Mapapansin Kaya? – Kabanata 62

Kabanata 62

Awards

Kinaumagahan, naging madali saking magpalusot dahil salung-salo ako ni Coreen kagabi. Tulog na tulog din si Noah kaya naman walang nag interrogate sakin.

Nagpatuloy si Wade sa pagrerecord ng iilan pang kanta. Isa lang yung nagagawa nila sa halos limang araw. Matagal kasi ang rehearsal at may revisions pang ginagawa. Bawal naman siyang sagarin kasi baka mapaos.

Hiningal ako sa kakatakbo papunta ng office ni Mr. Manzano. Nandoon kasi ang buong banda ni Wade at pinatawag niya daw ako diumano para mag style sa kanya. Hindi ko alam, ah? Ano pa bang kailangan kong i-style sa kanya eh ako naman yung gumawa ng suit niya at mukhang alam niya naman kung paano dalhin ang sarili niya. I doubt if he really needs me right now or he’s just playing around.

“Andito na si Reina!” Sabi ni Adam nang pinagbuksan ako ng pinto.

“Thanks!” Pinaypayan ko ang sarili ko at pinunasan ang pawis.

Ngumisi si Zac at bigla akong niyakap. Nabigla ako sa ginawa niya.

“ZAC!” Sigaw ni Wade.

Tumatawa na si Zac at kinalas ang pagkakayakap sakin. Ang gwapo-gwapo nI Wade na nakasimangot kay Zac. Handa na siyang suntukin si Zac nang nilapitan siya ni Adam.

“Dude, stop it! Dalawang oras na lang awards na. Hindi pwedeng magkapasa ang isa sa inyo.” Awat ni Adam kay Wade.

“Asus! Ito talaga si Wade. Hindi ba pwedeng friendly hug? Tsss…” Tumawa si Adam at umupo si Wade sa inuupuan niya kanina nang dumating ako.

Napakamot ako sa ulo.

“S-Sorry, I’m late. Hindi kasi ako nag expect na magkakaroon ako ng duty ngayon.” Sabi ko.

Unti-unti akong lumapit sa nakasimangot na si Wade. Ngumingiwi siya at kahit ganun ay sumasalida parin ang kanyang dimple. Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Lalo na ngayong soot niya ang suit na ginawa ko.

“Reina, thanks sa suit!” Sabi ni Adam sabay tapik sa balikat ko.

“Walang anuman.” Sagot ko at ngumiti sa kanya.

Kahit malawak ang opisina ni Mr. Manzano (hindi ko alam kung opisina kasi mukha ng bahay), napunan parin ito ng buong banda. Hindi lang naman pala sila yung minamanage ni Mr. Manzano, nakita ko rin ang isang teen idol na magaling ding kumanta sa isang table na umuupo at nakikinig sa kanyang iPod. Marami din akong nakitang pamilyar na mga mukha (pasensya na, hindi uso ang TV sa bahay).

“Reina, can you fix my hair please.” Sabi ni Wade sabay turo sa magulo niyang buhok.

“O-Okay…”

Kinuha ko yung hair product na paborito niya at nilagay sa kamay ko bago hinaplos sa buhok niya.

“Hindi mo naman kailangan ng ganito, eh. Kahit na anong gawin sa buhok mo ang gwapo mo parin…” Ngumisi ako sa kanyang repleksyon sa salamin.

Habang hinahaplos ko ang buhok niya at nagtatawanan tungkol sa isang article sa magazine ang kanyang mga kabanda ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko.

Tinaas ko ang kilay ko.

“Bakit?”

Ngumisi siya at hinila ako sa harapan niya. Hindi ko mapagtanto kung ano ang gusto niyang mangyari. Napatingin ulit ako sa salamin para tignan ang repleksyon ng mga kabanda niyang nandoon parin at nakatitig sa magazine sabay hagalpak sa tawa.

“Ano Wade?” Tanong ko.

Umiinit na ang pisngi ko. Patay! Baka mahalata kami!

Hinila niya ako pababa. Para bang sinusubukan niyang paupuin ako sa gitna ng hita niya. Bumuhos ang daan-daang alaala sa utak ko. Naalala ko yung pagkakataong nahihiya siyang magconfess sa akin tungkol sa nararamdaman niya.

Naalala ko ang lahat. Naalala ko na hindi nga pala siya sanay umamin at pag usapan yung nararamdaman niya noon. Palagi siyang namumula kaya pinili niyang nakatalikod ako sa kanya habang sinasabi niya ang lahat ng iyon.

Wala akong nagawa kundi umupo sa gitna ng hita niya.

“Wade, mahahalata tayo nito.” Sabi ko sabay sulyap ulit sa mga kabanda niya.

Nakita kong tumititig na si Adam habang ang dalawa (si Zac at Austin) ay nandoon parin sa magazine ang buong pansin.

“Wade, si Adam oh.” Bulong ko.

Pero imbes na itulak niya ako palayo para walang makahalata samin ay niyakap niya ako galing sa likuran.

“Naaalala mo ba ito, Reina?”

Tumindig ang balahibo ko sa leeg sa bulong niya.

“O-Oo naman.”

Narinig ko ang pagngisi niya sa tainga ko. Napatingin ulit ako sa mga kabanda niyang nag ku-kwentuhan na ngayon na parang walang nangyayari sa gilid nila.

“Hayaan mo sila. Alam nila yung tungkol satin.” Ani Wade.

“A-Ano? W-What if it’s going to leak, Wade? Bakit mo sinabi-“

“Nasa France ka pa lang, alam na nila. Nothing’s new, Reina.”

Sumulyap ako sa mga kabanda niyang hanggang ngayon ay wlaang pakealam. Ngayon, napagtanto kong hindi naman pala lahat ng tao sa mundo ang may pakealam kung sino ang love nino. I’m grateful for that. Buong buhay ko pakiramdam ko kailangan ng approval para mahalin ang mahal mo.

“Ate Maria…”

Napatalon ako sa tinawag na pangalan ni Wade.

“Po?”

May biglang lumapit saming matanda na may bitbit na kape. Umiinom siya habang nakikinig sa sinasabi ni Wade.

“Nasan yung binili ko nung isang araw?” Tanong ni Wade kay Ate Maria.

“Nasa drawer.” Sabay kuha niya sa drawer malapit sa inuupuan namin ni Wade.

May isang malaking box siyang nilapag sa harap namin ni Wade.

Nihead-to-foot ako ni Ate Maria.

“Kasya yan, Wade.” Aniya at pumihit siya para bumalik sa pwesto.

“Ano yan?” Tanong ko kay Wade sabay bukas doon sa box.

Naaninaw ko ang isang baby pink na dress. Simple ito at maganda. Conservative, see through yung nasa upper chest. Puno pa ito ng maliliit na crystals. Sa ilalim nito ay isang silver na sandals.

“Ano ‘to?”

Hinalikan niya ang buhok ko.

“Sasama ka sa awards as Austin’s date. Hindi pwedeng si Adam kasi kasama iyong asawa niya. Mas lalong hindi pwedeng si Zac.” Kumunot ang noo niya. “Nakakontrata ang pag sama ni Shan sakin tonight. At alam mong ayaw ko ng ganun. So I’m still bringing you as my date in disguise as Austin’s.” Ngumisi siya.

“AHA!” Napatalon ako sa biglaang pagsigaw ni Zac. “Sinabi mo na ba? Date ko siya diba?”

“Asa! Zac! Sige na, Reina, magbihis ka na.” Sabi ni Wade.

“W-Wade? Are you sure about this? Hindi ba ako mapaghahalataan?” Tanong ko.

“Hindi. Kung hindi ka tsatsansingan ni Zac, hindi talaga mapaghahalataan. Kung tsatsansingan ka niya baka maibulgar kong bigla kaya lumayo ka sa kanya.”

Napakamot ako sa ulo sa sinabi niya. Is this really true?

Napatingin ako kay Austin. Hindi kami close nito at mejo tahimik siya kaya hindi ako sigurado kung okay lang.

“Okay lang.” Ngumisi siya sakin at nagpakita ng approve-sign.

Ginantihan ko rin siya ng ngiti at kinuha ang damit na binigay ni Wade sakin.

Ako na mismo ang nag ayos sa sarili ko. Ayokong mag hire pa si Wade ng make up artist para lang ayusan ako gayung kaya ko naman. Nahihiya nga ako kasi nag abala pa siya sa damit na ito. Napangiti ako habang tinitignan ang mukha sa salamin. It looks really good on me.

“Reina?” Dinig ko ang boses ni Wade sa labas.

Nasa loob kasi ako ng CR sa office ni Mr. Manzano.

“Kasya ba?” Tanong niya ng humahalakhak.

“What’s so funny?”

Napatingin tuloy ulit ako sa damit ko.

“Hindi ko kasi tinanong yung sukat mo. Dumiretso lang ako sa isang boutique para bilhin yan. Sinukat ko yung bandang boobs…”

Napatingin ako sa boobs ko.

“At inisip kong ganun yun ka laki… Tapos yung baywang mo, ganito ka nipis… Tapos yung likod-“

“WADE!”

Pinagbuskan ko siya at naabutan ko siyang nakangisi at inaakting yung paghahawak niya sa boobs ko.

Hinampas ko ang braso niya.

“Tumigil ka nga! You’re just really perv, Rivas!”

Humalakhak siya at nihead to foot ako.

“Sabi kasi nila, pag memorize mo yung katawan ng babaeng mahal mo, hindi mo na kailangan ng sukat nila para malaman kung kasya ang damit.” Kumindat siya at hinawakan ang baywang ko. “You look really beautiful, Reina.” Dagdag niya.

Uminit ang pisngi ko at naalala ko na sinabi rin ito ni Liam sakin.

“T-Thanks!”

“Bakit kaya antagal matapos ng Awards?” Tanong niya sakin.

“Hindi pa nga nagsisimula, matatapos na agad?”

“Ewan ko. Gusto ko na lang matapos siya agad.” Tumawa siya.

“Don’t you care about the result? Pwede kang manalo…”

Nagkibit-balikat siya at hinila ako, “Let’s go…”

Ayaw ko talaga sa showbiz. Iyon ang napatunayan ko sa sarili ko nang nakarating na kami sa venue gamit ang isang limousine. Hindi ako hiyang sa mga taong plastikang nagbabatian. Hindi ko naman sinasabing lahat, pero madalas ay ganun ang nakikita ko. May red carpet na nakalatag papasok doon at maraming reporters at media ang nakaabang.

Una, syempre, si Wade at si Shan. Naiinis nga ako kasi pumipihit siya para tignan ako. I don’t wanna attract much attention. Si Adam at ang kanyang magandang misis ang sumunod. Nang si Zac naman ang lumabas ay panay ang pose niya sa camera na para bang siya ang hari. Pagkalabas naman namin ni Austin, dire-diretso lang yung lakad namin.

Buong akala ko ay payapa kaming makakapasok sa loob, pero nagkamali ako…

“Austin, who’s your date?” Tanong ng isang reporter.

“Uhh… This is Reina, Wade’s…” Napakamot siya sa ulo. “Designer.”

“May namamagitan ba sa inyong dalawa?”

Pakiramdam ko naubos yung dugo ko sa tanong niya.

“Wala. She’s just a friend.”

Ngumisi ako sa reporter at tumango.

“Friendzoned?” Tumaas ang kilay ng reporter sabay sulat sa isang notebook.

WHAT?

“Smile!!!”

Napilitan akong mag smile kahit sa awkward at nakakainis na sitwasyon na iyon. God! I hate showbiz!

“Sorry… Not really fond of facing people.” Sabi ni Austin sabay nahihiyang ngiti sakin.

“It’s okay. Pareho pala tayo. Hindi rin ako marunong makihalubilo masyado.”

He grinned, “Nakakahiya, eh.”

True. Kung hindi lang dahil sa apelyido ko, hindi talaga ako makikilala noon.

Nang nakapasok na kami sa loob, umupo ako sa gitna ni Wade at Austin. Magkatabi si Wade at Shan pero sakin si Wade humihilig.

Humihilig naman ako kay Austin kasi ayaw kong bigyan ng kahulugan ang closeness naming dalawa.

Maraming kilala si Shan kaya sosyalan dito, sosyalan doon, batian dito, batian doon. Si Wade naman, panay ngisi at kaway-kaway lang sa mga kilala niya.

Hindi maiiwasang mapapatayo siya para magkaroon ng picture sa ibang artista. Lalo na yung mga nalilink sa kanya noon.

“Ah! Why did you ever leave…” Sabi niya nang umupo ulit siya galing sa mahabang pictorial session. “Ayan tuloy nag showbiz ako.”

Napatingin ako sa kanya. Ngumisi lang siya at tinaas ang kilay.

Nagsimula na ang buong awards. Balak ko talagang makinig at manood kasi ito ang unang pagkakataong makakapunta ako dito, live. But I think this is going to be my last, too. Like I said, I hate showbiz!

Kasabay ng pagsisimula ng awards ay ang paggapang ng malilikot na kamay ni Wade sa hita ko.

Ginalaw-galaw ko ang hita ko para mabulabog yung kamay niyang nakapirmi lang naman doon.

“Wade, the camera!” Galit at pabulong kong sinabi.

Bahagya niyang itinago yung kamay niya nang tumutok samin ang camera. Pero nang bumaling ito sa iba ay ibinalik niya doon.

Ugh! How can I concentrate?

IIlang mga kanta, artists, movies, mtvs at kung anu-ano pa ang na bigyan ng award pero wala parin ako sa ulirat ko.

Gumuguhit siya ng circles sa hita ko. Hindi ako sigurado kung anong ginuguhit niya pero maraming circles at madalas din ang triangle.

“Wade, what are you doing…” Halos mapatili na yung bulong ko dahil nakakakiliti na yung ginagawa niya.

Ipinatong ko na lang yung legs ko sa kabila para maipit yung kamay niya. Baka kasi hindi ko mapigilan yung pagtili kung di ko yun gagawin.

“Stop it.”

“Oh no… You’re blushing.” Bulong niya.

OH MY GOD! Kinagat ko na lang ang labi ko at diretsong tumingin sa patapos ng performance.

Ginalaw-galaw niya ang dalira niyang nakaipit sa legs ko. Napatingin na ako kay Austin na pumapalakpak na sa ending ng performance.

SHIZ RIVAS!

Pumalakpak na rin ako at nagkunwaring nanood talaga ako.

“Hindi ka ba papalakpak, Wade?” Tanong ko para sana mabawi niya yung kamay niyang nasa gitna ng mga legs ko.

“Hindi… Bo-ring.” humalakhak siya.

“Uy, Ang ganda kaya!” Sabay siko ni Shan sa kanya.

Natitigang na ako dito at napaparanoid baka may makahalata at may makakita sa kamay niya.

Binalik ko sa dati yung position ng mga legs ko kaya na expose ulit yung kamay ni Wade.

“Wade, camera ulit!” Sabi ko para maitago niya naman yung kamay niya.

“And now… the Artist of the Year Award goes too…”

Nag drum rolls.

Imbes na itago niya ang kamay niya ay hinipo niya ang legs ko pataas sa hita ko. Mapapamura na talaga ako ng malakas kung hindi siya titigil.

“GOING SOUTH!”

Sumabog yung confetti! Swear sasabog na rin ata ang utak ko dahil sa kawalang hiyaang ginagawa niya.

Tumayo si Zac, Austin, at Adam. Siya, hindi.

“Badtrip.” Aniya. “I;m almost there…” Humalakhak siya at tinignan ako.

Bumuhos ang palakpakan at hiyawan para sa kanila.

Rivas! It’s your time to shine pero parang wala lang sayo ang lahat ng ito. What are you?

Pumalakpak din ako. Kahit na hindi pa ako nakakaget over sa ginagawa niya, mabilis paring nag register sa utak ko na isa silang big hit dito sa Pilipinas! They’re on top. He’s on top… Syempre, talented talaga siya. Hindi natin iyon maitatanggi.

Ngumisi siya at nakipag high five sa tatlo niyang kabanda. Umakyat silang apat sa stage, si Wade ang nauuna.

I’m so proud of him. Pumalakpak ako hanggang sa sumakit yung palad ko. I’m just so proud of him.

“Thank you so much for all your support. Sa lahat ng taong nasa likod, Mr. Manzano, Mr. Reyes, Madame Ching, Moon Records… Salamat. Fans, para sa inyo ‘to. At syempre higit sa lahat, sa Panginoon, dahil kung hindi niya kami binigyan ng inspirasyon, hindi namin ‘to makukuha. Thank you. Kung hindi namin napagdaanan ang lahat ng sakit na dinaanan namin noon, wala kami dito. Thank you.”

May nagbara sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga ng malalim.

Binigyan sila ng masigabong palakpakan ng audience. Nag standing ovation pa si Shan at ilang mga nasa unahan namin. Napatingin ako sa mga tao sa likod, maging sila ay nagstanding ovation.

Tumayo rin ako para pumalakpak para sa kay Wade. Nahagip ko yung titig niya. Nakahawak siya ng trophy at ipinakita niya iyon sakin.

Hindi ko maiwasan ang pamumuo ng luha ko. You made it, Wade! At naniniwala akong kahit wala ako dito, kaya mo yan. You have the talent… you have the charisma… You are an artist.

I love you, Wade. I truly do…


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: