Preface.♥
Maingay na bosina ang narinig ko.
Natigilan ako sa gitna ng daanan habang papatawid ako papuntang school.
“Ano ka ba naman ineng, bilis na, tawid na!” Sigaw ng traffic enforcer sa akin habang titig na titig ang ibang estudyante sa akin.
Ako lang kasi ang tumawid kahit ‘STOP’ pa ang senyas ni manong traffic enforcer. Ayan tuloy, muntik na akong masagasaan.
“Sorry po, nagmamadali lang.” Halos takpan ko na ang mukha ko sa hiya.
Pati yata yung driver nung muntik makasagasa sa akin eh nagmumura pero di ko na pinansin at tumungtong agad ako sa entrance ng school.
Kasi naman eh! Bakit ba kasi late ako!? Maaga naman akong natulog dahil excited ako sa try-out ko para sa volleyball team ng school na ‘to. HAY NAKU! Di na talaga natuto ang body clock ko! Nasanay kasi akong bakasyon at di na ako gimigising ng maaga.
Atsaka… Uhm… Atsaka… Uhm…
OH NO~!
Asan na ba ako?!
Kung minamalas ka nga naman o! Pinaglihi ba ang eskwelahang ‘to sa isang maze? Ang laki-laki pa kaya ayan tuloy. Nawawala yata ako. Grrr. Magtatanong na lang ako kung nasan yung gymnasium nila. Ang sweeeerte ko naman talaga! Alas otso yung try-out tapos alas nuwebe na ng umaga.
Bago ko kinalabit ang mukhang inosenteng babaeng napili kong mapagtanungan…
“Maxine?”
Napalingon ako sa isang gwapo, matipuno, makisig, at…matalinong lalaki! Matalino? Oy Maxine, OA ka ha? Paano mo nalamang matalino ang lalaking kaharap mo aber?
Syempre, sino bang bobo ang walang alam na matalino si Richard Martinez? ANG PINAKAGWAPO, MATALINO, MABAIT NA LALAKING NAKILALA KO.
“Ch-Chad?!”
Namangha ako sa mukha niya. Syempre, di lang sa dahil ang gwapo niya talaga, kundi dahil ngayon lang din ulit kami nag kita. Pagkatapos kong mamangha, may naramdaman akong kakarampot na hiya at pagkailang.
“Ow…” May biglang sumulpot sa paningin ko.
Kinurot niya ang ilong ko at ngumiti. Yung ngiti niyang nakakapanindig-balahibo sa hindi malamang kadahilanan.
“Finally, my favorite girl’s in college!” Pagkatapos ay ngumisi.
Ayokong sumimangot sa harapan ni Chad kaya lang ayoko rin namang sabihin ng feeling na Brent na yan na nagustuhan ko yung sinabi niya.