Mapapansin Kaya? – Kabanata 51

Kabanata 51

I Love You, Carmela

Ilang sandali lang ay hinanap na si Wade at inilayo na siya sakin. Well, siguro naman ay okay na desisyon ang ginawa ko. Hindi pa ako readyng i-bash ng mga fans nila ni Shan at sigurado akong liliit yung fans niya pag nalamang may nililigawan siyang iba. At eto pa, hindi pa naman kami kaya mas mabuti na rin sigurong sekreto lang ito.

Inilatag ko yung mga susuotin ni Wade doon sa backstage. Hindi dapat ako umalis ng backstage, kaya lang may 30 minutes akong walang ginagawa. Siguro mas mabuti kung panoorin ko siya ngaypng tumutugtog. May oras pa naman akong bumalik bago siya mag change ng damit.

Pinayagan naman ako ni Mr. Manzano na manood muna. Tumayo ako malapit sa mga VIP. Nandoon ang iilang artista. Nandoon din yung magagandang models. May T-shirt pa silang may nakalagay na ‘Rivas’ sa likuran.

Maraming poster tsaka tarpaulin na naglalakihan. May mga makukulay pa silang glow in the dark sticks and ballers. May nag effort pang magdala ng balloons. Ang ingay ng mga fans. Napatingin ako sa stage at nakita ko yung dim lights. May limang minuto pa bago mag simula yung concert pero hyper na ang mga tao.

“WADE RIVAAAAAAAAAAAAAAS!”

Napahawak ako sa sarili kong lalamunan. Ang sakit nun sa lalamunan, ah? Grabe naman sila kung makapag cheer. Malamang naghihintay na lang din yung Going South sa oras. Siguro nandyan na sila sa gilid.

“ARGHHHHHH! GOING SOUTH! GOING SOUTH! GOING SOUTH!” Napangiti ako sa sa ingay nila.

Sabay-sabay pa talaga sila nung nag cheer!

“OMY GOSSSSSSH! WADE-SHA! WADE-SHA! WADE-SHA!”

Nakita ko sa may harapan ang pagdating ni Shan. Nakabalandra ang dimple niya sabay ngisi sa buong sambayanan. Kumaway siya sa mga fans at binigyan sila ng flying kiss. Kumirot ang puso ko nang nakita ko kung sino yung mga kasama niya.

Tumabi sa kanya ang mama ni Wade. Buong pamilya ni Wade ay kalinya niya sa mga upuan sa VIP section. Katabi niya naman yata ang isang bigating tao. Bumulong siya rito at nagtawanan sila.

“This is a big scoop! Shan with Wade’s parents! Malapit na ang kasal!” Bigla akong tinulak nang di sinasadya ng isang taga media.

Panay ang picture niya sa kay Shan na nakikipag usap naman ngayon sa mama ni Wade.

Gumapang sa sistema ko ang inis at pagka irita sa sitwasyon. Ang tanging inisip ko na lang ay kailangan kong magpakatatag. Magpapakatatag ako para kay Wade, para saming dalawa. Matagal siyang nag sakripisyo para sakin, kaya ako naman dapat ngayon. Kaya niyang isuko itong tinatamasa niyang pangarap para lang sakin. Alam naman nating hindi na iyon kailangan. Mas gusto ko yung kinakamit niya yung mga pangarap niya. Para kasing simula nung nakilala niya ako, nawalan na siyang interes mangarap para sa sarili niya. Zoey’s right, he will self destruct. Kaya dapat kong intindihin ang lahat ng mga ito. Parte ito ng fame. Ganyan talaga pag nasa showbiz. Hindi mo maiiwasang malink kahit kanino.

“10… 9… 8… 7…”

Nagka-count down na para sa paglabas nina Wade!

“Miss, ikaw ba si Miss Elizalde?” May nagtanong na isang staff sakin. May lapel siya at mukhang nababanas pa sa akin.

“Po? Opo.” Sabi ko.

“Oh heto.” Sabay bigay niya sa isang malaking bouquet of roses.

“Kanino po ito galing?” Tanong ko.

“Ewan ko. Bigla na lang may nagpadala. Sige.” Umalis na siya at pumunta sa harapan.

Napatitig ako sa mga bulaklak sa harapan ko. Hinanap ko yung nakatagong card. Sa wakas ay nakita ko rin itong kulay pulang card.

Tinignan ko ito at nakita kong sulat kamay ni Wade iyon.

“I love you, Reina. Sana sagutin mo na ako.”

Napangiti ako. Ang kulit talaga ng isang ito. Kakadeal nga lang namin na dahan-dahanin ang lahat ng ito, agad ng nagrerequest na sagutin ko siya.

Napailing ako at napatingala dahil biglang sumulpot sina Wade, Zac, Austin at Adam sa stage. Maporma silang apat at ibang-iba ang aura kumpara sa Zeus noon. Hindi ko mawari kung anong kaibahan nila pero ang masasabi ko lang ay malakas at maimpluwensya silang apat.

“Somewhere there’s speaking

It’s already coming in

Oh and it’s rising at the back of your mind

You never could get it

Unless you were fed it

Now you’re here and you don’t know why…”

Ngumiti si Wade habang tinuturo ang mga fans. Naghihimutok at humihiyaw na ang mga fans niya sa sobrang kilig. May nakita pa akong mukhang tunay na nahimatay sa pag tatalon. Nakita kong pinaypayan siya ng mga kasama niya at pinuntahan din ng staff na medic.

Tsk. Ganun ba talaga? Kakasimula pa lang nito, ah?

“He’s everything you want

He’s everything you need

He’s everything inside of you

That you wish you could be

He says all the right things

At exactly the right time

But he means nothing to you

And you don’t know why “

“Grabe, pati yung mga dating kanta ng Going South, kering keri niya. Ibang klase. Talented talaga itong si Rivas.” Sabi ng isang staff na nakalapel din sa isa pang staff.

Rumampa si Wade sa stage. Lumapit siya sa audience, dahilan kung bakit mas dumami pa ang naghahyperventilate. Ngumisi siya at umiling nang nakita ang epekto niya sa mga tao dito. Hindi naman puro babae yung nandito, may mga lalaki ring humahanga sa music nila. Pero mas madalas talaga ang babae.

“WADESHA-WADESHA-WADESHA!” Mukhang naapakan ata ang ego ng mga WadeSha kasi nilagpasan lang ang upuan nila ah.

Tinaas niya ang dalawang kamay niya at hiningal pagkatapos ng isang kanta. Ngumisi siya at nilagay ulit yung microphone sa bibig niya.

“Wazzup Araneta?”

Napapikit siya sa ingay na ibinigay ng mga tao. Ako nga ay parang nabingi sa sigaw nila. Pinindot ko yung dalawang tainga ko kasi mukhang hindi ko na marinig ang sarili ko.

“Hello.” Sabi ko sabay pindot sa tainga ko.

Tumawa si Wade sa microphone.

“WE LOVE THE SOUND OF YOUR SEXY LAUGH WADE!” Sabay-sabay na sigaw ng isang Going South official fans club.

Umiling pa lalo si Wade at mas lalong bumalandra yung dimple niya.

Nandoon siya sa crowd. At may mga taong nag co-controll sa fans para di siya dumigin. Galing doon ay sinuyod niya yung mga nasa harapan.

Hindi ko alam pero tumigil yung mga mata niya nang nakita ako sa gilid malapit sa may entrance pabalik sa backstage.

Ngumisi siya at napapikit.

“Damn, I love this girl so much.”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad kong narinig ang pagsisimula ng gitara ni Zac.

“WADE-SHA, WADE-SHA, WADE-SHA!” Sigaw ng mga fans na nag aassume na si Shan yung tinutukoy ni Wade.

GRRR…

“I know what you’re doing

I see it all too clear

I only taste the saline

When I kiss away your tears.”

Mahina ang kantang ito kumpara sa unang kinanta niya. Naglakad siya ng marahan pabalik sa stage.

“‘Cause I am barely breathing

And I can’t find the air

Don’t know who I’m kidding

Imagining you care…”

Napapikit ako sa boses niyang parang hinihele kaming lahat. Ewan ko, Wade Rivas. Ewan ko saan nanggaling ang pagmamahal mo sakin. Napangiti ako sa sarili ko. Kahit walang nakakaalam na ako yung mahal niya, okay lang sakin, mas maganda nga iyon. May hindi alam ang ibang tao, kahit na public na ang buhay niya.

Lahat ng ginagawa niya ay palaging may nakatutok na media at mga tao. Gusto ko yung simpleng buhay lang tulad noon. Yung kami lang dalawa, sa apartment, sa Alegria, walang nang iintriga, kung meron man ay walang kayang sabihing masama. Wala silang nasasabing masama noon dahil kilala nila ako at galing ako sa pamilya ng mga Elizalde.

Pero ngayong mas malawak na ang mundong ginagalawan ni Wade, wala na masyadong nakakakilala sakin. Paniguradong walang awa nila akong pagsasalitaan ng masama.

Pagkatapos ng pangalawang kanta niya ay punong puno na siya ng pawis. Hinubad niya ang jacket niya.

“Whoa! Ang inet!” Sabi niya at ngumisi.

Napahiyaw na naman ng pagkalakas lakas ng mga fans.

“Alright, Araneta?” Tinutok niya ang microphone sa mga tao.

“STRIP! RIVAAAAAAAS! STRIP! STRIP! STRIP!” Sigaw ng mga tao.

Humalakhak siya sa microphone.

“Ayan na naman kayo. Nandito pamilya ko. Nakakahiya naman.” Mas lalo siyang tumawa.

Tumayo ang mama niyang natatawa rin.

May sinasabi siya kay Wade. Hindi iyon marinig ni Wade galing sa stage kaya nilapitan niya ang upuan ng mama niya sa harap.

“WADE-SHA! WADE-SHA!” Nabuhay na naman ang hiyawan tungkol sa love team nila dahil sa paglapit ni Wade doon.

Umupo ang mama niya. May sinasabi pa siya sa tabi niyang si Shan. Tapos may biglang nagbigay ng microphone kay Shan.

“Your mom says it’s okay if you strip.” Sabi ni Shan gamit ang malambing na boses.

Tumawa rin siya at tumawa ang mga tao. Natawa din si Wade pero hinanap niya ako.

Ngumisi ako sa kanya. Tumaas ang kilay niya ng saglit at umakyat ulit sa stage. Pagkaakyat niya ay tinitigan niya na naman ako. Binigyan ko siya ng thumbs up.

“Alright, I’ll strip if you strip, too.” Humalakhak si Wade at kinindatan ako.

Uminit ang pisngi ko. Kahit na lumabas na yung audience yung hinahamon niya ay naramdaman kong para sakin yung sinabi niya. Manyak mo, Wade! Sabi na nga ba! Bastedin kita riyan, sabing dahan-dahan lalo na sa mga intimate actions mo.

Nanginig yung binti ko sa halakhak niyang nakakakiliti sa tainga.

“Kidding, alright?” Tumawa siya nang may nag strip na lalaki sa audience.

What the ef? Ganun ba talaga iyon?

“I’ll strip if they strip, too.” Sabay turo niya sa mga bandmates niya.

Umiling si Adam habang malaki ang ngisi ng parehong si Austin at Zac.

Unang naghubad si Zac. Bumalandra agad sakin yung abs niyang pawis na pawis. Si Adam ang sumunod na naghubad. Nakita kong may tattoong dragon sa dibdib niya. Si Austin ang sumunod. Maputi si Austin at mejo may kalakihan din ang katawan kaya napa irit ang mga tao nang si Wade na lang ang ang hindi pa naghuhubad.

“Kahit na umo-o siya alam kong patay parin ako sa kanya. Ayaw niyang naghuhubad ako, eh.” Humalakhak ulit siya at nilapag yung microphone sa sahig.

Mabilis niyang hinubad ang t-shirt niya at ibinalandra ang heat-inducing abs niya. Walang katapusang irit ang ibinigay ng audience sa paghuhubad niya. Kitang kita ang v-line niya at ang abs niyang pawis na pawis.

Napapindot ako sa kabilang tainga ko dahil sa ingay. Hindi ko magamit ang isang kamay ko kasi nakahawak iyon ng bouquet galing kay Wade.

“Patay ako sa designer ko.” Humalakhak ulit siya at ginulo ang buhok.

Kinagat ko ang labi ko sa sinabi ni Wade. Talagang patay ako.

Unti-unting tumugtog yung mga instruments ng kabanda ni Wade. Naaninaw ko na naman yung mga tattoo niyang kulot na mga linya. Ano kaya talaga ang mga iyon?

“Never made it as a wise man

I couldn’t cut it as a poor man stealing

Tired of living like a blind man

I’m sick of sight without a sense of feeling…”

Maingay ang kantang ito. Kaya napapatalon at napapahiyaw pa lalo ang mga audience. Pabalik-balik si Wade sa paglalakad sa stage. Tinitignan niya ang mga tao gamit ang mga mata niyang mapupungay. Para niyang hinuhubaran ang bawat isa gamit ang mga mata niya.

Flirt.

At dahil doon ay mas lalong umingay at nanisay ang mga tao.

“And this is how you remind me

This is how you remind me

Of what I really am

This is how you remind me

Of what I really am…”

Pumunta siya sa audience at may kinuha siyang babae doon. Pulang-pula ang babae at halos mag hyperventilate na siya sa kilig sa ginawa ni Wade.

“It’s not like you didn’t know that

I said I love you and I swear I still do

And it must have been so bad

Cause living with me must have damn near killed you..” Hinahawakan niya ang kamay ng babae habang kinakanta ang mga linyang ito.

Ngumisi si Wade at binitiwan ang kamay ng babae. Bumalik sa stage at patuloy na kinanta ang kantang iyon.

“Thank you, fans!” Kumindat siya sa mga fans at biglang nag dim ang lights sa stage pagkatapos niyang yumuko para mag bow. “I love you, Carmela.” Hindi na nakita kung si Wade yung huling nagsalita pero halata sa boses at halakhak niya.

Kinagat ko ang labi ko. Shit! Wade! Pahabol pa talaga! Si Carmela na aso iyon, ah, fans?


Songs used:

Everything You Wany by Vertical Horizon

Barely Breathing by Shiek Duncan

This is How You Remind Me by Nickelback


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: