Invisible Man – B2

B1.Disturbance

But all in vain; good queen, it will not be:
She hath assay’d as much as may be proved;

Nasa loob kami ng bus at hinihintay na lang ang ibang myembrong hindi pa nakakarating. Tama! Sa loob ng bus ay ang basketball team at ang volleyball team!

Nasa dulo ako at katabi ko ang ibang teammates ko habang nasa unahan naman si Chad at nakikipag-usap sa ibang ka team niya. Dala-dala ko ngayon ang kopya ng Venus and Adonis ni Shakespeare. Gusto ko sanang magpatulong sa pagsasalin sa ibang linyang hindi ko maintindihan.

“Cruz! Late ka na naman! Akala ko ba di ka sasama!” Sigaw ng coach nila sa kararating lang na si Brent.
“Always late but worth the wait!” Ngumisi siya at natagpuan agad ang titig ko.

Kinindatan niya pa ako habang papunta sa upuan niyang mas malapit sa akin.

“Brent, where’s your Porsche, dude?” Sabi nung katabi niya.
“Oo nga, Brent.” Napatalon ako nang narinig kong nagsalita si Chad. “‘kala ko ba di ka sasama sa bus kasi babyahe ka gamit ng Porsche mo?”
Humikab si Brent, “Oo nga eh. Kaso tinamad ako.”

Si Brent ang isa sa mga taong kahit wala pa dawng driver’s license noon ay malaya ng nakakapagpatakbo ng mga sasakyan sa syudad.

Nakakainis masyado ang angas niya. Sana hindi mahawa si Chad sa kanya! Syempre! Di naman talaga mahahawa si Chad dahil siya ang… White Prince! Tama! White Prince, si Chad.

Crush na crush ko na talaga siya.

Pagkatapos ng isang oras na byahe, dumating na kami sa exklusibong beach resort. Undeveloped pa ang resort kaya wala masyadong tao. Puti ang buhangin, ang sarap ng buhangin! Sa malayo, may makikita kang mukhang maliliit na isla at bato.

“Okay, team!” Sigaw ni Coach Mariz.

Nag assemble kami sa harapan niya at ganun din ang mga basketball varsity sa coach nila.

“Sumunod kayo sakin para sa dorms niyo! Dalawang araw lang tayo dito kaya wala dapat maaksaya na oras!”

Sumunod kami sa kay Coach Mariz.

“Akala ko naman magiging masaya ‘to. Yun naman pala, hindi natin talaga kasama ang Basketball Team sa training.” Sabi nung isang teammate ko.

Okay lang naman ang tutulugan namin. Dorm type. Double deck ang mga kama.

“Oh my! Bakit ganito? Hindi ko alam na ganito? I thought suites?” Reklamo nang reklamo si Chloe sa loob.

“Team! Let’s go!” Pumito si Coach Mariz at nagsilabasan kami.

Nag jogging kami sa tabing dagat. Sulit naman kasi nandun rin ang Basketball Team. Kinawayan pa nga ako ni Chad ng nalagpasan namin silang nag wa-warm up.

“Hoy, Alvarado!” Tinabihan ako ni Chloe. “Wala si Ara Cruz dito kaya walang mag tatanggol sayo! Tumigil ka nga sa pag flirt mo kay Chad!”
“Hindi naman ako nakikipagflirt ah. Magkaibigan lang talaga kami.”
“So? Magkaibigan din naman kami ah? As in close! Kaya wa’g kang masyadong feeling!” Pinandilatan niya ako at linagpasan.

Ano bang problema ng Chloe na yun? O sige na, crush ko na nga si Chad kung crush. Pero ano naman ngayon? Crush ko lang naman yun at wala naman yung gusto sakin.

Alam kaya ni Chad na may gusto si Chloe sa kanya?

Napatanong ako sa sarili ko nang nakita kong nag uusap silang dalawa habang nag wa-warm up kami.

“Okay, team! Sisimulan na natin ang drills!” Sigaw ni Chloe na may ngiti sa mukha.

Tinitigan niya pa ako na parang may karatula sa noo niyang, ‘I win’.

Nakakairita yung ekspresyon ng mukha ni Chloe. Pinag iinitan niya pa ako, dalawang beses akong pinapaulit sa mga drills. Buti na lang ilang sandali ay dumating si Coach at inalis siya sa pwesto niyang nagbabantay sa amin.

Pagdating ng tanghalian, kasama namin ang basketball team. Ang sarap din ng pagkain dito ah. Seafoods.

“Chad, diba allergic ka sa shrimp at crabs?” Narinig ko si Chloe kung saan.
“Oo eh. Sayang nga! Masarap pa naman ang mga iyan.”

So… allergic pala si Chad sa mga iyon. Tiningnan ko silang dalawa at ayan na naman ang mga malademonyitang-tingin ni Chloe sa akin. May karatula ulit sa noo niyang, ‘you lose’.

Siguro nga alam na ni Chad na may gusto na si Chloe sa kanya. Baka nga M.U. silang dalawa eh.

“Hey…”

Bigla akong tinabihan ni Chad habang nakaupo ako sa buhangin, nagpapahangin at nagpapahinga. Mamaya kasi mag di-drills ulit kami. Yung iba kasi naligo sa dagat. Yung iba naman ay kasama ang ibang players ng basketball team.

“Hi!” Sabay ngiti ko at talon ng puso.
“Kamusta ang Venus and Adonis?”
“Maganda! Nagustuhan ko. Dala ko nga eh, magpapatulong sana ako sa’yo. Di ko kasi masyadong naiintindihan ang Old English eh.”
“Talaga? O sige ba, tutulungan kita. Gusto ko kasi si Shakespeare kaya halos lahat ng pieces niya, may background knowledge ako. Isa sa mga paborito ko ang Venus and Adonis niya.”
“Ako kasi, Romeo and Juliet lang ang alam ko sa kanya.” Nakakahiya naman yung sinabi ko. Pero totoo naman! Hay! Si shakespeare kasi eh, di ko maintindihan! “Tsaka yung Sonnet 116. Naisaulo ko yun nung second year ako.”
“Ah ganun ba? Sino ba ang paborito mong writer?” Tanong niya ng may matamis na ngiti sa mga labi.

Kinikilig ulit ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko!

“Hindi naman kasi ako mahilig magbasa eh. Pero nagustuhan ko ang Pride and Prejudice ni Jane Austen.”
“Gusto ko rin yun! Magaling talaga si Jane Austen.”

Nakakahiya tuloy dumugtong. Kasi naman, isang nobela lang din ni Jane Austen ang nabasa ko.

“Chad!” Sigaw ng naka trunks lang na si Brent.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko ang mayabang niyang ngiti, abs at ang maangas na titig.

“Maxine, laway mo oh!” Sabay tawa niya.

Nakakahiya! Naabutan niya akong nakatitig sa kanya! Imbes na matawa din ako sa kahihiyan, pinagtagpo ko ang mga kilay ko at pinandilatan siya.

“Ano ba naman kayong dalawa! Wa’g nga kayong mag mukmok dito! Maligo tayo! Tara na!”

“Tara, Max!” Inimbita ako ni Chad.
“Ahh… okay lang. Di na. Dito lang ako.” Sabi ko.
“Why? Don’t know how to swim?” Tanong ni Brent.
“Wala lang. Okay lang ako dito.” Sabi ko.
“Oh. Okay.” Nginitian ako ni Chad.
“Hey if you don’t know how to swim, I’m just here, I can save you.” Andyan na naman ang nakakapanindig balahibong ngiti nitong si Brent.

Umiling na lang ako habang nakangisi si Brent.

Kahit kailan, istorbo lang talaga yang si Brent na yan! Linayo niya si Chad sakin!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: