Invisible Man – A2

A2.Weird

Brent Damien J. Cruz. Basketball Varsity number 1. Ara Cruz’s twin brother. Vil Cruz’s and Celine Jimenez-Cruz’s Son. Meaning. T
he Governor’s Son at tagapagmana ng Jimenez-Cruz Lands
.

Sinarado ko ang locker ko at sandaling huminga ng malalim habang nasa kandado pa ang susi.

“Naku naku! sooner or later, magsasawa din yan si Brent sa selosang girlfriend niyang yun at ikaw ang pipiliin niya, Maan.” Sabi ng isang babae.

Nasa loob kaya kami ng locker room kaya hindi ko kasalanan kung narinig ko man yun o hindi diba? Tsk.

“Sus! Yung Bianca na yun? Asa pa siyang mapansin ni Brent! HA!”

Inayos ko ang mga libro ko sa loob ng bag.

“Ayan na, ayan na! ‘See ya later, pretty.’ Omg!”
“Patingin-patingin ng text niya!”
“OMG! Si Brent nga!”
“AHH! Nakakakilig!”
“Hala, Maan! Baka totoong hiniwalayan niya na si Amber para sayo?”

WHAT THE? Hindi ko maintindihan ang mga babaeng ito? Hindi naman sa nakikinig ako pero mga tanga ba sila? Ilang babae pala ang meron yang Brent Cruz na yan? Tapos umaasa pa silang magustuhan nun? Kung ‘magustuhan’ nga sila ni Brent, tapos ano naman, eh marami namang ibang babaeng ang iyon, edi masasaktan lang din sila?

Yan kasi ang hirap sa ibang babae eh. Alam na nga nilang playboy yung lalaki, didikit-dikit pa sila tapos aasa-asa pa. Anak ng tupa, mga timang pala kayo eh. Tigilan niyo na lang yang kahibangan niyo pwede? Tsss.

Napailing ako habang papalabas ng locker room at lumipat ng girl’s washroom.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko. Nakakairita naman ‘tong mga baby hair, kailan pa ba kayo magiging adult ng maayos ko ng matali ang buhok ko? Tingin ako nang tingin sa salamin hanggang sa may dalawang babaeng biglang pumasok.

Umiiyak yung isa.

“Alison, okay lang yan. Naku!” Habang tinatahan ang nasabing si Alison.

Nakatingin lang ako sa salamin at inaayos pa rin ang buhok ko.

Pasensya na, bago pa lang talaga ako sa school na ‘to at wala akong kilala bukod sa mga ka grupo ko sa volleyball kaya nagsisikap akong atleast ma kilala ang iba pang mga schoolmate ko.

“Ano bang nangyari? Ba’t ka umiiyak?” Tanong ko kay Alison.

Hikbi pa rin siya ng hikbi.

May dala-dala siyang papel, mukhang love letter. Hindi pala iyon love letter! Puno kasi ng mga curse words at kung anu-ano pang pang-iinis. Nakita kong galing sa isang nagngangalang ‘Brent’s real girlfriend’ daw nanggaling ang sulat. Sino naman kaya yung Brent’s Real Girlfriend na yun?

“Hay naku! Gusto ko pa naman yun si Brent! Kaso, yun naman pala… totoo palang playboy yun! Hayaan mo na, Alison! ‘Kala ko talaga ikaw lang ang gusto niya! Grrr. Nakakadiscourage.” Tumingin sa akin yung babaeng tumatahan kay Alison habang umiiling.

Napatango ako ng slow motion. ‘AHH~!’ Another victim of that notorious Brent Cruz. Anak ng tipaklong naman!

“Magsama silang dalawa nung Charlene na yun!!!” Iyak pa rin ng iyak si Alison.

Ahhh. Ok. Charlene. Nag sisimula na akong mag-isip na ang mga babae sa school na ‘to ayPURO mga tanga. Isang araw pa lang ako dito, alam ko ng playboy yang si Brent Cruz. Ngayong isang linggo na ako, napatunayan ko na. Samantalang kayo, dalawang taon na yata kayo dito, hindi niyo pa rin ma gets-gets.

Hay naku naman buhay ka!

Nagspray ako ng cologne panghuli sa dapat kong gagawin dito sa loob ng washroom bago umalis. Pero bago ko pa nagawa, may narinig na akong tawanan sa labas.

“Hala, sina Ara! Tayo na, Alison!”

Tiningnan ko lang silang dalawa sa salamin.

“Miss, uhm,”
“Maxine.” Sabay ngiti.
“diba ikaw yung bagong lipat dito?”
“Oo, bakit?”
“Naku, hindi mo siguro alam na pag paparating na yung grupo ni Ara Cruz sa washroom eh kailangan ng mag evacuate ng kung sinong nasa loob pa nito kasi ang gusto nila, sila lang ng buong grupo ang-” Hindi na niya natapos kasi hinila na siya nung Alison papalabas.

HUH? Ano na naman ‘tong panibagong natuklasan ko sa ibang estudyante ng school na ‘to?

Papalapit na ng papalapit ang mga boses na narinig ko kanina.

“Ugh!” May biglang pumasok at tingnan ako, parang nandidiri.

Excuse me? Walang nakakadiri sa mukha ko, maayos at malinis yata ako na pagkatao.

“What? What are you waiting for?” Sabi niya na para bang nag eexpect siya na alam ko kung anong sinasabi niya.

May pumasok na isa. “Uh, the newbie… Hindi niya siguro alam.”

Sa mukha ng mga ito, mukhang sila yata ang nasa kikay-category ng school na ‘to. Magaganda at maaarte sa katawan.

May tatlo pang pumasok. Pero agad kong nahulaan kung sino sa kanila ang leader ng grupo. Nakasimangot siya at mukhang badtrip.

“Girls, girls!” Sabi nung pinakamatangkad habang nginunguso ako.

Nagkibit balikat yung unang pumasok at nginitian ako, “Lagot ka!”

Nasa harapan ko na ang leader nila. Nakataas ang kilay niya. Nihead-to-foot ako at ilang segundo pang nakataas ang kilay niya bago niya ‘to binaba.

“Uh, Miss, umalis ka na lang kung ayaw mo ng away.” Sabi nung isa.
“Huh? Bakit? Ni hindi ko pa nga napipindot itong spray ko para malagyan ko na ang sarili ko ng cologne tapos pinapaalis niyo na ako?”

Parang dismayado sila at mukhang mas natatakot pa sila sa gagawin ng lider nila sa akin.

Huminga ng malalim ang babaeng nasa harapan ko. Maganda siya. Maputi, makinis, mapupula ang mga labi (kahit walang lipstick di tulad ng mga kasama niya), kulot ang buhok, maganda ang pares ng mata, matangkad, matangos ang ilong. Linagay niya ang buhok sa tenga at naglahad ng kamay.

Mas nabigla ulit ang mga kasama niya sa ginawa niya kesa sa akin.

“Maxine Alvarado,” Ngumiti siya. “so it’s true. Maganda ka nga.”

Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko eh ngayon ko lang talaga siya nakita.

“Ara Ysabel Cruz. Friends?”
“Sure!” Sabay shake ko sa kamay niya.

WEIRD! Bakit naglaglagan ang mga panga ng mga kasama niya at walang kahit na sinong umimik sa kanila. Weird. Ang weird talaga.

“Uh, sige ah? Mmm alis na ako, susunduin na kasi ako eh. Bye.”
“Bye!” Ngumiti yung magandang si Ara.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: