A4.Ara Ysabel Cruz, bully?
Hindi na talaga nahiya ang kumag sa mga pambobola niya! Alam na alam na ng lahat ng babaeng bolero at playboy siya pero ang kapal pa rin ng mukha para mambola pa ng tuloy-tuloy.
“Uh, t-team mates. O-Okay, I’ll take over.”
Naka assemble kami sa court. Isang straight line kami ng teammates ko habang hinihintay ang team captain na si Chloe.
“Wala pa si Chloe, uh, may problema yata kaya ako na muna…” Sabi ng assistant team captain.
Asan naman kaya yun si Chloe? Huli ko siyang nakita nung papunta kami ni Brent sa clinic eh. Kausap siya nina Ara. Narinig ko pa nga ang pangalan ko na pinag-uusapan nila.
“C-Chloe?”
Nabunutan ako ng tinik nang biglang tumambad ang team captain namin sa harapan.
“Anong nangyari sa-“
“Shut up, okay?” Pinandilatan niya ang assistant team captain.
Nakanganga kaming lahat habang tinitingnan siya sa harapan. Basang basa siya at para siyang pinaliguan sa putikan. Anong nangyari sa kanya?
Tinitigan niya ako. Ang mga teammates ko, halatang takot na rin kahit ako lang naman dito ang mukhang malalagot maya maya.
“Dismissed!”
Sabay-sabay napabuntong hininga ang team at agad nagsipuntahan sa locker room.
Nakapagtataka. Umasa kasi akong ibibitay niya ako ng patiwarik at papatayin sa pamamagitan ng pagbabato. Bakit walang ganung eksena?
Hindi sa hindi ako masaya dahil hindi niya yun ginawa. Masaya ako! Syempre, sino bang nasa tamang pag iisip na malulungkot dahil hindi siya binitay? Kaya lang… ay ewan ko! Tama na nga yan, Maxine! Dapat kasi inuuna mong magbihis na sa locker eh. Tapos maghanda ka ng kung anong peace offering para dun sa crush mong nabali ang ilong dahil sa spike mo!
“Maxine!” Tinawag ako ni Chloe.
“Uh,” Hinarap ko siya.
Sabi ko na nga ba! Sana pala umalis na ako diretso kanina at pumunta na ng locker room!
“Palalagpasin ko ‘to ngayon, huh!” Tumingin siya sa paligid.
Nakita ko sa bandang kanan ang grupo nina Ara. Sa kaliwa naman ay ang tatlong kaibigan ni Chloe na nakikita kong kasakasama niya tuwing breaktime.
“Sa oras na malaman kong didikitdikit ka kay Chad, malalagot ka na talaga!”
“Pero hindi naman ako dumidikit-“
“At di ka rin pwedeng dumikit kay Brent!”
Umalis siya agad sa harapan ko. Ni hindi man lang ako nakapag salita para sa sarili ko.
Nakapagtataka, hindi naman ako dumidikit sa kanila ah? Napabuntong hininga na lang ako habang binubuksan ang locker ko. Siguro ganun lang talaga kung titingnan mo sa perspektibo ng ibang tao.
“Oh hayan! HAHAHA!”
May narinig akong ingay sa kabilang echelon ng locker room. Dinig ko ang mga hinulog na libro galing kung saan at ang tawanan ng isang malaking grupo ng mga babae.
Lumapit ako at nakita ko sina Ara at ang kanyang mga kikay friends dun sa crime scene.
Sinipa nung isa ang mga librong nakalatag sa sahig. Dalawang babae ang nakita kong walang magawa na nakasandal lang sa locker at mukhang takot na takot sa nangyari.
“Sa susunod kasi, kilalanin niyo kung sinong kinakalaban niyo! Akala niyo ba di ko alam na kayo ang nag vavandal ng ‘I hate you Ara’ sa mga corridors?” Sabi ni Ara. “This is your first warning!”
Kinuha naman nung matangkad ang bag nung isang babae at tinapon ang mga libro sa loob.
“Kung ayaw niyong matulad sa Chloe de Silva na yun, wag niyo akong babanggain! Gusto niyo yatang maligo sa putik?” Ngumiti si Ara nang nakita niyang takot na takot ang dalawa. “Oh well, since hindi naman ganun ka lala ang nagawa niyo, hindi muna putik ang ipaliligo ko sa inyo! Lia, ang timba?”
Nagdala ang isa sa kanila ng isang timba ng tubig. Binigay ni Lia ang timba kay Ara pero tiningnan lang siya ni Ara ng nakataas ang kilay.
“What? I can’t carry that! Ikaw ang bumuhos sa kanila! Hello!”
“Tama na!” Bigla akong nagpakita sa pagtatago ko.
“Maxine!” Ngumiti si Ara sa akin.
Taliwas iyon sa inaasahan ko. Akala ko mabibigla siya at mag aalala sa sasabihin ko tungkol sa kanya. Akala ko natatakot siyang isipin kong masama yung ginagawa niya. Pero hindi eh. Mali ako, kasi nandoon lang siya, nakangiti, kasama ang buong tiwala niya sa kanyang sarili na minsan ay naiisip kong, tulad ni Brent, overconfident siyang masyado.
Umambang bubuhusan na ni Lia ang mga babae.
“Lia, stop that! I’ve changed my mind.” Pinandilatan niya si Lia at ngumiti ulit sa akin.
“Masama yung ginagawa niyo. Kawawa naman sila.” Sabay tingin ko sa dalawang babae. “Tsaka, kayo din ba ang gumawa kay Chloe nun?”
Tumawa si Ara. Matinding tawa. Pero kahit anong tawa niya, may natitira pa ring pagka elegante sa kanya.
“I don’t believe this. Ang bait mo! You don’t know how Chloe likes Chad so much that she’ll probably stone you to death!” Umiling siya.
Alam ko.
“At itong mga babaeng ‘to?”
Sinipa ni Ara ang mga librong nakaharang sa kanya.
“Mga babaeng desperada. Nagpapakalat ng hate mails at kung anu-ano pa tungkol sa akin. Gusto niyo lang namang masali sa grupo ko diba?” Tanong niya sa mga babae. “Para mapalapit sa kapatid ko. Ang gwapo ng kapatid ko, ano? Tsk tsk.” Linapitan niya ang dalawa. “Too bad, I dont like you both.” Tumawa siya sa mukha ng dalawang babae. “At ngayon,” Lumambot ang boses niyang bigla. “Too disappointed? Binabangga niyo na ako just because wala kayo sa socialcircle ko? And you’re threatening me cuz you’re brother is a senator,” Sigaw niya sa isa. “And your Dad is a stockholder of my mom’s company?” sigaw niya sa isa. “Yiiii! Katakot naman!” Ngumisi siya. “I’m so scared. Really. Di ako makapaniwalang sinabi niyo yun, nakakasuka! Ginamit niyo ba talaga ang mga salitang iyon? Don’t make me laugh!” Hinaplos niya ang mukha ng isa. “Kung iniisip niyong sosyal kayo dahil dun at dahil sa Louis Vuitton niyong mga bag ay pwede na kayo sa grupo ko. Think again! Dahil sa mga pagyayabang ninyo sa akin, naging loser kayo sa paningin ko! And I hate loser friends.” Tumayo siya.
Ngayon, unti-unti kong napagtanto kung anong klaseng mga tao ang nandito sa eskwelahang pinapasukan ko. Naintindihan ko kung paano umaandar ang lahat.
“Maxine,”
Mejo napatalon ako nang tinawag ako ni Ara.
“By the way, they are girls from your class. Sabihin mo lang sakin kung magkakaproblema ka sa kanila.” Ngumiti siya at umalis din naman sila.
Hindi ko rin naisip na magkakaproblema ako sa dalawa. Kasi naman, sinong matitino ba ang magdadala ng problema sa taong nagligtas sa kanila diba? Kung ako, linigtas nino, hinding hindi ko kayang bigyan ng problema ang taong nag ligtas sa akin.
Hindi ko naisip yun hanggang sa nung pumasok ako ng classroom at nadapang bigla dahil sa dalawang paang nakaharang sa daanan ko.
May narinig akong mahinahong pagtawa at, “Sorry!”
Naaninaw ko ang mukha ng dalawang babaeng linigtas ko kahapon. Nakangisi silang dalawa. Para bang nakahuli ng bagong biktima.
Nagtawanan silang dalawa habang patayo ako.
Tama si Ara!
“Maxine!” Napatingin kaming lahat sa prinsipeng tumawag sa akin na nasa pintuan.
Nakita ko ring kumaway ang isang demonyong nakangisi sa tabi niya.
Sa puntong ito, alam ko, hindi magiging madali ang buhay ko dito.