina ni Gov ang mga magulang noon? Paano sa paaralan?”

“Nakipag areglo naman. Iyon naman ang may kasalanan, e. Alam niyang may kasalanan siya kaya nakipag areglo.”

Nagkatinginan kami ni Marjorie.

“Antok na ako…” bulong ni Marjorie sa akin.

Tumango lang ako. I should make as little sound as possible.

“Dito ba ang inyo, Marjorie?” tanong ni Leon nang palapit na kami sa bahay nina Marjorie…

“Ah, e, oo, Leon. Diyan lang sa may maraming halaman…”

Sumunod si Mang Kador sa sinabi ni Marjorie at tinigil ang sasakyan sa harap ng bahay nila. Nagpaalam na si Marjorie sa akin. Kinawayan ko siya.

Then I realized that I’ll be alone on the back seat! Tumuwid ako sa pagkakaupo. I hope Mang Kador continues talking about whatever. Pero simula nang umandar ang sasakyan galing kina Marjorie ay wala na siyang sinabi.

“Tahimik mo, ah?” ani Leon nang ‘di ako tinitingnan.

I am sure he’s talking to me. I just did not want to let him know that I know I’ve been too silent for the past hours.

Nilingon niya ako. Nagtaas ako ng kilay.

“Huh?”

“Why are you so silent?” maagap niyang tanong.

“Ano bang sasabihin ko?”

Bumaling ulit siya sa kalsada. His face before he looked away was unreadable. Nanatili ang mga mata ko sa kanyang likod.

“Anong sinabi noong lalaki sa’yo?” tanong niya.

“He just wants to talk to me. That’s all.”

“Bakit parang hinihila ka niya, kung ganoon? He forced you?” Hindi parin siya makatingin.

“I told him we’ll talk later. Kaya sinubukan kong umalis. Ganoon.”

Bumaling siya sa akin. Nakakunot na ang kanyang noo.

“Bakit ‘di mo tinanggihan?”

“He’d only get pissed. I’d rather-“

“Hindi mo tinanggihan because you don’t want him to get pissed, Freya? Really?”

My Values Education subject taught me that rejecting him will save me. But in truth, delaying the rejection, in real life, saves you. Real talk.

“I want to delay his reaction, that’s all. Kung tinanggihan ko siya agad, Leon, e di magagalit siya at mas lalo akong pipilitin. If I give him assurance, he’ll give me time. And then I use that time to escape. That’s my idea…”

Tumawa si Leon. Sarkastiko iyon. Hindi ako makangiti.

“You don’t need to give him assurance for your time. I’m there. I was watching you… You should have thought about that.”

“Wow!” Nanlaki ang mga mata ko. “At that moment, you think I can still think about that? And you were busy… What if wala ka, ‘di ba? I did what I can because I don’t really think anyone can save me. I need to save myself.” Tumawa ako ng bahagya. “Besides, it’s not life threatening. I can handle that…”

“Nabastos ka ba?” tanong niya sa isang marahas na tono.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita. Napakurap kurap ako. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Tumigil ang sasakyan sa aming bahay. Imbes na makipagtitigan kay Leon ay tumingin ako sa aming bahay. Hindi siguro alam ni Mama at Papa na may nangyari kanina.

“Tama lang ‘yon sa kanya,” mariing sinabi ni Leon.

Kinalas niya ang kanyang seatbelts. Hindi ako nakapagsalita. The image of him punching the other guy came back to me.

Lumabas si Leon at pinagbuksan ako. Kinuha ko ang bag ko at lumabas na rin.

“Akin na. Ihahatid kita sa loob. Sasabihin ko sa Mama mo ang nangyari…” sabay kuha niya sa aking bag.

“Huwag na.” Iniwas ko ang bag at lumayo kaagad sa kanya.

Sa gilid ng aking mga mata ay kitang-kita ko ang pagkakatigil niya sa tabi ng pintuan ng sasakyan. Bakas sa kanyang mukha ang gulat dahil sa biglaang pag-iwas ko.

Inayos ko ang bag sa aking balikat.

“Kaya ko.”

At tinalikuran ko siya.

“Thank you kanina…”

‘Tsaka ako naglakad palapit sa aming gate.

Sumunod siya sa akin. And like what he said. He explained what happened to my parents. Hindi kuntento ang parents ko sa kanya kaya tinanong parin nila ako pagkatapos.

“Sino ba iyong estudyanteng iyon?” tanong ni Papa nang wala na si Leon.

“Oo nga at masumbong natin-“

“If you do that, mauungkat lamang. Mauungkat din na pinagsusuntok siya ni Leon. Mas lalala ito, Mama…” sabi ko.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: