Mapapansin Kaya? – Kabanata 33

Kabanata 33

Lagpas Ulo

Lumabas ako ng tricycle at tinitigan at nag baka sakaling may lalabas na bahay sa kalesa at kalabaw na iyon.

“Sasakyan natin yan papuntang bahay.” Aniya nang nakita ang mukha kong nagtataka sa kalabaw at kalesa.

Napalunok ako. Ito kasi ang first time kong makakasakay ng ganyan. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magyaya kay Wade na maglakad na lang. Pero naglahad siya ng kamay kaya tinanggap ko na.

Buong pag aakala ko ay hahayaan niya akong humakbang sa kalesa pero nagkamali ako, binuhat niya ako sa mga bisig niya. Ngiting-ngiti siya nang ginawa ito.

“ARGH! Wade!” Hinampas ko ang braso niya sa sobrang kaba.

Naririnig ko na talaga ang sarili kong puso na halos lumabas na sa dibdib ko dahil sa ginawa niya. Halos masabunutan ko siya sa mini heart attack ko. Pinikit niya ang isang mata niya at tumawa sakin.

“Ayan, gusto ko ng maingay ka.” Kumindat siya.

Hinampas ko ulit ang braso niya.

“Ang green mo talagang bumanat!” Sabi ko habang pulang-pula na ang pisngi ko.

Tumaas ang kilay niya at nagsimulang maglakad.

“Anong green sa ‘gusto ko ng maingay ka’?” Humagalpak siya sa tawa.

Kumunot naman ang noo ko at pinulupot ang braso ko sa leeg niya. Feel na feel ko talaga ang kakisigan at kagwapuhan niya. Natahimik siya at napatingin sakin.

“Kaya ko namang maglakad.” Untag ko.

“Maputik dito. Alam kong mamahalin ang sapatos mo, baka masira yan.”

Tinignan kong mabuti ang sapatos ko, “Hindi ko naman alam yun. Pwede naman akong magpaa.” Ngumisi ako.

Umiling siya at sumimangot, “Ang paa mo ay para sa paglalakad lang ng red carpet papuntang altar, hindi sa putik, hindi papuntang bahay namin, kundi papunta sakin.”

Nag iwas siya ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwalang seryoso siya nang sinabi niya iyon. Buong akala ko ay matatawa siya sa dulo o di kaya ay idedeklara niyang joke lang yun.

“A-Altar, Wade?” Napalunok ako.

Kinagat niya ang labi niya at binaba ako sa kalesa. Hindi siya nagsalita hanggang sa tinapik niya yung kalabaw.

“B-Bakit, Reina? Saan ba sa tingin mo patungo ang relasyon nating ito?”

Sa mukha niyang hindi makatingin sakin at may pulang-pulang pisngi, marami akong napagtanto. Sa sobrang dami, hindi ko na halos maintindihan.

Playboy siya sa Alegria at hindi pa siya kailanman na iinlove. Nagpapadala lang siya sa agos ng buhay dito sa probinsya nila. At nabigyan siya ng pagkakataong pumuntang Maynila dahil sa college scholarship na iyon. Ngayon, na expose siya sa mundo at ako ang napili niyang mahalin. Si Zoey ay naging kaibigan niya at tumulong sa kanya sa iba’t-ibang paraan. May namagitan sa kanila pero puro pisikal lang.

Pagkakaibigan lang ang turing niya kay Zoey. At ngayong kami na, pakiramdam niya ako na talaga sa huli. Yung tipong hindi na kami mawawalay pa sa isa’t-isa.

Kinurot ang puso ko. Gusto ko siya, totoo. Mahal ko siya, totoo. Pero sa totoo lang din, hindi ko pa naisip ang future naming dalawa. At ngayong binanggit niya ito, tsaka ko pa lng naisip. Hindi ako makapaniwalang nandoon yun na ang iniisip niya.

“W-We’re not on the same page, yet.” Sabay gulo niya sa buhok niya at hila sa kalabaw.

Nalaglag ang panga ko at na-guilty agad. Tinanggal niya ang t-shirt niya at sumakay sa kalesa habang buhat-buhat na kami ng kalabaw.

Napalunok ako nang hindi siya tumabi sakin. Nasa harap ko siya at nakapangalumbaba. Nakasimangot siya at nakatulala sa mga maberdeng bukid ng Alegria.

Anong gagawin ko? Patay! Galit yata siya dahil nabigla ako sa sambit niya! Patay!

“Wade, h-hindi naman sa ganun. Gusto ko rin, Wade. P-Pero hindi ba masyadong maaga? Hindi ka kaya makakakita pa ng iba. I-I mean, you’re a rock star, for heaven’s sake, I’m just me… At gwapo ka, sa sobrang gwapo mo, h-hindi ako naniniwalang-“

“Ngayon, maniwala ka kasi ako na mismong nagsasabi sayo, Reina. Isang araw, nakaugat ka na lang bigla dito.” Sabay turo niya sa puso niya,

“Kaya gagawin ko ang lahat para lang mabigyan ka ng maayos na buhay pag naging tayo na.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

“Pero kung hindi mo ako gusto-“

“Gusto ko, Wade! Mahal kita!”

Nalaglag ang panga niya at nakita kong pumula ulit ang pisngi niya. Tumayo ako. Gusto kong tumabi sa kanya at i-assure siya na gusto ko rin siya. Na nasa parehong pahina kami. Na mahal ko talaga siya.

Pero dahil hindi talaga ako magaling magbalanse lalo na dito sa isang kalesang kalabaw ang humihila, imbis na umupo ako sa tabi niya ay natumba ako! Nilahad niya ang magkabilang braso niya para saluhin ako. Pero dahil hindi ko na kontrolado ang sariling bigat ko, yung mukha ko ay dumiretso sa mukha niya at ang dibdib ko ay nakadiin sa dibdib niya. Naramdaman ko ang pag flex ng mga muscles niya sa dibdib.

Isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin. Halos magkadikit na ang ilong namin. Itinulak ko siya dahil hiyang-hiya ako sa dibdib kong nakadikit sa kanya.

Napapikit siya na para bang hirap na hirap na siya.

At dahil mukhang may pinagdadaanan yung kalabaw, mas lalo ko pang naidiin ang sarili ko sa kanya. Mas lalong uminit ang pisngi ko. Pumungay ang mga mata niya. Para bang unti-unti siyang nalalasing. Unti-unti siyang bumibigay. Pumikit siya at hinila pa ako lalo.

Naramdaman ko na lang ang mga halik niya sa labi ko.

“W-Wade…” Sabi ko.

“Shit!” Mura niya habang naghahalikan kami.

Pagkatapos ng mura niya ay naramdaman kong dahan-dahan niyang tinaas ang isang tuhod ko. Lasing na lasing ako sa halik niya kaya’t hindi ko na namalayan na maging ang isang tuhod ko ay tininaas niya na rin sa kabilang hita niya.

“Wade, nakakalasing halik mo-” I said in between his deep kisses.

Maiinit at masarap talaga siyang humalik. Hindi ko alam kasi wala pa akong ibang nahahalikan pero binabase ko ang halik niya sa pagkakawala ko sa ulirat. Pag hinahalikan niya ako, pakiramdam ko, naglalakbay ako kung saan. Nawawala ako. Nakakalimutan ko na nasa open space kami. Na papunta pa lang kami sa bahay nila. Na pwedeng may makakita samin ditong naghahalikan.

“SHITTTTTTTTTT!” Mas malutong niyang mura sabay hila niya pa lalo sa katawan ko.

Idiniin niya ang mga palad niya sa likod ko kaya mas lalo pa akong napahilig sa kanya. Bigla siyang gumalaw ng may rhythm. Hinaplos ko ang dibdib niya, pababa ng abs niya. Ang yummy kahit may t-shirt pa, ah!

Mas lalo akong nalasing sa halik niya nang naramdaman ko ang isang kamay niyang nasa leeg ko at mas lalong lumalakas ang rhythm ng paggalaw niya. Shiz! Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ba ang sarili ko. Ganito pa la yun? Gusto kong pigilan pero nanghihina ako. Para bang hinihigop ng halik niya ang lakas ko.

“Reina, mahal na mahal kita. Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal ng ganito.”

Dumilat ako at nakita kong nakadilat din siya.

“Buong akala ko pangarap sa buhay lang ang inspirasyon ko, hindi ko alam na ikaw pala ang magiging dahilan kung bakit ako magkakaganito.”

Napalunok ako sa sinabi niya. Pumikit siya at hinalikan ulit ako. Ngayon, sa leeg naman. Dahan-dahan. Pabitin siya nang pabitin. Nakakalasing. Nakakawala sa sarili. Napapikit ako at dinamdam yung halik niya. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa ilalim ng soot ko.

“Mahal din kita, Wade.”

“Hindi ko alam kung kaya ko pa bang magpigil.” He said in a husky voice.

“Kuya, hindi ka pala dumaan sa kalsada. Bakit daw kayo sa Waig dumaan? Pwede namang dumiretso.”

Nabigla ako sa isa pang boses na nagsalita.

“PUTANG-!” Napalingon si Wade sa lalaking nagsasalita.

Agad niyang inayos ang halos nakataas ko ng damit. Tumigil ang kalabaw kaya nakaupo ako ng maayos ng wala sa oras. Uminit ang pisngi ko. Tinawag niyang kuya si Wade? Ibig sabihin kapatid niya ito?

Sumulyap ako sa batang mukhang nasa 15 pa ang edad. Kamukhang kamukha niya si Wade. Gwapo din at seryoso ang pagmumukha. Wala nga lang siyang dimple pero mukha siyang younger version ni Wade.

“Son, anong ginagawa mo dito?” Abala si Wade sa pag aayos ng damit ko habang hindi na ako makagalaw sa kahihiyan.

Seriously? Hindi man lang nabigla yung kapatid niya sa naabutan niya. Diretso lang siyang nagsalita na para bang walang pakealam sa ginagawa naming dalawa.

Bumuntong hininga ang kapatid niya, “Sinusundo kayo.”

Tumingin si Wade sakin. Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang nahuli kami. Pero bakit iba yung reaksyon niya ngayon? Noong nahuli ko sila ni Zoey sa CR, wala lang sa kanya. Pero ngayong kami naman ang nahuli, halos mamutla siya sa kaba.

Tahimik ang kapatid ni Wade. Malapit na pala kami sa bahay nila sa mga sandaling iyon. At tama ang kapatid niya, may kalsada naman talaga sa tapat ng bahay nila. Bakit naman kaya kami dumaan doon?

Siniko ko siya habang naglalakad kami. Tanaw ko na ang bahay nila sa ngayon.

“Bakit doon tayo dumaan?”

Umiling siya at, “Gusto kong makita mo ang ganda ng Alegria. Kaso… mukhang ako yata ang nalasing sa ganda mo.”

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ngumisi siya at lumapit sa tainga ko, “Namumula ka na naman. Inaakit mo na naman ako. Gusto mo bumyahe ulit?”

Tinulak ko siya, “Wade!”

Tumawa siya kaya lumingon ang kapatid niya samin.

Kumunot ang noo niya at pinagalitan ang kapatid.

“Bilisan mo nga ang paglalakad mo, Son!” Sigaw niya.

Suminghap ang kapatid niya at napatingin sakin. Nahihiya akong ngumisi.

“Hi! Uhm… Ako nga pala si Reina!” Sabi ko para hindi maging awkward.

“Reina…” Banggit ng kapatid niya.

Hindi siya agad humiwalay ng titig.

“Ako nga pala si Iverson.” Aniya.

“Son! Ate yung tawag mo sa kanya. Hindi Reina! Ano ka? Matanda?”

Umirap ang kapatid niya at tinalikuran kami. Pumulot ng mga damo at konting mga bato at putik si Wade at inihagis sa kapatid niyang walang kamalay-malay.

Siniko ko ulit.

“Wade!” Kumunot ang noo ko.

“A-Ano?”

“Wag mo ngang i-bully ang kapatid mo! Ikaw talaga! Ang hilig mong mambully! Ni ako nga binubully mo ako noon!”

“Bagay lang yan sa kanya! Kainis!”

“Ano bang ikinaiinis mo?” Tanong ko.

“Wala! Malaking baguhan!” Pagsusuplado niya sakin.

WHAT THE FREAKING SHIZ? Anong problema at kanina pa siya sa ‘baguhan’ niyang yan, ah?

“Bilisan mo na ang paglalakad riyan, Son! Naiinip na si Ate Reina mo-” Natigil si Wade sa pagsasalita dahil sa pagsiko ko.

“Ano?” Inis niyang sinabi sakin.

Umiling na lang ako.

Ilang sandali ang nakalipas ay nasa harap na kami ng pintuan ng Rivas family. Dalawang palapag ang bahay nina Wade. Kulay flesh ito at malinis. Hindi nga lang kasing laki ng bahay namin pero maganda na rin. First time ko sigurong makapunta sa isang ganito ka simpleng bahay.

Dinalaw agad ako ng kaba nang nakita ko ang mga pictures sa frame. Dalawa lang silang magkapatid. Nakita ko sa picture ang mama niyang mukhang stricta at ang papa niyang sobrang gwapo. May pinagmanahan talaga.

“Ma, andito na po si Reina.” Tawag ni Wade sa kusina. “Umupo ka muna.” Aniya sabay turo sa sofa.

Hindi ako makaupo sa sobrang kaba. Nauna pa namang pumasok si Iverson samin, baka binanggit niya sa mama ni Wade ang nangyari!

“Ganun ba?” Napatalon ako nang narinig ko ang malamig na boses ng mama ni Wade.

Bumulagta siya sa harapan ko. Hindi siya nakangisi. Talagang tinignan niya lang ako ng mabuti.

“Ma, eto nga pala si Reina. Ang girlfriend ko.”

Tumaas ang kilay ng mama niya sakin bago bumaling kay Wade, “Pasensya ka na hija, ah pero nang umalis si Wade dito, ang alam ko hindi siya nag gi-girlfriend kaya tatanungin ko lang siya, totohanan na ba ito, Wade?”

Napatingin ako kay Wade na nakangiti namang nakatingin sa mama niya.

“Ma, lagpas ulo kaya nalunod ako. Diretso sa puso ang pagkakayanig ko dito. Alam mong di pa ako kailanman nagdala ng babae dito pero marami ka nang naririnig. Pero eto lang ang totoo dahil nanggaling mismo sa bibig ko.”

Nakangisi, nakataas ang kilay na tumango ang mama niya kay Wade.


[xyz-ips snippet=”xyz-post-navigation”]

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

error: Content is protected !!
%d bloggers like this: