End This War – Kabanata 3

Kabanata 3

Jeep Commander

Inalis ko agad sa isipan ko ang lalaking may buntot ang buhok sa likod. Magdamag na lang akong nakakulong sa kwarto sa mga sumunod na araw at panay ang text kay Clark. Bukod doon sa pagtitext ko sa kanya ay, kahit papano, tumutulong naman ako sa gawaing bahay. Tinuruan na rin ako ni Tiyang mag bungkal ng lupa (na ayaw na ayaw kong gawin). Masakit sa kamay at ayaw ko ng trabahong may kinalaman sa lupa.

“Yung tagapagmana ng mga Dela Merced ay ka age mo yata, Ches.” Utas ni Teddy habang pinapanood akong nilalagyan ng mais ang lalagyan ng pagkain para sa mga manok.

“Oo. Nakita ko na siya.” Sabi ko.

“Ah! Oo nga pala. Of course, di naman siya mahirap hanapin.” Humalakhak siya. “He’s a hearthrob. Ang daming nahuhumaling sa kanyang taga Alegria kaya di kita masisisi kung-“

“Kung ano? Maiinlove ako sa kanya? Hell, no, Ted. I have a boyfriend and besides he’s not my type.”

Gumuguhit sa utak ko ang pagmumukha ni Koko at naiinis na lang ako. Gusto kong matawa sa pag iisip na maiinlove ako sa kanya. Ano ba itong si Teddy, hindi niya ba alam kung anong type ko?

“Tsss… Well, then, that’s good.”

Napangiwi ako. Kung makapagsalita ang isang ito ay para bang hindi kapani-paniwalang hindi ako maiinlove kay Koko.

“Isa lang din siya sa mga Dela Merced kaya iniingatan yun ng tita niya.”

Niligpit ko ang ibang patuka ng mga manok at naghugas ng kamay. Mamaya magkakakalyo ako nito dahil sa gawain dito sa bukid.

“Bakit tita niya, wala na ba siyang mommy at daddy?” Wala sa sarili ko ang tanong.

“Hmmm. Hindi mo ba alam? Na ambush yung mommy at daddy niya noong bata pa lang sila. Alam mo na, si Don William, maraming kalaban yun. Tapos nung tumakbong gobernador sa buong lalawigan, mas dumami.”

Natigilan ako sa pinagsasabi ni Teddy. Nagkibit balikat siya nang bumaling ako sa kanya.

“Akala nila kasama si Don William sa convoy nung sasakyan. Inambush. Ayun, patay yung dalawang mga magulang niya.”

“TALAGA?” Nanliit ang mga mata ko.

Ibang klase din pala ang dinanas ni Koko.

“Kaya pala ganun siya?” Jejemon at mukhang pariwara?

“Hmmm… Ewan ko. Hindi ko naman siya gaanong kilala. Alam mo na, hindi tayo magka batch.” Tumawa siya. “Pagkatapos nung nangyari, pinadala siya sa States. Dun sa tito niyang isa pa.”

“HA?” Ibang klase na ang ikinalaglag ng panga ko.

Kaya ba masyado siyang ‘See ya later, alligater?’ Pero ang korni talaga at hindi ko matanggap na galing siyang States!

“Pero tatlong taon lang ata yun, Ches. Binalik din siya dito nung namatay si Don William. At mula nun, dito na talaga siya.”

Napalunok ako. Ibang klase pala talaga ang mga naranasan ni Koko. Kahit na nakakagambala sa akin ang mukha niyang High Definition kong naaninag sa likod ng utak ko, meron din pala siyang dinanas na masakit sa buhay niya.

“Anyway, Ted.” Hindi ko na napigilan.

Dahil sa bawat pag flashback ng mukha ni Koko sakin ay mas lalo kong naaaninag ang gwapong mukha nung lalaking misteryoso. Not that I’m interested or whatever…

“Hmmm?” Nilingon niya ako habang naglalagay naman ng tubig para sa mga manok.

“May kilala ka bang lalaki na medyo gwapo na kaibigan din ng Dela Merced na iyon?”

“Hmm? Sino? Yung mga kabarkada niyang umaaligid sa kanya ay halos babae. At meron din naman siyang kaibigang mga lalaki pero di ako sigurado sa mga pangalan.”

Inabala niya ang sarili niya sa paglalagay ng tubig. Gusto kong mag tanong ng mas specific. Yung lalaking may buntot sa likod at nangangabayo? Yung lalaking matangkad, sobrang gwapo at matipuno. Pero iniwasan ko iyon.

“Clark.” Utas ko nang nakitang may tumatawag sa cellphone ko.

Mahirap mawalay kay Clark. Nangungulila ako lalo na’t abala sina Teddy at Craig sa mga lakad na inuutos sa kanila nina mama at tiya. Si papa naman at si tiyo ay abala rin sa pangangasiwa ng Alps. Kaya wala akong magawa kundi magmuni-muni sa bahay o di kaya ay sumama kina Craig. Sakay lang ako nang sakay sa kinakalawang na pick up. Nakakamiss ang aircon na Vios ni Clark.

“Hello, mahal ko.” Napatalon ako nang biglang sumulpot si Koko sa harap ko habang hinihintay sina Craig at Teddy na namamalengke.

Nasa tapat ako ng soccerfield dahil doon din nipark ang pick up nila. Ayaw ko namang sumama sa palengke dahil mabaho at basa doon. Ayoko sa feeling na may naapakan akong basa.

“Anong ginagawa mo dito, Koko?” Iritado kong tono.

Agad kong narealize na hindi dapat ganun ang pakikitungo ko sa kanya kaya ngumiti ako pambawi.

“I mean, bigla ka na lang sumusulpot.” Humalakhak ako.

“Syempre, may binililang sa palengke.” Kumindat siya. “Kasama mo na naman tong kinakalawang na pick up niyo, ah?”

Uminit ang pisngi ko.

Nakakahiya, ah? I know, he’s probably the richest jejemon around. At ang tawaging ganun ang sasakyan namin ay medyo sapak para sa akin.

“Eh, sorry na kung poor.” Ngumisi ako.

Tumawa siya, “Okay lang yan.”

Ang yabang nito, ha? Mas masarap wasakin ang puso pag ganito. Pero pag naiisip ko ang pinagdaanan niya noon? Napapabuntong hininga na lang ako.

“Nakapagsimba ka na ba?” Sabay muwestra niya sa simbahan.

Umiling ako.

“Simba tayo next time?”

Namilog ang mga mata ko sa anyaya niya. Sa ngisi niya ngayon ay mukhang alam ko na kung saan tutungo ang usapan.

I want to back off. Iniisip ko si Clark. Iniisip ko yung mahal na mahal kong boyfriend na iniwan ko sa Manila. Hindi ko kayang manloko. Hindi naman ito panloloko kasi hindi ko naman gusto si Koko. Asa ka, Chesca! This is just the same… Sa oras na tumanggap ako ng ibang lalaki, panloloko na rin ang tawag dun. Inuusig na yata ako ng konsensya ko.

“Hmmm. Depende.”

Napawi ang ngisi niya, “Oh akala ko ba gusto mo ko?”

Aba’t kelan ko sinabi iyon? Hindi ko alam! “Ha?”

“Eh diba binigyan mo ako ng pagkakataong manligaw?”

“Ha? Ah… eh…”

Napakamot ako sa ulo sabay tingin sa nag eexpect niyang mukha. It’s now or never. Madali siyang utuin, pero nakakaawa siya, inuusig pa ako ng konsensya ko para kay Clark. Hindi ko kaya pero taliwas ang sinabi ko.

“Oo.”

Halos mapatalon siya sa sinabi ko. Nakita kong pinagpawisan siya sa kakaabang sa sagot ko.

“SALAMAT!”

Biglaang may bumusina sa gilid ng pick up. Sabay kaming lumingon doon. Tinted na tinted iyon kaya hindi ko alam kung ano ang problema ng malaking itim na sasakyang ito. Medyo maputik ang kanyang mga gulong pero kitang kita ang kintab ng katawan.

“Ay, andito na.” Pabulong na sinabi ni Koko.

Shit! Ang ganda ng SUV nila! Ganun ba ito ka yaman? Parang hinahayaan lang nilang napuputikan ang SUV na ito, ah?

“Sige, Chesca. Anyway, pwedeng malaman ang full name mo?”

“Seriously?” Nakangisi ako dahil naloloka na ako sa tanong niya pero sinagot ko parin iyon. “Francesca Alde.”

“Alde?” Nanliit ang mga mata niya.

Patay! Kilala kaming Alde dito at baka marealize niya yung plano ko dahil dito. PATAY!

“Kaya pala maganda.” Kumindat siya.

“Huh?”

“See ya later, alligater.” Aniya at umalis agad.

Binuksan niya ang pintuan ng front seat. Naaninag ko agad ang braso ng driver na nakahawak sa manibela. Kitang kita ko ang itim na relo na nandoon. Kinilabutan ako sa di malamang kadahilanan. Para bang may kung ano sa braso na iyon… Gusto kong humakbang palapit para makita kung sino ang nag da-drive.

“Oh come on, Chesca. Hindi yung driver ang aakitin mo. It’s the damn Dela Merced.”

“Nga pala…” Sigaw ni Koko. “Bukas, susunduin kita sa gate ng mga seven thirty. Patingin ng sched mo.”

Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagtinidigan sa kindat niya bago pumasok sa loob. Gusto kong tumanggi pero huli na ang lahat. Unti-unti ng umalis ang kanilang sasakyan.

Sa likod ng SUV ay nakita ko ang Plater Number.

“MDM. Ni walang numero. Hindi yan pwede sa Manila.” Humalukipkip ako nang may biglang bumatok sa akin.

“Ano ba!?” Sigaw ko sa kapatid kong tumatawa.

“Sinong tinitingnan mo diyan?” Tanong ni Craig.

Tinapik ni Teddy ang balikat niya sabay nguso sa sasakyang umaalis. Sabay din nilang sinabi ito, “Magaling! Totoo palang nakilala mo na siya.”

Nagtawanan ang dalawa.

“Ganda ng sasakyan, Jeep Commander. Tsk. Bakit kaya kailangan pa nila ng karagdagang lupain? Limang ektarya lang naman ang Alps. Yung kanila? Aabot hanggang Camino Real.”

Napatingin ako kay Teddy.

“Ganun ka lawak ang lupain nila at aabot sa kabilang bayan?”

Tumango siya.

Damn, Dela Merced. Kaya pala.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading