End This War – Kabanata 7

Kabanata 7

Sige pa, Chesca

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nila. Buong akala ko ay si Koko ang Dela Merced.

“Sino ba ang tinutukoy mo, ateng?” Tanong ni Craig sakin.

Tulala kasi ako nang nalaman ko iyon. Si Hector ang Dela Merced, hindi si Koko! Pero Dela Merced din naman siguro si Koko? Sinoot niya yung jersey na may Dela Merced, at isa pa, sinusundo siya ng Jeep Commander ng mga Dela Merced.

“Parang pornstar lang.” Tumatawang utas ni Craig kay Teddy.

“Hector.” Nagtawanan ang dalawa.

Napangiwi ako sa panunuya nila. Hindi ko na binanggit na nagkamali ako. Ni hindi ako nagtanong kung Dela Merced din ba si Koko. Ngayon paano na ang plano? Nasimulan ko na ang pagpapahiwatig kay Koko! Si Hector pala ang dapat!

Napahiga ako sa kama habang iniisip ang nangyari kanina. Simula sa pagliligtas niya sakin hanggang sa nang kiniliti niya ako. Uminit ang pisngi ko. Sinabi ko pa sa kanyang trabahador siya sa rancho! Ni hindi niya man lang sinabi saking tagapagmana siya nun! Shet!

“Chesca, hapunan na!” Tawag ni papa.

Bumangon ako agad at nagpunta sa hapag kainan. Hanggang ngayon ay hindi parin mag sink in sa akin na si Hector ang Dela Merced at hindi si Koko.

“Kamusta ang eskwela, Chesca?” Tanong ni mama.

“Okay lang.” Nagsimula akong kumain.

Pinagtitinginan ako nina Teddy at Craig habang kumakain. Seryoso si papa at tito sa pag uusap tungkol sa bagyong nasa TV. Si tiya at mama naman ang umuusisa sa pag pasok ko ng school.

“May mga naging kaibigan ka ba?” Tanong ni mama.

“Hmmm… Meron din naman.” Nagpatuloy ako sa pagkain.

“Sino? Naku, dapat pinakilala kita dun sa anak ng mga Fajardo. Si Kathy?” Sabi ni tiya.

Natigilan ako.

Si Kathy? Yung matangkad, echosera at mapapel na kaibigan ni Hector? Naku salamat na lang!

“Ah… Okay lang po. Kilala ko rin po siya. Silang mga kaibigan ni Koko.”

Nagkatinginan si mama at tiya. “Koko Marasigan? Koby Marasigan?” Tanong ni tiya.

“Marasigan po ang apelyido ni Koko?”

Tumango siya, “Oo. Anak yan ng ranchero ng mga Dela Merced diba?” Tanong ni tiya kay tiyo.

Tumango si Tiyo at nagpatuloy sa pakikipag usap kay papa.

Napapikit ako. What a wrong idea! Bakit hindi ko iyon naisip? Bakit agad akong nag conclude na si Koko ay isang Dela Merced dahil lang sa kanyang jersey? At isa pa, bakit siya nakasakay sa Jeep Commander nina Hector?

“Okay ka lang ba, Chesca?” Tanong ni tiya.

Dumalat ako at uminom ng tubig, “Okay lang po.”

Ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko o may magagawa pa ba ako. Akala ko si Koko ang Dela Merced kaya siya ang pinaghirapan ko. At ngayong nalaman kong si Hector pala ang Dela Merced, hindi ko alam kung paano ako magsisimula sa kanya.

Sa sumunod na araw, pumasok ulit ako. Di tulad ng unang araw, may professor ng nagpapakita. Naaninag ko agad ang umaliwalas na mukha ni Koko nang nakita akong pumasok. Tinapik niya agad ang upuan sa tabi niya. Kinagat ko ang labi ko. Oo nga pala, magkaklase kami ni Koko dito.

Anong gagawin ko? Chesca, anong gulo itong pinasukan mo?

Lumingon-lingon ako at sa nahagip agad ang ng mata ko si Hector na umaayos sa pag upo at ngumingisi sa akin. Pinapalibutan na siya ng mga kaibigan niya pero may isang upuang walang nakaupo.

“Hector, ako ba dito?” Tanong ng kararating lang na si Kathy sabay turo sa upuang walang nakaupo sa tabi niya.

“Di, Kathy, doon ka na lang sa likod.”

“Huh? Bakit? Sinong nakaupo dito?”

Tumaas ang kilay ni Hector at tumingin sakin.

“Tsaka, anong nangyari sa braso mo?” Puna ni Kathy sabay yuko para tingnan ang nakabandage na braso ni Hector.

“Ah, wala, galos lang.” Ngumisi si Hector at tumingin ulit sa akin.

Napatingin na rin ang mga kaibigan niya sa akin. Curious kung kanino bumabalik ang atensyon niya. Imbes na tumunganga ako doon ay dumiretso na ako sa isang abandonadong upuan sa pinaka likod ng classroom. Nakita ko ang pagsimangot ni Koko at ang pag upo naman ni Kathy sa upuang katabi ni Hector.

Aapila sana si Koko. Umamba siyang tumayo para puntahan ako kaya lang dumating nang bigla ang isang matanda at istriktong professor.

“Good morning, class!” Matigas ang kanyang tono.

“Good morning, sir!”

Si Sir Magdale ang professor sa isang major subject namin dito sa Alegria Community College. Tanyag siya sa pagiging bihasa sa Marketing at Business Management. Medyo matanda na kaya istrikto (iyon ang narinig ko sa mga tao dito sa campus).

Medyo traditional si Mr. Magdale. Ayaw niya ng nalilate at lagi siyang nag chi-check ng attendance. Ang worst ay masyado siyang maraming requirements. Dalawang oras pa ang klase niya kaya dalawang oras din ang kalbaryo namin.

“Ichi-check ko ang attendance.” Aniya at umupo sa teacher’s table.

Kahit na nakumpirma ko na kina mama at tiya ang tungkol kay Hector at Koko, kinabahan pa rin ako ngayong babanggitin na ni Mr. Magdale ang mga pangalan naming lahat.

“Boys.” Aniya. “Cartel.”

“Present, sir!”

“Dela Merced.” Hindi niya na hinintay na magsalita si Hector. Marami pa siyang tinawag bago, “Marasigan.”

“Present!” Utas ni Koko sabay tingin sa akin.

It really is true. Hindi siya Dela Merced. Maaring ang jersey na soot niya ay bigay lang ni Hector dahil masyado na siyang maraming damit at si Koko naman ay nauubusan na! What a freaking fail!

Nang matapos na siya sa mga lalaki ay babae naman ang kanyang tinawag.

“Alde, Francesca P.” Natigilan si Mr. Magdale at tiningnan niya ako sa likod ng kanyang salamin.

“Present, sir!”

Nanliit ang kanyang mga mata kaya pinagtitinginan din ako ng mga kaklase ko. May ibang nagbulungbulungan pa tungkol sa pagiging bago ko dito sa Alegria.

“Taga Manila siyang Alde. Pinsan ni Theodore.”

Pinaglaruan ko na lang ang ballpen ko.

“Anak ka ni Francis Alde?” Tanong niya.

“Opo.”

Tumango si Mr. Magdale bago nagpatuloy sa kanyang pag chi-check ng attendance.

Hindi ko alam kung saan niya nakilala si papa o yung pamilya ko pero hindi ko na gaanong pinagtuonan iyon ng pansin. Normal naman iyon sa Alegria. Maliit na lugar lang ito kaya di malayong magkakilala lang ang mga tao.

Nang natapos ang klaseng iyon ay nagmadali na ako sa pag labas.

“Chesca!” Tawag ni Koko.

Pumikit ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakaka guilty. Paano ko babawiin sa kanya ang mga sinabi ko? Hindi ko alam kaya hindi ko muna siya haharapin.

Mabilis na lumipas ang mga klase ko. Wala naman akong naging problema bukod sa isang subject na agad nag quiz ang prof. Nang mag lu-lunch na ako, dumiretso na ako sa canteen. Nag iwas agad ako ng tingin nang nakita ko ang kabarkada nina Hector.

“Chesca!” Tumayo si Koko at agad akong pinuntahan.

“Hmmm?” Tanong ko habang kinukuha ang tray at pinasadahan ng tingin ang mga luto sa canteen.

“Iniiwasan mo ba ako?” Madrama niyang tanong habang sumusunod sa pagpili ko ng mga pagkain.

“Hindi, Koko.”

“Kung ganun, ba’t di mo ako pinapansin?”

Pinili ko ang menudo at isang cup ng kanin. Umorder din ako ng coke at agad na umupo sa isang table na walang nakaupo.

“Chesca, dun ka na umupo sa table namin.” Aniya.

“Koko, dito lang ako.” Seryoso kong sinabi.

Unti-unting umaliwalas ang kanyang mukha.

“Ah! Alam ko na ang gusto mong mangyari…” Ngumisi siya at umalis.

Sinundan ko siya ng tingin. Anong naisip niya? Shit lang, ha! Lumapit siya sa kanyang mga barkada para kunin ang bag niyang naroon.

“See ya later, alligater.” Paalam niya.

“Oh, saan ka Koko?” Tanong nung isang babae.

“Doon na ako kay Chesca. Gusto niya atang mapag isa kaming dalawa.”

WHAT? Pinilig ko ang ulo ko at napainom sa malamig na softdrinks. Anong sinasabi ni Koko? Gusto ko siyang pagsabihan. Gusto kong sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman pero hindi ko magawa dahil may konting parte saking naawa sa kanya.

“Ayos!” Aniya at umupo sa harapan ko. “Sana sinabi mo na lang agad. Pagbibigyan naman kita!”

Hindi na ako nagsalita. Baka kasi may masabi lang akong masama sa kanya.

Ganun ang naging eksena buong araw. Panay ang lapit niya sakin, panay naman ang iwas ko sa kanya. Hindi ko nga lang masabi ang katotohanang hindi ko naman talaga siya gusto.

Sa sumunod na araw, humupa kasi wala kaming naging klase na magkakaklase kaming dalawa. Naging panatag ang loob ko. Samantalang may dalawang klase naman kaming magkaklase ni Hector. Yung unang klase kung saan umaligid sa kanya ang mga babaeng kabarkada… At yung panghuli, isang section na extension ng isang block. Para lang ito sa mga huling nag paenrol. Madalas ang kaklase namin ay lalaki. Tatlong babae lang ang nasa klaseng ito at wala akong ni isang kilala bukod kay Hector.

Umayos ako sa pag upo nang nakita kong palapit siya sa upuan ko.

“Hi!” Kumindat siya at nagpakita ng evil smile.

Eto na naman. Mang iinis na naman siguro ito.

“Tigilan mo ako, Hector.” Panangga ko agad.

Napangiwi siya, “Ito naman. Binabati lang naman kita.” Humalakhak siya.

“Okay, hi!” Matamlay kong sinabi.

“Ang sungit nito.” Humalakhak ulit siya.

Bumaling ako sa kanya gamit at matalim kong titig. “Ano bang ikinatutuwa mo? Bakit lagi kang tumatawa o ngumingisi?”

“Bakit? Anong gusto mo umiyak ako pag nakikita ka?” Tumaas ang kilay niya.

Umirap ako, “Pilosopo mo!”

Tumawa ulit siya.

“Nakakairita ha! Anong tinatawa tawa mo? May dumi ba ako sa mukha?”

“Kung meron, kanina ko pa inalis.” Ngumisi siya.

“Tumigil ka nga.”

Ngumuso ako. Magsasalita pa sana siya pero dumating ang prof namin. Medyo mabait at maganda ang babaeng prof namin. Bata pa siya at mukhang dalaga pa. Kaya naman panay ang sipol ng mga lalaki kong classmate. Pero si Hector, imbes na makisali sa mga lalaki ay walang ginawa kundi inisin ako.

“Kumusta na kayo ni Koko?” May bahid na panunuya sa kanyang tanong.

“Wala.” Sagot ko.

“Kwento niya sakin nagiging malamig na raw ang turing mo sa kanya.”

“Feeling niya lang yun. Tsaka, ba’t ka ba nangengealam saming dalawa?” Umirap ako.

Humalakhak na naman siya, “Alam mo bang nagugustuhan ko ang pagtataray mo?”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at napatingin.

“Ha? Anong nagugustuhan ang pagtataray? So ibig mong sabihin gusto mo si Kathy? Mukhang mataray yun!”

Umangat ang labi niya at kinagat niya iyon, “Bingi ka ba? Sabi ko ‘pagtataray mo’. Hindi pagtataray niya.”

Kumalabog ang puso ko. Ano ba itong sinasabi ni Hector!

“W-Wag mo nga akong bolahin!” Galit kong sinabi.

“Sige pa, Chesca, magtaray ka pa. Mamaya agawin kita sa kanya.”

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa blackboard. Para akong natutunaw sa kinauupuan ko. Hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos nun. Hanggang sa natapos ang klase ay hindi siya nagsalita.

Slow motion kong niligpit ang gamit ko. Hanggang ngayon nanlalambot pa ako sa utas niya sa akin.

“Hector! Tapos na klase! Laro tayo!” Anyaya ng isang kaklase ko sa kanya.

“Sige ba! Pang ilang beses na talo niyo na ito?” Tumawa siya.

Nilingon ko siya. Paalis na rin naman siya kasama ang mga kaklase kong lalaki kaya okay na siguro siyang tingnan ngayon.

Nakita ko ang likod niyang nang palabas na siya sa pintuan. Pero nang tuluyan na siyang nakalabas at panay na ang palibot ng mga lalaking kaklase ko sa kanya ay nilingon niya ako gamit ang seryosong mukha.

Bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko hanggang sa nakaalis na siya ng tuluyan. Napaupo ako sa upuan ko. What the hell?


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: