End This War – Kabanata 51

Kabanata 51

Kissing Clark

Niyakap ako ni Kira at ng ibang models. Pinilig ko ang ulo ko para ma alog ang iniisip.

“CONGRATS GIRLSSS!” Aniya sabay tawa ng pahisterya. “I’M SO PROUD! GRABE! NAGUSTUHAN NG ISANG BUSINESS MAN!”

Hindi ko na masundan ang mga nangyari. Yakapan at batian ang nangyari. Palinga linga ako sa sunod sunod na batian at ngitian sa pictures.

“Shots! Party!” Sigaw ni Hugo na isa ring agent at stylist.

“Thanks!” Tinanggap ko ang shots na binigay at agad nilagok.

Ilan pa ang natanggap ko sa kabuuan ng pag papapicture.

“Fuck you, Brandon!” Narinig kong sigaw ni Kira kay Brandon.

Tumawa si Brandon at umiling na lang.

May kabulastugan na naman sigurong ginawa. Nilagok ko ang isa pang inumin bago ako hinagisan ng robe at hinila ni Kira.

“Girl, bihis ka na.” Bulong niya at dinala ako sa isang kwarto.

Maraming models na nagbibihis sa loob ng kwartong iyon. Busy din si Kira at lumabas agad. Nag madali ako sa pagbibihis dahil minamadali ako ng mga co models ko.

“Bilis, Chesca! Picture tayo!”

Hinablot ko lang yung shirt na nakuha ko. Malaki iyon nang isinoot ko. Papalitan ko na sana pero hinila na ako ng ibang models.

“Uy, teka lang, bihis lang ako.” Sabi ko.

“Okay na yan!” Tinali ni Amy ang dulo ng tshirt para makita ang pusod at tiyan ko. “Ayan, sexy na!”

Napilitan akong ngumiti sa camera. Mabilis na ni click ang camera. Ngumisi ako at nagbatian kami ng mga models.

“Labas tayo!” Agad nila akong hinila.

Nagka picture kami kasama yung designers, yung businessman, sina Kira at Hugo. Iba’t ibang pose at sa bawat pose ay nakakainom ako ng kung anu anong inumin. Tumatawa na lang kami lalo na pag gumagawa ng kabulastugan ang male models. Pinilig ko ang ulo ko at doon ko namalayan na medyo tipsy na ako. Ilang shot din kasi ang nainom ko.

“Bon fire!” Sigaw ni Amy sabay turo sa bonfire na ginawa ng mga male models malapit sa sea shore.

Naka pwesto na sila doon. May gitarang dala si Billy, may nilulutong barbecue si JV at ang ibang male models ay umiinom na. Naging maingay din ang labas ng hotel. Mukhang nag hire sila ng DJ.

“Kumain na muna kayo!” Anyaya ni Kira.

Magulong magulo na dahil sa after party. Ni hindi ko mahagilap si Hector. Kumain ako at san ay kumakain siya. Kaya nang bumalik ako doon sa may stage, nakita kong nandoon parin siya at kausap ang mga malalaking businessman. Kilala siguro ng pamilya niya? Well, kung ayaw niya akong bantayan ngayon ay magpaparty na lang ako ng todo.

Aalis na sana ako nang nakita kong may isang ka edad kong babae ang dumating. Naka dress siya at pormal na pormal ang dating. Mabilis na tumayo si Hector at ngumisi.

Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko. Parang lumagapak ako sa pagkahulog ko. Namimilog ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang nakangisi at nakikipag kamayan sa isang babaeng kararating lang.

Tumawa ang matandang businessman na kanina niya pa nakakausap. Napansin kong magkahawig ang babae at ang matanda, siguro ay anak niya iyon? Ngumingisi ang babae na may dimples kay Hector. Kitang kita ko ang kislap sa mga mata niya habang marahang tinampal ang ama dahil sa pagbibiro nito. Umiling si Hector at tumawa.

Parang unti-unting nanoot sa kalamnan ko ang katotohanang matagal ko ng alam pero hindi ko napagtoonan ng pansin. Si Hector… Si Hector ay isang Dela Merced. Mayaman sila at hindi kami magkaparehas ng estado sa buhay. Kaya may mga kilala siyang hindi ko kilala. Kaya kilala niya ang businessman na yan at ako ay hindi… Hindi kami magkapareho ng mundong ginagalawan. Pinanganak akong tama lang ang lahat ng resources, habang siya ay ipinanganak na sobra sobra at hindi kailanman magkukulang. Iyon din ang dahilan kung bakit ganyan siya makaasta, na pakiramdam niya kaya niyang kontrolin ang lahat…

“Ches…ca…” Natatawang sinabi ni Brandon sa likod ko.

Napatalon ako at nilingon siya.

“WHAT IS IT, BRANDON?” Pasigaw at medyo iritado kong tanong.

“Oh? Easy! Masyado tayong high blood.” Humalakhak siya.

Kitang kita ko sa mga mata niya na medyo lasing na siya. Kanina pa ito lumalaklak, e. May hawak pa siyang gin ngayon na inaalog alog niya para matunaw ang ice.

“Let’s go back and have some fun.” Inakbayan niya ako.

Nilingon ko si Hector na hanggang ngayon ay naroon parin at kausap ang businessman at ang anak nito. Para akong sinusuntok diretso sa puso. Nakakapanlumo.

“Here.” Binigay sakin ni Brandon ang iniinom na gin.

Tiningnan ko muna iyon bago nilagok.

“Wohooo!” Sigaw ng ibang co models ko at binuksan ang isang mamahalin na wine sa harap.

Lahat ng shot glass na hawak ay binuhusan ng wine sa tapat ng nagliliyab na bonfire.

“Cheers!” Sigaw ni RJ at sabay sabay kaming uminom.

“Laro tayo! Laro!” Sigaw ni Billy sabay hagis sa mga cards. “Poker!” Kumindat siya.

Inabala ko ang sarili ko sa mga card games. Kaso nahihirapan ako kasi di ako marunong sa poker. Hindi lahat ang naglaro dahil may consequences ang matatalo. May truth or dare na mangyayari pag natalo ka.

“Nice shirt.” Kumindat si RJ sakin.

Napatingin ako sa t-shirt ko. Nalaglag ang panga ko nang narealize ko na kay Hector nga pala ito. Ito yung t-shirt na pinahiram niya sa akin noon. Yung may quote na ‘Kapag hinihimas, nagagalit’. Uminit ang pisngi ko pero ipinagkibit balikat na lang dahil abala naman ang lahat sa laro.

Nagtawanan kami nang ang dare para kay Brandon ay halikan yung isang foreigner sa leeg. Nagulat ako nung na badtrip siya. Hindi siya ganun dati. Lagi siyang game sa mga ganun.

“Chicken!” Panunuyang sinabi ni Clark.

Napatalon ako nang narealize na naroon si Clark sa likod at nakahalukipkip. Unti-unti siyang lumapit malapit kay Billy. Nakita ko ang mga mata ng co models kong dumiretso sakin. Alam ko… Kahit na hindi sila mga usisero at usisera ay hindi parin maiiwasan na ganyan dahil may past kami ni Clark.

“I’m no chicken.” Pulang pula ang mukha ni Brandon nang umiling. “Truth na lang!” Aniya.

“Ah! Madaya!” Sabi ni Amy.

“Truth! Hindi ako madaya.”

Nanliit ang mga mata ko. “Okay, then, Brandon. Sinong nasa Tagaytay?”

Nagkibit balikat siya, “My Mother. Whoelse. Okay, next game.” Tumawa siya.

“ANG DAYA! You know what I mean!” Sabi ko.

“Enough, Chesca… Game ulit. Poker. Tayong tatlo ni RJ. Kanina ka pa di naglalaro.”

“Because I don’t know how to play poker!”

“No damn excuses.”

Binigay niya na agad yung cards. Sa totoo lang, hindi talaga ako marunong mag poker. Kaya paniguradong talong talo na ako sa game na ito. Kinalabit ko ang katabi ko at nagpatulong.

Lagok din ako nang lagok sa mga beer at wine na nasa harap. Kinakabahan kasi ako. Kinakabahan dahil alam kong pursigido si Brandon. Pursigido siyang manalo sa pustahan nila ni RJ kahit bente lang iyon. Kaya lang… pumusta siya kay Clark! At nandito si Clark, kaya patay ako dito.

“Enough of the truths, it’s too boring.” Reklamo niya nang nilahad ang cards niya.

Hindi ko alam kung anong meron sa cards niya pero suminghap at napa “Awww.” Ang lahat.

“I want a dare.” Kumindat si Brandon sakin.

Hinila ni RJ ang kamay ko at nakita nila ang talunan kong cards. Hinagis din ni RJ ang cards niya.

“Walang kwenta!” Aniya.

“O sige, what’s your dare?” Naghahamon kong tanong.

“Mahal mo pa ba ang ex mo?” Tanong ni Brandon.

Natahimik ang lahat. Nakakabingi. Ang naramdaman ko na lang ay ang mabilis na pintig ng puso ko. Kitang kita ko ang malaking ngiti ni Brandon. Bahagya pa akong naguluhan dahil dalawa ang ex ko… Sinong ex? Kasi hindi ako makasagot kung di ko alam kung sino sa dalawa.

Pinilig ko ang ulo ko at medyo nahilo ako sa ginawa. Kahit na alam kong awkward ay sinagot ko parin nang napagtanto kong si Clark ang tinutukoy niyang ex ko. Dahil wala namang alam ang lahat na may Hector ako.

“Hindi na.” Humalukipkip ako.

Wala talagang filter ang bibig ko pag medyo lasing na. Lumalakas din ang loob ko kaya nakangisi ako nang nakitang naging awkward ang scene. Tumaas ang kilay ni Brandon.

“Wait a minute, I thought it’s a dare? Asan na yung dare?”

“Sinisigurado ko lang.” Ngumisi si Brandon at suminghap. “Well, if you don’t love your ex anymore, kiss him. Sa lips.”

Kahit na natamaan ako ay namilog ang mga mata ko sa gusto niyang mangyari. “No way.” Napatingin ako kay Clark na umiiling.

Tumatawa na ang ibang co models ko at mukhang naka recover na sa sitwasyon.

“If you don’t love him anymore, then ibig sabihin, sport na, okay na mag kiss. Kahit sa lips.” Kumindat si Brandon.

“I hate you, dude!” Sabi ni RJ. “Ang daya mo.”

“Come on, it’s just twenty bucks!” Ani Brandon sabay tawa.

Feeling ni Brandon na mananalo siya dahil hahalikan ko si Clark at maiinlove na naman ako? Well, guess what. Matagal na akong naka move one! Insta-move on nga yung nangyari dahil tinamaan ako ng insta-love kay Hector na bigla na lang nag insta-hiwalay dahil sa insta-husga niya! Bullshit! Wala na bang tunay at malalim na pagmamahal ngayon? Lahat na lang, instant?

“Alright then!” Sigaw ko at tumayong bigla.

“Oh! Oh!” Inalalayan pa ako ni JV dahil medyo natumba na ako dahil sa sobrang hilo.

“Pagkatapos nito, di na ako iinom!” Sigaw ko sabay tawa.

Tumawa na lang silang lahat at nag cheer.

“Kaya yan!” Tumatawang sambit ng medyo lasing na si Amy.

“Kaya ko na!” Sabay hawi ko sa kamay na nakaalalay sakin.

Unti-unti akong lumapit kay Clark na mukhang kinakabahan ng bongga. Natawa ako dahil masyado silang maingay.

“Walang pictures, ah?” Sigaw ko at binantaan ang may hawak na camera.

Tumatawa ako habang umuupo sa tabi ni Clark. Naghihiyawan na sila. Pumapalakpak na si Brandon. Hindi makagalaw si Clark. Hindi niya man lang ako nilingon kahit na nakangisi naman ako at friendly naman ang approach ko sa kanya.

Nag igting ang bagang niya habang papalapit na ako. Humagikhik ako at medyo nahuhulog na ang mga mata ko. Nakakabingi na ang hiyawan nila.

“Uy, Clark! Kung ayaw mong halikan si Chesca, haplusin mo daw kasi nagagalit!” Sigaw ni RJ sabay turo sa tshirt ko.

Bahagyang tumawa si Clark. Paunti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko. Siguro ay may gusto rin akong patunayan sa sarili. Siguro iyon ay dahil gusto kong patunayan na hindi na ako bitter saming dalawa. I’m cool with us. That it’s all over, it’s all okay.

Bigla siyang lumingon sakin kaya naglapat ang labi namin. Tumawa ang lahat at naghiyawan. Mapupungay ang mga mata ko habang kitang kita ko ang mga mata niyang nanlalaki. Mabilis lang yung halik ko. Tiningnan ko agad si Brandon na tumatawa at umiiling.

“SEE?” Sabi ko.

Tumatawa na ako na parang baliw. Unti unti ko nang nakalimutan kung nasaan ako nang biglang may humila sakin patayo. Nairita ako sa masyadong malakas na pagkakahila.

“Ano ba?”

Nakita ko ang galit na mga mata ni Hector. Agad nag react ang puso ko. Unti unti itong kumirot at hindi ako makahinga.

“Oopps.” Dinig kong may nagsabi nun.

“What are you doing?” Matigas na accent ang ginamit niya para itanong ito sakin.

Galit siya. Alam na alam ko. Memorize ko na ang lahat sa kanya.

“Kissing Clark.” Sagot ko nang nakangiti.

“While wearing my shirt?” Matama niyang tanong.

“Anong gusto mo? Hahalikan ko siya ng nakahubad?”

Nanlaki ang mga mata niya at nalaglag ang panga.

“Hector, it was just a game.” Tumayo rin si Clark para sabihin iyon.

Nakita kong kumuyom ang kamao ni Hector. Nagpipigil siya. Nagpipigil siyang manuntok. Mabilis ang hininga niya at kuyom na kuyom ang kamao habang tinitingnan si Clark.

“So what if we kissed, hindi naman kayo.” Dagdag ni Clark.

Nakita kong kumislap ang mga mata ni Hector. Buong akala ko ay susuntukin niya na si Clark, pero imbes na dumapo ang kamao niya sa bibig ni Clark ay hinablot niya ang kamay ko at kinaladkad palayo.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: