Mapapansin Kaya? – Kabanata 37

Kabanata 37

Dimple

“Tama lang yung ginawa mo.” Sabi ni Rozen.

Sumulyap ako sa kanya. Hindi ko na makitang mabuti ang ekspresyong binibigay niya dahil bumabaha na ang luha ko sa gilid ng mga mata. Hindi siya tumitingin sakin. Diretso lang ang titig niya sa kalsada habang umiiyak ako dito ng sobra-sobra.

“Reina, hindi rin naman kayo bagay. Magkaiba ang mundo niyo. That’s a fact.” Dagdag niya.

Umiyak na yata ako mula Alegria hanggang Manila. Kahit na nakatulog ako sa kalagitnaan ng byahe, pagkagising ko, basa parin ng luha ang mga pisngi ko.

Kinusot ko ang mata ko. Halos makalimutan ko kung anong nangyari pagkagising ko. Bakit masakit ang puso ko? Bakit masakut at namamaga ang mga mata ko? At bakit ako nandito?

“Rozen, inamin ba sayo ni Zoey ang lahat ng ito?” Tanong na bumabagabag sakin pag alis namin ng Alegria.

“Oo. Pero nalaman ko muna iyon bago niya inamin. Alam ko na nung una, confirmation na lang sa kanya ang hinihintay ko.”

Sumakit ulit ang dibdib ko. Damn, Wade! You failed me. Pero nasasaktan parin ako sa nagawa ko sa kanya. Tuwing naaalala ko ang mga mata niyang nagmamakaawa. Parang ang sarap magpaloko. Parang ang sarap hayaan na lang siya sa mga gusto niyang gawin.

“Reina, you can’t just leave.” Sabay pukpok ni Coreen sa cellphone kong matagal nang naka off at lowbat.

Simula nung dumating ako sa Alegria hanggang ngayon, hindi ko parin na cha-charge iyon. Para saan pa? Natatakot akong mag makaawa si Wade sakin at malusaw yung inaalagaan kong inis at pagkamuhi.

“Coreen.” Ngumisi ako. “I’m leaving for my dream. I’m gonna miss you so damn much!” Sabay yakap ko sa kanya.

Narinig kong suminghap si Rozen sa likuran ko. Kanina pa kasi siya nakahalukipkip at pinanonood ang pagpukpok ni Coreen sa cellphone ko.

Tinulak ako ni Coreen.

“No… You’re not leaving for your DREAM, Reina! Gusto mong tumakas kay Wade!” Sumulyap siya kay Rozen at inirapan niya ito.

“Hindi ako tumatakas. Tapos na ang paghaharap namin. Tapos na ang laro kaya aalis na ako sa stage.” Nagpatuloy ako sa pagliligpit ng mga damit.

“Ang hindi ko ma gets ay kung bakit mo sinabi sa kanyang nag kunwari ka lang! Warak na yung puso niya dahil sa nangyari-“

“Mas wasak ang puso ko dahil niloko niya ako-“

“Pero akala niya na loko siya, iiwan mo siya, at nagsisisi siya, hindi ba mas wasak yun?”

“Kasalanan niya. In the first place, dapat di niya ginamit si Reina!” Galit na singit ni Rozen.

Bumaling si Coreen kay Rozen…

“HINDI NIYA GINAMIT SI REINA, ROZEN.”

Natigil ako sa pag iimpake ko at napatingin sa kanila.

“Kung hindi niya ginamit, bakit sila na ngayon?”

“Wala na kami, Rozen.” Sambit ko.

“Kung ginamit niya si Reina, dapat nung una pa lang nagpaimpress na siya. Pero simula pa lang, sinungitan niya na si Reina.”

“That’s because he chickened out!”

“No. That’s because he knew it was wrong to use her!”

“Kahit na… naging close sila, nagtagumpay parin siya!”

Mainit na nagkatitigan ang dalawa.

Nanliit ang mga mata ni Coreen. May narealize naman ako sa sinabi ni Rozen.

It was me all along. Ako yung may kasalanan ng lahat. He tried to get rid of me. Pero imbes na lumayo ako, nag confess ako sa kanyang may gusto ako. Paulit-ulit kong sinabi sa kanya na gusto ko siya. Na siya lang. Ngunit sa huli, ako rin ang bumawi.

“Pero ngayon, ikaw naman ang nagtagumpay.” Panghuling sinabi ni Coreen bago pumihit at umalis si Rozen sa harap namin.

Umirap si Coreen at bumaling sakin.

“You are going to regret this, Reina.” Nakakatakot niyang untag.

“I won’t. Gagawin ko ang lahat para mag excel ako sa Paris, Coreen. I’ll chase my dream, not my love.”

“Ang problema sayo ay tinanggi mo ng nararamdaman mo sa kanya.”

“Rozen’s right, pride is the only thing that’s left of me.”

“You think may natitira pa kay Wade ngayon? Wala nang pride, wala ka na… tingin mo ba nasa kanya parin ang puso niya? Kasi tingin ko nasayo na. At aalis ka pa? Paano niya mababawi yan?”

Umiling ako at nagsimulang mag impake ng mga sapatos, “It’s not tangible, Coreen. Pwede niyang bawiin anytime, yun ay kung nasa akin nga yun.”

“At kung nasayo nga? At huli na nung nalaman mo… anong gagawin mo? Regret? Useless.”

Umiling siya at pinanood na lang ako sa pag iimpake ko.

“You better not regret this, Reina.”

Nangatog ang tuhod ko at narinig ko ang malakas na pintig ng puso ko. Nasa airport na kami. Umalis na ako agad para hindi na magbago ang isip ko. Isa pa, nagsimula na ang pasukan sa kanila. Late na nga akong pumasok pero nagawan ng paraan ni daddy.

Hinagkan ako ni Coreen. Halos mahulog yung soot kong aviators sa higpit ng yakap niya.

“Uuwi ka ba pag pasko?” Tanong niya.

“Not sure, Coreen.”

Nakita kong namuo ang mga luha sa mata niya. Agad niyang pinunasan ang mga ito.

“Ang OA mo naman! Si Wade lang naman tinatakbuhan mo, bakit pati ako naiiwan?”

Tumawa ako at niyakap siya, “Uuwi naman si Noah next week.”

Napangiti ko siya sa impormasyong ito.

“Nga lang, si Rozen titigil sa pag aaral ng isang semester para magliwaliw sa Paris kasama ko. Uuwi din siya next year. Pero ako, siguro saka na pag may napatunayan na ako sa passion kong ito.” Ngumiti ako pero hindi ko maiwasang damhin ang kirot sa puso ko.

Yes, this is my passion. Siguro maganda na rin yung nangyari samin ni Wade. Milestone lang siya na nalagpasan ko. Yung tipong pagkatapos ng unos, babalik akong mas malakas na tao.

Nagkibit-balikat si Coreen at ngumisi parin kahit may luha sa mga mata niya.

“Ma’am, tawag na po kayo ng kapatid mo. Kanina pa siya on board.”

Hindi na kasi sumama si Dashiel pabalik ng Paris dahil may emergency sa isang barko namin.

“Okay.” Sabay tango ko sa body guard ni Rozen.

Niyakap ko ulit si Coreen at nung kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya, doon ko naramdaman kung ano ang iiwan ko dito. Kung sana noon ko pa lang iniwan ang Manila, okay pa sana. Si Coreen lang ang ma mi-miss ko, yung pamilya ko (na paniguradong bibisita sakin sa Paris ng madalas), yun lang. Ngayon, may iba na akong ma mi-miss.

Wala akong karapatang mangulila sa kanya. I left him. But it’s better to leave than to be left.

Tumabi ako sa naka headphones at naka aviators din na kapatid ko. Bahagyang pumipilig ang ulo niya sa beat ng music.

“Ready?” Ngumisi siya.

Hindi ko mawari kung dilat ba siya o nakapikit.

“Whatever.” Humilig ako sa upuan at sinubukang maging okay kahit na ang tanging laman ng utak ko ay siya.

Yung iiwan ko dito.

“You know what…” Sa wakas ay nagsalita si Rozen nang nag ti-take off na ang eroplano.

Napahawak ako sa upuan ko.

“What?” Sigaw ko sa kalagitnaan ng take off.

“Natatakot ka bang tama si Coreen?” Tanong niya nang nasa himpapawid na ang eroplano.

Napatingin ako kay Rozen.

“Na… mahal ka nga ni Wade. Na hindi ka niya pinaglalaruan.”

Nanlaki ang mga mata ko. May iniisip pala siyang ganito? I mean… buong akala kong buong buo ang loob niya sa pag aakusa kay Wade na manggagamit. Buong akala ko walang bahid na pagdududa. Like it was a matter of life and death…

Sa sobrang daming salita ang gusto kong sabihin ky Rozen, hindi ko na alam kung alin ang uunahin ko. Kaya ang tanging nagawa ko na lang ay tumunganga sa kanya.

Ngumisi siya at hinawakan ang labi niya.

“Why, Reina? Kung totoo yung nararamdaman ni Wade sayo, alin ang pipiliin mo? Yung offer ng pangarap mo o yung pag ibig niyang nakakulong sa bukid ng Alegria?”

Nag flashflood ng mga alaala at kung anu-ano pang mga scenes sa utak ko. Oo nga, Reina. Alin ang pipiliin mo? Alin ang mas matimbang?

“Si Wade.”

Sumimangot si Rozen.

“Kaya mas bagay na umalis ka kesa pumirmi ka doon. That love’s dangerous. Tsk Tsk Tsk.”

What’s wrong with loving Wade? Bumunot ako ng malalim na hininga. Anyway, huli na naman ang lahat. Nasaktan ko na siya. At hindi ko alam kung kaya ko pa ba siyang paniwalaan. It’s all over… we’re done.

Sumandal ako sa upuan ko at napahawak sa puso. Damn, Wade! Gulong-gulo na talaga ako. Sising sisi. But it’s too late!

“This is your constant, Reina. Constant kang magiging Elizalde. Hindi ka bagay sa bukid… Hindi ka bagay lokohin. Nakatatak yan sa dugo natin.” Sabi ni Rozen pagkalapag ng eroplano sa Paris.

Ang sakit ng katawan ko sa at pagod ako sa byahe. Kaya wala akong ginawa kundi mag stretch. Agad kaming sinalubong ni Noah at ang kanyang kaibigang si Liam.

“Reina Elizalde!” Sabay spread niya sa mga braso niya.

Sinalubong niya ako ng ngiting nagpapaalala sakin sa taong dahilan kung bakit ako lumayo. Pumirmi ang titig ko sa pisngi niya.

Hinawakan niya ang pisngi niyang may dimple. He smirked.

“The dimple?”

Narinig kong suminghap si Rozen sa likuran ko.

“Hindi ka ba yayakap sakin?” Naghihintay si Liam sa yakap ko.

Niyakap ko siya pero saglit lang.

“I missed you!” Tumawa siya. “Don’t you miss me?”

“Of course, I missed you Liam Madrigal.” Sagot kong marahan sa kanya.

Kumindat siya kay Noah.

“Mas sweet pa ako sa cold mong Kuya.” Tumawa siya at nakita kong lumitaw ang ngisi ni Noah.

“Reina, pupunta sina mommy at daddy dito next week to check on you two…”

Tumango ako at bumaling sa dimple ni Liam.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: