Mapapansin Kaya? – Kabanata 64

Kabanata 64

Just An Act

“Dapat kasi sinabi mo na lang agad sa kanya…” Sabi ni Wade sakin habang niyayakap ako galing sa likuran.

Hinahaplos ko sa tabi ng ang bloodhound niyang si Carmela.

“Alam ko. Masyado lang akong naging busy at hindi ko alam kung paano ko sisimulan yun. Natatakot akong masaktan siya.” Sabi ko.

Suminghap si Wade sa tainga ko, “Now don’t tell me ipagpapatuloy mo lang yan dahil sa takot mong masaktan siya?”

Umiling agad ako at lumingon kay Wade.

Muntikan ng magtama ang mga labi naming dalawa. Natulala ako sa kanyang mga labi. Napatingin din siya sa labi ko pero lumingon siya sa gilid para maiwasan ang ito.

“Wade, I’m sorry.” Sabi ko. “Sasabihin ko sa kanya.”

Natuyo ang lalamunan ko. Iniisip ko pa lang kung paano ko sisimulang sabihin kay Liam ang tungkol samin ni Wade.

“I hope so, Reina. Lalo na’t papalapit na ang world tour ko. I won’t be here to check on you anymore.”

Bumaling ulit siya at tinitigan ako. Palingon-lingon ako nang tumingin siya sakin. Para kasing hindi ko kaya ang intensity ng titig niya. Para bang may mga expectations siyang tinatanim sakin.

“Reina, speak your mind. Hindi mo pwedeng pagtakpan ang katotohanan para lang hindi masaktan ang ibang tao o para protektahan ang sarili mo. It’s okay to speak your mind. Kasi kahit anong mangyari, nandito naman ako, hindi kita pababayaan.”

Tumango ako at lumunok. Hinaplos niya ng dahan-dahan ang buhok ko at hinalikan ang pisngi ko.

“Naaalala mo kung paano kita napansin?” Ngumisi siya.

My cheeks burned, “Hmmm? H-Hindi, syempre… Hindi ko nga alam na may ganun.” Humalakhak ako.

“Because you told me you liked me, Reina. Lagi kang straightforward noon. Yung napansin ko, straightforward ka pag alam mong wala kang masasaktan, pag tingin mo okay lang. Pero tuwing may masasagasaan ka na, tumitiklop ka. It’s not always rainbows and butterflies, Reina. At some point, may masasaktan ka talaga.”

Tumango ako at tinignan ang mga daliri ko.

Tama si Wade. I’ve always been straightforward to him. Alam ko kasing hindi ko siya maabot. Pangarap na hindi ko maabot noon. Kaya kampante akong sabihin sa kanya yung mga nararamdaman ko kasi alam kong ayos na ako maiparating ko lang sa kanya yung nararamdaman ko. Pero ngayong alam kong masasaktan ko si Liam kung sasabihin ko ang totoo, umuurong yung sikmura ko. Naduduwag ako. Kasi alam kong masasaktan ko siya.

Ilang beses kong inisip kung paano ko sisimulan yung pagsasabi ng totoo kay Liam. Hindi ko iyon naisasagawa kasi hindi na siya nagpapakita sakin.

Tinitext ko siya…

Ako:

Liam, let’s talk.

Hindi siya nag rereply. Nanghingi na rin ako ng suggestion kay Coreen, pareho sila ng suggestion ni Wade, na diretsuhin na lang.

Nangangatog ang mga binti nang nakita ko si Noah kasama si Warren, madalas sila sa bahay pero ngayon ay wala si Liam.

“Noah, nasan si Liam?” Tanong ko pagkauwi ko sa gabi.

Nagkibit balikat na lang siya at bumaling ulit sa kausap na si Warren.

I treasure Liam. Sa lahat ng mga ginawa niya para sakin. Sa pag pupuno niya sa buhay ko bilang kaibigan nang nasa France ako.

Tulala ako nang nagtatrabaho ako para sa magazine shoot ni Wade. Mamaya na yung magazine shoot ni Wade. At bukas agad yung flight niya sa ibang bansa. Sa Korea muna sila bago sa New York. Connecting flights, alam niyo na. At oo, nabigla din ako nang nalaman kong sa New York talaga yung unang venue. Nirequest talaga kasi ng mga pinoy doon sina Wade. Yung napuntahan lang nila nung Unang World Tour nila ay Las Vegas, Miami, Japan, tsaka Hong Kong.

Buong akala ko ay nagpunta sila ng France kaya niya ako nakita doon, pero nagkamali ako. Talagang sinadya niya lang pumunta ng France para hanapin ako, hindi dahil may tour sila doon.

“Reina…” Palakas na tawag ni Wade sa pangalan ko.

“Hmmm?” Napalingon ako sa kanya.

Napansin kong nilingon na kami ng mga tao. Imbis na dumiretso ako sa kanya ay dinaanan ko muna yung mga damit niya bago nagmartsa palapit sa kanya.

Tinuro niya ang buhok niya.

“Paayos ng buhok.” Ngumisi siya. “Gusto ko yung in character ka… Yung parawng tuwing hinahalikan mo ako at nasasarapan ka na-“

Hinampas ko ang balikat niya at hindi ko maiwasang di tumingin sa mga taong busy sa paligid.

“Wade!” Pabulong kong saway sa kanya.

He chuckled.

Tinignan niya lang ako sa repleksyon sa salaming nasa harap namin. Kinagat niya ang labi niya at tinuro ulit ang buhok.

“Come on, Reina.”

Halos kumuyom ang kamay ko nang inilapit ko iyon sa buhok niya. Nanggigigil ako pero pinipigilan ko ang sarili ko. Baka mapaghalataan kami dito.

Inayos ko ang buhok niya at nakita ko ang nakapikit niyang mga mata sa salamin.

“Wade…” Bulong ko nang nakitang nakatitig na yung make-up artist ni Shan samin.

Mabuti na lang at nakapikit si Shan dahil inaayos yung eyeshadow niya kaya’t hindi kami nakikita.

“Yesss, Reina…” Malambing ang ungol niya nang sinabi niya iyon.

Nakita ko talaga yung pagdilat ng mga mata ni Shan para lang tignan kung anong nangyayari kay Wade.

Patago kong kinurot ang likod niya.

“OWWW!” Palatak ni Wade.

“Uy, okay ka lang, Wade?” Tanong ni Shan nang narinig iyon galing kay Wade.

Nakangisi si Wade habang iniinda yung sakit ng kurot ko sa likod niya.

“Ayos lang naman.” Tumawa siya.

Nagkasalubong ang kilay ni Shan sa reaksyon ni Wade.

Umiling ako at lumayo sa kanya. Dinalaw agad ako ng kaba nang naramdaman ko ang titig ng make up artist ni Shan at maging ang isang P.A na nandoon.

“Okay, sige na, ready na, Wade and Shan!” Sigaw ng isangmaliit na babaeng mukhang istrikta at staff ng magazine.

Pumwesto na ang mga photographers. Natapos na pala sila sa pagsi-set up. Ni-reretouch naman ang concealer sa magandang mukha ni Shan. Grabe, nakita ko na siya ng walang make up at ang masasabi ko lang ay halos walang ipinagbago. Natural talaga ang ganda ni Shan Melendez. Siguro naman hindi ka makakapasok sa Showbiz kung hindi, diba?

“Paano po? tatayo lang kami?” Tanong ni Shan habang nakatayo na sa gitna ng mga lights at sa harap ng white backdrop.

“Oo. Tayo muna, mamaya lalagyan namin ng sofa dyan.” Sabi nung babae.

Nakaupo parin si Wade sa kinauupuan niya nang sinulyapan ko siya. Nakahawak siya sa kanyang labi at nakatitig sakin.

Oh that look!

“Wade!” KInawayan ko siya at itinuro si Shan na nandoon na sa gitna.

Tinaas niya ang kanyang kilay.

Sinimangutan ko siya. Tsaka lang siya tumayo nang binigyan ko na siya ng masamang titig.

Mas lalo lang akong kinabahan ng nagmartsa siya ng diretso papunta sakin. Baka mamaya halikan ako nito at mahalata kami!

Pero imbes na ganun ang ginawa niya at tinapik niya ang balakang ko at humalakhak bago ako nilagpasan.

Nanlaki ang mga mata ng make up artist ni Shan.

“Ito talagang si W-Wade, palabiro.” Parinig ko.

SHET! Hindi niya ako tinantanan ng titig kaya tinoon ko na lang ang pansin ko sa kay Wade at Shan na ngayon ay pinagdidikit na nung babae.

“Dikit pa, Wade! Ano ba naman yan! Pa tweetums naman kayong dalawa parang hindi mag on sa likod ng camera!” Seryoso niya iyong sinabi.

“Hindi naman talaga.” Seryosong sagot ni Wade.

Umiling lang ang babae sabay tulak kay Shan palapit kay Wade.

“Ayyy, sorry, Wade.” Sabi ni Shan.

Itinulak pa siya lalo nung babae at nakita kong tumama yung dibdib ni Shan sa nakadepensang kamay ni Wade.

“AYYYYY!” Sigaw sabay tawa ng mga staff at photographers.

Natulala ako sa nangyari. Dumiretso ang titig ng namumutlang si Wade sakin.

“SORRY!” Sigaw ni Shan kay Wade.

Kitang kita ko ang pamumula ni Shan. Inayos niya ang kanyang spagetti strap na damit at maging ang bra niya sa loob.

Halos mapamura ako sa inis dahil sa nangyari. Pero imbis na magpakita ako ng ganoong ekspresyon kay Wade ay pinigilan ko na lang ang sarili ko. Dahil alam kong pag nakita niya iyon sakin, baka umatras lang siya dito ngayon.

Nakita ko ang pag iiba ng ekspresyon ni Wade simula noon. Ngising-ngisi si Shan at patweetums na lumalapit kay Wade, pero blangko lang ang ipinapakita ni Wade at hindi niya na ring nagagawang magbiro.

“Lagyan ng sofa!” Sigaw nung babae at pumalakpak pa.

Agad nilagyan ng sofa sa likod nina Wade.

Sofa. May naaalala tuloy ako. Tumalikod ako at pumikit. I trust Wade, pero syempre hindi naman talaga maiiwasang hindi mainggit.

Umupo si Wade at Shan sa sofa.

“Bakit may sofa pa? Ilang shots na ba ang nagawa namin?” Masungit na tanong ni Wade.

“Marami na, pero kulang pa kasi parang walang emosyon.” Sagot nung isang photographer.

“Tsaka kailangan din ito para sa article mismo.” Dagdag nung babae. “Ngayon, gusto ko ipulupot mo yung kamay mo sa katawan ni Shan. Yung tulad ng ginagawa ng mga lovers.”

Nalaglag ang panga ko sa hinihingi ng babae. Inaksyon niya pa ito para mas lalong maintindihan ni Wade.

Wala akong ibang maisip kundi yung moves ni Wade sakin. Ganun siya kung maglambing sakin. Yung ginagawa niya simula pa lang noon. Yung pagyayakap niya sakin galing sa likuran habang nakaupo kaming dalawa. Yan yung paborito ko sa lahat ng ginagawa niya.

“This is ridiculous.” Nakita kong namutla ulit siya at halos mag retaliate na sa mga staff.

“It’s just an act, Wade.” Sabi ng babae. “At ano naman sayo iyon? You’re with Shan!”

“AHHH! Ilang beses ko bang sasabihin, I’m not with her and I won’t be.”

Ginulo niya ang buhok niya.

Dumapo yung titig niya sakin bago kinusot at pinisil ang mga mata niya. Napalunok ako. Tingin ko ay may naaalala din siya tuwing ginagawa niya iyon.

“Wade, come on, work lang naman ito.” Sabi ni Shan.

Hindi sumagot si Wade.

“It’s not like it’s new to you…” Napalingon si Shan sa mga naghihintay na photographers.

Umambang magsasalita ng masama si Wade nang dinilat niya ang mga mata niya at hinarap ni Shan.

“WADE!” Napasigaw ako.

Alam kong mura agad ang lalabas sa mga bibig niya. Namutla pa siya lalo at nilingon ako.

“Do it.”

Tumunganga siya sa mukha ko. Maging ang ibang tao ay napatingin narin sakin.

“Just do it.”

Alam kong masasaktan ako dito. Hindi ko naman pala kayang may iba siyang kaganyan kahit na alam kong peke, kahit na acting lang at hindi totoo. Tao rin ko at babae na sensitive. But I need to be stronger than this. Hindi pwedeng dahil lang may masasaktan o dahil masasaktan ako ay hindi na pwedeng gawin.

Dahan-dahang nilagay ni Wade ang kamay niya sa harapan ni Shan. Humilig palapit si Shan sa kanya. Hinawakan ni Shan ang kamay niya at pinulupot niya ang mga daliri niya sa daliri ni Wade. Kumunot ang noo ni Wade sa ginawa ni Shan.

“Noon, pag shoot naming dalawa, magkatabi lang naman, ah? Bakit ngayon may ganito?” Tanong ni Wade sa kalagitnaan ng pag ki-click ng camera.

“Kasi po…” Pabirong sambit nung babae. “Talk of the town ang relasyon niyong dalawa. Syempre ganun talaga-“

Kinalas ni Wade ang mga kamay niya kay Shan. Nakita ko ang galit na ekspresyon ni Shan.

“Wade, wag ka ngang OA!” Sambit ni Shan.

“Sabi ko, wala kaming relasyon!” Sabi nI Wade.

“Yeah, we get it Wade… You just want to keep this a secret.” Pabulong na sinabi nung babae.

Hindi iyon narinig ni Wade kasi ang buong pansin niya ay nandoon kay Shan.

“Oo na! Sinabi mo na, Wade! Stop it, okay?” Sigaw ni Shan.

“I’ll stop it if you stop telling them we have this imaginary relationshit-“

Nakita kong namula ang mga pisngi ni Shan.

WADE RIVAS! YOU REALLY ARE AN ASSHOLE!

“I’m not telling them, Wade, it’s your fans!” Nabasag ang boses ni Shan.

“Ano ito, lovers quarrel?” Sabi ng photographer na hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa pagpipicture.

I get it, now… Showbiz, eh? Kahit na anong gawin mong paliwanag, ang papaniwalaan lang nila ay kung ano yung gusto nila. Hindi nila kayang paniwalaan ang katotohanan. Kung anong maganda sa pandinig, yun yunglalabas sa balita. Pinagtatakpan ang mga pangit. Hindi ipinapalabas yung mga hindi gusto at hindi bebenta sa mga tao. Lalo na pag dalawang matuong na pangalan at iisang love team ang pinaglalaban. The mass will still win.

“I hate showbiz.” Sabi ni Wade sakin habang nagliligpit ako ng gamit. “Reina?”

Hindi ako umimik. Tanging naiisip ko lang ay yung sinabi niya, I hate showbiz, too. Pero anong magagawa ko, eto na siya at pangarap niyang sumikat noon. This is his dream and I’m not that immature to take this away from him.

“Reina!” Sigaw niya at narinig ko ang pagkabasag ng boses niya sa huling pantig ng pangalan ko.

Bago ko pa siya nalingon ay hinila niya na yung baywang ko palapit sa kanya.

Nakaupo siya kaya napaupo ako sa mga hita niya.

“Reina…” Untag niya ulit.

“Hmm?” Nilingon ko siya.

“Galit ka ba?” Tanong niya.

Wala ng tao dito. Nauna na yung staff nina Shan para sa isnag hosting gig. Yung mga staff naman ng magazine ay lumabas muna. Kaming dalawa lang ang nasa studio. Ang inaasahan lang naming pumasok ay si Mr. Manzano, para ipahayag yung kontrata sa article.

“Nope…”

“Nakita kita habang nag sho-shoot kami. Hindi ko nagustuhan ang ekspresyon mo. Do you hate me now, Reina?” Unti-unting humigpit ang yakap niya sakin.

“No, Wade.” Suminghap ako. “Of course, kahit sino naman siguro hindi iyon magugustuhan. But I understand. This is just work.” Sabi ko.

“Alam kong hindi mo talaga iyon magugustuhan. Kasi kung ako yung nasa position mo, baka di ko rin kayanin pag may pumulupot na braso sa baywang mong hindi ako.” Nabasag ang boses niya.

Kinurot ang puso ko sa narinig ko galing sa kanya. Hindi ako sigurado kung sino saming dalawa ang mas nasasaktan sa nangyari kanina. Kahit nagtatampo ako, agad itong napawi dahil sa ipinakita niyang pagsisisi. Hindi naman niya kailangang magsisi, kasi alam ko namang hindi niya talaga iyon sinasadya.

KInalas ko yung kamay niyang nakapulupot sa baywang ko at nilingon siya.

Napaawang ang bibig niya at nanlaki ang mga mata niya. Mas lalo siyang namutla. Para bang nangyayari na iyong bagay na ayaw niyang mangyari…

“REINA?” Tawag niya.

Marahan akong ngumisi at yumuko para abutin ang labi niya. Nilapat ko ng marahan ang labi ko sa labi niya.

“It’s okay, Wade… It’s really okay…” Sabi ko habang hinahalikan siya.

“WHAT THE?” Mas una kong narinig ang sigaw kesa sa pagbubukas ng pintuan.

Napalundag ang puso ko nang nakita kong hinihingal na nakatayo si Liam sa pintuan.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: