Mapapansin Kaya? – Kabanata 34

Kabanata 34

May Naghahanap

Ipinakilala din ni Wade sakin ang super gwapo niyang papa. Tahimik ang pamilya niya. Lalo na ang kanyang papa. At mukha namang seryoso at strikta ang mama niya.

“Saan ba kayo nagkakilala ni Wade?” Tanong ng mama niya sakin.

Makinis ang mama ni Wade. Matuwid at makintab din ang kanyang buhok. At may aura talaga ng pagiging teacher sa kanya. Ang papa naman niya ay tahimik at mukhang serious type.

“Sa school po.” Sagot ni Wade.

Tumango ang mama ni Wade sa akin. Ngumiti na lang ako kahit na umaapaw na ang kaba ko.

Syempre, ito ang unang pagkakataong maipapakilala ako sa parents ng isang lalaki.

“Schoolmate niyo rin si Zoey, diba?”

Tumango ako at sinulyapan si Wade.

Pero kumuyom ang panga ni Wade sa sinabi ng mama niya. Na curious tuloy ako kung bakit.

“Hindi ba siya nagalit, Wade?”

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko. Ang mama naman ni Wade ay nakatingin sa pagkain na parang wala lang kahit nakakaintriga na ang tanong niya.

“Hindi naman.” Simpleng sagot ni Wade.

“Scholar ka din ba doon, hija?”

Para akong nakalunok ng sandamakmak na bato sa tanong ng mama ni Wade.

“H-Hindi po.”

Pinagtuonan pa ako lalo ng pansin ng mama ni Wade.

“Ibig sabihin nagbabayad ka ng tuition?”

“O-Opo.”

Marahan siyang tumango, “Anong trabaho ng nanay at tatay mo?”

“May negosyo po sila.” Agad na sagot ni Wade.

Tinignan niya ako at nagkibit balikat siya. Para ulit akong nakalunok ng mga hollowblock. Shiz naman!

“Halika, Reina. Hayaan mo muna si Wade sa labas.” Sabi ng mama ni Wade habang nagliligpit ng gamit.

Si Son at ang kanyang papa ay nanonood ng TV habang si Wade naman ay abala sa pagpapakain sa mga manok sa labas. Nakita ko pang nag topless siya. Nakita siguro ng mama niyang tinignan ko siya kaya agad niyang kinuha ang atensyon ko.

“Opo.”

Kahit na marami kaming katulong sa bahay, may alam parin ako sa pagliligpit ng mesa. Ang mama ni Wade ang naghugas ng plato, kaya ang ginawa ko ay pinunasan ang mesa. Pinanood niya ako at nakita kong tumaas ang kilay niya. Sobrang kaba ko na na kahit sanay naman ako ay nahuhulog ko yung mga tira-tira sa sahig. Putspa! Tama na, puso! Masyado ka ng tensed!

“Hindi ka sanay sa gawaing bahay?” Aniya.

“Uh… Nagluluto po ako. Pero hindi gaanong naglilinis.”

Tumango siya at tinignan ang platong sinasabunan.

Ako yata ang sunod na sasabunan dito.

“Naipakilala mo na ba si Wade sa mga magulang mo?”

“Uh… H-Hindi pa po.” Shiz! Pati kaluluwa ko lumipad na sa kaba. Nauutal na ako.

“I see. Hmmm. Hindi ko alam kung gaano mo na kakilala ang anak ko… pero sasabihin ko na sayo, maraming na li-link sa kanyang babae dito.”

“Alam ko po iyon.” Simple kong sagot.

Nagsasabon parin siya ng mga plato.

“Alam mo na, may hitsura, matalino, musikero tsaka magaling mag football, maraming nahumaling sa kanya. Itong anak ko, mapusok kaya pinapatulan.” Sumulyap siya sakin.

Para bang naghahanap siya ng butas sa akin.

“Kahit naman sa Manila, ganun din siya kung maka apekto sa mga babae.”

Tumango ulit ang mama niya, “Okay lang ba sayo yung mga nakaraan niya?”

“Oo naman p-po.”

Binaba niya ang basong sinasabunan niya at hinarap ako.

“Sa totoo lang, hija, hindi ko inakala na mabilis siyang makakahanap ng babaeng tulad mo. Matayog ang mga pangarap niya. Matalino siya kaya kaya niyang mangarap ng malalaki. At wala sa utak niya ang pag ibig. Puro lang siya… alam mo na.” Nagkibit-balikat siya. “Kapusukan.” Tumango siya dahil sa nagtatakang reaksyon ko, “At open kami sa mga bagay na ito. Tapos, ngayong nalaman kong mayaman ka… hindi kaya mahuhusgahan siya sa pamilya niyo? I mean, hindi naman sa sinasabi kong nanghuhusga kayo.”

Umiling ako, “Hindi naman po.”

I feel so guilty.

“Mabuti sana kung ganun. Alam mo na, probinsyano.” Tumawa ang mama ni Wade.

Hilaw din akong ngumisi.

“Close parin ba sila ni Zoey?” Tanong ng mama niya at nagpatuloy sa paghuhugas ng mga pinggan.

“H-Hindi na yata masyado.”

“Ganun ba?”

“O-Opo. Yun ang pansin ko.”

“Ewan ko kung alam mo o dapat ako ang magsabi sayo nito. Wag mo na lang sigurong banggitin kay Wade pero… si Zoey ay may gusto kay Wade.”

“Alam ko po yun.”

“Pero walang gusto si Wade sa kanya. Talagang mapusok lang ang anak ko. Tsaka… si Zoey kasi ang nakasama niya sa Manila, kaya mas lalong naging close sila.”

Tumango ako.

“Mahirap mahalin si Wade… Kasi maraming babae ang kakabit sa pangalan niya. Lalong lalo na sa isang tulad mong mayaman.”

Natahimik ako sa sinabi ng mama niya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating sakin.

“Baka mahusgahan siya ng pamilya mo.”

“Hindi naman po kailangan ng approval ng pamilya ko para mahalin ko siya.” Simple kong sinabi.

Ngumisi at tumango ang mama ni Wade sakin.

“Reina!” Dinig ko ang pagtawag ni Wade sa pangalan ko.

“Sige, puntahan mo.” Sabi ng mama ni Wade.

Nabunutan ako ng tinik nang lumabas na ako ng bahay nila. Napabuntong-hininga ako. Kahit hindi naman ako pinagalitan o tinarayan ng mama ni Wade, nakakadrain parin ang mga sinabi at tanong niya.

“Tignan mo!” Sabay turo ni Wade sa malawak na palayan sa kabilang banda ng bahay nila.

Nakita ko ang mga manok sa gilid niya. Pakalat-kalat sila at malayang nakakalakad-lakad kahit saan.

“Sarap ng hangin dito.” Sabi ko at nag iwas ng tingin sa katawan niyang nakabalandra.

Halos bumaba na rin ang pants niya, Kitang kita ko na ang boxers niya dito. UGH! Why, Wade?

Tumayo ako sa baybay ng ricefield. Lumapit siya sakin. Kahit isang metro pa ang layo niya ay ramdam ko na agad ang init ng katawan niya. God! Why is he so sexy and hot?

“Oo nga. Ang sarap.” Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa tainga ko.

Naalala ko agad yung nangyari sa kalesa. Yung maiinit na halik niya. Yung muntikan niya ng pagtatanggal ng damit ko!

Naramdaman kong pumulupot ang maiinit niyang braso sa balikat ko. Niyayakap niya na naman ako galing sa likuran.

“Reina, dito ka na lang tumira.” Aniya.

“HUH?” Uminit ang pisngi ko at agad kinaboy ang puso ko. “Paano ang Manila? Ang pag aaral mo? Ang pangarap mo? Ang banda?”

“Hmmm. Ewan ko?” Humalakhak siya.

Sumulyap ako sa mukha niyang ngayon ay nakasandal sa balikat ko. Nakita kong nakapikit siya.

“Parang nakalimutan ko na ang lahat…” Aniya. “Tuwing dadating akong Manila galing Alegria at nakikita ko ang matatayog na building at city lights, ikaw ang naaalala ko.”

Mas lalong humigpit ang yakap ni Wade sakin. Lalo ko tuloy naramdaman ang abs niya. Nanigas na naman ako sa kinakatayuan ko.

Humalakhak siya at bumulong sa tainga ko, “Baguhan.”

Hinampas ko ng marahan ang braso niya.

“Anong baguhan?” Tanong ko.

“Naakit talaga ako tuwing nakikita kang nag bu-blush o di kaya ay naninigas sa kaba. Naakit talaga ako sayo, kahit anong gawin mo.”

UGH! WADE!

Humalakhak ulit siya, “Paano kaya ito? Ayokong may mangyari pero langya sobrang naaakit ako.”

Nanginginig ang mga labi ko sa pinagsasabi niya.

“Wade…” Marahan kong sinabi.

“Hmmm? Kahit paraan ng pagtawag mo sa pangalan ko naakit ako. Ano na ba itong nangyayari sakin?”

Jusko po! Anong pwede kong gawin para di siya maakit sakin?

“Ang green mo talaga! Hindi kaya puro ka manyakan lang yang nararamdaman mo para sakin?”

“Kung kamanyakan lang ito. Sana dito lang.” Diniin niya ang sarili niya sakin. “Pero bakit pati dito.” Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.

Naramdaman ko agad ang kumakabog na puso niya. Marahan nung una pero unti-unting bumilis at lumakas.

Ngumisi siya at hinalikan ang leeg ko. Naramdaman ko agad yung kuryenteng bumalot sa katawan ko. Ladies and gentlemen, this is Wade sexy Rivas. Para akong nililiparan ng kaluluwa sa tuwing dadapo ang balat niya sa balat ko.

“I love you, Reina Carmela Elizalde. Kahit ayaw kong magmahal, minahal parin kita.”

Napapikit ako sa pahid ng kanyang mga labi. Damn, it feels so good!

“Kuya, may naghahanap sayo.” Untag ni Iverson.

Napatalon ako sa bigla. Nilingon din siya ni Wade at padabog na tinanong.

“Sino? Ang wrong timing mo talagang bata ka!”

“Si Ate Zoey.”

Nagkatinginan kami ni Wade. Nakita ko ang pamumutla niya.


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

You cannot copy content of this page
%d bloggers like this: