Mapapansin Kaya? – Kabanata 50

Kabanata 50

Sagutin Mo Lang Ako

Pumasok na rin ako doon. Kahit may dalawang oras pa bago magsimula yung concert ay mahaba na ang pila sa labas. Marami ng tao at busyng busy na ang mga staff.

Nakita kong nakabukas ang pintuan ng room nina Wade. Umaapaw sa tao at may nakikita akong mga camera. Okay, saan ako pupulutin nito? Malamang panay na ang picture nila doon sa loob.

Biglang pumalakpak ang mga tao sa loob at naghiyawan. Ano naman kayang meron? Papasok ba ako? Papasok na sana ako nang may biglang kumalabit sakin.

Pumihit ako para tignan kung sino iyon. Nagulantang ako nang naaninaw ko ang mama at papa ni Wade kasama si Iverson na kapatid niya.

Ngumiti ang mama ni Wade sa akin at niyakap ako. Tumango naman ang papa ni Wade sakin habang yakap-yakap ako ng mama niya.

“Ang ganda mo na, hija.” Bati ng mama ni Wade.

“P-Po?”

Hindi ko alam kung anong unang sasabihin ko sa kanya gayung huli kaming nagkita ay nung nagpunta ako sa Alegria. Agad kaming nagkahiwalay ni Wade noon. Hindi ko alam kung alam ba ng parents niya ang nangyari saming dalawa. At kung alam nila yung nangyari, nagalit ba sila sakin o ano?

“Nung nalaman ko kay Wade na bumalik ka na galing France, agad kong sinabi sa kanya na pabalikin ka sa Alegria. Hindi ko nga alam kung bakit natatagalan kayo sa pagbalik.” Binigyan ako ng matamis na ngiti ng kanyang mama.

Maganda parin ang mama ni Wade at matipuno parin ang kanyang papa. Si Iverson naman ay lalong tumatangkad at umuusbong na rin lalo yung features ni Wade sa mukha niya. It’s been four years, after all. Twenty-two years old na ako ngayon. Malapit na akong mag twenty-three kaya siguro ay nasa eighteen na itong si Son. Napatunganga ako sa ngiti ng mama ni Wade.

“Kelan kayo babalik?”

Namumutla na talaga ako dito sa kinatatayuan ko.

“Hindi ko po a-alam.”

Kumunot ang noo niya, “Bakit naman? Naku! Ang sabi ni Wade pagkabalik mo, papakasalan ka na raw niya.”

Muntik na akong nasamid sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi ng kanyang mama.

“Oo. Kelan?”

Hindi pa nga iyon nag po-propose! Nanliligaw pa lang! Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya yung mga iniisip ko o manahimik na lang.

“H-Hindi ko pa po alam…”

Napasulyap ako kay Iverson na nakatunganga sakin.

“Naku! Ang hina talaga ng isang iyon.” Ngumisi siya at sinulyapan ang pintuan. “Pasok tayo sa loob?” Sabi ng mama ni Wade.

“A-Ah? Kayo na lang po muna. Kakagaling ko lang kasi diyan.” Pagsisinungaling ko.

“Sige na… Sumama ka na samin.” Sabay hila niya sa kamay ko. “Lika na, pa! Papicture tayo kay Wade!” Sabi ng mama niya.

Nangatog yung mga paa ko sa paghila ng mama niya sakin.

“Pero alam ko namang dapat discreet lang relasyon niyong dalawa. Alam mo na, para walang reporters at fans na makealam.” Humalakhak siya sakin.

Napalunok ako. Tuliro na ako at hindi ko na alam kung alin ang una kong aatupagin. Ang pagsabi sa kanyang hiwalay na kami ni Wade noon o ang pagpipigil sa pagpasok ko sa loob.

Pero bago ko pa mapagtanto kung ano ang susunod na action ko ay nasa loob na kami ng room. Binitiwan ako ng mama ni Wade para tumakbo sa gwapo niyang anak na panay ang ngiti sa camera kasama ang members ng Going South.

“Ma!” Bati ni Wade.

Niyakap siya ng kanyang mama. Nakita ko ring nag high five si Iverson at si Adam.

Yung daddy naman ni Wade ay tahimik na nakatayo sa likod ng mama ni Wade. Maraming nagclick na mga camera dahil sa pagtatagpo ng buong pamilya ni Wade.

Pero kahit ganun ang eksena, yung mga mata ni Wade ay lumipad sa kinatatayuan ko. Seryoso ang kanyang mukha. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Dumami rin kasi ang mga tao.

“Hello po, kayo po pala yung mga magulang ni Wade, ako po si Shan.” Sabi ng isang babaeng nakaponytail at nakadress. Litaw na litaw yung dimples niya sa pagbati niya sa mama ni Wade.

Kinurot ang puso ko sa nakikita ko.

“Hello, hija! Oo. Kilala kita.” Nanggigil na niyakap ng mama ni Wade si Shan. “Fan mo nga ako eh! Ang ganda ganda mo pala sa personal!”

Umatras pa ako lalo. Wala pa namang nangyayari pero bakit pakiramdam ko taob ako sa kahit anong anggulo. Panay ang picture ng mga camera sa kanila.

“Ito nga pala si Son, kapatid ni Wade.” Sabay pakita sa bunsong kapatid ni Wade. “Ito naman ang kanyang papa.”

“Hello po.” Maypa yuko-yuko at nagmano pa si Shan sa papa ni Wade. “Matagal ko na po kayong gustong makilala.”

“Uyyy! Family picture!” Sigaw ni Zac sa kanila.

Tumawa ang mga kabanda ni Wade, maging ang mga staff at photographers ay humiyaw sa panunuyang tinanggap nila galing kay Zac. Umatras pa lalo ako at lumapit na sa pintuan. Umamba si Wade na pupuntahan ako pero umiling ako. Kumunot ang noo niya at nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nilagay ko ang index finger ko sa labi ko, “Shhh, Wade.” Tumalikod ako at umalis.

“O sige, sige, picture tayo.” Sabi ng mama ni Wade.

Hindi ko kayang makita silang masaya. Yung buong pamilya ni Wade kasama ang Shan na iyon. Kailangan namin ng trust ni Wade, alam ko, and I trust him. Pero may mga bagay talagang hindi mo parin kayang tignan kahit na alam mong wala lang.

“Reina?” Nabigla ako nang nakita ko si Zoey sa harapan ko.

Ang taas ng heels niya at bihis na bihis siya. Pulang-pula din ang kanyang labi at may dala siyang flowers.

Ngumisi siya sakin.

“Zoey? B-Bakit ka andito?” Tanong ko.

“Eto, babatiin ko lang sana si Wade.”

Tumango ako at lalagpasan na sana siya.

“Reina, it’s been four years simula nung nagkita tayo, tapos yun lang ang itatanong mo sakin?” Tumaas ang kilay ni Zoey.

Hindi ko alam. Nanghihina pa kasi ako sa mga nangyayari. Nanghihina pa ako sa nakita kong welcome si Shan sa kanyang pamilya. At mukha ngang gusto siya ng pamilya ni Wade. Kung alam man ng mama ni Wade ang tungkol sa nangyari, tungkol sa pagtakwil ko kay Wade noon, malamang galit yung mama niya sakin. Pero hindi, eh. Mukhang wala siyang alam. Ni hindi niya alam na nagkahiwalay kami ni Wade.

Napatingin ako kay Zoey. Mas lalo talaga siyang gumanda.

“Nandoon ba siya?” Tanong niya.

Nabigla ako sa tanong niya.

“Si Shan?”

“Ha?”

“Si Shan… Yung sikat na artista at TV host na nalilink kay Wade, nandoon ba?”

Tumango ako at mas lalong tinuonan siya ng pansin.

“Kaya ba Biyernesanto iyang mukha mo?” Ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung tama ba itong nakikinig o nakikipag usap ako dito kay Zoey o mas mabuting umalis na lang ako doon.

“Come on, Reina, Come on… Wag mong sabihing pinanghihinaan ka na naman ng loob kay Wade.”

“Huh? B-Bakit naman ako panghihinaan?”

Umirap siya, “Sige, isang beses ko lang itong sasabihin kaya makinig kang mabuti. I’m sorry. Kasi isa ako sa naging dahilan ng paghihiwalay niyo ni Wade noon. I liked him… In ways that should be considered illegal. Pero hindi niya kailanman ako tinignan gamit ang puso niya. Puro siya katawan. And I know you know that… Mabait siya at magkaibigan kami mula pa pagkabata. He’s my first love, but I’m not his.”

Napayuko ako at napatingin sa paligid. Busy ang mga tao at wala gaanong pumapansin saming dalawa. Nakita ko yung emosyon sa kanyang mga mata.

“Gusto kong mag assume na may gusto siya sakin. Na kaming dalawa yung bagay. Marami siyang pangarap. Pangarap niyang magbanda kaya sinabi ko sa kanya, pag nakapasok siya sa Zeus, sisikat siya. Ang tanging daan para makapasok siya ay pag napaibig ka niya.”

Humalukipkip si Zoey at tinitigan ako. Alam ko na ang istoryang ito pero kinukurot parin ang puso ko tuwing naaalala.

“Pero hindi niya naisagawa yung plano kasi hinarangan siya ng kuya mo. You get my point? May plano, pero hindi nangyari. Kung ano man ang namagitan sa inyo noon, totoo yun. Hindi dahil sa plano.”

“Bakit mo sinasabi sakin lahat ng ito?” Tanong ko sa kanya.

“Kilala mo ba ako, Reina?”

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinanong ng ganoon.

“Kung kilala mo ako, dapat alam mo ang sagot diyan.” Ngumisi siya. “Nung wala ka… hindi ko alam kung paano ko pupulutin pabalik si Wade. I loved him but he’s just too broken for you. Galit siya sa mundo at wasak ang buong pagkatao niya.”

“Kung mahal mo siya, bakit mo sinasabi sakin ang lahat ng ito.”

“Humupa yung pagmamahal ko sa kanya, Reina. Mula nung narealize kong hindi na siya masasalba sa pagkakalunod sayo. He’s crazy. Pumunta siya ng Paris para sayo. Lahat para kay Reina. Lahat para sayo. Halos sambahin ka niya kahit wala ka dito. You think my love will live?”

Ipinakita niya ang mga daliri niya sakin.

“I’m engaged, Reina.”

WHAT? Nabigla ako sa sinabi ni Zoey.

“Hindi siya si Wade pero mahal niya ako. Hindi siya katulad ni Wade kung magmahal pero ayos lang, ang importante, mahal niya ako.” Aniya.

Nakita ko yung panghihinayang sa mukha niya.

“Now… kung ano man yung namamagitan sa inyong dalawa ngayon, ang masasabi ko lang ay sana magkaayos na kayo. He’s going to self destruct, Reina, kung wala ka sa tabi niya.”

Hindi ako makapagsalita sa sobrang bigla ko.

“Now, alam mo naman ako, hindi ako nagsasalita o gumagawa ng kabutihan ng walang kapalit. I want you to hire me as your model, Reina. Pag natanggap ka sa Fashion Week o mag launch ka ng clothing line mo, kunin mo ako as image model.” Ngumisi siya.

At talagang ang kapal din ng mukha nitong si Zoey. Tinignan niya akong mabuti. Ilang sandali ay nakita kong lumagpas yung titig niya sa likuran ko. Ngumisi siya sakin.

“You’ll thank me for this, Reina. Pumunta ka na lang muna ng CR.” Aniya sabay turo sa daan papuntang CR.

Narealize kong maraming tao ang nakapaligid samin. Nakatingin sila sa likuran ko. Bakit naman kaya sila nakatingin.

“Coz he’s a celebrity now. He can’t just go out with anyone else unless gusto mong sumikat sa pamamagitan ng pag ba-bash sa internet.” Kumindat si Zoey sakin at hinila ako.

Napalingon ako sa likod ko at nakita kong dinudumog si Wade ng mga tao. Hinihingal siya at nginingitian ang bawat isa. Pero nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya ay umamba siyang maglakad papunta samin ni Zoey.

“GO, REINA!” Sigaw ni Zoey sakin.

Napapikit at napatalon ako sa bigla.

“GO!” Sigaw niya sabay turo sa CR.

Hindi ko maintindihan kung anong plano niya pero sinunod ko ito.

Tumakbo ako papasok ng CR at nilingon si Zoey na hinihila si Wade palayo sa mga nakapasok na fans. Maraming police at staff na pumigil sa pagwawala nila. Nagpahila si Wade kay Zoey at nakita kong papunta din sila dito sa CR.

“Shiz!” Sabay pasok ko sa CR.

Sobrang kinabahan ako doon. Mabuti na lang at walang tao.

Nakita ko yung mga cubicle. Nasa CR pala ako ng mga lalaki. Naalala ko tuloy yung unang away namin ni Wade. Yung nasa CR kami… CR ng mga lalaki. Mabuti na lang walang tao ngayon.

“There!”

Tinapon ni Zoey si Wade sa loob ng CR.

“Utang mo ‘to sakin, Reina. Yung deal natin, ah?”

“HUH?”

Pero di niya na ako narinig. Hindi ko alam kung umalis ba si Zoey o binantayan niya kami sa labas. My gosh! Pero infairness, nakakaantig yung ginawa niya para samin ni Wade.

Pinauna niya ako dito sa CR para siya yung makita ng fans at paparazzi na kasama ni Wade. Hindi naman siguro siya nasasaktan sa mga bash sa kanya. Noon pa man, mahilig na talaga siya sa fame. Kahit paano pa yan, basta sumikat lang siya. At hanggang ngayon, ganun parin ang trip niya.

Naiilang akong tignan si Wade sa mga mata. Nakatayo lang siya doon at pinapanood akong tumitingala at nagkukunwaring chinicheck ang ‘features’ ng CR.

“Bakit di ka lumapit sakin, kanina?” Tanong niya.

Napatingin ako sa seryosong mukha niya, “Wade, may press. Anong gusto mo? Magalit yung fans mo sakin?”

Namutla siya sa sinabi ko.

“Hindi naman sila magagalit kung sabihin kong mahal kita.”

Natawa ako sa sinabi niya, “Really?”

I doubt it. Hysterical ang mga fans ng The Beatles noong kasagsagan nila. Twing may mga taong nalilink ay halos mag laslas yung mga fans at paulanan ng bash ang mga nalilink sa kanila. Malamang ganoon din ang mangyayari samin ni Wade kung ipapakilala niya ako sa sambayanan. They are all obsessed with WadeSha. Besides, hindi pa naman kami ni Wade.

“Okay lang, Wade, hindi pa naman tayo. At mas gusto ko rin ng may privacy ako. Gusto ko sekreto. Gusto ko yung walang nakakaalam.”

“Paano kung sabihin ko sa kanila mamaya? Paano kung yun ang gusto kong mangyari?”

Umiling ako.

“Dahan-dahan, hindi ba, Wade? Kung sasabihin mo agad gayung di pa tayo, nagmamadali ka na.”

Suminghap siya at tumango ng dahan-dahan.

“Okay, Reina. Dahan-dahan.”

Kumunot ang noo ko nang lumapit siya sakin, “B-Bakit nga pala yung buong akala ng mama mo ay hindi tayo nagkahiwalay?”

Natigilan siya.

Ilang sandali pa siya bago nagsalita.

“A-Ang alam niya lang ay nagalit ka sakin. N-Nagalit ka kasi ang akala mo ay pinaglaruan kita. Pero hindi niya alam na iniwan mo ako. Sinabi kong umalis ka lang para mag aral at hanggang ngayon, tayo parin. Dahil hindi ko kayang aminin ang katotohanang iyon sa sarili ko. Lalo na sa pamilya ko.”

Napayuko ako, “Pagnalaman ng mama mo na iniwan kita, malamang aayawan niya ako, hindi ba? Hindi na iyon magiging boto sakin. At baka si Shan na ang gusto niya para sayo.” Napalunok ako.

Actually, mukhang gusto talaga ng mama ni Wade si Shan. Damn!

Umiling si Wade at mas lalong lumapit sakin. Kumunot ang noo ko sa paglapit niya.

“Hindi naman ganyan ang pamilya ko.” Sabi niya. “At hindi ko naman sila hahayaang pangunahan ako.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Para akong natamaan ng bulalakaw. Ako iyong napapangunahan ng pamilya!

Napatalon ako nang naramdaman yung haplos ni Wade sa magkabilang braso ko.

“Sige, Reina, gusto mong sekreto tayo, sekreto tayo. Gusto mong dahan-dahan, sige dahan-dahan tayo. Kahit anong gusto mo, sagutin mo lang ako sa huli. Walang problema… Sa ngayon, payakap lang. Kahit walang halik. Yakap lang.”

Unti-unti akong tumango. Binalot kami ng katahimikan. Unti-unti kong naramdaman ang mga bisig niyang pumulupot sakin.

Mainit parin ang katawan niya. Mainit kaya natutunaw niya ang lamig na nararamdaman sa puso ko. Nakakalimutan ko yung mga dahilan kung bakit ko hiningi sa kanya ang pagdadahan-dahan namin.

No, Reina. You need to stick to your words. Kung hindi, baka masira lang ulit yan. Nakailang beses ka na sa pagpapadalos-dalos mo, kailangan mo naman ng ibang approach ngayon.

“I’ll get you to stay, this time. Hindi ka na ulit makakawala sakin. I’ll find ways to keep you… I just damn want your honesty. Ayokong bigla ka na lang nagtatampo. Ayokong nakikita kang biglang umaalis nang di ko nalalaman. Showbiz will really hurt you, Reina. I need to give this all up to be with you.”

Nagbara ang lalamunan ko sa sinabi niya. Tumindig ang balahibo ko at hindi ko mapigilan ang pagkalat ng kirot sa puso ko.

“Wade, don’t do this. Okay lang naman sakin.”

“I want you to be honest, Reina.”

“Okay lang. Kaya ko.”

Hinarap niya ako gamit ang nasasaktan niyang mga mata.

“Alam kong may mga doubts ka dahil nagpaapekto ako noon sa ibang tao, pero ngayon, I promise you, hindi na ulit. Hindi na. Kaya ko ito. Ipagpatuloy mo ito. Don’t self destruct just because of me.”

It’s not worth it. Ang dami kong ginawang masama sayo. Hindi ko kayang pati ito ay ipagdadamot ko sayo.

“Alright, if that’s what you want.” Aniya. “Then I’ll do it. Sagutin mo lang ako.”

Ewan ko, Wade. Nanliligaw ka pa ba? Parang bumibigay na yata ako kahit na nanliligaw ka pa lang eh. Paano pa kaya pag tayo na, naku!


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: