End This War – Kabanata 10

Kabanata 10

Lubayan Mo Ako

Mabilis siyang pumunta sakin. Hahawakan na sana ni Clark ang mga braso ko dahil nanginginig ako sa galit pero napaatras ako sa pandidiri.

“FUCK YOU, DON’T YOU DARE TOUCH ME!” Sigaw ko.

Natigilan siya at napalunok. Wagas ang pagkasuklam ko sa kanilang dalawa. Sa kay Clark na hanggang ngayon ay namumutla parin siya. Tuliro siya at halatang nagugulantang parin sa biglaang pagsulpot ko.

Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Clark at kay Janine. Hindi parin umaalis si Janine sa kama ni Clark. Nandoon lang siya at gulantang na nakatingin sa amin habang nakatapis lang ng kumot.

“MGA HAYUP KAYO!” Sigaw ko.

“Chesca, Let me explain!” Ani Clark.

Halos matawa ako sa sinabi niya.

Iyon lagi ang linya ng mga cheater. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya ito sa akin. Tatanggapin ko sana kung nag landian lang ang dalawa… shit, right? Tatanggapin ko! Pero itong may ganitong eksena na sa utak ko, hindi ko matanggap! Nasusuka ako! Bumabaliktad ang sikmura ko! At hindi ko alam kung kaya ko pa ba silang tanggapin sa buhay ko.

Sinubukan ulit ni Clark na hawakan ako dahil panay na lang ang tulo ng luha ko at tingin sa kanya ng matalim.

Sinampal ko agad siya. Isang sampal na galing pa sa baba kaya naman agad pumula ang kanyang pisngi. Hindi ko maalala kung nakasampal na ba ako ng tao noon pero ito na yata ang pinaka di makakalimutang sampal na ginawa ko.

Naiiyak na humarap si Clark sa akin.

“Ches, I’m sorry. Honey.”

“FUCK YOU, CLARK JOSON! FUCK YOU, CAMPOS!” Halos mapaos ako sa pagsisigaw ko. “Mga baboy kayo-“

“Sorry, honey-“

Nairita ako kaya tinadyakan ko na agad ang maselang bahagi niya. Napayuko siya at napadaing sa sakit.

“Wag mo akong ma honey-honey, tangina mo!” Hindi ko na napigilan ang pagmumura. Masyado na akong nadala at nandiri. “Shit, Janine!” Bumaling ako sa kaibigan kong nakatunganga parin doon. “Alam kong makati kang babae pero…” Umiling na ako at bumuhos ang luha ko.

“Ches…” Umiling din siya at umiyak.

“WALANGYA KA!” Sigaw ko sabay sugod at hila sa buhok niya. “Wala kang karapatang umiyak!”

“Chesca, tama na!” Sigaw ni Clark.

Hinawakan ko ang buhok niya at hinila siya paalis ng kama. Kumalabog ang sahig dahil sa pagkakahulog niya sa kama. Tumambad ulit sa akin ang hubo’t-hubad niyang katawan.

Nag dilim na talaga ang paningin ko lalo na nang hinawakan ni Clark ang braso ko. Binitiwan ko ang buhok ni Janine at binalingan si Clark para sampalin ulit.

“Let me explain!” Pag uulit niya.

“SHIT! FRANCESCA!” Sigaw ni Janine na ngayon ay nakahandusay ang kalahati ng katawan sa sahig at ang kalahati sa kama.

“Explain mong mukha mo! Walangya ka! Monthsary natin ngayon, Clark!” Hindi ako makapaniwalang sa galit ko ay nakaya ko paring humagulhol at magdamdam. “One year and a month. Isang linggo. Isang linggo lang akong nawala!” Sigaw ko.

“Chesca,” Mahinahong sambit ni Clark. “Pag usapan natin ‘to. N-Nabigla lang ako. Nakainom k-kami galing event. Nagkayayaan-“

Pinunasan ko ang luha ko.

“Kahit na sabihin mo sakin ngayong na possess ka lang ng demonyo, nothing will change my mind, Clark.”

Nilagpasan ko siya pero sinundan niya ako. Hinarap ko ulit sila at tiningnang mabuti.

“Napaka walang hiya niyo.” Mas mahinahon kong sinabi. “Grabe. Hindi ako makapaniwala.” Lumandas ulit ang mga luha ko.

Umalis ako ng kwarto at dumiretso sa kusina para mag hugas ng braso. Gusto ko nga sanang maligo pero ayoko ng magtagal sa bahay na ito.

“Chesca, I’m sorry.” Nasa likod ko ulit si Clark, ngayon ay nakabihis na.

Hindi ko siya pinansin. Nilagpasan ko lang siya hanggang sa nakabalik akong sala at kinuha ko ang bag ko.

“I’m sorry… Ches, please, nagmamakaawa ako. Please. Gagawin ko ang lahat. Please!” Pumiyok ang boses ni Clark. Ang boses ng taong pinakamamahal ko.

Parang pinipiga ang puso ko. Nababasag ito ng paunti-unti sa bawat segundong lumilipas. Hindi ko kaya. Nanginginig ang kamay ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi pa nag iisang oras o nag tatatlumpung minuto man lang pero ganito na agad ang nangyari.

“I’m sorry din, Clark. Wala na tayo.” Matigas kong sinabi.

“CHES! Please… please… maawa ka sakin. Hindi ako mabubuhay kung wala ka. Ches…”

Hinawakan niya ang pants ko pero dama ko ang panghihina niya dahil hindi niya na mahawakan ng maayos iyon. Nakawala ako. At padabog kong sinarado ang pintuan.

Lumabas siya para habulin ako. Pero hindi ko siya pinansin. Parang konsensyang bumubulung bulong sakin habang naglalakad palayo.

“Ches, maawa ka. Chesca, please, mahal na mahal kita.”

Bawat banggit niya sa pangalan ko ay parang ginigiba ang puso ko nang paunti-unti. Mahal na mahal ko siya pero hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya. Mahal ko siya at kung babalik ako sa kanya sa gitna ng kanyang pagkakamali, palagi ko itong dadalhin. Palagi ko iyong maisusumbat sa kanya. At hindi na ulit maayos pa… hindi ko na maibabalik ang noon. Ayoko na.

“Good bye, Clark!” Matapang kong sinabi at sumakay na agad ng jeep.

Umiiyak ako sa loob ng jeep. Sa pag baba at pag sakay ulit ng isa pang jeep patungo sa terminal ng bus ay umiiyak parin ako. Gabing gabi na at kumakalam na ang sikmura ko. Ilang beses akong malilipasan ng gutom sa araw na ito? At ilang beses akong masasaktan?

Bagay lang ito sayo, Chesca. Na karma ka agad. Iyan ang nangyayari pag tinatakwil mo ang pamilya mo. Yan… Naka isa sila sayo. Si Clark na buong akala mo’y mahal na mahal ka ay pinagtaksilan ka pagkatapos mong balewalain ang pamilya mo.

“Miss, okay ka lang ba?” Tanong ng isang Ale na nakatabi ko sa jeep.

Ngumisi ako, “Okay lang po.”

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong luha. Masyado ng makapal ang mukha ko para umiyak na lang nang umiyak sa loob ng jeep, hindi inaalintana ang mga nagtatakang titig ng ibang pasahero.

Konti na lang ang pera ko pero makakauwi pa naman ako kung di mahulog ang isang piso. Hindi na rin ako kakain ng kahit kendi para makauwi ako ng Alegria. Nakakatawang isipin na tinatawag ko ng ‘pag uwi’ ngayon ang pag punta ng Alegria.

Sa huli, ang pamilya parin ang takbuhan. Kahit anong takwil natin sa kanila, sila parin ang mababalikan natin. Bakit ba ngayon ko lang ito naisip? Bakit ba inisip ko noong mapagkakatiwalaan ko si Clark?

Bumuhos na naman ang luha ko kasabay ang pag buhos ng ulan sa labas ng tumatakbong bus. Naaalala ko na naman ang mapupungay na mata ni Clark, ang kanyang magulong buhok at ang malalim na dimple na lumilitaw tuwing ngumingisi siya sa akin. Ang bawat haplos niyang marahan… shit! At yung mismong haplos na iyon ang humaplos din sa katawan ng kaibigan ko! Hindi ko iyon matanggap. Humikbi na lang ako at tinakpan ang bibig habang nakasandal sa bintana ng bus.

Hindi ko alintana ang gutom ko nang dumating ako ng alas sais ng umaga sa Alegria. Naalimpungatan ako at agad pumara nang nakitang lumagpas na ako sa terminal na dapat kong binabaan. Ang resulta ay napadpad ako ngayon sa boundary na ata ng susunod na probinsya. Umaambon at wala akong dalang payong. Alam kong basa ang loob ng pack bag ko. Yung cellphone ko lang ang siniguro kong ilagay sa loob ng cellophane.

“Malas!” Sigaw ko sabay sipa sa bato sa gilid ng kalsada ng Alegria. “I freaking hate boys!” Sigaw ko nang may isang naglalakong lalaki na kumikindat kindat sa akin.

Sinimangutan ko siya. Nasa pagitan naman namin ang kalsada kaya naglakas loob akong irapan siya. Nakita kong tumawa siya at nanlisik ang kanyang mga mata.

“LECHE!” Napasigaw na ako nang bigla siyang tumawid ng kalsada at bahagyang tumakbo para sundan ako.

Tumakbo din ako ng sobrang bilis sa kaba ko. Shit! Mari-rape na ba ako? Shit! Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko! Panay parin ang takbo ko at nadarama ko na ang kamay na hihila sa akin pabalik sa kanya kung sakaling maabutan niya ako.

Pero habang tumatakbo ako ay umalingawngaw ang tawa niya sa malayo. Bumagal ang takbo ko sabay baling sa lalaking malayo na sa likuran ko. Tumatawa siya at umiiling. Para bang tuwang tuwa siya kasi takot na takot ako.

Nanghina ang tuhod ko at mas lalo akong mapaiyak. Umalis ako ng Alegria dahil sa nangyari sa amin ni Koko, bumalik ako para kay Clark at umalis din dahil sa kanya, ngayon pagkabalik ko ng Alegria ay may lalaking manti-trip sa akin? At nung isang araw lang ay muntik na akong nasaksak nang sinuyupan ni Cell na holdaper na iyon!

“MAMATAY SANA ANG MGA LALAKI!” Sigaw ko sabay mura ng malulutong. “Pakshit! Mga walang hiya! Sa mga libro ko na lang ata matatagpuan ang isang mabuting lalaki. Wala na iyon sa totoong buhay.”

Humagulhol ulit ako habang naaalala yung pagkapatong ni Clark kay Janine. Nakakainis din pala ang mga babae. Pero, come on… Si Clark itong committed. Kung hindi siya nagpatianod kay Janine para sa akin, dapat hindi ito nangyari. He just didn’t love me enough… His love wasn’t enough. I wasn’t enough. Nothing is enough. We always need more.

Boys need more than what you can give. Patuloy ang cycle na iyan. Hindi na iyan mawala sa susunod pang henerasyon. Cliche na lang ang bawat pagtataksil dahil iyon ang paulit-ulit na nangyayari.

“Mamatay ka!” Sigaw ko at pumikit sa galit.

Lumakas ang ulan. Kasabay niyon ang pagkarinig ko ng mga kabig ng hayop sa likuran. Nung una akala ko mga kalabaw na nakawala sa di kalayuang rancho, pero nang nilingon ko at tumigil iyon sa harapan ko. Nagulat ako kung sino ang aking nakita.

“Tsss.” Inirapan ko agad.

Isa pa ang isang ito. Ayoko na talaga. Alam kong masamang mag generalize, pero hindi ko na maiwasan iyon. Kasi hindi lang ako ang nakaranas ng ganitong sakin. Hindi ako ang unang babaeng nasaktan ng isang lalaki, at hindi rin ako ang magiging huli. Marami pa kami. At cliche na ang umasa na may darating pa ngayong nakita mo na sa experiences ng iba na wala na.

Napaawang ang kanyang bibig habang tinititigan akong mabuti. Umirap ulit ako at umiling sa kanya. Hindi parin siya nagsasalita. Para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya iyon masabi sa akin. Kinagat niya ang kanyang labi bago bumaba sa puting kabayong basang basa na rin sa ulan.

Nakita ko ng mas maayos ang kabuuan ng katawan niya. Oo, dahil nakatopless na naman siya ngayon. Basag basa ang kanyang buhok sa ulan at ang naka braid niyang buntot ay namamahinga sa balikat niya. Sa dulo ng kanyang buhok, tumutulo ang mga patak ng ulan pababa sa perpektong hubog ng katawan niya. Halos tumunganga ako sa muscles niya sa braso at sa bawat bitak ng kanyang dibdib. Those perfect pecks and those tight burning abs… Shit! Nalilimutan ko ang problema ko! Lalo na nang bumaba pa lalo ang tingin ko. Maganda ang katawan ni Clark, pero hindi ganito ka kisig. Iyong tipong tinitingnan mo pa lang na lo-loose thread na ang panty mo. At hindi ko gusto ang pagiging mahalay bigla ng utak ko ngayon.

Oh those perfect tight burning abs. Halos umaaso pa ito dahil sa lamig ng mga patak ng ulan.

Nang napatingin ako sa kanyang mukha ay tumataas na ang kanyang kilay.

“Ano? Uuwi ako sa amin!” Galit kong sinabi para pagtakpan ang paninitig ko sa kanya.

Iginala niya ang paningin niya sa akin.

“Bakit ka n-nagpapaulan? At saan ka galing?” Medyo galit niyang tanong.

“Tss.” Natawa ako sa tanong niya at umirap ulit. “Anong pake mo?” Nilagpasan ko siya.

Umismid siya at kumunot ang kanyang noo, “Chesca!” Tumaas ang tono ng boses niya.

“ANO?” Pagalit kong singhal. “Lubayan mo nga ako!”

Bigla niyang hinawakan ang braso ko kaya napaharap ako ng mas malapit sa katawan niya ngayon. Pumikit siya ng mariin at nag igting ang kanyang mga bagang bago dumilat.

Naramdaman ko agad ang init ng kanyang katawan. Halos ibalot ako nito. Halos manghina ako. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko pero parang humuhupa iyon bigla dahil sa bilis ng palatak ng pusong traydor ko.

I said I hate boys. I SHOULD AVOID BOYS! Hindi pwedeng ganito. Eto na naman tayo, nagsisimula na naman tayo pero hindi ko mapigilan ang bilis ng pintig ng puso ko. Nasasanay na yata itong magwala pag nandyan si Hector.

“Bakit kita lulubayan kung hindi ko kaya?” Mariin niyang sinabi.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: