End This War – Kabanata 61

Kabanata 61

Pag Aari

“SULUTERANG MAY DETERMINASYON!” Sigaw ko habang nakikita si Janine na sumasakay sa kabayo.

Malayo pa ako at kitang kita ko na nakikipag usap si Hector sa tiga alaga ng kabayo habang si Janine ay nag struggle na sumakay sa isang puting kabayo.

“Hector! Hector!” Sigaw niya.

Lumingon agad si Hector kay Janine at itinuro niya ito kaya nagpunta ang ranchero at ang mga trabahador para tulungan siya. Nakapamaywang si Hector at pinanood niyang hinahawakan ng mga ranchero ang kamay ni Janine sa pagsakay ng kabayo.

“Hector!” Tawag ulit ni Janine ngunit hindi man lang nag abala si Hector sa pagpunta roon. Imbes ay hinayaan niya lang ang mga trabahador.

Nilingon ako ni Hector at mas lalong bumilis ang lakad ko. Hindi ko siya pinansin kahit kita ko ang pangungunot ang noo niya sa akin. Maaaring napansin niya ang pula kong pisngi at ang nag aapoy kong galit.

Bwisit kang higad ka! Tinatawag mo pa si Hector kahit kitang walang interes iyong tao sayo! Napatingin si Janine sa akin dahil diretso ang lakad ko sa kanya. Ang inilahad niyang kamay sa ranchero ay kinuha ko at hinila ko siya pababa ng kabayo. Nahulog siya at nangudngod ang kanyang mukha sa putikan.

“SULUTERA KA!” Sigaw ko.

Nagsigawan sa gulat sina Desiree at Tara. Mabilis na nagtakbuhan ang mga lalaki sa aming dalawa. Gumapang si Janine para makaahon.

“Ano ba, Chesca? Ano bang problema mo?” Sigaw niya.

“Ah? Ako pa ngayon ang may problema, ha? Ikaw ang may problema dito, Janine! Makati ka! Kung gusto mo ipakamot mo yang iyo sa unggoy dahil sobrang kati na, diba?”

Bumangon siya at sinampal ako. Nakita kong umiiyak siya kahit na ang kabilang pisngi ay punong puno ng putik. Sinampal ko rin siya pabalik at humagulhol siya.

“Chesca! Ano ba?” Sigaw ni Desiree sakin.

Napalibutan na kami nilang lahat. Si Hector ay nakahawak sa magkabilang braso ko at nasa likod na para awatin ako. Sina Billy at JV naman ay nasa kay Janine.

“Janine, ayos ka lang ba?” Tanong ni RJ sabay tingin sa mukha ni Janine.

“Hector!” Sigaw ni Janine sabay turo sakin. “Walangyang Chesca! Nakita niyo ba iyon? Nakita niyo ba?” Sigaw niya.

Kumawala ako kay Hector at sinampal ulit siya.

“CHESCA!”

“AHHHH!”

“TAMA NA!”

Nabingi ako sa mga sigaw nila dahil sa ginawa ko.

“Chesca!” Mariin at may awtoridad na sigaw ni Hector sa akin.

Niyugyog niya ako at hinarap.

“Tama na! Pwede ba? Tama na!” Sigaw niya.

Nag angat ako ng tingin sa kanya. Nag alab ang galit sa aking kalamnan.

“Chesca! Ano ba!? You are being unreasonable! Noong isang araw ko pang napapansin na binabara mo si Janine, a?” Sigaw ng galit na si Desiree sa akin.

“Oo nga, Ches! At ngayon badtrip ka lang bigla? Ano ba ang problema mo?”

Umiyak at humagulhol si Janine sabay hawak sa braso ni Hector. “Oo nga! Hindi ko maintindihan si Chesca!”

“Sorry, Janine.” Utas ni Hector. “Ches, anong problema mo. Tsss.” Umiling siya at lumapit kay Janine.

Akala ko wala ng mas iinit pa ang ulo ko kanina. Iyon pala, may galit pang pwedeng umusbong sa sistema ko. Sinugod ko si Janine at sinabunutan.

“HAYUP KA! SIGAW KO! SULUTERA KA! WAG NA WAG MONG MAAKIT SI HECTOR!” Sigaw ko.

“Chesca! Ano ba? Anong maakit? Putang ina ikaw lang ang nakakaakit sa akin! Wag ka ngang mag wala ano ba ang nangyayari sayo?” Sigaw ni Hector sabay awat sa akin.

Nakita kong nalaglag ang panga nina Desiree at Tara. I know this is going to happen. At wala akong pakealam kung malaman man nila kung anong meron sa amin ni Hector. Ang totoo, hindi ko na alam kung bakit nilihim ko ito noog una.

Pinrotektahan na ng lahat si Janine. Si Clark lang ang namumutla at nakatingin sa buong pangyayari sa malayo.

“NAGHIWALAY KAMI NI CLARK NOON DAHIL SA PUNYATERANG HIGAD NA IYAN!” Sabay turo ko kay Janine.

“Chesca!” Dinig ko ang pag mamakaawa ni Clark na huwag na itong ipagsabi.

But right now, I’m merciles. Nakita ko ang nagtatanong na mga mukha nila. Luminga sila galing kay Janine at kay Clark.

“Pag uwi ko noon galing Alegria, dumiretso ako kina Clark dahil nagpasya akong doon na lang tumira kasama siya dahil ayoko sa bukid na ito! Naabutan ko silang dalawa.” Itinuro ko silang dalawa ni Clark.

Humagulhol si Janine ngayon. Naestatwa naman ang mga kaibigan ko at si Clark.

“Silang dalawa sa kama ni Clark!”

Napangiwi si Tara sa sinabi ko.

“Imagine that? Silang dalawa. Ungol pa lang, makakapatay ka na ng tao kung nasa posisyon ko kayong lahat. Pero hindi, e, pinili kong tingnan talaga silang dalawa at manahimik na lang sa Alegria.”

Naramdaman kong kumalas ang pagkakahawak ni Hector sa braso ko. Hindi ko siya nilingon. Abala ako sa pagsiwalat sa katotohanan sa kanilang lahat.

“Tangina, kaibigan ko tsaka boyfriend ko? Really? Tangina tanggap ko siguro yung ibang tao ang ikabit ni Clark pero iyong kaibigan ko pa? Hindi lang basta basta nilandi, ah, ikinama!” Mariin kong sinagaw. “Kaibigan ko! Ilang taon kong kaibigan yan! Pinagkatiwalaan ko!”

Nakita kong tumulo ang luha nina Desiree at Tara. Naestatwa ang mga lalaki sa mga gilid nila. Gusto kong umiyak pero walang lumabas na luha sa mga mata ko. Gusto kong magsalita pero natuyo na ang lalamunan ko. Yumuko si Clark habang umiiling. Ngayon ay hindi na lihim ang lahat.

“Oo na! Oo na at ginawa ko iyon! Pero Chesca, kasalanan ko ba kung mahal ko rin si Clark noon?”

Hindi ako makapaniwalang nasabi iyon ni Janine. Namilog ang mga mata ko at umambang susugurin ulit siya pero pinigilan ako nina Desiree at Tara. “Ano? Ano?” Tumatawa na ako dahil nababaliw na ako sa logic niya.

“At isa pa! Sinabi ko na naman sayo na wala na kami! Na ayaw ko na? Na tapos na kami! At ngayong sinabi ko crush ko si Hector, galit ka na naman? Ano ba, Chesca? Lahat na lang ba na gusto ko ay gusto mo rin?”

Gusto kong tumawa nang tumawa dahil sa kahibangang sinabi niya.

Gusto kong ipagdiinan na si Hector ay akin din. Nilingon ko si Hector at nakita kong tulala siya sa kawalan.

“Chesca, may isip din ang mga taong mahal natin. Kaya nilang mag desisyon para sa sarili nila! Hayaan mo silang magdesisyon!” Aniya.

Sa sobrang inis ko ay hindi na ako makangisi sa pinagsasabi niya. “Janine, baliw ka ba?”

“Ang hirap sayo, kinukulong mo at binabakuran mo yung mga tao! Hindi mo man lang naisip na pwedeng mag bago ang isip nila! Na pwedeng hindi ikaw ang piliin nila-“

“OKAY FINE!” Sigaw ko dahil punong puno na ako at pakiramdam ko makakapatay na ako ng tao kung hindi ako aalis dito. “OKAY FINE THEN! Papakawalan ko ang lahat. Iyon ang gusto mo diba? Kasi baka may isang imbes na sakin ang punta ay sayo pupunta. Fine!”

Mabilis akong nagmartsa palabas ng rancho. Iyon lang ang gusto kong gawin sa mga panahong iyon. Gusto ko lang umalis doon at magpalamig dahil sa ngayon galit at inis ako sa lahat, maging sa aking sarili. Naiinis ako kay Janine, naiinis ako kay Hector, naiinis ako kay Clark, naiinis ako sa sarili ko!

“Chesca!” Mariing tawag ni Hector sakin nang nakalayo na.

Mukha atang sinundan niya ako maging sa pag alis ko.

“Leave me alone, Hector!” Sigaw ko.

Hindi na siya umimik. Hindi ako sigurado kung nakasunod pa rin ba siya o talagang wala na siya sa likod ko. Bahala na dahil gustong gusto kong lumayo. Matulin ang lakad ko at iba-ibang farm na ang nilagpasan ko. Saka ko lang medyo hininaan ang matulin kong pag martsa nang napansin kong dumidilim na.

Naiirita ako sa kapal ng mukha ni Janine. Paano niya nasabi iyon? Oo nga’t ramdam ko ang pagiging bitter ni Kathy sa amin ni Hector. Pero alam kong tulad ni Kathy ay hanggang doon lang ako. Hindi ko pag aaksayahan ng panahon ang panunulot para lang masatisfy ko ang sarili ko tulad ng ginawa ni Janine. Hindi ko ipipilit ang sarili ko kay Hector kung nakita ko mang may iba siya. Yes, I’ll be really bitter. I’ll hate the girl. I’ll curse her and all. Pero hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko sa kay Hector.

I hated Hector! Kahit alam kong wala siyang alam ay pumanig siya kay Janine. Maaring nagulat siya sa inasal kong kaartehan pero nasaktan ako.

Pumikit ako at inisip na hindi ko na kayang bumalik sa mansyon.

“Anong gagawin ko?” Tanong ko sa sarili ko nang narealize na nasa ilog na ako.

Nakikinita ko na iyong gazebo sa malayo. Huni ng ibon at agos ng tubig na lang ang naririnig ko.

“Great! Dito na naman.” Sabi ko sabay iling.

Tumalikod ako para sana umalis at bumalik sa pinanggalingan ko. Gumagabi na at baka maabutan pa ako sa gitna ng farm ng ganito. Napahinto ako nang muntik na akong mabangga sa isang makisig na lalaki sa harap ko. Sa kaba ko ay agad akong umatras!

Namilog ang mga mata ko nang nakita ko si Hector. “Anong ginagawa mo dito?”

Nakita ko ang seryoso at galit niyang mga mata na nakatingin sakin. “Ikaw? Ba’t ka napunta dito?” Malamig niyang tanong.

Humalukipkip ako. “Naiirita ako. Naiinis ako.” Tinaas ko ang kilay ko. “Kakampihan mo si Janine? Go! Kampihan mo!” Sigaw ko. “Wala akong pakialam!”

Tinitigan niya lang ako. Tumitig din ako pero mabigat ang kanyang titig. Hindi ko iyon natagalan kaya nag iwas ako ng tingin.

Tumikhim siya. “Do you still love him? Bitter ka pa rin ba?”

Halos matawa ako sa tanong niya.

Iyon lang ba ang inisip niya buong pagkakataon na nandoon kami? Akala ko papangaralan niya ako sa katarayang ginawa ko kay Janine! Akala ko kokontrahin niya ang ginawa kong pangangaladkad sa kaibigan kong higad!

“Answer, Chesca.” Mariin niyang sinabi.

“Syempre hindi, Hector!” Sigaw ko.

Nanliit ang mga mata niya. “Kung ganun bakit ganun ka kung umasta?”

Napaatras ako sa bawat hakbang niya.

“Bakit mukhang bitter ka parin?” Mariing tanong niya. “Bakit galit na galit ka parin kay Janine? At kung banggitin mo ang kasalanan niya ay para bang hindi mo parin makalimutan!? Parang nag tatanim ka ng galit sa puso mo!”

Nag iwas ako ng tingin at tinaas ko ang kilay ko. Oo, galit ako. Pero hindi ako bitter. Ni wala na akong planong isiwalat ang katotohanan sa lahat pero hindi ko parin magawang magtiwala sa kanya lalo na sa mga inaasal niya.

“Bakit, ha?” Pabulong ngunit malamig niyang sinabi.

Binangga niya ako sa katawan niya kaya napaatras ako. Naramdaman ko ang kahoy na sahig ng gazebo. Napatingin ako sa baba. Kumpirmado, nasa gazebo na nga kami. Nag angat ulit ako ng tingin at kitang kita ko ang malapit niyang mukha sakin.

“Bakit, Chesca? May hinanakit ka parin ba kay Janine? Kasi kinama niya ang ex mo? Kung sana hindi iyon nangyari, kayo parin? Kung sana hindi mo siya naabutan, kayo parin, diba?”

Hinampas ko ang dibdib niya. Pilit ko siyang tinulak ngunit hindi siya natinag.

“Bakit? Tell me, Chesca. Answer me.” Nakakalasing ang kaseryosohan ng kanyang mga mata. Hindi ako makapaniwala na kaya niya ako tingnan ng ganito ka bigat. “Still bitter?”

“I’m not bitter.”

“Kung ganun, bakit?” Ulit niya.

“Hector, nilalandi ka ng malanding iyon!” Marahan at mariin kong paliwanag. “Hindi mo ba-“

“So you are jealous?” Nag igting ang bagang niya at binangga niya ulit ang dibdib ko ng katawan niya.

“I-I’m no-“

“You are.” Nakakapanindig balahibo niyang sinabi. “Kaya ba badtrip ka maghapon? Kasi nilalandi ako ni Janine?”

“Kasi nagpapalandi ka.” Umirap ako.

Nanliit ang mga mata niya at nakita ko ang multo ng ngiti sa labi niya. “So you are jealous?”

“So what if I am?” Pinandilatan ko siya at nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

“Uh-huh? Paki ulit? Nagseselos ka na naman ba?”

Nanghina ako nang naglalakad siya ng marahan habang ako ay umaatras para maiwasan siya. Sumandal ako sa hawakan ng gazebo. Wala na akong kawala. Nag iwas ako ng tingin at pumikit.

“Oo, nagseselos ako. Kaya nabuhay ang galit ko kay Janine. Because she told me, Hector, she told me na pwede na akong makipagbalikan kay Clark… Na okay lang kasi may iba na siyang gusto. At ikaw iyon.”

Tumikhim siya. “Kaya nagseselos ka?”

“Oo nga… Nagseselos na nga ako.” Iritado ngunit malambing kong sinabi. “Dahil wala akong pakealam kung sulutin niya lahat, wag lang ikaw. You are my property.” Nag angat ako ng tingin.

Nakita ko ang mabibigat niyang titig at mabilis niyang paghinga.

“Uh-huh? Really? Your property?” Ulit niya.

“Bakit? Hindi ba?” Nag taas ako ng kilay.

Naramdaman ko ang kamay niya galing sa baywang ko na bumababa. Para bang iginuguhit ni Hector ang linya ng katawan ko. Imbes na mag taray ay napapikit ako sa sensasyong hatid nito.

“Oo, Chesca, pag aari mo ako. Body, soul, and heart. Ngayon…”

Kinagat ko ang labi ko dahil idiniin niya ang sarili niya sa akin. Napaatras ako ngunit ang tangi kong nagawa ay ang sumandal sa gazebo.

Inilapit niya ang mukha niya sa tainga ko. Agad kong iniwas ang tainga ko sa kiliti ngunit hinabol niya ito kaya tiniis ko ang kiliting hatid niya.

“Ang tanong… pag aari ba kita?” Bulong niya sa tainga ko.

Halos umupo na ako sa hawakan ng gazebo dahil masyado na siyang nakadikit sa akin. Mariin iyon at ramdam ko na nag iinit na siya. Ramdam na ramdam ko iyon sa ilalim ng pantalon niya. Kinagat ko ulit ang labi ko at iniwasan ko ang kanyang mukha.

“Come on, Chesca, answer me. I’m mad about you, you know…” Aniya sabay diin pa sa sarili niya.

Naka tiyad na ako sa gazebo dahil tinutulak niya na ako para makaupo na sa hawakan doon.

“Pag nagseselos ka, pag nagagalit ka, pag nagtataray ka… pag naglalambing ka.” Bulong niyang nagpabuntong hininga sa akin. “Pag aari ba kita? Akin ba ang lahat sayo?”

Hinaplos niya ang binti ko. Pumikit ako lalo na noong naramdaman ko na ang ilong niya sa leeg ko.

“Oo. Pag aari mo ako, Hector. Sa’yo ako.”

Iyon lang talaga yata ang hinihintay niya. Dahil nang marinig niya iyon ay inatake niya agad ang labi ko ng maiinit at sabik na halik. Wala akong ginawa kundi ang kumawala sa bawat halik niya. Hindi siya tumitigil hanggat hindi ko iyon sinusuklian. Pahina ang halik niya. Nagsimula sa sabik hanggang sa humina at nanunuyang mga halik. Nakaka frustrate! Nakakainis. Dahil gusto ko na humigit pa doon. Dahil ako rin, sabik sa kanya.

Hinaplos niya ang dibdib ko habang unti-unti niya akong hinahalikan ng nanunuya at nakakalasing na halik sa leeg. Napatingala at napapikit ako sa ginawa niya. Bumaba ang halik niya sa balikat ko, sa collarbone habang mabilis niyang hinawi ang bra ko at pinaglaruan ang dibdib ko.

“Hector!” Saway kong naging ungol.

Kinagat ko ang labi ko. Ang dalawang kamay ko ay nakahawak sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang hindi mahulog gayung nawawalan ako ng lakas sa bawat dampi ng kanyang labi sa balat ko. May elektrisidad akong naramdaman sa likod ko nang naramdaman ko ang kamay niyang bumaba sa shorts ko. Hinaplos niya iyon doon hanggang sa mabilis niyang kinalas ang butones at zipper.

“Hector, b-baka… may… makakita.” Wala akong magawa kundi ang kagatin na lang muli ang labi ko.

Dahil bawat salita ko ay nakakapanindig balahibo. Iyong tipong gusto ko na lang takpan ang tainga ko dahil masyado na iyong malambing at paungol.

“We’ve done this before, Chesca. And I own this place, remember? We own this place.” Bulong niya habang bumaba sa pusod ko ang kanyang maiinit at nagbabagang halik.

Naramdaman ko na ang daliri niya sa gitna ng hita ko. Gusto kong pumilipit sa kiliting naramdaman pero pinigilan niya iyon.

“P-P-Paano kung m-makita tayo ng m-mga kaibigan-“

Hindi ko na naipagpatuloy dahil napaliyad na ako nang sabay sabay niyang hinaplos at hinawakan ang mga parte ng katawan kong kahit ako ay hindi ko pa nahahaplos noon.

“Let them see it, then. Kung paano kita inangkin. At kung paano mo ako binabaliw. Paano kita sambahin. Paano kita mahalin.”

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong bumaba siya at tinanggal ang pang ibaba ko.

“Hector!” Sigaw ko at mabilis niyang pinalabas ang kanya at dahandahang ipinasok.

Napahawak ako sa braso niya habang dahan dahan siyang gumalaw. Tinitigan niya ako at hinalikan sa noo habang wala akong ginawa kundi ang mawalan ng ulirat.

“Wala kang condom?” Tikhim ko.

“Do we need that? Nangangailangan nga ng apo si lola-“

“OH NO! NO! NO!” Sigaw ko sabay tulak sa kanya.

Tumawa siya at hinalikan ako. “Shhh! Wag kang mag alala, hindi kita pipikutin.” At nagsimula siyang gumalaw ng mabilis, malakas, at sabik.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: