Mapapansin Kaya? – Kabanata 47

Kabanata 47

Mapansin Kaya

“Paano ba yan, choosy si Wade Rivas. Ikaw daw dapat.”

Umiling ako.

Palibot-libot si Hugo sa paglalakad sa sofa na inuupuan ko.

“Ba’t ayaw mo? Hindi ba break mo na iyan. I’m sure gusto rin ito ni Dashiel para sayo.”

“A-Ayoko, Hugo. Pwedeng ibang artista or something?”

“My God! Anong ibang artista? Going South is practically the most amazing band right now and Wade Rivas is the hottest male artist of all time. Bakit mo aayawan at ipagpapalit sa iba.”

Kung pwede ko lang ihayag sayo kung bakit ayaw ko, matagal ko ng sinabi.

“Think about it, Reina. Signing a contract from his manager can take you real far sa fashion industry. It’s the biggest break. Even bigger than a chance to show off for the Fashion Week.”

Yumuko ako at tinitigan ang mga kuko ko.

“Bakit, Reina?” Tumigil siya sa likuran ko. “May something ba kayo ni Wade Rivas?”

Napaupo ako ng maayos sa tanong niya.

“A-Anong something? W-Wala ah!”

“Bakit nauutal ka?”

Umiling ako, “Hindi! Wala!”

Nagngising-aso siya sakin, “There’s something. Tell me about it, Reina. Sakaling meron, hati tayo sa kikitain mo pag naibenta ko sa Yes! o sa Buzz! Ano?” Humalakhak siya.

“Hugo! Walang something samin! He’s a… a family friend. Vocalist siya dati nina Noah.”

Tumango siya pero di parin natatanggal ang ngising-aso niya.

“Kung ganun, bakit ganyan ka makareact? Kung family friend naman pala… edi okay. Tsaka narinig mo ba yung sinabi ni Wade?” Tumaas ang kilay niya at mas lumaki ang pagngingiting-aso niya, “I want her mine.”

Napalunok ako, “Whatever, Hugo. He-He’s just… a-ah ano kasi kaibigan ko siya…”

Naks! Tumindig ang balahibo ko pagkakasabi ko noon.

“Tapos-“

Narealize kong ngising-aso lang talaga ang maibibigay na reaksyon ng juding na ito. Mukhang hindi yata maniniwala sa lahat ng sasabihin ko unless kung sabihin kong may relasyon kami ni Wade.

“Tapos… ayun, gusto nga niya ako. Kaso ayoko naman kasi baka sabihin niyang ano… ginagamit ko lang siya.”

“Ahh… Really?” Tinaas-taas niya ang isang kilay.

I sighed. I give up.

“Here!” Sabay bigay ko sa portfolio. “Ikaw ang scout. Ikaw mag hanap. End of story. Kung saan mo ako ilalagay. Doon ako. Para di ka na magduda.”

Humalukipkip ako sa hamon ko kay Hugo.

“Hmmm?” Tinanggap niya iyon. “I’ll call you when I have the contract, Reina. For the mean time, kailangan ko munang makiusyuso kung kailan maimo-move yung concert ng Going South. Lahat kasi kami pupunta. Mahal ang ticket kaya di pwedeng hindi. Alam mo na. Ta-ta!” Kumaway siya dala-dala ang portfolio ko at pumasok sa opisina.

Darn it! Nagmura na lang ako pagbaba ko sa elevator. Sigurado na ang bagsak ko… ending? Kay Wade Rivas parin!

Nanginig na naman ang kalamnan ko nang maalala ko yung nangyari sa sofa. Hindi ko makalimutan kasi ramdam ko parin down there. Shucks!

Natigilan ako nang nakita ko ang isang poster. Silang apat ng kabanda nila. Si Wade ay naka topless sa picture. Siya lang yung nakatopless. Siya yung pinaka harap. Sa likod niya ay si Adam na nakahalukipkip. Sa kabila naman ay si Zac na nag bubuhat ng electric guitar. Sa likod ni Adam ay si Austin na seryoso ang mukha.

May humagulhol bigla sa likod ko. Nilingon ko at nakita kong naghagulhulan yung tatlong babae. Bumaling ulit ako sa poster at nakita yung tag line.

“Going Crazy over Going South”

I smirked. Napawi yung ngisi ko nang narinig ulit yung humagulhol.

“Shet! Excited na excited na tayo tapos ma momove pala? Shet!”

“Ansabe eh hindi raw maganda ang pakiramdam ni Wade.”

WADE? May nagsabi bang Wade? Nilingon ko ulit sila.

“Bakit kaya? May sakit? HUHU! Sana magamot siya! My gosh! May lagnat siya? Bigyan natin ng gamot at pagkain.”

Naknangputspa! Anong akala niyo sa Wade na iyon walang pera? My gosh… at tsaka… anong may lagnat? Alive na alive yun kanina nang pumunta ako sa bahay nila, paano yun magkakasakit?

Napalunok ako. Ayokong mag isip at mag assume ng kahit ano. Kaya imbes na pumirmi ako doon ay lumabas na ako sa building at bumalik ng Manila.

Pagkauwi ko sa bahay, naabutan ko si Liam sa sofang naglalaro sa aking iPad.

“Hey!” Aniya. “I missed you.”

“Liam! Kakakita nga lang natin kagabi. Nukaba.” Tumawa ako.

Damn right! Hinaplos ko yung sofa namin. Iba naman ito sa sofa ni Wade pero kinikilabutan parin ako. I lost my V in a sofa. Damn that asshole!

“Here.” Sabay bigay niya ng bouquet of flowers niya sakin.

Hinalikan niya rin ako sa cheeks. Napatalon ako kahit madalas niya naman itong ginagawa.

“Anong meron?” Nahihiya kong tanong.

“Wala. Hindi ba pwedeng magbigay ako ng flowers sayo? Masaya ako ngayon, eh.”

“Haha! Naapektuhan ka ata ng hang over mo, Liam.”

“Oo. Hang over na hindi parin humuhupa hanggang ngayon. Mula pa ito sa Paris eh.” Tumango siya sakin at mas lalong ngumisi.

Hinampas ko ang braso niya, “Kaw talaga! Pero thanks, ah! Ganda ng mga bulaklak. Ipapalagay ko lang kay manang sa kwarto.” Sabay lakad ko papuntang kitchen.

“Wait, kumusta yung kay Wade?”

“H-Ha? Okay lang naman.” Nag iwas ako ng tingin. Guilty ako sa mga ginawa namin ni Wade sa kanila. At mas lalo akong naguilty tuwing naiisip kong ginusto ko yun.

Kahit na hindi naman talaga natapos at nabitin ko si Wade, nagawa niya parin. Naiinis ako sa kanya at natatakot akong gamitin niya ako pero hindi ko parin matanggal ang feelings ko sa kanya. The look on his face when he cried. Konti lang yung luha niya pero nakakayanig para sakin. Bumuhos sakin ang guilt. I’ll be forever guilty about him. Lagi niya akong nasasaktan at lagi ko rin siyang nasasaktan.

“You okay? may nangyari ba?”

Mas lalo akong napatalon sa tanong niya.

“W-Walang nangyari no!” Uminit ang pisngi ko.

“Ha? Hindi ka natanggap?”

“Ha? Ah? Oo! Hindi ako natanggap sa Fashion Week.” Leche, ano ba itong mga iniisip ko. “Pero may offer ako as stylist ni Wade.”

“Whoa! See? kaya mo pala! That’s amazing! Designer pa, stylist pa.”

I’m not even sure if I can do it.

Hindi ko alam kung paano ko ginawang lumipas ang isang linggo nang walang ginagawa. Sketch lang ako nang sketch at nanood ng practice nina Noah sa Music Room. This used to be Wade’s practice, pero ngayon kay Liam na.

Tutok ako sa dimple ni Liam tuwing kumakanta siya. Napapangiti ako tuwing nakikita ko ito. Kaya naman ang resulta ay napapangiti ko rin siya. Umiiling na lang ako at bumalik sa pag s-sketch.

Pero sa kalagitnaan ng pag s-sketch ko, naaalala ko yung ginawa namin ni Wade sa sofa kaya napapachange position ako sa sofa na kinauupuan ko o di kaya tumatayo na lang at natutulala ng wala sa sarili ko.

Shiz! His freaking effect on me.

Nakita ko rin ang pagwawala ng fans niya sa social networking sites.

“It’s okay, baby, we’re here for you, whatever that is.”

“We Love you Wade Sexy Rivas!”

May mga interview narin siya sa TV. Sinabi niyang may lagnat daw siya. Ngumingiti ngiti pa ang demonyito kaya napapatili ang audience at malamang pati ang mga nanonood sa bahay. Mukha mo! Lagnat? Really?

“He’s probably just too hot, Reina, don’t you think?” Tanong ni Coreen sabay kain ng popcorn.

Nag s-sleepover siya samin ngayon kasi day off niya raw bukas.

“Whatever.” Pinatay ko ang TV.

“Ano kayang nangyari sa kanya? May ideya ka ba? Since stylist ka na naman niya ngayon?”

“Wala akong pinirmahang kontrata at hindi pa ako nagsisimula.”

“Bukas na yung concert, ah? Baka naman ipatawag ka bukas? Manonood pa naman ako.”

YES, this darn girl is Going Crazy over Going South tomorrow!

Umirap ako, “Ewan ko.” Sabay delete ko sa text ng manager ni Wade.

Ni-text niya ako kanina na maaga daw dapat ako bukas sa Araneta. Kinakabahan ako. Leche! Anong gagawin ko doon? Ewan ko! Leche! Patay na!

“Nak ng tipaklong naman, Reina. Didiretsuhin na kita… alam kong ikaw yung dahilan ng pag popostpone ng concert na iyon. Kaya sabihin mo, bakit?”

Dalawang beses akong napalingon kay Coreen dahil sa tanong niya.

“Wh-What?”

“Asus! Wag ka ng mag maang-maangan.” Sabay papak niya sa popcorn. “Sinabi sakin ni Rozen na sabi ni Wade galit ka raw sa kanya. Hindi ba siya yung galit sayo? Kasi nga iniwan mo siya? Paano nangyaring galit ka naman ngayon sa kanya?”

WHAT THE? Anong mga balita itong nasasagap ni Coreen kay Rozen?

“P-Paano nalaman ni Rozen?”

“Hello? May bibig si Wade, may tainga si Rozen, syempre malalaman niya yun.”

WHAT THE HELL? Ganun ba talaga yun? Umirap si Coreen na para bang ang tanga ko talaga kasi hindi ko ma gets.

“Galit ako kasi maghihiganti siya sakin. Alam ko yun at inamin niya rin. Kaya pinapahirapan niya ako. Kaya ayaw kong lumapit sa kanya kasi may masama siyang balak sakin.” Sabay lunok ko.

Don’t tell me maging yung nangyari sa sofa ay alam nitong gagang ito. Baka paulanan ko na talaga ng bala si Wade.

“Teka… Ano pang sinabi sayo ng lintek na Rozen na yun?”

“Yun lang naman.” Sabay tingin niya sakin sa gilid ng mga mata niya. “He paid… for like… two bouncers doon sa isang bar sa may Tribe Lounge.”

“Bakit?”

“Kasi naman, nandoon si Wade, umiinom kasama yung mga bandmates niya sa VIP room. Tapos pinapatigil na siya sa pag inom ni Zac, sobrang lasing na kasi, pero ayaw tumigil.”

“Ha? Naglasing siya?”

Naalala ko tuloy na hindi naman talaga siya palainom. Madali siyang natatamaan. Well, that was then… Ewan ko kung ganun parin ngayon.

“Oo. Wala siyang sinasabi tungkol sa kung anong problema niya. Yung sabi kasi ni Zac, yung last daw na nangyari ay ang pagsusukat mo ng damit sa condo niya.” Nag kibit balikat si Coreen.

“So?”

“So Rozen asked Wade… Is this about my sister? Tapos yung sagot niya, ‘May iba pa bang pwedeng dahilan’.”

Nag iwas ako ng tingin kay Coreen.

“So… I won’t ask you what happened kasi ayaw ko rin naman na inuusisa ako pero… My gosh! Reina! Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari! I was positive na ikaw ang magkakandarapa sa paghahabol sa kanya. Pero ngayon, narealize kong siya parin pala yung maghahabol. Pagkatapos mo siyang saktan ng ilang beses, siya parin yung gagapang at willing na magpasakit para lang sayo. What’s the matter with you?”

Tinulak niya ang braso ko.

“Whatever, Coreen. Galit ako sa kanya.”

“Sinabi mo ba sa kanyang gusto mo parin siya hanggang ngayon?”

Napahiga ako sa kama sabay tingin kay Coreen. Tumango ako at suminghap siya.

“You biatch! Why? Ang galing mo talagang mambitin, eh, no? Yun yung forte mo eh. Mula pa noon. Sasabihin mo gusto mo siya, mahal mo pa siya, pero sa huli, iiwan mo at inunudnod mo sa putikan.”

Namutla ako sa sinabi ni Coreen.

“Gosh! Whatever, Reina. Hindi naman sa kinakampihan ko si Wade pero kung ayaw mo sa kanya, sabihin mo at kung gusto mo edi ipakita mo. Anyway, ubos na yung popcorn. Baba lang ako, ah?” Ngumisi siya at umalis ng kwarto.

Hindi ko alam kung matagal bang bumalik si Coreen sa kwarto o talagang inaantok lang ako sa kakaisip sa mga sinabi niya.

Kinaumagahan, tulog pa si Coreen nang umalis ako ng bahay. I should wear something decent. Hindi yung bawat galaw ko ay pinapaalala ko kay Wade ang nangyari noon.

Kinatok ko yung backstage. Ganito kaaga kahit mamayang gabi pa naman ang concert. Nakita ko yung stage, puno na ng palamuti at nag si-set up na ang mga DJ. Busy na rin ang labas ng backstage. Pinagbuksan ako ng pintuan ng isang nakaputing uniporme na babae.

“Hello!” Sabay kaway sakin ng babae.

“Reina Elizalde.” Pumiyok ang boses ko. “Nandito ba si Mr. Manzano?”

“Ah! Ikaw yung hinihintay. Oo. Pasok ka.”

Pumasok ako at nakita ang magara at malawak na backstage para sa Going South.

Nanginig ang buong sistema ko nang narinig ko ang malulutong na tawanan ng mga kabanda ni Wade. Hindi ko pa siya naririnig at may mga dividers pa sa gitna kaya di ko sila makita.

“Ms. Elizalde.” Pambungad ng isang naka suit at naka eyeglass na matandang lalaki sakin.

“Mr. Manzano. Good morning!” Sabay ngiti ko.

“Upo ka.”

Umupo ako sa bangkong nasa harapan ko.

Nilapag niya ang ballpen sa harap ko bago nilagay ang isang folder.

“Nandyan yung kontrata.” Buntong-hininga niya. “Pasensya na may konting erasure. Babaguhin ko pa sana pero kasi atat na si… Wade. Kaya pakipirmahan mo na lang sa ibaba kung sakaling gusto mo.”

Binasa ko iyon. Hindi ko pa nababasa ang paunang pangungusap ay napansin ko na ang erasure sa first page. Imbes na 5 years ang contract ay ginawang 10 years.

“10 years? Ang haba naman? Makakapag design at style ba ako ng iba dito? Parang masasakal naman yata ang career ko.”

Suminghap ulit siya, “Ginawan ko ng final clause na pwede mong putulin kung kailan mo gusto. Wag mo lang sabihin kay Wade na may ginawa akong ganyan. Tsaka… pwede kang mag style ng iba kung walang dapat i-style kay Wade. Hindi ka naman limitado sa kanya.”

Tumango ako.

Limitado sa kanya? Dapat lang! May ibang tao pa… hindi lang siya yung pwedeng istyle at bigyan ng design kaya wag siyang maramot.

“Mamaya ko na lang ito pipirmahan. Ang dami kasing pages, baka di ko mabasa lahat.”

“Oh! sure, sure!” Naglahad siya ng kamay.

Tinanggap ko ito at nakipagshake hands.

“Puntahan mo na lang siya sa loob.” Sabay ngisi niya sakin.

TAKTE! Nangangatog na ang buong katawan ko sa kaba. Dapat hindi ako yung may reaksyong ganito kasi galit ako sa kanya. I should act cold! Ang sama kaya nung ginawa niya sakin! Hanggang ngayon, di ko parin makalimutan!

Natahimik sila nang nakitang papasok ako doon. Sumipol si Zac at bumalik sa inuupuan niya.

Tumingin silang lahat sakin except kay Wade na nakatingin ngayon sa salamin at hinahawakan yung labi niya.

“Andito na pala yung bagong stylist mo, Wade.” Untag ni Adam sabay halakhak.

Unti-unti niya akong tinignan. Bakas sa mukha niya yung kaba at pagiging balisa sa pagdating ko.

“Good morning!” Sabay ngiti ko sa mga kabanda ni Wade.

Ngumiti din ako sa mga stylist ng kabanda niya. Nakita kong nilagutok ni Wade ang mga leeg niya nang nilagay ko ang gamit ko sa harap niya.

“Anong gagawin ko sayo, Wade?” Malamig kong tanong.

“K-Kahit anong gusto mo.” Agad na sagot niya.

“Wooo…” Marahang humalakhak si Austin at Adam sa malayo.

Nilingon sila ni Wade at nakita ko ang marahas na titig niya sa dalawa.

“Peace…” Sabay halakhak parin ng dalawa.

“Magsimula muna tayo sa damit? Ganyan ba yung susuotin mo?”

Sabay tingin ko sa studded black jacket niya na may inner vneck white t-shirt kung saan kita nga yung kalahati ng tatto niya.

“Ito kasi yung napagkasund-“

“Oo o hindi lang yung sagot. Since may damit ka na naman. Sa mukha na tayo.”

Tinaas ko yung kilay ko at kinuha yung wax na pampakalbo. De… joke lang. Hindi naman ako ganun ka sadista.

“Anong gusto mong mangyari sa buhok mo?”

Bakas sa mukha niya ang kaba sa tanong ko, “G-Guluhin mo lang. Kahit ano.. K-Kahit anong gusto mo.”

Mas lalong tumawa ang mga kabanda ni Wade. Ngayon, nakisali na si Adam at bumanat pa, “Tiklop si master!”

Nilingon ulit ni Wade silang tatlo at pinagbabato ng matutulis na titig.

“Wade, humarap ka sa salamin nang magulo ko ng maayos ang buhok mo.”

Agad siyang tumingin sa salamin pagkakasabi ko noon, “O-Okay.”

Nilagay ko yung konting wax sa kamay ko at nispread ko sa dalawang palad. Hinaplos ko ng paunti-unti ang buhok niya. Napalunok ako sa ginagawa ko sa kanya. Why is this so familiar to me?

Hindi ako makatingin ng diretso sa salamin kasi nakatitig siya sakin. And his eyes were intense… his serious expression is breaking through the barriers of my heart again…

“Reina…” Pabulong niyang sinabi nang nagkaroon ng ibang pinagkakaabalahan ang kanyang mga kabanda. “Reina…”

Tumaas ang kilay ko at nagpatuloy sa pag s-style ng buhok niya. Nakita kong napalunok siya sa pag babalewala ko sa kanya.

“Reina, please, pansinin mo naman ako.”

Hindi ako umimik. Malapit na akong matapos, maya-maya, yung ibang damit niya ang pagkakaabalhan ko. Hindi naman ako make up artist at hindi naman niya kailangan ng make up kaya hindi na ako mag eeffort. Sa damit na lang since iyon naman talaga ang linya ko.

“Sorry kung galit ako sa’yo at gusto kitang parusahan sa pamamagitan nun.” Kinagat niya ang labi niya.

Narinig ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko pero pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

“H-Hindi ko na ulit yun gagawin k-kung ayaw mo… Pero… shit.” Nilagay niya ang palad niya sa isang mata niya.

Natigilan ako sa pag aayos ng buhok niya. Kitang kita ko ang pagbalandra ng kanyang dimple sa pagkagat niya ng kanyang labi.

“Totoong mahal kita, Reina. Hanggang ngayon, ikaw parin. Sinubukan kong magmatigas pero natunaw parin ako. Kahinaan parin kita kahit apat na taon na ang lumipas. Sorry kasi kahinaan talaga kita. Kahit na galit ako sa iyo, hanggang doon na lang yun kasi langya pag ikaw naman yung magalit pakiramdam ko katapusan na ng mundo ko. Nanghihina ako, pagdating sayo. I’m so… so… sorry.”

Padabog kong nilagay pabalik ang wax sa harap niya.

“Alright, Wade.” Malamig kong sinabi at tinalikuran ko siya.

Nakita kong mas lalo siyang namutla sa malamig kong trato sa kanya.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!

Discover more from Jonaxx Stories

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading