Mapapansin Kaya? – Kabanata 46

Kabanata 46

Laslas ng Leeg

Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Tinignan ko siyang mabuti at napapikit siya sa ibabaw ko. Napapikit din ako sa hapdi.

“Now, let’s hope you are fertile.”

Sa kalagitnaan ng ginagawa niya ay tinulak ko siya ng buong lakas. May tumakas na luha sa mga mata ko. Hindi ito dahil sa hapdi at sakit na naramdaman ko, kundi dahil ito sa kanya. Dahil sa inasal niya…

Ano ang ibig sabihin niya sa pag dadasal na fertile ako? Gusto niya bang mabuntis ako? Para saan? Gayung mukhang hindi niya pa ako napapatawad! Ngayong alam ko, galit parin siya sakin. He wants to impregnate me… and then leave? Kasi ayaw niya na sakin… Kasi gusto niyang magdusa ako… Gusto niyang mapahiya ako dahil galit na galit siya sakin!

Humagulhol ako sa iyak habang natigilan siya sa harapan ko. Pinagtabi ko ang dalawa kong tuhod para mapigilan siya kung sakaling aamba na naman siyang gawin iyon.

Nakita kong matulig parin siyang nag aabang sa reaksyon ko. Namutla siya sa kinatatayuan niya. Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahang inayos ang sarili ko. Sinarado ko ang shorts ko at dahan dahang kinapa ang mga gamit.

“Reina…” Mahinang boses niya.

Tinalikuran ko siya at niligpit pa ang ibang gamit ko.

“Reina, I’m sorry…”

Hinarap ko siya at sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na sampalin siya.

PAK!

Nakita kong mas lalo siyang namutla kahit na pulang pula yung pisngi niya sa pagkakasampal ko. Nakita ko ang outline ng kamay ko sa pisngi niya.

Nanginig ang mga labi ko nang nagsalita ako, “I HATE YOU, WADE! I HATE YOU SO MUCH!”

Bumuhos ang luha ko. Napahawak ako sa nanginginig kong bibig.

“I know what you’re planning!”

Kahit mahirap siyang espellingin, for some reason, nababasa ko na siya ngayon. Siguro sa tagal na naming magkasama at magkakilala, kahit maging misteryoso pa siya sakin, alam na alam ko na ang mga kilos niya.

“FVCK YOU!” Sabay turo ko sa kanya.

Napaatras siya sakin. Inayos niya na rin ang sarili niya. Pareho kaming may saplot na ngayon, yun nga lang, hindi ko alam kung naayos ko ba yung bra ko. Mamaya ko na poproblemahin iyon pagnakalabas na ako dito.

“Asshole! Alam kong gusto mong maghiganti! Ano? Bubuntisin mo ako gamit ang galit mo? Bubuntisin mo ako at iiwan sa huli? YOU HAVE NO FRIGGING HEART! Akala ko magaspang lang talaga ang ugali mo sakin noon dahil galit ka sa mga kapatid ko! PERO NGAYON? HINDI! Talagang wala kang puso!”

Matapang akong humakbang palapit sa kanya. Umatras siya.

“Rein-“

Nanggigil ako sa nagmamakaawa niyang mga mata, “You son of a bitch! Playboy ka! Kung gusto mo ng babae, edi bumili ka, hindi ba’t humihiga ka na sa pera ngayon? BUMILI KA DUN AT WAG MO AKONG GAMITIN DAHIL LANG MAHAL KITA! PARA NAMANG DI MO YUN GINAGAWA NOON!”

“Reina,” Sinubukan niyang hawakan ang braso ko pero sinapak ko ang kamay niya.

“Nakakadiri ka, Wade. Mahal kita pero minsan hindi yung mahal ang dapat sundin. Lalong lalo na pag taong tulad mo.”

Pumihit ako at tinalikuran siya. Pero hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ulit…

“Reina, mahal kita.” Tumindig ang balahibo ko sa pagkakarinig sa pagkabasag ng boses niya.

Nangibabaw sa akin yung galit. He wanted revenge! Gusto niyang ibuhos yun lahat sakin sa pamamagitan ng pagse-sex. Noon pa, alam ko nang aso talaga itong si Wade. Masyado siyang pinapangunahan ng instincts niya. Walang pinag kaiba ngayon… instinct yung pinapaandar niya sakin, sinahugan pa ng galit at pagkamuhi.

“Mahal? Ako mahal mo? Baka nalilibugan ka lang kasi wala kang naka sex kaninang umaga? Gusto mo lang itutok yan sakin para masaktan ako, Wade!”

“Walangya, Reina… Oo… Gusto kong maghiganti sa ginawa mo sakin. Apat na taon ang walang kasiguraduang paghihintay ko. Puta paano kung bumalik ka ditong may asawa na, saan ako pupulutin? Galit na galit ako! Pero shit hindi ko kayang ganito. Wag mo akong iwan ulit.”

Hinawakan niya ang braso ko pero tinanggal ko ang kamay niya.

“Sana nag asawa na nga lang ako, Wade. Kasi wala akong maasahan sayo! Puro ka galit! Inalagaan mo lang yung galit mo na ultimo first time ko ay ginawa mo pang paghihiganti. Masaya ka na? NAKUHA MO NA DIBA? You son of a bitch! Nakuha mo na, nakapaghiganti ka na… but I’m not yours, Rivas. I will never be. Mas gugustuhin ko pang ibang tao basta ba siguradong pagmamahal ang maramdaman ko.”

Kinurot ang puso ko nang nakita kong tumulo ang luha niya sa isang mata. Nag iwas siya ng tingin sakin, pinunasan ito.

Bumaling siya sakin tsaka suminghap.

“But I want you back, Reina. Sa kabila ng galit ko sayo, I want you back. So bad.”

Umiling ako, “I don’t.”

Tinalikuran ko siya at umalis na sa condo niya.

Apat na taon, Reina… For four years I held on top my feelings. Mahal ko talaga kasi siya. Iniwan ko siya sa ere. I felt so guilty. But he turned into that Wade… Yung Wade na walang sinasanto. Kung gusto niya ng revenge, gagawin niya. Kung gusto niyang manggamit, kaya niya. Kung umubra sa ibang babae, hindi yan uubra sakin!

Alam kong revenge lang talaga ang gusto niya. Yung pag iyak niya? How will I know if it’s true? Ramdam na ramdam ko parin yung galit na nag alab sa puso ko nang naalala ko yung mga ginawa at sinabi niya. He wanted revenge. Iyon lang ang tanging bagay na sigurado ako sa ngayon.

Inayos ko ang bra ko at pinaandar ang sasakyan ko. Now, I don’t know where to go or what to do. Habang nasa kalsada ako, naaalala ko yung buong pangyayari.

“God! Sa sofa pa talaga. Asshole!” Sabi ko sa sarili ko nang naitsura ko yung sofa niya.

Mahapdi parin talaga kahit hindi niya naman natapos. Gusto ko na yatang mag pa check, tama kaya yung ginawa niya o may napasok siyang hindi na dapat? Kasi masyadong mahapdi.

Tinigil ko ang sasakyan ko sa tapat ng mall at hinampas ang manibela.

Pinilig ko yung ulo ko nang nagflashback sakin ang scene at ang mga sinabi niya…

“Sorry isn’t enough, Reina.”

“Now, let’s hope you are fertile.”

Yung pagpapangalan niya ng Carmela sa aso niya. Yung ginawa niya sa kamay ko habang hawak ko yung tape measure sa gitna ng V-line niya… planado iyon lahat. Gusto niya talagang mangyari iyon samin. That’s the reason why he wanted his bandmates out! Gusto niya talagang mangyari yun para makapaghiganti siya.

Yes, aaminin ko, na carried away ako. Yung animal na iyon, masarap talagang humalik. Nakakalimutan ko ang pangalan ko tuwing dumadapo na siya sa leeg ko. Marami siyang experience, kahit di ko sinasabing ganun ang epekto niya sakin, alam niya na iyon. At ginamit niya iyon laban sakin. Ginamit niya ang skills niya laban sakin.

Pinunasan ko ulit ang luhang tumulo galing sa mga mata ko.

Nangibabaw parin talaga ang galit niya sakin. Nagawa niya pa iyon para lang makapaghiganti.

Kinagat ko ang labi ko at pinaandar ulit ang sasakyan. Magpapasa na ako sa Fashion Week. Gagawan ko ng suit si Wade. Hindi ako magpapabayad sa kanya… Hanggang doon na lang yun. Hindi na ako magpapapansin sa kanya. Tanggap kong galit siya sakin pero pwede namang manahimik na lang siya at wag na akong bigyan ng pagkakataon kesa sa maghiganti pa siya sa nakakawasak na paraan.

Kahit traffic, mabilis ang naging byahe ko. Mabilis ko kasing pinatakbo ang sasakyan ko. Masyado akong naguguluhan.

Naglakad ako papasok ng building kung nasaan si Hugo. Ang tanging laman ng isip ko ay yung hapdi… Shit! I lost my virginity to Wade Rivas. Nasamid pa ako nang nakita ko ang isang life size na picture ni Wade sa tabi ng elevator.

May mga nagpapapicture pa kasama iyon. Inalog ko ang ulo ko at sinubukang mag isip ng ibang bagay. Pero wala, eh, I lost my virginity to that man. Ang dami niyang fans at ang daming willing na nasa mga paa ko kanina. Sorry pero kilala ko na siya at alam ko ang balak niya. Hindi ko siya hahayaan doon. I won’t give him a chance to use me again.

“Hugo,” Sabay beso ko sa busyngsi Hugo sa 17th floor ng building kung nasaan ang opisina nila.

Kapansin pansing may poster si Wade Rivas sa likuran niya. Sinulyapan ko ito at nahagip kong may concert pala siya bukas.

CONCERT?

“Reina!” Sabay yakap niya sakin. “Ano? Nasaan na yung portfolio mo at nang ma check ng board?”

“Eto.” Sabay bigay ko ng portfolio at isang CD. “Nandyan rin yung soft copies.”

Ngumisi siya at tumango, “Saglit lang.”

Umalis siya sa harapan ko kaya umupo ako sa isang sofa. Shiz! Bakit iba na yung naiisip ko sa mga sofa? Gosh! Is this the effect?

Imbis na iyon ang isipin ko ay pinasadahan ko na lang ng tingin ang mga nasa paligid ko. Maraming nagmamadaling model at sinusukat yung iba’t-ibang likha ng designers.

Ilang sandali ay bumalik si Hugo galing sa isang opisina. May kausap din siya sa telepono.

“Talaga? O sige!” Sabay talon at ngiti niya sakin.

Ngumisi rin ako. Am I in?

“Wow! Oo nga! Mas magandang offer- Oo- Sige, sige-“

Bumaling siya sakin at binaba ang cellphone niya. Nakangiti siya kaya di ko mapigilang ngumiti rin.

“Ano? Okay ba?” Tanong ko.

“Girl… Bakit di mo sinabi saking may offer ka pala kay Wade Rivas?”

Nanlaki ang mga mata ko.

“HA? Ay, o-oo.” Shiz! Nauutal at natataranta ako. “Meron. Yung suit niya.”

Tumango siya, “Tumawag kasi yung manager niya. Ang sabi, may offer ka daw na maging official designer at stylist niya. Magandang exposure yun.” Sabay turo niya sa poster ni Wade.

“Official designer at stylist? Isang suit lang naman yung pinapagawa niya-“

“Kaya nga… Ngayon lang sinabi ng manager. Binigay ko nga yung numero mo sa kanya para kayo ang personal na mag usap.”

Sa sobrang gulat ko nanatiling nakanganga ang ekspresyon ko.

“Mahal bumayad si Wade, Reina.”

MAHAL TALAGA ANG BABAYARAN NG ASSHOLE NA YUN KASI HINDI AKO PAPAYAG DITO!

“A-Ayoko.”

Kumunot ang noo niya, “Bakit?”

“A-Ah… Gusto ko dito sa Fashion Week. Hindi ba pwede?”

“Reina…” Umikot siya sa table at lumapit sakin.

Hinaplos niya ang buhok ko.

“Alam mo kasi malayu-layo pa ang susunod na Fashion Week. Mas mabuti kung unahin mo na lang ito para mabango ka sa board.”

“Pero sabi ni Kuya Dash-“

“Oo na, makakapasok ka. Pero sa susunod pa. Kasi naman… may line up na kaming designers ngayon. Hindi ka na pwedeng isingit. Lalo na kasi mga batikan yung designers ngayon. May mga pangalan din, tulad mo. So, sa susunod ka na lang muna. At para mas lalo kang magustuhan ng board, payo ko sayo ay mag experience ka muna kay Wade.”

ANONG KLASENG EXPERIENCE? Shiz! Parang nagiging malumot na ang utak ko dahil sa nangyari ah.

Napalunok ako.

“Maghihintay na lang kaya ako sa susunod na Fashion Week? Sapat na naman siguro ang experience ko sa Paris diba? May bigatin naman doon.” Sabi ko.

“Oo. Pero madalas ay gowns at pambabaeng damit yung style mo. Wala ka masyadong suits at styles ng lalaki. Gawin mong training ground si Wade.”

WTF? Training ground?

“Pero, Hugo, ayoko. I mean… he’s into showbiz-” Nag isip pa ako ng excuse.

“Ano naman ngayon? Hindi ka naman mag sho-showbiz. Siya naman. Tsaka… hindi naman siya artista, he’s a rockstar and a model… Oh, hindi naman masyadong showbiz.” Tumawa siya.

“Pero, Hugs, yung ano kasi baka ayaw niya sa designs ko.”

“Anong ayaw?” Mas lalong bumusangot ang mukha ni Hugo. “Yung manager niya mismo ang nagsabing nirequest ka raw niya. Pwede bang ayaw yun? Maraming nangangarap sa pwesto mo, Reina, kaya sunggaban mo na. Yan ang gamitin mo para sumikat yung pangalan mo sa fashion industry.”

Napalunok ako. Gagamitin ko si Wade?

“Ano? Kasi tatawagan ko pa yung manager.”

“Uh… Uhm… Ireject mo na lang muna, Hugs. Parang ayoko.”

Bumaliktad ang sikmura ko.

Umirap siya, “Bakit? Hay nako! O sige, susubukan kong ireject ah! Sabi mo eh.”

Nidial niya sa telepono ang number ng manager ni Wade. Kinabahan naman ako. Manager niya lang naman iyon, bakit ako kakabahan ng ganito? Hindi naman si Wade.

“Hello? Mr. Manzano- Opo- Pero kasi-” Napakamot sa ulo si Hugo, “Busy si Ms Elizalde. May isa-suggest ako sa inyong magaling ding mag design- HA? Bakit?-” Nanlaki ang mga mata ni Hugo sa akin. “O-O sige-“

Naghintay siya ng ilang sandali saka pa nagsalita ulit. Mas lalong bumilis ang takbo ng puso ko.

“Reina, Nasa linya si Wade.” Basa ko sa bibig niyang naka-mute.

May pinindot siya sa telepono kaya narinig ko sa background ang boses ng isang lalaki. Napalunok ako sa kaba. Naka loudspeaker ang telepono.

“I don’t know why Wade’s going to postpone his concert tomorrow, Hugo. Wade, magsisisi ka. This will be an uproar. Sold out ang ticket. Kung i-mo-move mo next week, kawawa ang mga fans.”

“Just move it.” Unang salita ni Wade sa manager niya.

Tumalon ang puso ko sa kaba. Kakaalis ko lang sa condo niya at naririnig ko na siya ngayon sa kabilang linya?

“Nasan ka ba at bakit ang tahimik? Hindi mo ba kasama sina Zac?”

“Nasa condo ko. Now, where are we, Hugo?” Sabi ni Wade.

“A-Ah! Wade, kasi nakausap ko si Ms Elizalde. Sabi niya, ayaw niya muna ng offer niyo kasi gusto niya sa fashion week.”

Laslas na! Laslas ng leeg yung pinapakita kong action kay Hugo habang nagsasalita siya. Umiirap lang siya sakin habang nilalaslas ko yung leeg mo.

“Convince her, Hugo. Gawin mo ang lahat. Tell her it’s a matter of life and death. Tell her I’m the only way. I want her, Hugo. I want her mine.”

Pumikit si Hugo sa lamig ng boses ni Wade. Napapikit ako sa pagmumura.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: