Kabanata 38
Bibigay Ka Rin Pala
Dahil wala naman akong kakilala dito sa Paris bukod sa ilang hindi ko ka close na relatives tsaka ang dalawa kong kapatid, si Liam ang laging kasama ko.
Nandito siya para mag aral din sa Paris, yun nga lang sa isang music school. Dalawang taon siya dito, ako naman, siguro mahigit apat na taon pa ako dito. Yun ay kung makakaya ko.
Milya-milya na ang layo ko. Halos light years na nga, pero bakit walang pumapasok sa utak ko kundi yung lahat ng nangyari? Mali ba yung desisyon ko? Iniwan ko ba talaga si Wade na warak warak ang puso? Ano? Kasi sa ngayon, yun lang ang laging laman ng utak ko.
“It’s been two weeks, Reina. Wala ka paring ma isketch?” Umupo si Liam sa damong inuupuan ko rin.
Kaharap ko yung mga batang naglalaro at mga patong tumutuka ng bread crumbs.
That duck… tumutuka-tuka siya at kumikislot. Naaalala ko tuloy yung native chicken na dala ni Wade sa gym noon. Buhay pa kaya iyon? Nakalimutan kong itanong sa kanya kung anong ginawa niya sa kawawang manok. Wala naman siyang manok sa loob ng apartment niya. Naisip ko din ang kabuuan ng apartment niya. It was so bare… Walang arte. Simpleng simple. Nilagyan ko nga ng bulaklak isang araw habang nag rereview kami para sa finals…
“Hey! Reina!” Kumaway si Liam sa harap ng mga mata ko.
Nabunutan ako ng tinik at bumaling sa kanya.
“W-What?”
“Ang sarbi ko, araw-araw tayong nandito, pero wala ka paring nai-isketch. Hindi ka ba mahuhuli sa klase niyan?”
Napalunok ako. Shiz! Naapektuhan pa yata ang passion ko sa mga iniisip ko. Sinubukan kong mag sketch ng isang tao.
“Better.” Ngumisi si Liam nang nakita ang pag sisimula ko.
Ilang sandali pa ang nakalipas, nilagyan ko ng buhok yung outline ng lalaking nida-drawing ko.
“Hmmm.”
Nanginig ang kamay ko nang narealize ko kung kaninong buhok ang nilalagay ko. It was his dark messy hair… His perfectly shaped and angled jaw…
Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag s-sketch.
“Clothes for men?” Tumawa si Liam. “Type mo rin yun? Pwede ka bang stylist ko?”
Ngumisi ako pero naasiwa ako sa ginawang sketch. Sa oras na malagyan ko ito ng kahit mata man lang, alam ko na agad na mamumukhaan ito ni Rozen.
Pero bago ko ito iwan, nilagyan ko muna ng isang permanenteng bagay na nakakapagpaalala sa kanya hanggang dito.
“Dimple?” Tanong ni Liam nang naka ngisi. “Hey, is that me?”
Inayos niya ang buhok niya.
“My hair’s not that messy, Reina.” Humalakhak siya.
Ngumisi ako. Mas mabuti na rin sigurong isipin niyang siya ito kesa naman manghula pa siya at aabot pa sa mga kapatid ko ang kabaliwang ito.
Nagsimula ulit akong magdrawing at ngayon, mas naging malinaw sakin ang lahat. Damn! Yun pala. Isang sulyap ko lang pala sa alaala o mukha niya, saka pa ako maiinsipire.
“Reina,” Tawag ni mommy nang bumisita sila sa condo.
“Po?”
“Kumusta ka dito?” Tanong niya at umupo sa kama ko.
“Okay lang po.” Nagpatuloy ako sa pag lalaro ng Candy Crush.
“Are you happy?”
Natigil ako sa paglalaro at napatingin sa mga mata niya.
“Happy, mommy. Of course… This is my dream.”
Ngumiti siya, “Nagkakasundo ba kayo ni LIam?” Nag iba ang tono ng boses niya sa tanong na ito.
Umayos ako sa pag upo. Mula nung high school, palagi na kaming pinag bo-bonding ni Liam ng mga magulang namin. Nung nag college ako, hindi ko na siya masyadong nakita. Narinig ko na lang noong sem break, bago ako pumunta dito, na nag aaral pala siya ng music dito.
“Oo naman, mommy. Bakit?”
Tinapik niya ang ulo ko.
“That’s good! He’s good for you.” Ngumisi siya at kumindat.
Lagi niyang sinasabi yan. Hindi naman sa pinagkakasundo kami ng mga magulang namin. Hindi naman magka sosyo ang mga magulang namin sa negosyo o ano pa man diyan pero dati na silang magkakilala.
“He’s a good boy. Alam mo naman yun, diba? Highschool pa kayo magkakilala pero hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi parin kayo close kahit na mabuti naman siya.”
Napatunganga ako sa mga mata ni Mommy.
“Anyway, sige, bahala kayong mga bata. I’ll just check on your daddy and your brother. ‘Kay?” Tumayo siya at marahang binuksan ang pinto na para bang may natutulog kaya kailangang mag ingat at bawal mag ingay.
He’s a good boy. Yes, Liam is. Pero bakit mas madali akong napalapit kay Wade Rivas kahit masyado siyang masungit sakin nung una?
Yun ang naging trigger ng mga alaala kong bumabaha na naman sa ngayon. Palaging ganito. Kahit malayo ako, may mga bagay na nakakapagpaalala sakin sa kanya. Kahit ano… Mga bibe, dimple, musika, si Liam…
KRIIIING
Nagkibit balikat ako nang nakitang galing Pilipinas ang tawag at si Coreen iyon. Anong problema ng lukaret na ito at bakit seryosong napatawag? I mean, hindi ba siya makapaghintay sa Viber?
“Hello?”
Nagising ang diwa ko nang narinig siyang humagulhol.
“What happened?” Napatayo ako sa kinauupuan kong kama.
Napangisi ako at pinaglaruan ang buhok ko. She’s right there… NAsa kabilang linya siya at pareho sila ng lupang tinatapakan ni Wade… Damn! What’s wrong with me?
“Ano? Isang linggo pa lang si Noah riyan, may pa iyak-iyak ka na-“
“Laslas! Like what the freaking shiz, Reina!?”
Inilayo ko ang cellphone ko sa sigaw niya. Halos madurog ang eardrums ko.
“What is your problem? Pwedeng pakihinaan ang boses-“
“Nilalakasan ko para marinig mo ako, ang layo mo kasi!” Umiiyak parin siya.
Yung tipong akala ko nagbibiro siya pero natural yung iyak niya. Walang halong pilit. Yung nararamdaman kong pinipigilan niya pero kusa siyang napapahikbi.
“You know what, Reina? Promise, pag umuwi ka dito at hindi pa natatapos ang isyung ito, sasabunutan talaga kita!” Galit ang tono ng boses niya.
“Co-Coreen? Anong problema?”
Dinalaw ako ng kaba at napaupo ulit sa kama.
“Noah’s band is disbanding! Leche! Wade Rivas left the band!”
Natigilan ako at pinroseso ang sinabi ni Coreen.
“What? Why-“
“Don’t ask me why! Edi bakit pa? Dahil sayo! He’s trying to prove you and your brothers wrong! N-Noah is d-devastated!”
Hindi ako humihinga habang dinidinig ang tuliro at nauutal niyang boses.
“Ngayon pang malapit na yung offer nila!? Nawala na naman yung offer kasi wala silang vocalist! I’m afraid they will never find someone as good as him, Reina.”
I want to say, ‘No! Kaya pa nilang maghanap ng iba. Hindi pwedeng mawalan ng pag asa si Noah.’ But I’m also afraid that I can never find someone to replace him… in here…
Sumakit ang dibidb ko. Naiiyak ako pero ayaw tumulo ng luha ko. I think this is the worst feeling I’ve ever felt. Yung nasa kalagitnaan ka lang ng pag iyak at hindi pag iyak. Na sana umiyak ka na lang para mailabas mo yung kirot sa puso, pero hindi siya lumalabas, parang tinotortureniya lang ako. Para bang sinisisi ako ng mga luha ko sa ginawa ko sa amin ni Wade.
“N-Noah can sing, Coreen. Pwede siyang bokalista-“
“You know him, hindi siya mahilig makipagkaibigan sa mga fans. Hindi tulad ni Wade na nginingitian lahat. At alam nating lahat na complete package si Wade, gwapo, talented, and charismatic. You can’t deny that!” Humikbi pa siya lalo. “Yun ang nagpapalago ng fans nila, Reina. Hindi mo ba napansin? Nung si Stan pa ang vocalist, binigyan sila ng 2 years bago magka album under that label, pero nung naging si Wade na, ngayong taon agad! But… what now, Reina?”
Kumunot ang noo ko. Umiling ako kahit hindi naman ako nakikita ni Coreen.
“No… I’m not the reason for all this… Imposible. He can’t be inlove with me that much… He can’t just give up his dream just because-” Tinakpan ko ang bibig ko dahil sa wakas ay lumalabas na yung bukol sa lalamunan kong kanina pa bumabagabag sakin.
Mabilis at malakas ang pagtulo ng luha ko. Kinagat ko na lang ang nakakuyom kong kamay para mapigilan ang malakas na paghikbi.
Gusto kong umuwi. At harapin siya ulit. At pakinggan ang mga sasabihin niya… At maniwala sa kanya… At yakapin siya… Halikan siya… Ikulong siya sa yakap ko… This is a big joke!
“He already did, Reina. Ngayon, na prove niya na ba sa iyo?”
“Coreen…” Humikbi ako. “Coreen, tapos anong mangyayari sa kanya? Uuwi na ba siya ng Alegria? A-Ano? Mag aaral parin ba? Pwedeng paki research naman-“
“Para saan pa, Reina? Diba sinabi mo namang kunwari lang ang lahat. You didn’t love him anyway… Diba? God! Reina! Kung bibigay ka rin naman pala, make sure hindi pa huli ang lahat kasi ngayon, I think it’s all too late…”
Sumakit ulit ang dibdib ko. Shiz! Nagkamali talaga ako! Sobrang pagkakamali! Sobra-sobra! Hindi ko kayang balikan lahat ng sinabi ko sa araw na iyon. Gusto kong pagsasampalin ang sarili ko.
“Ngayon, panindigan mo yang desisyon mo, Reina.”
[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]