End This War – Kabanata 11

Kabanata 11

Abbadon

Napangiwi ako sa linya niya. Binawi ako ang brasong hinahawakan niya.

“Tigilan mo ako, Hector.” Sabi ko at tinalikuran ulit siya.

Aktong pagkatalikod ko ay hinawakan niya ulit ng mas mahigpit ang braso ko. Napaangat talaga yung braso ko kaya binalingan ko ulit siya. Kahit na umuulan at sobrang lamig ay nag init ang galit sa kaloob looban ko.

I HATE BOYS AND YOU ARE NOT AN EXCEPTION! Kahit na gwapong gwapo ka (despite sa buhok mong may buntot) at sobrang angas ng katawan mo ngayong mamasa-masa ito sa harapan ko, hindi kita patatawarin.

Para siyang napaso nang hinarap ko ulit siya. Nanghina ang kamay niya at parang nasilaw sa akin. Nag iwas siya ng tingin at nagmura ng malulutong.

“Minumura mo ba ako?” Galit kong untag nang nahuli siyang pumu-putang ina sa gilid.

Nanliit ang mga mata ko at hinuli ko ang titig niya. Napatingin siya sa akin at pumikit ulit at nag mura. Nilayuan niya ako at may kinuha siya sa gilid ng kabayo niya. Isa iyong itim na t-shirt.

“May t-shirt ka pala, ba’t ka naghuhubad? Tsss. At minumura mo ba ako?” Galit kong untag.

Hinarap niya ako at agad pinulupot ang t-shirt niya sa katawan ko.

“Mababasa din naman ako, ba’t pa ako mag aabalang mag t-shirt.” Medyo tuliro niya pang sinabi.

“Oh!? Mababasa rin naman ako, ba’t ko pa kailangan ng karagdagang t-shirt?”

Tinanggal ko iyon at ibinigay ulit sa kanya. Hindi na naman masyadong malakas ang ulan, at isa pa, basang basa na ako kaya wala ng kwenta.

“PWEDE BA!” Kinagat niya ang kanyang labi at iginala ulit ang paningin sa katawan ko bago niya pinilit sa akin ang t-shirt niya. “KITANG KITA KO DITO ANG PULA MONG BRA!”

Nalaglag ang panga ko. Pakiramdam ko umalis na lang bigla ang kaluluwa ko sa aking sarili. Tinraydor ako ng kaluluwa ko at iniwan sa ere. Nangatog ang binti ko. Hindi ko alam kung ititikom ko ba ang bibig ko o magsasalita ako.

Umirap na lang ako at hinayaan yung t-shirt niya sa akin. Tinalikuran ko siya at nagsimula akong maglakad ng mabilis palayo.

Gusto ko na lang lamunin ako ng damo dito sa kinatatayuan ko. Gusto kong lumuhod at maging tubig papuntang lupa at hindi na magpakita pa ulit. Mas lalo lang naging malala ang pakiramdam ko nang sinilip ko ang puting t-shirt ko at naaninaw ko ang pulang bra kong kitang kita.

“Chesca!” Sigaw ni Hector.

Sumusunod na pala siya. Ang hayup! Sumakay pa siya sa kabayo niya at kinakabig niya ito sa tabi ko.

“Sumakay ka na dito. Ihahatid kita sa bahay namin o kina Aling-“

“Shut up! I don’t need your help.”

I don’t need a man. I don’t need you.

“Kaya kong umuwi.”

“Kung ganun, ihahatid kita sa inyo.” Matama niyang sinabi.

“Tsss! Kaya kong umuwi mag isa.” Iritado kong sinabi.

Mas mabilis akong naglakad ngayon. Medyo malayu layo pa ang sentro. Pero siguro pagkatapos ng kahabaan ng kagubatang ito ay may makikita din naman akong tricycle.

“Sumakay ka na sakin, Chesca!” Masuyong sinabi ni Hector.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung epekto ba ni Janine at Clark yung mahalay kong pag iisip o ano… Lintik! Naalala ko na naman yung eksenang sumasakay si Clark kay Janine!

“TIGILAN MO NGA YANG BUNGANGA MO, HECTOR!” Halos sinugod ko siya sa sobrang inis na naramdaman ko.

Nanlaki ang mga mata niya.

“TUMIGIL KA AT NAHAHIGH BLOOD AKO HA!”

Narealize ko agad na nakaawang ang kanyang bibig ngayon at biglang bigla sa pag aalburuto ko. Iniwan ko siya doong biglang bigla sa burst out ko. Buong akala ko ay na offend ko na siya at tumigil na rin siya sa kakahabol sa akin pero nagkakamali ako.

Sa sobrang bilis ng lakad ko ay nadulas ako sa putik.

“ARAY!”

Ang malas ko talaga? Bakit mabilis ang karma sa akin at mabagal iyon dumating sa ibang tao!?

Ang sakit ng pwet ko dahil iyon ang unang tumama. Punong puno ng putik ang pwet, likod, binti at tuhod ko. Nag splash kasi yung mga putik na naupuan ko. At nang sinubukan kong punasan ang mukha ko dahil sa buhok kong sumagabal ay halos makakain na rin ako ng putik galing sa braso ko.

“SHIT LANG HA! WOW HA!” Tumatawa ako kasi nababaliw na ako.

Hindi ko talaga kinaya ang kabalbalang nangyayari sa akin. Pakiramdam ko may kumukulam sa akin kahit na ako naman dapat yung nang kukulam ng mga tao dito. Nakakawalanghiya!

“ANO BA, CHESCA!” Sigaw ni Hector sabay pulupot ng kanyang braso sa baywang ko.

Sumunod siya! At hindi niya lang ako pinatayo, sa isang hawi lang sa binti ko ay nabuhat niya na agad ako.

“HECTOOOOR!” Sigaw ko sa sobrang kalabog ng puso ko.

Hindi ito kumakalabog dahil kay Hector, ah? Kumakalabog ito dahil nininerbyos ako sa ginawa niya. Nilingon ko agad ang naka dapang puting kabayo sa gilid niya.

“Good boy, Abbadon!”

Tumunganga na ako dahil nakasakay na siya sa nakadapang kabayo ngayon habang buhat buhat niya ako.

“AYOKO!” Sigae ko pero di ako gumalaw sa takot na magwala ang kabayo niya.

“Tumigil ka, Chesca. Magagalit si Abbadon. Tatadyakan ka.” Humalakhak siya.

Matalim ko siyang tiningnan. Kinagat niya ang kanyang labi habang ngumingisi sa akin. Gusto ko siyang sapakin pero natatakot akong konting galaw lang namin ay maistorbo ang kanyang kabayo.

Pinilig niya ang kanyang ulo at nag iwas ng tingin sa akin.

“Ano ba, Hector! Ibaba mo ako dito!” Utos kong di niya dininig.

Tinapik niya ang kabayo at agad itong tumayo sa pagkakadapa.

“Sige, subukan mong bumaba, mahuhulog ka, Chesca. Pag iiwan mo ako, mahuhulog ka.”

Kahit umaambon na lang ay para akong giniginaw sa pag tindig ng balahibo ko. Napalunok ako at hinigpitan ang hawak sa bag kong inilagay niya sa harapan ko.

“Kumapit ka kung ayaw mong mahulog.” Bulong niya sa akin sabay hawak sa pisi ng kabayo.

Ito ang unang pagkakataong nakasakay ako ng isang kabayo kaya hindi ako huminga dahil sa sobrang takot ko. Nanigas na yata ako habang patalon talon itong tumatakbo sa gilid ng kalsada.

“Relax.” Humalakhak si Hector sa tainga ko.

“Tumigil ka, ha! Lumayo ka nga ng konti!” Sabi ko habang nag coconcentrate sa pag galaw ng kabayo. “T-Tsaka wag ka ngang bumubulong sa tainga ko!”

“Sungit.” Humalakhak siya at mabilis pang pinatakbo ang kabayo.

LECHE! Gusto kong magmura pero sa sobrang takot ko ay wala na akong ginawa kundi kumapit ng mahigpit sa braso niya.

“Kapit pa, Chesca.” Bulong niya habang bumibilis ang takbo ng kabayo.

“ANO BA? W-Wala namang horse race, ah? Ba’t ang bilis?” Inis kong sinabi.

“Pag di ko binilisan magkakasakit ka.” Aniya.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero kalaunan ay imbis na pagtuunan ko ng pansin ang kabayo ay bumaling na ako sa tanawin. Una kong nakita ang taniman ng tubo. Matataas ang mga tubo at unang tingin ay parang mais na mas malaki. Nakakatakot tingnan dahil madilim kung papasukin ang buong taniman dahil sa nagtatayugang mga tubo. Ang sumunod ay taniman ng palay at mais, common ito sa Alegria. May nakita akong ganito sa unahan ng sentro. Mas malawak iyon sa palay at mais dito. Ang sumunod ay taniman ng mangga, pinya, strawberries at kung anu-ano pang prutas.

Nasa teritoryo ba kami ng mga Dela Merced? Kung ganun, bakit puro prutas ang nasa ranchong ito? Asan na ang mga kambing na pinapastol ni Hector?

Iniliko niya pa iyon at mas marami pa akong tanawing nakita. Mabilis ang takbo ng kabayo pero hindi parin natatapos ang tanawin na nakikita ko.

Bumagal lang ang takbo ng kabayo nang may natanaw akong isang magandang pero lumang bahay. Hindi ito ang mansyon nila dahil sa pagkakaalam ko ay nandoon iyon malapit sa gazebo na napuntahan namin. Sa gitna ng sentro at ng lugar na iyon.

Itinigil ni Hector ang kabayo sa harapan ng bahay. Agad siyang bumaba. Nakita ko agad ang ebidensya ng putik sa likod ko, balot na din ang buong katawan niya ng putik. Naglahad siya ng kamay at ngumisi.

“Nasan tayo?” Tanong ko.

“Alegria.” Kibit balikat niya.

“Wag kang pilosopo!” Inirapan ko siya.

“Nasa bahay nina Aling Nena.” Hindi parin natanggal ang kamay niyang kalahad. “Tanggapin mo ang kamay ko.”

Hindi ko iyon tinanggap, imbis ay sinubukang bumaba mag isa. Halos maka split ako dahil sa taas ng binabaan ko galing sa likod ng kabayo. Muntik na rin akong mabungal, kung hindi lang ako agarang sinalo ni Hector.

“Sabing tanggapin mo ang kamay ko kung ayaw mong mahulog.”

Nakahawak siya sa kamay ko at matama akong tinitingnan sa mga mata. Pa-fall din ang isang ito, ha? Hindi naman sa na fo-fall ako. Pero kung isang mahinang babae at nawiwindang sa kagwapuhan at sa mga salitang binibitawan lang ako, paniguradong kanina pa ako bumigay.

“Tumigil ka, Hector!”

Umangat ang labi niya at kinagat niya ito. Nanlaki ang mga mata niya nang nakitang magkahawak parin ang kamay naming dalawa. Maging ako ay namilog ang mga mata. Tinanggal niya agad ito at nag iwas siya ng tingin.

“Shit.” Nilagpasan niya ako habang nagmumura pa.

Adik ba iyon? Hindi ko alam.

“Hector, ikaw ba yan?” Boses ng isang matanda ang narinig ko.

“Opo, aling Nena. Pwede po bang maligo?” Tanong niya.

Sumunod ako habang binibitbit ang medyo maputik na ring bag.

“Kukuha lang po ako ng damit sa cabinet.” Aniya.

Nakita ko ang isang matandang medyo naging kuba na dahil sa katandaan. May sungkod ito at nakaupo lang sa isang cottage sa labas ng kanyang bahay.

“O, sige, sige. Diyan ka na sa poso.” Sabay turo ng matanda sa isang poso sa bakuran.

No. Way.

“A-Ah!” Tumawa si Hector at nilingon ako bago nagsalita sa matanda, “May kasama po akong babae, Hindi siya pwedeng maligo diyan, Aling Nena. Pwedeng sa loob po siya? Ako na lang dito.”

“Babae? Sino? Si Kathy ba iyan?” Tanong ng matanda.

Hello? Ang layo ko kaya sa pagmumukha ng Kathy’ng iyon! Mukhang di na yata nakakakita masyado ang matanda dahil kahit anong panliliit ng kanyang mga mata ay hindi niya ma figure out na hindi ako si Kathy.

“Hindi po.”

At isa pa… palagi niya bang kasama si Kathy at bakit wagas makapag conclude si Aling Nena?

“Si Francesca Alde, po.”

Kinilabutan ako sa sinabi ni Hector.

“At sa loob na lang po siya, ayoko pong mabosohan siya ng mga trabahador.” Matama niyang dinagdag.

Natahimik sandali ang matanda bago nagsalita, “Wala naman akong kapitbahay, Hector. At wala naman sina Isko ngayon kaya pwede siya sa poso. Walang mamboboso sa kanya ngayon.”

“Ayoko po! Sa loob na po siya.”

Napaawang ang bibig ng matanda at patuloy akong tinitingnang mabuti. Kumalabog tuloy ang puso ko. Tiningnan ako ni Hector na ngayon ay seryoso ang tingin.

“Tara na, Chesca, sa loob ka na maligo.” Aniya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: