A1.Favorite Girl
“Alvarado!”
Bumangon ako at agad tinali ang buhok.
“ALVARADO!”
“Po! Sandali lang po!”
Ang lakas namang makasigaw ng coach dito. Nagpapahinga lang naman yung tao sa ilalim ng ng puno eh. Hindi pa nga lang ako nag lilimang minuto dito tapos nag aalburoto na yung isang yun. Hay nako, makakamiss tuloy yung dati kong school. Kung bakit pa kasi ako lumipat dito?
Dalawang taon na lang sana at ga-graduate na ako sa dating highschool na pinapasukan ko eh tapos ilinipat pa ako ni mama dito, ayan tuloy kailangan kong magsimula ulit ng bagong buhay.
“Ahhhh! Ang gwapooo!”
Ang sigawang naririnig niyo ay ang hiyawan ng mga tao doon sa gymnasium namin. Ngayon kasi ipapakilala ang mga varsity. Excited din naman ako sa pagpapakilala nila sa mga varsity kasi kasali ako dun. At kasali din yung crush kong si Chad kaya dapat nandun ako. Kaso, nakakaenganyo kasi ang lugar na ‘to. Masarap ang simoy ng hangin at ang sarap pagpahingaan.
“ALVARADO!”
“Nakakayamot naman ‘tong school na ‘to. Buti nakakapamukaw loob yung gwapong team captain na si Chad.” Ngumiti-ngiti ako habang inisip ang gwapong mukha ng crush ko na unang araw pa lang dito ay nakilala ko na agad dahil sa kabaitang pinakita.
Pagkatapos kong suotin ang sapatos ko, tumayo na ako at tumakbo. Kaya lang, wala pang tatlong hakbang sa pagtakbo, nadapa na ako. May nakaharang kasing kung…ano.
“OUCH!” Sigaw ng nakaharang.
Mali… may nakaharang na kung…sino.
“Aray!”
Naapakan ko ang dibdib niya kaya pumilipit siya sa sakit habang ang isang paa ko naman ay na naipit sa braso niya kaya nadapa ako mismo sa dibdib niya at ang mukha ko sa damuhan ang diretso.
“What the?” Sabi niya.
“Sorry.”
Natagalan kaming gumalaw at umayos dahil sa hirap ng posisyon naming dalawa.
“Sorry! Sorry!” Tumayo ako ng maayos.
Lininis niya naman ang kanyang jersey at bumangon.
“Kung madapa ka na lang sana sa akin, ayusin mo naman. Siguraduhin mong insakto ang posisyon!”
Tumayo siya at hindi pa rin tumigil sa paglilinis sa jersey niya.
“Huh?”
Ngumiti siya. Nakakapanindig balahibo. May matino bang lalaking ngumingiti sa nangyaring yun? Muntik na siyang ma stroke sa ginawa ko eh.
“ALVARADOOOO~!”
Ngumisi siya habang tinitingnan ako ulo-sa-paa. Ano yan? May halong pangungutyang ngiti? Imbes na magpasalamat ako dahil hindi siya nagalit sa pagkakatilapon ko sa kanya, e parang mas na weirduhan ako.
“Ang sabi ko, ayusin mo yung pagkakadapa sakin next time. Siguraduhin mong yung mukha mo, nasa mukha ko na.” Tumaas ang kilay niya habang ngumingisi.
Naramdaman kong tumaas ang altapresyon ko at ang tanging naisip ko na lang ay ang mga salitang ito.
“Ang kapal mo! Tss. Ang angas!”
Pinandilatan ko siya at sa isang iglap bigla niyang linapit ang mukha niya sakin. Nakangisi pa rin siya at nakakapanindig-balahibo. ANG FEELING NAMAN TALAGA NG ISANG ‘TO! Sino ba siya?
Sinampal ko na agad ng malakas.
“OUCH!” Ininda niya ang sakit ng nakangisi pa rin.
Umalis na ako sa harapan niya patungong gymnasium.
“Masyado kang payat para maging volleyball player. Pero ang lakas mong manampal. Now I know, Maxine Alvarado!” Sigaw niya.
HUH? At kilala niya pa pala ako. Kumpletong pangalan pa huh?
May biglang pumito galing sa gym. Akala ko si Coach Mariz yun, yun pala yung asawa niyang coach din ng Basketball Varsity.
“Brent Cruz! HALIKA NA DITOOOOOO!” Nanggagalaiti siya habang nakatingin sa may likuran ko.
Napatigil ako sa pagtakbo at lumingon sa likuran.
BRENT CRUZ? Siya?! Siya si Brent Cruz?!